Chapter Three - Dinner
Hindi na ako tinantanan nang mag-ina hanggang sa makarating kami ng hotel. Nalaman din tuloy ng iba naming mga kamag-anak ang tungkol sa paghingi ni Phil ng number ko. Karamihan sa kanila ay natuwa para sa akin. Pero ang mga matatanda ay nagduda agad. Huwag daw akong padalus-dalos at foreigner daw yong guy. Mahirap na. Baka mamaya raw ay gawin lang pala akong personal maid o di kaya ay ipambugaw ako sa mga kaibigan at kakilala para pagkuwartahan.
Napailing-iling ako sa kanila. Pambihira naman. Tatay kaya yon ni Brian. Kahit papano, mayroon naman siguro yong pagpapahalaga sa pamilya ng anak niya. Kung may gagawing masama sa akin hindi na yon siguro palalampasin ni Alex dahil pamangkin ko siya.
Kunwari'y napatirik ng mga mata si Mariz. Nang tumalikod na si Manag Tisay, ang nangunguna sa pagkontra kay Phil, binelatan ito ng lokaret kong pinsan.
"Palibhasa nalipasan na ng panahon kaya bitter. O, hayan. Nakita mo na? Kapag hindi ka pa kumilos-kilos ngayong may sumisibol na pag-asa, in a few years, you'll be as bitter as Manang Tisay."
"Loka-loka! Marinig ka ng mga loyalista niya," pabulong kong saway at kinurot ko siya ng marahan sabay nguso sa iba pa naming mga kasamahan na aali-aligid pa sa amin.
Sumimangot lang si Mariz at hinatak na ako sa cafe na malapit sa tinitigilan naming hotel. Si Caloy naman ay lumabas na at nagpunta sa katapat na Internet shop.
Hindi pa kami nakakaorder ng kape, tumunog na agad ang cell phone ko. Nang kunin ko ito sa bag, nakita ko ang unregistered number. Kinabahan ako agad. Dios ko! Ito na! Napatitig lang ako sa telepono for like ages. Tinadyakan na ni Mariz ang binti ko sa ilalim ng mesa. Ano pa raw ba ang hinihintay ko? Semana santa? Sagutin ko na raw.
Nanginginig ang kamay na pinindot ko ang answer button. Ganun na lamang ang nerbyos ko nang marinig ko ang pamilyar na British accent na bumabati ng "hello."
Tumalikod ako kay Mariz. Lalo lamang akong kinakabahan sa mga pakindat-kindat at ngisi niya. Mas kinikilig pa siya sa akin.
"It's good to hear your voice again," narinig kong sabi ni Phil sa kabilang linya. Tumawa pa ito nang mahina. Na ikina-excite ko naman. May kakaibang dating ang tawa niya sa akin. Para akong kinikiliti. Nag-init nga agad ang mukha ko. At di ako nakasagot. Kaya ay tinanong ako kung nasa linya pa ako.
"Yeah. I'm still here," nahihiya ko namang sagot.
"Uhm, I'm wondering if you're free tonight? I was thinking of ---- if it's all right with you, I'd like to take you to dinner," sabi nito. Parang kinakabahan din ang boses niya. Or was I imagining it?
"Oh. Let me check with my cousin for our plans tonight," sagot ko naman at nilayo sandali ang cell phone sa bunganga ko. Actually, alibi ko lang yon. Ang totoo gusto kong sumigaw sa kilig. Pinagpawisan nga ako agad kahit na full blast ang aircon sa loob ng cafe.
"O ano na?" untag sa akin ni Mariz. Excited.
"Iniimbita niya akong mag-dinner daw kami mamaya. Ano'ng sasabihin ko?"
"Susko! Di sabihin mo go! Kamo excited ka nang makita siya uli," nakangisi namang sagot ni Mariz. Kunwari sinimangutan ko siya. Tumalikod ako uli at sinagot na naman si Phil.
"Uhm, o-okay."
Narinig ko uli ang tawa niya sa kabilang linya. Kinikilig din kaya siya?
"I'll pick you up at seven tonight. Will that be okay with you?"
"N-no problem. My hotel is in -----"
"I know. I was there last night, remember? I saw you. You can wait for me in the lobby. See you then."
"Okay. See you," sagot ko naman. At napangiti. Naibalik ko na ang cell phone sa bag ko pero hindi pa rin maalis-alis ang ngiti sa labi ko. Pakiramdam ko parang nagdadalaga uli ako. Narinig kong napabunghalit ng tawa si Mariz. Nun lang ako humarap uli sa kanya. Tinukod ko ang dalawang siko sa mesa at nilagay ang mukha sa dalawa kong palad. Mainit pa rin ang pisngi ko.
"Nagdadalaga lang ang peg?"
Napapikit ako. Gusto kong tumili ng tumili. Tinawanan uli ako ng loka-loka kong pinsan.
*************************
Alas singko pa lang ng hapon, naligo na ako at nag-ayos. Tinulungan pa ako ni Mariz sa pagpili kung ano ang isusuot ko. Ang gusto ko sana yong asul kong bestida na lampas tuhod. May mahabang manggas yon at malambot sa katawan.
"Pansimba lang yan, te. Di bagay sa dinner date nyo ni Papa Phil," komento ng bruha. "Wala ka na bang ibang dress na hindi pang-retreat o pang recollection?"
Sinimangutan ko na naman siya. Inokray-okray pa ang mga damit ko. "Ano namang deperensya nitong kulay asul ko? Maganda naman siya, a."
"Oo. Pang-simba. Saglit nga at titingnan ko kung may pwede kang isuot sa mga nadala kong damit," at lumabas ito ng room ko. Pagbalik niya may dala-dala na itong tatlong pagpipilian ko. Ang isa ay kulay puti na sleeveless dress. Halos hanggang middle thigh lang ang haba nito. Simple lang ang tabas pero may kasamang black belt na pinaka-accesory niya. Napakunot-noo kaagad ako nang makita kung gaano siya kaikli. Yon ang pinapasuot niya sana sa akin.
"Ayoko nga! Para naman akong nakabilad niyan. Baka isipin nung tao, inaakit ko siya."
"Ay, hindi ba?" biro nito sa akin. Tiningnan ko siya nang masama. Tumawa lang ang lokaret. Ang sunod niyang nirekomenda ay ang kulay pula niyang dress. Mahaba-haba ito ng konti pero plunging neckline naman. "Maganda to sa gabi. Believe me, pag nakita ka niya wearing this siguradong yayayain ka kaagad magpakasal," at tumawa uli ito.
"Wala ka na bang ibang damit na hindi mahalay? Pambihira ka naman. Parang hindi ka nanay sa mga pinagsusuot mo."
"Ano namang deperensya sa mga damit ko? Sanay ka lang kasi na pang-nobisyada yang mga pinagsusuot mo. Hayan tuloy, napaglipasan ka na ng panahon."
Sa bandang huli, napapayag niya ako sa sleeveless mint green niyang damit na may manipis na kulay brown belt. Maikli pa rin ito sa karaniwan kong isinusuot pero at least lumampas naman siya ng mid-thigh at hindi siya masyadong body-hugging. Ito na ang pinamahabang damit ni Mariz. Grabe talaga ang babaeng to.
Nang sinuot ko na ang naturang dress, napalatak ang loka. Mukha daw akong twenty something lang. Kahit ako, nagustuhan ko din ang hitsura ko. Hindi ko na pinusod ang buhok. Hinayaan ko siyang nakalugay.
Eksatong alas siyete, tumawag uli si Phil para sabihing nasa baba na siya. Grabe ang kaba ko. Daig ko pa ang nagdadalaga. Ang tagal na rin kasing lumabas ako on a dinner date with someone special kaya parang naninibago na naman ako.
Humigpit ang hawak ko sa brown purse na pinahiram ni Mariz sa akin. Papano kasi ang lagkit ng tingin sa akin ni Phil nang papalapit na ako sa kanya. Na-conscious tuloy ako. Nakasuot din ito ng pormal na damit. Naka-black slacks at blue shirt na tinupi lang hanggang sa bandang siko. He really reminds me of Rob Lowe, ang isa sa mga paborito kong Hollywood celebrity. Ang guwapo pa rin niya kahit may edad na.
"You look lovely," sabi nito agad sa akin. Para naman akong kiniliti. Napangiti lang ako.
Lumabas kami ng hotel at sumakay sa nag-aabang na taxi. May alam daw siyang kainan na napuntahan na nilang mag-ama. Recommended by Alex daw yon. Masarap daw dun ang food. Tumangu-tango lang ako. Pero sa loob-loob ko nama'y hindi naman ako interesado talaga sa pagkain. Hindi naman kasi ako ang tipo na nagfo-food trip. Mas interesado ako sa kanya. Nakakahiya mang aminin.
Inalalayan niya ako pagbaba namin sa taxi. Parang nanliit ako nang pumasok na kami sa restaurant. Mukha kasing mamahalin talaga. Karamihan nga sa mga diners ay mga foreigners. Nang makaupo na kami at makita ko ang menu, muntik na akong mapa-hesusmaryosep sa presyo ng dishes nila. Kaya naman pala, konti lang ang local diners. Sobrang mahal!
"What would you like to drink?" tanong nito sa akin habang hawak-hawak ang menu. Wala akong mapili. Nagi-guilty ako sa presyo. Bandang huli, nagkasya na ako sa orange juice. Ayaw ko daw ba ng wine? Sinilip ko kung magkano. Napainom ako uli ng tubig. Susko! Parang ginto.
"I don't drink," sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya.
Hindi na ako nagkunwaring may alam sa mga ganung restoran. Sinabihan ko siyang siya na ang bahala sa oorderin namin dahil hindi ko naman alam kung ano ang masarap dun. Nag-order siya ng chicken for both of us. May kung anong sauce yon na kakaiba. Nun ko lang natikman ever. Parang may butter akong nalasahan combined with some spices. Sobrang sarap!
"Alex told me that you also have a small restaurant in your hometown," kuwento nito. Muntik na akong mabilaukan dun. Ano ba naman ang pinagsasabi ng batang yon? Anong restaurant ka dyan. Karinderya lang naman ang sa amin. Inesplika ko yon kay Phil.
"I see. Do you cook?" tanong nito.
"Sometimes. But it's usually my mother who does it. I only help help her."
Marami pa siyang naitanong pero may pakiramdam akong may gusto siyang tumbukin. Parang nananantiya lang. Hindi tuloy ako makatingin ng deretso sa kanya.
"I am not sure if Alex had told you about Brian's family - about us. I mean his mom and me. I was married to her before but she left me for another man," tumingin siya sa akin. Siguro para tingnan kung ano ang reaksyon ko. Nagkunwari akong cool lang sa binalita niya. Buti na lang at nasabi na yon sa akin ni Mariz kanina. "She has filed for an annulment a long time ago but I just ignored it. But now, I think I have a lot of reasons to go for it," at tumingi uli siya sa akin. Dios ko, Lord! Ano ba naman ito. Ngayon pa nga lang kami nagkakilala.
Hindi ako sumagot. Tumangu-tango lang ako. Tinanong niya ako kung ano naman ang kuwento ko. Kung meron daw ba akong naghihintay na nobyo sa Vigan. Hindi na ako nabigla sa kaprangkahan niya. Ganun talaga siguro sila. Prangka na kung prangka.
Umiling ako at nagsabi ng, "No. There's no one...Actually, there was no one since my fiance died. He was killed in an ambush a few days before our wedding," kuwento ko na rin.
"Oh. I'm sorry to hear that," sabi naman niya. "It must be pretty hard for you then."
"Yeah. It was very difficult," sang-ayon ko naman. And for the first time, wala nang dalang lungkot ang pangyayaring yon nang maalala ko. I have truly moved on.
Nagkuwentuhan pa kami sa mga buhay-buhay namin. And I have realized na I can talk to this guy for hours na hindi ako nabo-bore. Sa una lang ako naging uncomfortable pero nang lumaon, nakikitawa na rin ako sa kanya. Ang sarap-sarap ng feeling.
Pasado alas dies na nang umalis kami ng restaurant. Hinatid niya uli ako sa hotel. Ang akala ko hanggang dun na lang kami. Siyempre, hindi ko naman inaasahan na seseryosohin niya talaga ako dahil nun lang naman kami nagkita. Kaya nabigla ako nang sabihin niya sa akin na nag-check in na rin daw siya sa hotel.
Napakamot pa siya sa ulo na parang nahihiya nang sabihin yon sa akin.
"I'd like to know you better. I know you will be going back to your hometown soon. So I'd like to spend ore time with you while you are here," sabi niya.
Nag-init ang mukha ko pagkarinig nun. Parang sumirko-sirko ang puso ko. Napayuko ako para pagtakpan ang pamumula ng pisngi.
"It's just half past ten. Do you want to have some drinks in the bar for a while so we can talk?"
Natukso akong sumama na naman sa kanya. Pero feeling ko sobra ko nang ipinagkanulo ang sarili nun. Baka mahalata niyang atat din ako sa kanya. Kung kaya sinabihan kong ipagpabukas na lang namin dahil napagod ako sa halos buong araw na lakad, mula sa binyag hanggang sa dinner. Hindi naman siya nagpumilit.
Pagdating ko ng kuwarto, tinawagan ko agad si Mariz. Humahangos na lumipat agad ng kuwarto ko ang bruha. Kumusta daw. Nalagay ko ang mga kamay sa mukha at pinigilan ang mapatili. Ito ang sumigaw nang sumigaw. Tawa ng tawa.
"I'm so happy for you, dear cousin. Sa wakas, madidiligan ka na rin. Naku, for sure sobra ka nang tigang sa tagal ba naman ng panahong wala kang dyowa."
Napahumindig ako sa mga pinagsasabi nito. Oo nga, at di naman ako inosente sa mga bagay na yon dahil muntik na nga akong maging nanay nun kung di lang ako nakunan sa first baby sana namin ni Edmund. Pero kasi, simula nang mamatay ang nobyo ko ay binago ko na ang gawi at tinalaga ko na ang buhay sa pagsisilbi sa Panginoon kung kaya, naaalibadbaran na ako sa mga pinagsasabi ng pinsan ko.
"Pasasaan din at dyan din naman ang bagsak nyo," nakangisi pa nitong sabi.
Natigil ang bangayan namin nang tumunog ang phone. Receptionist pala ng hotel. Sinabi lang na may iiko-connect sa aking outside call. Kapwa kami nagkatinginan ni Mariz. Sino naman kaya ang tatawag sa akin nang ganoong oras?
"Oy, Alex ikaw pala," sabi ko nang mabosesan ang pamangkin namin.
"Sorry Tita, ha? Kasi gusto lang ni Brian masiguro kung nandiyan na sa hotel si Dad. Hindi kasi siya sumasagot sa phone calls niya e."
"Oo. Nandito nga siya," at kinuwento ko na nagdinner kami. Baka yon ang dahilan kung bakit di siya nasagot sa mga tawag sa kanya.
Parang na-excite sa narinig si Alex. Narinig ko siyang nagrelay ng message na yon sa asawa niya. May sinabi si Brian na ikinatawa naman niya. Di ko yon masyadong narinig.
"Okay, Tita, Thanks po," at nagpaalam na ito.
Mayamaya uli, cell phone ko na naman ang nagring. Si Phil. Tili nang tili si Mariz nang malaman kung sino ang caller. Pinalabas ko na siya nang kuwarto bago sinagot yon.
A/N: Check Aunt Laura's dinner date get up in the media. :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top