Chapter Fifteen

Jungkook's POV


I was introduced to the children, behave naman ang mga bata dito and they are easy to deal with, medyo matagal lang patahanin ang isa sa kanila.


"Teacher, Jeon." Napukaw naman ng pansin ko ang isang batang hinihila pababa ang shirt ko. I crouched down and stared at her, smiling.


"Wanna poop." Nagulat naman ako sa sinabi niya, tumayo ako at tinignan ang mga co-teachers ko, they are busy with the other children.


Natataranta ako sa kung anong gagawin ko. I don't know what to do. Napansin naman ng isang teacher na aligaga ako.


"Anong problema, Mr. Jeon?" It was Sowon, tinuro ko naman ang batang nasa harapan ko.


"She wants to poop." Sagot ko, narinig ko naman silang tumawa. Nilapitan ako ni Sowon, "I got this, pero sa susunod, ikaw na ta-trabaho nito ha." Aniya, I shyly chuckle and scratch the back of my neck. I have experienced with a baby but not a kid, who's four or five years old, kaya parang mahihirapan ata akong mag-adjust.


Iniwas ko ang tingin ko at sakto napatingin ako sa direction niya. He was looking at me and the second our eyes met, iniwas niya ang tingin na parang walang nangyari. Hindi ko inalis ang tingin ko at pinagmasdan lang ito.


Siguro ay napansin niyang nakatitig parin ako kaya umalis ito at pumasok sa isang room agad naman siyang sinundan ng dalawang bata. Napansin kong wala na sa tabi ko ang dalawa, I may have stared too long at di na napansin ang pag-alis nila. Nakita ko naman ang isang bata na may hawak-hawak na libro, nakaupo ito sa sahig habang nakaharap sakanyang mini table at halatang inaantok na.


At nang mapansin kong babagsak na ito na sa sahig ay agad ko itong nilapitan at sinalo. Napansin naman 'yon ni Umji, ngumiti ito sakanyang nakita.


"She dozes off to sleep again after pretending to read," Patawa niyang sambit, "Please bring her to that room, Mr. Jeon." Itinuro naman niya ang isang kwarto kung saan ko nakitang pumasok si Jimin-hyung.


Tumango naman ako, binuhat ko ng maigi ang bata at ipinasok sa loob ng kwartong iyon. There, I only stood. Nakaharap ang kanyang likod saakin, he was putting the kids to sleep. He pulled the blanket over them, agad ko naman nakita na may space sa katabi ng batang pinapatulog niya kaya agad akong naglakad papunta doon.


Tumabi ako sakanya habang karga-karga ang bata. Inilapag ko ang bata duon. Tinignan ko ang loob ng kwarto and there was only a single cabinet, siguro ay duon nakalagay ang mga blankets kaya tumayo ako para kumuha ng kumot pero bigla niyang kumutan si Hani, now the three kids were sharing a single a blanket.


"Thank you." Mahina kong sambit, I don't know if he heard me just right. I wet my lips, gusto ko itong kausapin though it's not clear kung papaano ko sisimulan. I bit my lower lip, this is not the right time, paalala ko sarili ko.


Umatras ako at inalis ang tingin sakanya. Aalis na dapat ako pero naunahan niya ako. Nakaharap ako ngayon sa pintuan kung saan siya nanggaling, my heart beat speed up nang bigla itong bumukas.


Then I saw Jungwon, bigla naman akong na-disappoint sa nakita ko. Sumenyas ito na lumabas ako agad naman akong tumango at agad ding lumabas. Sinarado ko ang pintuan at humarap sakanya.


"It's Jimin-hyung's hyung shift para gumawa ng snacks ng mga bata. Tulungan mo muna siya." Jungwon suggested, wiggling her eyebrows. Napangiti naman ako sa sinabi niyang 'yon at tumango agad.


"Hyung..." Napatigil naman ako sa pagtawag niya saakin kaya naman agad akong napalingon sakanya.


"Kukunin ko bayad mo before your shift ends." Napatawa naman ako sa sinabi niya saakin, pambihira 'tong batang 'to. Naalala ko bigla na hindi ko alam kung saan banda ng kitchen.


"Ah, I forgot to ask where the Kitchen is?"


"Just go straight."


Nang makapasok ako sa loob ng kitchen napansin kong nag mimix ito sa isang bowl. I figured gumagawa ito ng cookies. Isinuot ko ang apron na nakita kong naka-hang sa gilid at lumapit sakanya. Kinakabahan akong lapitan ito, pero dinedma ko 'yon.


Nakita ko naman ang pinapanuod niyang youtube video, he was watching the butter cookies tutorial and at the end of the video the vlogger was making a bear shape cookie. Inilagay niya na ang dough sa loob ng piping bag. Nasa tabi niya lang ako habang pinapanuod ito. Naka ready na ang kanyang melted white and dark chocolate para sa pagd-drawing niya ng mga mata at ilong nito.


He succeeded with the shaped bear but for the eyes and nose of the bear, instead of an image of bear nagmukha itong daga and I may be let out a small chuckle. Napahinto ito sakanyang ginagawa.


Tumikhim ako, "Let me do it." I offered. Binitawan niya ang piping bag at lumayo. Sinundan ko ito ng tingin at nakita ko siyang dumeretso sa sink para maghugas. I smiled a little, akala ko kasi ay iiwanan niya ako.


Ako ang tumapos sa ginawa niya, nilapitan niya ako ng mapansin niyang tapos na ako. I moved away at hinayaan itong tapusin ang pagbe-bake. Napansin ko ang pagiging conscious niya sa presensya ko kaya nagpaalam rin ako na umalis.


Natapos na ang snack time and after that uwian na rin, lahat ng mga bata ay sinundo na ng kanilang mga magulang. Hinintay kong makalabas ng daycare si Jimin-hyung, sinadya kong maunang lumabas ng lobby. Panay rin ang tingin ng security guard saakin pero tinatanguhan ko lang ito. Siguro ay nagtataka ito sa kinikilos ko, hindi ko alam kung na-orient na ba ito ni Jungwon na isa na akong staff dito sa daycare.


My face lights up nang makita ko itong lumabas ng glass door. Agad ko siyang sinundan, pansin niya rin siguro ang pagsunod kong 'yon. Katulad ng nangyari kagabi, wala naman itong pakialam sa pagsunod ko sakanya.


That's what I thought dahil ilang minuto ang nakalipas ay bigla siyang huminto. Agad rin akong napahinto. Nasa tabi kame ng kalsada at wala namang intersection kaya in-assume ko agad na ako ang dahilan ng paghinto niyang 'yon. Biglang humangin sa paligid namin at ang tunog ng mga tuyong dahon na natatangay ng hangin ang naririnig ko ngayon. Kinabahan ako bigla, mabilis ang bawat pintig ng puso ko. I was looking at him expectantly.


"Did you mourn for me?" Basag niya sa katahimikan naming dalawa. My eyes widened in surprise ng marinig ko ang boses niyang 'yon, at ang mas nakapukaw ng atensyon ko ay ang mga salitang binitawan niya. Naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko nang unti-unti kong naintindihan ang gusto niyang ipahiwatig.


Halos mabingi ako sa sinabi niyang 'yon.


He knew...


"Just when I thought everyone assumed I was dead, you showed yourself unexpectedly." He said in a cold tone, I couldn't bring myself to utter a word out of shock. Nanatili akong nakatayo habang dinadamdam ang pagkirot ng puso ko sa rebelasyon na naririnig ko ngayon.


"Don't apologize, it wouldn't mean anything to me anyway. Di mo dapat sinasayang 'yung oras mo para sa ganitong bagay." Saad niya.


Wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang mga sinabi niya at nanatiling tahimik kahit na sa puntong 'yon alam kong hinihintay niya ang sasabihin ko.


Nakatanaw lang ako sakanya habang naglalakad ito palayo saakin. Sobrang sakit, ngunit dapat lang.


Pinili kong hindi ito sundan at naglakad sa ibang direksyon. Humihikbi habang naglalakad na walang destinasyon sa isip. Kahit saan, hanggang sa maramdaman ko 'yung pagod at kusang huminto.


"Did you mourn for me?"



Napatakip ako ng bibig, preventing myself from letting a sound as the question repeat itself inside my head.


***


Narinig ko ang paghinto ng kanyang mga paa, inangat ko ang ulo ko at tinignan ito, nakaupo ako ngayon sa tabi ng kanyang pintuan, a can of alcohol in my hand. I looked wasted, I know.


Iniwas niya ang tingin saakin at dumeretso para buksan ang kanyang pintuan, I inhaled sharply, "I did..." I mumbled, tumigil siya sakanyang ginagawa. "You asked if I mourned for your death, yes I did." I chuckle and sips another drink.


"It was just exactly like this, nakaupo't nakatingin sa larawan mo." I said as I stared at the white walls in front of me, "It doesn't matter if its daylight or if its night, o kahit buong araw nandun ako, kase, sa paraang 'yun, nakakasama kita. I felt helpless, I even wanted to end myself." Nanginginig ang boses ko habang sinasabi sakanya 'yon, bigla akong natawa sa sarili ko, hindi ko alam kung bakit sinasabi ko ito sakanya. Dahil ba gusto kong kaawan niya ako o ipakita sakanya na hindi lang siya ang nakadama ng pagdurusa sa aming dalawa?


Narinig ko naman ang pagbagsak ng pintuan, pinagtawanan ko ulit ang sarili ko, hanggang sa napalitan iyon ng hikbi. I am a mess, I know. Gusto ko namang pahintuin 'yung sakit na nararamdaman ko kahit isang segundo lang pero putangina kahit 'yun hindi ko magawa.


I wanted to keep the pain and deal it myself but at the same time gusto kong isigaw at ipamukha sakanya. Tumayo ako at kumatok sakanyang pintuan, I can no longer control myself, kahit na sinasabi ng isip ko na dapat na akong umalis pero tinatraydor ako ng katawan ko. Sa sobrang inis ko ay binato ko 'yung can sa harap ng pintuan niya at hinawakan ang doorknob, twisting it with the intention of breaking it.


"Jimin-hyung, let's talk." Paulit-ulit na lumalabas sa mga labi ko. Palakas ng palakas ang bawat katok ko.


The door swung opened and he didn't bother hiding his emotions, dahil sa unang pagkakataon ay nakakuha ako ng reaksyon mula sakanya. Subalit bago pa ito makapagsalita ay tinulak ko siya papasok sa loob. Sinarado ko ang pintuan ng sobrang lakas at hinarap siya.


"Don't be like this, Hyung." I said habang dinuduro ito, "Hindi lang naman ikaw," Paninimula ko at alam kong dama rin niya yung sakit sa bawat pagbigkas ko ng mga salitang 'yon.


"Hindi lang ikaw 'yung nasaktan sa desisyon na ginawa kong 'yun! Nagdusa rin naman ako!" Sigaw ko sakanya. Alam kong maling-mali ang sumbatan siya dahil wala akong karapatan pero di ko na ma-control ang sarili ko.


"Ah, So you're saying both of us got hurt and that make us equal? Ganun ba 'yun?" Jimin questioned, lumapit si Jimin saakin at hinamon ako ang tingin.


"If that's makes you feel better, fine." Jimin bits back and his voice wavers, his eyes were all hurt too, my face softens, he hasn't completely healed yet, isn't he? "Now, get out." Gesturing me to leave, nilamon ako ng kunsensya ko at ngayon ay parang natauhan sa mga actions ko.


"Fucking get out," Pinaharap niya ako sa pintuan at itinulak para makalayo sakanya but I faces him again. "Get the fuck out!" Sigaw nito ngunit hindi ko siya pinakinggan. Jimin pushes me away, as twice as hard, until I hit my back against the door. I didn't move, only taking his hit.


Hanggang sa narinig ko ang mahihinang hikbi nito, I felt another wave of pain in my chest, new tears rolls down freely in my face. Inangat niya ang mga mata niya at dinuro niya ang dibdib ko.


"Ako 'yung iniwan at naghintay, anong karapatan mong ikumpara 'yon sa sakit na nararamdaman mo?" Jimin-hyung questioned me, pain lingers in his voice.


"Hinintay kita," Jimin whispered in tears, "Hinintay kong balikan mo ako, kahit na ni minsan di mo man lang ako naisipang tawagan o kahit i-text man lang, ilang araw ang lumipas kahit dumating sa punto na di ko na mabilang, till it turned months, NAGHINTAY AKO, Jungkook!" We're both in tears, we're both hurting. Ang buong akala ko ay tinalikuran na niya 'yung sakit na ibinigay ko sakanya pero hindi parin pala, dala-dala niya parin hanggang ngayon.



"Tinanggap ko 'yung responsibilidad mo sa anak mo, there's no child who would want their parents to abandon them. I know because I've been there, I experience that myself. I respected that decision pero sobrang unfair mo, Jungkook."


"Pinabayaan mo akong lokohin ang sarili ko ng paulit-ulit. Hindi mo man lang inisip na sabihan ako, ipaalam saakin 'yung desisyon mong 'yun. Na kasabay nung responsibilidad na 'yon ay ang pagpapakasal mo kay Dabi." Jimin-hyung looked away, biting back his sobs.


"Tinalikuran mo ako ng ganun-ganun na lang. Pinili mong kalimutan ako kahit na alam mong hinihintay parin kita. Pinamukha mo saakin na lahat ng pinakita mong pagmamahal ay hindi totoo! You don't really love me that's why you left even when you knew yourself I would take my own life!" At pakiramdam ko ay para akong sinampal sa huling sinabi niyang 'yon, I shook my head, nagmamakaawa na sana paniwalaan ako na hindi totoo 'yon. Pinanghawakan ko 'yung pangako niya saakin.


"That's not—"


"That's what I felt! Yan yung pinaramdam mo saakin, Jungkook! Even if you mourned for my fake death, even if you take your own life, kulang na kulang pa 'yon sa pinaranas mo saaking sakit!" Jimin spat while looking at me with disgust. Wala na akong nagawa kundi tanggapin lahat ng 'yon. Ang tanging gusto ko na lang ay hawakan ito at punasan ang mga luha niyang tumutulo sa mga pisngi niya at humingi ng kapatawaran.


I swallowed the lump in my throat, took a step closer at ikinulong ang mukha niya sa mga kamay ko. He flinches and stared at me confused, he didn't move, he was only staring at me eyes full of tears.



"Even if it's useless, still, I'm sorry. I'm really sorry." I thumbed his tears away, "I'm sorry for causing you pain, for ruining your life, for leaving..." I pause as a sob left past my lips, "for everything." I added, I gave him a small smile.


"...and thank you for staying strong despite all that." Inalis ko ang pagkakahawak sakanya at tuluyan ng tumalikod at umalis sa harapan niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top