Chapter Two - Meeting him

Tama nga ang kutob ko. Si Brian ang isa sa mga foreigners na nakita ko kagabi. Pero sino ang kasama niya? Kapatid? Pinsan? Kaibigan?  Nakakaintriga.

"Manang Laura, sino yong guy na yon? May edad na pero may hitsura. Mukhang dininig ng Diyos ang panalangin mo, a. Bagay kayo," panunukso ni Mariz at humagikhik pa ito.

"Tumahimik ka nga. Nagsasalita na ang pari e," saway ko sa kanya.  Pero sa loob-loob ko ay nagta-tumbling na ang puso ko sa kilig.  Lihim akong natuwa sa komento ng bruha. 

"Ang alam ko, walang kapatid si Brian. Kasi naghiwalay daw ang parents niya nang beybi pa lang siya. Half-pinoy pala yan.  Ayan ang mommy o," at inginuso pa ang mestisahing babae na katabi ni Alex.

"Pwede ba, mamaya na lang yan? Kanina ka pa," saway ko ulit.  Nahihiya na ako sa mga katabi namin. Mga kamag-anakan din sila ni Alex pero sa father's side niya.

Nilingon kami ni Manang Tisay, ang pinakamatanda naming kasama. Tumahimik daw kami dahil dinig na dinig nila sa unahan ang pinagbubulungan namin. Ako ang humingi ng dispensa sa kanya.  Pinandilatan ko si Mariz para tumigil na sa kadadada.  Tumahimik naman ito saglit pero mayamaya ng konti ay siniko ako.

"Nakatingin siya dito sa atin," bulong niya. "Feeling ko ikaw ang tinitingnan," anas uli nito at napahagikhik na naman.  Siniko ko rin siya at sinabihang tumahimik uli. Pero napatingin din ako sa lalaki. At nagtama na naman ang paningin namin. Nakita ko siyang ngumiti. Napayuko ako. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya.

"Kunwari pa ang isa diyan. Kinikilig naman," nakatawang sabi na naman ni Mariz. Tumahimik na lang ito bigla nang lingunin at pinandilatan ni Manang Tisay. Binelatan ko siya.  Sinimangutan naman niya si Manang nang tumalikod na ito sa amin.  Tinulisan pa ng nguso.

Nang tapos na ang seremonya, kinuhanan na ng larawan ang mag-anak. Si Alex, ang asawa nito at ang dalawa nilang supling. Pagkatapos nun, sinabihan ang magulang ng bawat isa na sumali na rin.  At na-shocked ako nang makitang tumayo ang lalaki at tumabi kay Brian. Kasama nito ang mestisahing babae na sinasabi ni Mariz kaninang mommy ng huli.

"Oh my!" naibulalas ni Mariz.  "Siya ang dad?" tumingin pa siya sa akin for confirmation.  As if naman, alam ko. "Siya nga ang dad!"

Bigla akong nanlumo. Ang tsinismis kasi sa akin kanina ng madaldal kong pinsan, heart-wrenching ang love story ng mga magulang ni Brian. Sobrang nagmahal ang kanyang ama sa ina only to be left for another guy. Ang hindi namin alam, yong guy na kanina pa nakapukaw ng interes namin ay ang dad na na pala ni Brian na sobra naming kinaawaan.

"Okay lang yan. Hiwalay na naman sila, e."

Sinimangutan ko si Mariz. "Ano ka ba? Hindi ka ba titigil?"

"You're obvious, Manang. Bigla ka na lang nalungkot nang malaman mong dad pala siya ni Brian," nakangisi nitong bulong sa akin. 

"Of course not!" sagot ko agad. Sobrang defensive.

Dahil abala kami sa kakadaldal ni Mariz, hindi agad namin narinig na tinatawag na pala ang relatives ni Alex from Vigan para magpakuha din ng pictures sa kanilang mag-anak. Nang maunawaan namin ang sinasabi ng organizer na nagpakilalang Kelly, younger sister daw ni Brian sa ina, hinatak na ako agad ng maharot kong pinsan para pumuwesto sa tabi ni Alex. Ni hindi na nga naalala ang kasamang binatilyong anak. Nawili na kasi sa kakaalaska sa akin.

Makaraan ang ilang sandali ay natapos din ang picture-taking. Inanunsyo ni Kelly na may munting handaan daw ang pamilya sa malapit na Max's Restaurant at imbitado ang lahat na dumalo. Hindi na namin kailangang mag-taxi papunta doon dahil may nirentahan silang van na maghahakot sa mga panauhin papunta sa venue. 

"Tita Laura sumabay na kayo ni Tita Mariz sa sasakyan namin. Maluwag naman kami dun e," paanyaya ni Alex nang dumaan sa harap namin.

Nakita kong umakyat na dun ang mga magulang ni Brian pati ang pangalawang pamilya ng kanyang ina. Alam ko na agad na di ako magiging komportable kaya tumanggi na ako sa imbitasyon ni Alex.

"Sabay-sabay na lang kami lahat dun sa van nila Manang Tisay. Huwag mo kaming alalahanin," nakangiti kong sabi sa pamangkin ko.

"Baka di po kayo kasya dun, Tita. Mas maluwag yata sa amin dahil sina Dad lang naman ang kasama namin tsaka family ni Mom," pamimilit pa ni Alex.

"Ay, okay lang. Dun na kami kina Manang Tisay," pagmamatigas ko naman at hinila ko na nga si Mariz na pumunta na kami dun sa nakatalagang van para sa mga Vigan relatives.  Hindi na nagpumilit pa si Alex. Kumaway na lang sa amin habang karga-karga niya si Nathan.

"Pambihira ka talaga. Tsansa mo nang makilala ang Prince Charming mo, umarte-arte ka pa. Tinedyer lang ang peg?"

"Alangan namang makipagsiksikan tayo dun sa kanila. Immediate family lang yon, e."

"Ang sabihin mo, ayaw mo lang makatabi ang karibal.  Nagselos ka naman agad."

"Kanina ka pa dyan, a! Tumigil ka na nga. Nakakabanas ka na," asik ko sa kanya.

Nang sumilip kami sa loob ng van, nakita naming halos wala nang espasyo. Napagsabihan nga kami ni Manang Tisay. Sasakay din daw pala kami kung bakit nag-iinarte pa kami kanina. Hayan tuloy daw nakisingit ang ibang relatives na di taga-Vigan.

"Itong si Manang Tisay talaga kahit kelan, bruha," bulong sa akin ni Mariz.  "Hindi porke hindi nakakaintindi ng Ilokano itong mga Cebuanong to ay harap-harapan niyang pagtsismisan. Parang hindi siya nanggaling ng simbahan."

Napangiti ako dun.  Talagang ganun si Manang e. Pinaglihi kay Ms. Minchin (grumpy character in Princess Sara). 

Umisod-isod ang mga nakaupo na pero talagang hindi kakasya kahit isang tao lang. Umupo na nga si Caloy sa sahig para magkaroon ng espasyo pero talagang hindi kami kakasya ni Mariz. Wala kaming nagawa kundi maghanap pa ng ibang van. Ganun din halos ang sitwasyon. Puno na rin. Sinisi tuloy ako ng pinsan ko. Ang ending namin, nagtaxi na lang kami papuntang venue. Galit na galit ang bruha.

"Aarte-arte kasi. Niyayaya na kanina, aayaw-ayaw pa," pagmamaktol pa nito.

"Ano pa ang nirereklamo mo? Ako naman ang nagbayad ng taxi," sabi ko naman. Tumulis lang ang nguso nito sa inis.

Nag-uumpisa na ang programa nang dumating kami. Katatapos lang magbigay ni Brian ng speech. Nagpapalakpakan na ang mga bisita. Mukhang tuwang-tuwa. Naintriga tuloy kami kung ano ang mga pinagsasabi niya dahil tila enjoy na enjoy ang mga tao. Lalo tuloy nainis sa akin si Mariz.

Pag-upo na pag-upo namin, pinagsasalita na ni Kelly si Alex. Siya naman daw ang magbigay ng speech para sa lahat. Umayaw-ayaw pa sana ito. Parang nahihiya sana ito pero napilit din ng hipag. Habang kandong si Elise, ang baby girl, kumanta si Alex ng A Mother's Prayer (Hannah's Song).  Natahimik ang lahat. In fairness, may talent talaga itong pamangkin ko sa singing. Sana magmana ang mga anak niya sa kanya.  Marami ang naantig ang damdamin sa rendition niya ng kanta. Pati ako'y nagpahid din ng luha. Ang galing!  Masigabong palakpakan ang binigay namin kay Alex nanag matapos siyang kumanta.

"That was pretty awesome!" maarteng komento naman ni Kelly. Next time daw ay ang kuya naman niya ang papakantahin niya. Natawa lang si Brian.

Pagkatapos kumanta ni Alex, binasbasan na ng pari ang mga pagkain at nag-umpisa na kaming mag-lunch. Kinablit na naman ako ng intrigera kong pinsan.

"Look to your left. Nakatingin siya sa yo," anas nito sa akin. Tila naglaho na ang inis. Hindi ko siya pinansin. Tiniis ko ang curiosity na tumingin din sa sinasabi nito. Alam ko na kasi kung ano yon. And it makes my heart skip a bit. Gusto ko nang kurutin ang sarili ko dahil nagmimistula na akong school girl na di mapakali.  Aware kasi na nakatingin ang crush niya.

"Naks, feeling sixteen years old. Kunwari-kunwarian walang interes, pero tumatambling na ang puso," at tumawa ito. Nang-usyuso na rin tuloy ang iba naming kasama.

"Wala. Sekreto lang namin ni Manang Laura," nakangising sagot sa kanila ni Mariz. Lihim akong nagpasalamat at di naman ako binisto ng loka.

Nang matapos ang salu-salo, kanya-kanya na kaming lapit kay Alex para magpaalam na bumalik na ng hotel. Pinauna namin ni Mariz sila Manang Tisay and the rest of the group. Nahuli kaming tatlo kasama si Caloy.

Nahiya pa sana akong lumapit sa pamangkin namin dahil nandun pa ang lalaki sa table nila. Kausap ang papa ni Alex. Pero pinagtulakan ako ng bwisit na mag-ina. Kaya wala din akong nagawa.

"Salamat sa pag-imbita sa amin," nahihiya kong sabi at nagbeso-beso kami. Tumango lang ako kay Manong, ang papa niya. Iniwasan kong tumingin sa kausap nito. Pero naramdaman ko pa rin ang mga titig niya sa akin. Tatalikod na sana ako para umalis na nang tinawag akong muli ni Alex.

"Tita, saglit lang po," sabi niya.  "May ipapakilala lang po ako sa yo," nakangiti nitong sabi at hinawakan ako sa kamay. Bigla akong pinagpawisan. Sana hindi napansin ni Alex ang panlalamig ng kamay ko. Dios ko, Laura.  Huwag kang magkalat. Nakakahiya.

From the corner of my eye, nakita kong nakangisi ang mag-ina sa tabi.  Tiyak hindi na nila ako tatantanan mamaya.

"I'd like you to meet my husband, Brian. Bry this is my Aunt Laura," pagpapakilala sa amin ni Alex. Medyo nanlumo ako. Hindi ko lang pinahalata. Ang akala ko kasi kung sino na ang ipapakilala niya sa akin. Asawa niya lang pala. 

Tumayo si Brian at humalik sa pisngi ko. Ngumiti naman ako sa kanya. Nang tatalikod na naman sana ako, pinigilan na naman ako ni Alex.  Pinaharap niya ako dun sa lalaki. Dios ko! Hindi ba niya alam na hindi ko kayang tumayo sa harapan ng lalaking ito? Nanlalambot ang tuhod ko!

"Dad, this is my Aunt Laura. She's my Mom's cousin from Vigan. Tita, this is Dad."

Tumayo din ang lalaki at nakipagkamay sa akin. Ang tangkad niya!  Konti lang ang nilampas ko sa balikat niya gayong nakasuot ako ng four-inch stilleto.

"Hi Laura. It's nice to meet you. Please call me Phil," at ngumiti siya sa akin.

"H-Hi P-Phil. It's nice to meet y-you, too," ninenerbyos kong sagot.  Sana hindi niya napansin ang panlalamig ng kamay ko. At sana bitawan na niya ang kamay ko. Nakakahiya sa mga tao sa paligid.

Hindi ko alam kung papano ako naka-survive sa paghaharap naming yon ni Phil. Grabe kasi ang dagundong ng dibdib ko. Parang sasabog sa kaba. Pinagpawisan pa ako. Hay. Para na naman akong high school girl. Nainis ako sa sarili ko.

Dahil nakatunganga sa tabi ang mag-ina, hinila din sila ni Alex at pinakilala kina Brian at Phil. Dahil likas na madaldal, nagkuwento agad si Mariz na nagkakilala na raw sila sa kasal nito noong Abril. Pumunta din daw kasi siya. Nagkamot sa ulo si Brian na parang nahihiya. Pasensya na raw kung hindi siya naalala. Marami lang daw kasi siyang na-meet na relatives noong araw na yon.

"No worries," nakangiti kaagad na sagot ni Mariz. Tsitsika-tsika pa sana ito sa mag-ama pero palihim ko siyang sinenyasan na umalis na kami. Ngingiti-ngiti ang sa amin si Caloy.

Nang paalis na kami, tumayo si Phil at sinabayan kami hanggang sa pintuan ng Max's. Nakita ko ang malawak na ngiti ng mag-ina.

"It's really nice meeting you, guys," nakangiti uli nitong sabi sa amin nang nagpapaalam na kaming tatlo na aalis na. "Uhm, do you have a phone number?" biglang tanong nito sa akin. Hindi agad ako nakapagsalita. Hindi ko kasi inaasahan na ganun siya ka prangka. Si Mariz na ang sumagot.

"Of course. Here's her number," at dinikta na kay Phil ang numero. Nang inulit-ulit nito ang numero para kompirmahin, binigay pa ng lokaret sa lalaki ang cell phone niya na may contact details ko. Lihim ko siyang pinandilatan pero tinalikuran niya ako. Ngingisi-ngisi lang sa tabi si Caloy.

"I'll call you later," matamis na paalam ni Phil. Wala sa sariling napatango lang ako.

Nang nakalabas na kami ng Max's, halos sabay na napasigaw ang mag-ina. Tawa sila ng tawa habang pinamumulahan ako ng pisngi. Sinimangutan ko sila. Pero hindi na magkamayaw ang mga bubuyog sa tenga ko sa paghaharutan. Ang iingay din nila. Grabe!

A/N:  Check Aunt laura's photo!  :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top