Chapter Eight - Tears

Pagdating ko sa bahay kinaumagahan, galit na galit ang mama ko. Umiiyak ito sa kunsumisyon. Kinontrol lang ang sarili nang makitang kasama ko si Phil.

"Kung kelan ka tumanda tsaka ka naman lumandi!" anas nito sa akin. "Hindi mo na inisip ang sasabihin ng mga kapitbahay natin. Nakipag-anuhan ka na sa lalaking yan na kelan mo lang nakilala."

Napangiwi ako sa mga sinasabi ng nanay ko. Buti na lang hindi na sumama sa akin sa kusina si Phil. Nanatili siya sa sala, kausap ni Papa.

"Wala naman po kaming ginawang masama ni Phil, Ma. Nawalan lang ako ng masasakyan pauwi. Tsaka hindi naman kami natulog sa iisang kuwarto lang. Ikinuha niya ako ng sarili kong silid."

"Tse! Hindi ako pinanganak kahapon. Foreigner yan, e!"

Napabuntong-hininga ako. Tila sarado na ang pag-iisip ni Mama. Ano na lang kaya ang sasabihin nito kung magtatapat na akong may balak na kaming magpakasal ni Phil? Baka tumambling na ito sa sama ng loob. Ngayon pa nga lang ay galit na.  Magpapaliwanag pa sana ako pero tinawag kami ni Papa na pumunta muna sa living room.

"Nagpropose na raw siya sa anak mo. Hinihingi niya ang kamay ni Laura," deretsahang sabi ng papa ko kay Mama nang lumapit kami. Nanlaki ang mga mata nito at napatingin pa sa akin. Napayuko naman ako. Hinampas niya ako nang marahan sa balikat.

"Ba't hindi mo sinabi? Akala ko kung naglalaro lang kayong dalawa!" at umiyak ito. Parang gusto kong magtago sa ilalim ng mesa sa kadramahan ng nanay ko. Nahiya ako kay Phil. Nagtama ang paningin namin. Ngumiti ito. Lumukso naman ang puso ko.

Natakot daw pala siya dahil inakala na gagawin lang akong bed warmer ni Phil. Ngayong nagsabi na ito na pakakasalan niya ako, tumigil na rin sa kadadada sa akin. Siya pa ang mas excited sa pagpaplano ng kasal ko.

"Your wedding should be held here in Vigan. I want a church wedding for my eldest," sabi agad niya. Napatirik ang mga mata ko. Kani-kanina lang ay galit na galit ito. Ngayon ay parang timang na tawa ng tawa sa mga jokes ni Phil.  Lokaret din pala ang mama ko.

KInahapunan, kalat na sa bayan namin na ikakasal na kami ni Phil. May ibang natuwa. May iba namang nagpahayag ng pagdududa. Baka niloloko lang daw ako ng British. Baka gusto lang daw akong ikama kaya pinangakuan ng kasal. O baka nga daw naikama na ako nito. Pambihira talaga! Ang daming pakialamera.

"Bruha, ba't di mo ko sinabihan agad?" bungad agad ni Mariz nang sagutin ko ang tawag niya.

"Tatawagan pa nga sana kita pero naunahan mo ko. Grabe naman ang balita. Nakarating agad sa yo. Ang Mama kasi, e. Kung sino-sinong pinagsabihan sa karinderya niya."

"Alam mo naman dito sa lugar natin. Once alam ng isa, alam na ng lahat yan in a few minutes."

Ang sumunod naman na tumawag ay si Sabel. Tuwang-tuwa ito. Totohanin daw niya ang pangako niya sa akin na magpapamisa kung magpapakasal na ako. Tila dininig daw ng Panginoon ang dalangin ko. Napaaga sa inaasahan ang kasal ko.

Halos walang humpay sa pag-ring ang cell phone ko. Kabi-kabila ang nagko-congratulate. Pero ang pinaka-nagpakaba sa akin ay ang tawag ni Alex. Alam ko kasing nasa paligid lang nito si Brian. Hindi ko pa nakakalimutan ang sinabi nito kagabi nang malaman na mag-aasawa uli ang ama.

"I'm so happy for you, Tita. I hope you and Dad will have a blissful life ahead of you." Narinig kong may tumikhim sa likuran niya. At narinig ko din ang pagtawa ni Alex. Parang biniro-biro pa ang asawa. Tama nga ang kutob ko. Nandiyan din si Brian sa tabi niya.

Nagsimba kami ni Phil kinahapunan. Kahit sa simbahan ay may nagko-congratulate sa amin. Tuwang-tuwa siya. Pero sinabi din sa akin na medyo nagtaka siya kung papano nalaman ng mga tao sa bayan namin. Napangiti na lang ako.

Palabas na kami ng simbahan nang mahagip ng tingin ko si Manang Tisay. Lumapit ito sa amin at bumati. Nginitian ko siya at nagpasalamat kahit na medyo naiinis ako sa kanya dahil sa mga pinagkakalat na tsismis.

"I hope tuluy-tuloy na yan, ha? Sana hindi maudlot."

Ano ba namang klaseng pagbati yon? May pasaring pa? Inintindi ko na lang siya. Ganun talaga siguro kapag bitter sa buhay.

"You were so fast, Phil. You just knew each other for more than a week. What made you so sure?" kunwa'y biro niya kay Phil. Gusto ko na siyang sabunutan. Napatingin si Phil sa akin. Siguro parang hindi makapaniwala sa guts ng pinsan ko. Nagkibit-balikat na lang ako at hindi na kumibo.

"I've never been so sure in my life," nakangiti namang sagot ni Phil. Polite siya.

"Good. I hope you and my cousin will have a happy life," at nagpaalam na itong mauuna.

"What's with her?" tanong agad ni Phil nang tumalikod na si Manang Tisay.

"Maybe, she's just bitter," sagot ko.

Kinuha ni Phil ang kamay ko at magkahawak-kamay kaming pumunta sa kombento para kausapin si Father tungkol sa binabalak naming kasal. Natuwa ang pari nang malamang mag-aasawa na ako pero nang malamang isang linggo ko lang nakilala ang groom ko nagpahayag ito ng pagkabahala. Pinag-isipan ko raw ba ito nang mabuti?

"Opo, Father. Siguradong-sigurado na po ako," sagot ko naman. "Hindi naman sa tagal nang pagsasama nalalaman yan, di po ba?"

Sumang-ayon naman ang pari. Pumayag ito na siya ang magkakasal sa amin sa simbahan. Pero pinaliwanag niya sa akin na kailangan daw naming magseminar ni Phil gaya ng ginagawa ng ibang couples. Napatingin si Phil sa akin. Wala na raw siyang oras dahil pabalik na siya sa UK in two weeks. He was hoping for a speedy process daw para maasikaso na rin niya ang papeles ko pagdating niya sa kanila.

"Ay hindi pupwede yan. Kailangan kasing magseminar talaga ang couple. Ano ang religion nitong mapapangasawa mo?"

"Protestante po, Father."

"Naku, kakailanganin nyo pa ng dispensation niyan. Ia-apply pa natin yan sa Chancery Office sa Manila." Tinawag nito ang assistant at sinabihang bigyan daw ako ng list of requirements. Pagkakuha ko nun, nanlumo na ako agad. There's no way na maikakasal kami sa simbahan ni Phil bago ito bumalik ng UK. Plano namin sana kahit simpleng kasal lang basta may basbas lang ng pari. Pero mahirap palang magplano ng kasal kapag hindi Katoliko pareho ang couple. Ang naalala ko dati sa planned wedding namin ni Edmund, ang dali lang ng lahat. Kung sa bagay, hindi naman kasi kami nagmamadali nun kung kaya parang smooth-sailing lang ang lahat.  Tsaka pareho kaming Pinoy at Katoliko.

"This simply means, we can't get married as fast as we can," nanlulumong pahayag ni Phil.

Pinaliwanag ko naman na mas mabuti na yon para may time pa kaming mag-isip. Masyado ngang madalian lang ang lahat.

"Do you have a change of heart?" tanong nito.

Umiling naman ako at ngumiti pa sa kanya.

"Thank God. I thought you changed your mind."

Okay na sana ang araw namin ni Phil pero tumawag na naman ang anak niya.  Hindi ko lang pinahalata pero kinabahan na naman ako. Ano na naman kaya ang sasabihin ni Brian sa ama? Nakita kong biglang nag-alala ang mukha ni Phil. At parang kinabahan ito. Ninerbyos na rin ako. Anong meron?

"No, I insist. I'm worried, too."

Parang tambol na ang tibok ng puso ko. At nang sinabi ni Phil sa akin ang dahilan ng pagtawag ni Brian, lalo akong nag-alala. Nagkasakit daw ang kambal. Sinugod sa ospital. Nakita ko sa mukha ni Phil ang labis na pag-aalala.

"Do you want to go and visit them?" tanong ko sa kanya.

Tumingin ito sa akin na tila humihingi ng dispensa. Tumangu-tango ako. Ibig sabihin, okay lang sa akin. Niyakap niya ako nang mahigpit at hinalikan sa labi.

May napa-ehem sa likuran namin. Bigla akong kumalas kay Phil. Mga kasamahan ko palang nagseserbisyo rin sa simabahan. Pinamulahan tuloy ako ng mukha. Ngumit ang iba sa akin pero ang mga matatanda ay inisnab ako. Nagparinig pa. Hindi na raw ako nahiya. Nakikipaglampungan in public. Buti daw sana kung bata-bata daw kaming dalawa ni Phil. Hindi ko na lang sila pinansin.

Nang gabi ding yon, lumipad pa-Maynila si Phil. Nang sumunod na araw nagtungo na ito sa Japan para bumisita sa mga apo. Ang usapan sana namin, mananatili lang siya dun ng ilang araw. Sisiguraduhin lang na okay ang kambal at babalik din uli ng Vigan. Pero ang sinabi niyang ilang araw lang ay naging isang linggo, hanggang maging dalawa. And before I knew it, bumalik na siya sa kanila sa UK. Nalaman ko na lang ang mga ito kay Alex. Napaiyak ako. Mukhang nalason ni Brian ang isipan niya. Ni hindi man lang nakipag-communicate sa akin. Pambihira!  Ang sabi niya, Brian won't be an issue between us pero napaghiwalay din kami nito nang ganun-ganun lang.  For the first time since I met him, umiyak ako. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top