Chapter 9
Chapter 9
My arm was linked with Note's as we attended the acquaintance party. Nag-hiwalay lang kami ng ilang oras kanina para mag-bihis. Tapos sinundo na niya ako sa amin at sabay kaming nag-punta rito. I was wearing a navy blue off-shoulder flare dress and some accessories. Kinulot ko lang ng kaunti 'yung buhok ko para 'di na mag-hintay nang matagal si Note sa akin.
Kitang-kita ko iyong mga babaeng naka-titig at naglalaway sa kasama ko ngayon. I can't blame them, though. Half of the female population ng school na 'to, may crush sa kanya. And now, he's oozing with overflowing good looks with his deliberately-messy hair and silver stud earring. He's just wearing a simple plain gray shirt with black suit and denim pants but the girls are staring at him intensely with such admiration. Gwapo nga naman.
I stood up next to him with pride.
Hinila niya ako papunta sa may photo booth. Maraming mga photographers ang pumunta agad sa amin para kumuha ng litrato. Note draped his arm around my shoulder. I could hear some loud sighs around.
"Why?" tanong niya nung tinignan ko lang siya.
"Daming nag-lalaway sa 'yo," I told him. Minsan, pakiramdam ko nalalamangan na niya 'yung ganda ko. He's just too beautiful. Kahit na epal siya madalas, hindi naman ako denial para itanggi 'yung katotohanan na iyon.
He laughed. Yumuko siya nang kaunti tsaka bumulong sa tenga ko. "Look at your three o'clock," he said and I obliged. A bunch of guys were standing there while looking at us. "Kanina pa 'yang mga 'yan. They're following you with their stares."
Tumingin siya sa harap at sabay kaming ngumiti sa mga camera. Kailangan kasi 'to para sa event journal ng school.
"See. They're still gawking at you."
Tumawa ako. "Syempre. Ang ganda ko kaya lalo ngayon."
He flicked on my forehead. "Yabang."
I shrugged proudly. I am pleased that people appreciate the effort that I put up for this night. Ako lang kaya iyong nag-make up sa sarili ko ngayon? It's an achievement, really.
At tsaka, kuntento na ako na napa-nganga ko si Note kanina pag-baba ko sa living room. The look in his face as soon as he saw me? Oh. I could laugh. Siya talaga dahilan kung bakit sobrang taas ng confidence ko habang lumalaki kami, e. He spoiled me so much with good words and genuine gestures. He's nothing but sweet and gentle to me, kahit minsan parehas sila ni Cliff na epal at sarap hambalusin sa sobrang galing mang-asar.
Hindi naman ako ganito noong nasa kindergarten pa lang ako, e. I was mum and scared to approach someone by then. Sa kanya lang talaga ako naka-dikit lagi nun. Dumating pa sa point na nabu-bully ako tuwing wala siya sa tabi ko pero 'di ko rin sinusumbong dahil natatakot ako na baka mas lumala lang iyong ginagawa sa 'kin. Though, one time, they were caught up in the act, 'dun ko siya unang beses nakita na sobrang nagalit. He stood up for me. He wiped out my tears. Tapos pina-kalma niya ako dahil sobrang nanginginig ako sa takot nun.
Ang linaw pa sa isip ko hanggang ngayon no'ng sinabi niya.
"Don't let them hurt you. You shouldn't give them permission to make you feel weak and unwanted. This is your life. You should have the control over your emotions. 'Wag mo hayaan na gawin ka nilang malungkot dahil lang gusto nila. 'Wag kang iiyak dahil gusto ka nila makitang umiiyak. When you show them how much they affect you like this, they will do these things over and over again. Hindi sila titigil hangga't alam nila na napapaiyak ka nila. That's their goal. You must not give them the satisfaction."
I sobbed harder. "But I'm not pretty... Look at this..." Ipinakita ko sa kanya 'yung kulang na ngipin ko sa harap. "They say I look like a witch because of these teeth. That's why I have no friends at all... Tama naman sila, e..."
Pinunasan niya 'yung pisngi ko gamit iyong kamay niya. "Hindi, ah. Maganda ka kaya. Hindi ka ba tumitingin sa salamin?"
"Hindi ako naniniwala. Inuuto mo lang ako kasi mas bata ako sa 'yo."
Sumimangot siya.
"Hindi ako magsi-sinungaling sa 'yo. Masama 'yun. I'm always honest with you."
"Talaga?"
Tumango siya tsaka ngumiti. Wala din naman siyang ngipin sa itaas. Bakit siya, hindi nila binu-bully? "You want ice cream? Magpa-libre tayo kay Kuya."
"Ayoko..."
"Ba't naman? Gusto mo 'yung ice cream, 'di ba?"
"Baka matanggal na naman 'yung ngipin ko."
"Natatanggal 'yan dahil may tutubong bago na mas maganda," sabi niya tsaka hinila iyong kamay ko. "Let's go! Pabili tayo kay Kuya ng ice cream. Nakaka-wala ng lungkot 'yun."
From then on, lagi na siyang naka-bantay sa 'kin. Ayaw niya daw kasi maulit iyong tulad noon na wala siyang kamalay-malay, may nananakit na pala sa 'kin. Ang hindi niya alam, kasama siya sa dahilan kung bakit lumaki ako bilang ako ngayon—stronger and more cheerful than the kid Cadence na walang alam kundi ang matakot at umiyak.
He was my first best friend.
Kaso nag-bago lahat 'yun nung grade 5 ako.
He was just too nice... tapos lagi pa niya akong pinag-ta-tanggol sa mga epal naming classmates nun. Tapos tumubo na lahat ng ngipin niya. Naging gwapo na siya sa paningin ng lahat.
Naging gwapo na rin siya sa paningin ko.
And I develop crushes easily 'pag gwapo 'yung lalaki. He's no exception.
Mula noon, nagka-roon na ako ng secret crush kay Note. Buti na lang, kakilala ko na nun si Maya. Siya iyong unang naka-halata. I was alarmed and so she promised me that she won't say anything about that. Kaya gumaan din agad 'yung loob ko sa kanya. Siya lagi 'yung napapag-sabihan ko ng mga bagay na tungkol kay Note... kasi awkward naman kung siya pagku-kwentuhan ko ng pagka-crush ko tungkol sa kanya.
Now I just enjoy being his friend.
Sa nakikita ko kasi, mas nagtatagal pag magkaibigan lang.
Kuntento na akong ganito kaming dalawa. We're close. We're happy.
Sana lang talaga, 'wag muna siyang manliligaw. Hindi pa ako ready na magkaro'n ng kahati sa kanya. Maybe, it's selfish. But I wouldn't be the Cadence today if I'm not with him. Sobrang naka-depende talaga ako sa kanya... 'di ko alam 'yung gagawin ko pag biglang sumulpot na 'yung 'The One' niya. Awkward siguro.
* * *
"Cadence! Buti nakita kita," hinihingal na sabi ni Maris nang tumapat siya sa table namin.
Napa-tingin sila Guilbert sa kanya. I saw her face flushed.
"Bakit?" I asked her.
"Si Deina kasi, 'di raw makaka-punta ngayon. Hindi naman siya nag-bigay ng reason."
"Deina's the emcee for tonight, 'di ba?" I asked again. Maris nodded. Nagka-tinginan kami ni Maya. I thought everything's well according to the plan. "Wala bang back-up for the emcee?"
Lumikot iyong mga mata niya. "Actually... sinabi ko na kay Mrs. Martin 'to. We both think na... ikaw 'yung suitable bukod kay Deina na mag-salita sa harap."
Hindi ako agad naka-sagot.
"That means she wouldn't enjoy the night if that happens," Note objected. "Did you call the emcee? Baka pwede niyang i-consider 'yan. That's her responsibility in the first place."
Namutla si Maris. Natakot siguro sa simangot nitong isa.
Tinapik ko na lang 'yung binti ni Note para 'wag na siyang mag-salita. I saw the visible scowl in his face.
I smiled at Maris. "Sige, ako na lang. Kaunti lang naman 'yung sasabihin, 'di ba?" Hindi ako familiar sa set-up nito dahil hindi ako 'yung nag-handle.
"Oo. Iyong introduction lang tsaka 'yung para sa awards mamaya... Tapos pala, may special number din si Deina dapat. Pwedeng ikaw na lang din?"
Tumango ako. "Okay."
"Thank you, Cadence! The best ka talaga."
I nodded and smiled a little. "No problem. Sunod na lang ako mamaya sa backstage."
"Ba't ka pumayag?" Note asked me when Maris already walked away.
"Hayaan mo na. Kailangan, e."
"You prepared for this night," he firmly reminded and shook his head. "You should relax and have fun. Ilang araw nang puro 'yung tungkol sa school inaasikaso mo."
Nginitian ko siya. "Okay nga lang ako. Tsaka saglit lang 'yun. Besides, may next year pa naman. Bawi na lang ako next time." I shrugged.
He's still wearing his disagreed expression when I left them in the table.
May tatlong taon pa naman ako dito. Next year na lang ako siguro ako mag-e-enjoy.
* * *
I thought konti lang 'yung sasabihin.
Iyon pala, kaunti lang 'yung lines pero ilang beses ako dapat mag-salita. Nag-simula 'yung party, I introduced myself and the event. Hindi ko na sinunod 'yung naka-sulat sa cue card na ibinigay sa akin kasi 'di ko nabasa masyado bago ako umakyat. I did everything in a spur of the moment. Glad it turns out right. Mukhang 'di naman bored 'yung students. Marami pa'ng sumisigaw ng requests na kanta.
Natawa ako.
"I'll sing later. One song lang, ha?" I said over the mic.
Nag-hiyawan sila. "Tatluhin mo na please!"
Lumapad iyong ngiti ko. "Bukas niyo sulitin 'yung jamming natin dahil may mini concert tayo dito!" I wheedled. They were shouting their 'aawwws' when I decided to introduce the dance. I chuckled. "Guys, let's just enjoy the night and dance with whom you want to be with! This is our night, okay?"
Nag-palakpakan sila nang malakas. Tumunog 'yung malakas na party music. Namatay iyong maliwanag na ilaw sa stage at napalitan ng mga neon lights. Whoa, this looks like a legit party.
Bumaba muna ako sa stage para sana bumalik sa table namin nang may babaeng humarang sa daraanan ko. Her hair was carefully placed in a bun while she's wearing a light pink cocktail dress.
"Yes?" I asked and smiled. Medyo malakas 'yung boses ko dahil sa ingay nung music.
"Pwede ba kitang maka-usap?" she asks.
I nodded. "But pwede sa restroom kasi ang ingay dito..."
Pumunta kami sa restroom. Kulob dito pero dinig pa ng kaunti 'yung music. Ni-lock ng babae iyong pinto. Chineck pa niya kung may mga tao sa cubicles. Kumunot 'yung noo ko.
"What are you doing?" I asked her.
Huminga siya nang malalim nung sure na siyang kaming dalawa lang ang nandito. Hinarap niya ako.
"Kilala mo ba ako, Cady?" tanong niya. Tumaas pa nang konti 'yung kilay ko dahil sa tawag niya sa akin.
Tinitigan ko nang maayos 'yung mukha niya.
"I'm not sure," I replied. "Who are you?"
Ngumiti siya. "Ako 'to. Si Giselle..." She tilted her head a little and smiled again. "Ako 'yung tinulungan mo last year? Iyong tinapunan ng soft drinks nila Nadia noon sa Canteen? Uhm, remember me?"
Recognition dived in my memory. My eyes widened. "Giselle Abello?"
She gladly nodded. Lumapad 'yung ngiti ko. I scanned her. She was a nerd with big and thick rimmed glasses, thick books and long skirts then. Lagi siyang napapag-trip-an noon dahil sa style niya at dahil 'di siya pala-salita. I literally see my old version in her kaya 'di talaga ako nag-dalawang isip na tulungan siya noon.
"Wow! You've changed," mangha kong sinabi sa kanya. Ang ganda na niya ngayon. Bagay sa kanya.
She nodded and bit her lip. "I want to thank you, Cady. Kasi dahil sa 'yo, lumakas 'yung loob ko. Hindi na ako nagagalaw nila Nadia ngayon dahil natuto na akong lumaban. Thank you ulit nung araw na 'yon."
I smiled at her genuinely. "Glad to hear that..."
Nag-seryoso 'yung mukha niya. Huminga siya nang malalim tsaka ako tinignan sa mata. "Ang totoo kasi niyan... Gusto kong mag-paalam sa 'yo."
"For... what?"
"Isang taon din ako nag-ipon ng lakas ng loob. Ang totoo kasi niyan... gusto ko si Note."
Napanis iyong ngiti ko. "Oh. About... him."
"Alam naman ng lahat na best friends kayo... at na protective ka sa mga lumalapit sa kanya," she continued and I leaned on the sink. "Matagal ko na kasi siyang crush. First day pa lang no'ng tumuntong ako dito sa school na 'to. Kaso wala akong lakas ng loob. Pero dahil sa 'yo... dahil sa sinabi mo, ang dami kong na-realized. At isa na 'yung pagiging duwag ko sa kanya. Kaya ngayon, may sapat na lakas ng loob na ako para kausapin siya."
Naka-tingin lang ako sa kanya. I can't smile anymore.
"What will you tell him?" I asked calmly.
"Na gusto ko siya."
"But... but you're a girl... Are you sure, ikaw ang unang mag-a-approach?"
Ngumiti siya sa 'kin. "Kung wala akong gagawin, walang mangyayari." Nag-buntong hininga siya. "At tsaka, mabait si Note. Kampante akong hindi niya ako ipapahiya. He's a gentleman. Alam kong alam mo 'yan. Isa 'yan sa mga nagustuhan ko sa kanya."
I did not answer.
Gosh... She's here being pretty and nice... Hindi ko siya masungitan gaya ng ginagawa ko sa mga umaaligid kay Note. She's different. Nakita ko 'yun agad sa kanya noon kaya ipinagtanggol ko siya. For sure Note will notice it, too.
"All I'm asking for is your permission... if I could talk to him nang kami lang dalawa. Para maka-amin ako sa kanya. Respeto ko na rin sa friendship niyo 'to," she said when I did not say a thing.
I was conflicted on the inside but who am I to cut the beginning of a soon fairy tale? This is just my own emotion that's stopping me. Wala sa lugar. Si Note pa rin naman iyong mag-de-decide sa mga ganitong bagay. Bahala siya. We're friends... We must support each other. At kung magustuhan niya si Giselle... then fuck. So be it.
I forced a smile. "Okay..."
She smiled wider. "Really?!" I nodded slowly. Tumalon siya at yumakap sa 'kin. "Thank you, Cady! Wish me luck!"
Hindi na ako naka-sagot.
I bit my lip hard.
Well, screw me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top