Chapter 8
Chapter 8
I was a bit bothered and offended by how Calix treated me that afternoon. Kung 'di lang ako sobrang nabigla at natakot sa sama ng tingin niya sa 'kin, naka-hanap sana ako ng rebuttal. Madalas akong maka-hanap ng isasagot pero sa oras na 'yun, inaamin kong nabigla talaga ako. Kung may problema siya, huwag niyang binubuhos sa akin iyong frustrations niya!
I shouldn't feel like I was a loser in front of him. I'm not giving him a right to make me feel defeated. Kahit sa argument lang. I'd get back to him in no time. I'll make sure that I'm ready when that happens! Itaga niya 'yan sa ugali niyang kasing-cold ng yelo.
"Bakit tayo tumigil?" I asked Note. Sabay kasi kaming magpupunta ngayon sa school at kanina pa ako nagmumukmok habang naka-tingin sa bintana. Ngayon ko lang din napansin na naka-tigil pala 'yung sasakyan sa tapat ng coffee shop.
"To get breakfast," he replied. "Hindi ka kumain."
"Note, late na 'kong nagising. If I ate my breakfast, mali-late ka na naman sa practice n'yo. Malalagot ka 'dun sa Coach n'yo ulit." Nai-kwento kasi ni Lucky sa 'kin na noong hinatid ako ni Note sa SSC office ay na-late siya, kaya pinatakbo siya ng ilang laps nung Coach nila sa court. E ang lawak kaya nung basketball court? And if weren't for Lucky, hindi ko pa malalaman! When I asked Note about it, nag-shrug lang siya bilang sagot sabay palit sa topic.
He sighed.
"I told you. It's fine. Kain muna tayo."
"Thirty minutes na lang, mali-late ka na naman."
"Well if we stay here just arguing about it, then I'd be really late," he shrugged then went out.
Ang tigas ng ulo!
"Miss Cadence, galit na 'yun..." sulsol ni Kuya Rick sa 'kin. "Sundin n'yo na lang 'yung gusto. Iba pa naman topakin 'yun. Baka madamay pa ako..."
Isa pa 'tong si Kuya Rick! Kunwari pa 'to e nasa kay Note din naman iyong loyalty niya! 'Yung alaga na nga niya 'yung inaalala ko!
Lumabas na ako ng sasakyan tsaka pumasok sa coffee shop. Nakita ko agad si Note doon na naka-upo sa may isang sulok, naka-simangot. Meron nang cheesecakes, baked beans sausage and eggs, at kape sa mesa. So naka-order na siya agad? Confident talaga siyang susunod ako, ha? Pa'no pala kung 'di ako sumunod, e 'di nabulok sila ng cheesecake niya diyan.
"Kulit mo talaga..." I said as I sat down across him. "Bibilisan ko na lang kumain."
"Take your time eating, Skylah. Hindi naman ako nagmamadali," he gently told me.
"Puwes, nagmamadali ako."
He shook his head when he saw me munching the food so quickly. Ugh, ang sarap nung baked beans. Hindi ko nga lang ma-enjoy masyado dahil minamadali kong kainin. Better than to hear news again about Note being punished for being late because of me.
Pinapanood niya lang akong kumain habang matagal siyang kumakain sa cheesecake niya. Uminom siya ng kape pero nasa akin pa rin iyong tingin niya.
"Don't look at me," I inquired after I swallowed the food.
Umangat 'yung dulo ng labi niya. "Aga-aga, ang sungit."
I sighed. "Sorry," I told him. Tinignan ko siya nang seryoso. "Ayoko lang kasi na nagugulo 'yung sched mo dahil sa 'kin. Tsaka, I wasn't the child Skylah anymore who needed you always to back me up. As you can see, I've grown a lot—prouder and stronger. Kaya ko na 'yung sarili ko most of the time kaya you need to lay low. Don't sacrifice even small things in your life for me, Note."
Masyado kasi siyang maalaga, tsaka lagi siyang nandiyan lang for support. Okay sa 'kin 'yun. Pero the fact na may nami-missed out na siya nang dahil sa 'kin—iyon ang hindi okay. May mga kanya-kanya kaming buhay. I want him to live his to the fullest. Hindi 'yung sasayangin niya 'yung oras niya sa 'kin samantalang may mga dapat pa siyang gawin.
When I looked at him again, there's a hint of humor playing in his eyes. Nangingiti rin siya.
Kumunot 'yung noo ko. "Anong nakaka-tawa?"
Ngumiti siya tsaka umiling. "Nothing. I'm just amused."
Tumaas 'yung kilay ko. "Saan banda may nakaka-amused sa sinabi ko?" I asked without smiling. Ang haba nung sermon ko sa kanya tapos ngingitian niya lang ako. Palibhasa alam niyang maganda iyong ngiti niya, e... Ginagamit niya 'yung kahinaan ko.
He smiled again.
"Tapos ka na. Let's go?" he said before standing up.
Aba't—ni hindi ako sinagot! Nauna na siyang maglakad papunta sa pinto. Sumunod ako kaagad.
"Ano nga kasi 'yun?" I probed harder.
Pinagbuksan niya ako ng pinto. Hinintay niya ako na maka-labas. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Bahala siya kung ayaw niyang sumagot. Mangawit siya diyan.
He chuckled when he realized what I've been doing. "You're acting like a brat here, princess. I was just amused. Kailangan ba may reason?"
"Of course! All things have their own reasons. It's just that you won't consider them kaya sinasabi mong wala."
He sighed in defeat. Ha. He should know that. There's no winning in argument when it comes to me. "Fine," he replied. I waited. "I just love how you blurted out those things in front of me like you bottled it up for a long time. I'm grateful that you care on my part. But what you said... it just makes me want to protect you more."
Umawang iyong labi ko sa sinabi niya. Hindi ako nakapag-salita agad.
Ilang sandali pa siyang naka-tingin lang sa 'kin. Tapos, ngumiti lang siya uli tsaka hinila 'yung kamay ko hanggang nasa tapat na kami ng sasakyan nila. He opened the door for me. I quietly slide in.
Napa-tingin sa amin si Kuya Rick pagpasok sa sasakyan. Mukhang naka-ramdam naman siya kaya 'di na nagsalita. Pero nag-thumbs up siya sa 'kin habang naka-ngiti.
Nag-simulang umandar 'yung sasakyan pero ang tahimik. Buti na lang binuksan ni Kuya Rick iyong radyo niya.
I secretly glanced at Note in the corner of my eyes.
He's smiling while looking at the window.
My heart won't stop beating drastically. I exhaled quietly.
Great.
* * *
Pagdating sa school, nag-hiwalay na agad kami ni Note. Busy siya sa basketball practice nila habang ako naman, tutulong sa preparation nung venue para sa Mr. & Ms. Zamorean pageant.
Hiniram namin iyong pangalawang gymnasium para sa event. Medyo maliit ito kumpara sa main gym kung sa'n nagpa-practice 'yung basketball team. Pagdating ko 'dun, konti na lang ay magagawa na 'yung decors sa stage. Ayos na rin 'yung sound system.
"Cady!" Maya smiled upon seeing me.
"Good morning. Kanina ka pa dito?"
She shook her head. "Hindi naman. Halos magka-sunod lang tayo."
Naalala ko agad 'yung date nila ni Jessi. I wanted to ask her kaso biglang tinawag siya nung co-officer namin. Naka-hanap na rin ako ng gagawin kaya hindi na kami nag-kausap ulit.
We went busy after that. Hindi na kami nag-kita. Malapit nang mag-10 am kaya dumami na rin iyong mga estudyante na pumapasok. May mga kanya-kanya silang banners at balloons. Pumunta ako sa backstage at kumpleto naman 'yung mga tables at upuan 'dun para sa mga candidates.
"Ash!" I greeted Ashley when I see her on the backstage, someone's doing her make-up. "Ready na?"
"I'm nervous, Cady!" she laughed. "But I'm fine. Ready ako."
"Good luck," I smiled at her. Siya nga pala 'yung muse ng kabilang section. "Sinong partner mo?"
"Si Ace..." sagot niya sabay nguso 'dun sa lalaking nasa kabilang dulo ng kwarto. Oh. Good-looking din.
"Mukhang kailangan nang kabahan nung ibang team, ah."
Tumawa lang siya. Nag-kwentuhan pa kami saglit bago ako lumabas. Konti na lang, mapupuno na iyong mga bleachers at upuan. Ang daming um-attend ngayon. Nag-simula na ring magpa-tugtog 'yung DJ ng mga nakaka-ganang background music.
"Efren, okay tayo sa mga music?" I asked.
"Oo, Cadence. Naibigay na rin sa 'kin 'yung para sa talents nila mamaya."
I nodded and thanked him.
Bumaba ako sa stage para tignan 'yung kabuuan nito. I smiled and felt proud for my team. Hindi ito magagawa kung wala sila. Yes, I lead the plan and directions pero sila iyong kumilos sa lahat ng gawa. Konti lang 'yung naitulong ko. Nakaka-proud na ang ganda nung kinalabasan.
Hindi nag-tagal, dumating na rin 'yung mga judges. Pati si Lolo. I smiled giddily. Minsan lang talaga siyang pumunta sa mga events na ganito kaya pinag-handaan talaga namin 'to. Ilang sandali lang, nag-simula nang mag-salita iyong emcee... hanggang sa isa-isa nang tinawag 'yung mga candidates. Bawat sections, may partners na kasali. Isang pair 'yung mananalo bilang Mr. at Ms. Zamorean, tsaka tatlong pairs para sa runner ups. Meron din para sa best in talent, costume, smartest and most confident.
Umupo lang ako sa tabi ni Maya sa unang row.
"Who's your bet?" she asked.
I shrugged. "Marami sila. Most of them, kakilala ko. I can't just pick one."
She nodded. "Sabagay. Pero ako, gusto ko 'yung #12 sa boys at 'yung #6 sa girls."
"Si Serene 'yung #6. 'Yung #12 naman... si Gamboa?" Alexander Gamboa. Crush niya 'yun mula Elem, e. "Crush mo pa rin ba 'yan?" Kasali kaya dito si Jessi. Bakit 'di si Jessi 'yung piliin niya?
Her cheeks went red. "Hindi na, ah."
"He's... unreliable. Halata naman sa hitsura," paninira ko. "Unlike Jess. He looks like a frigging saint. Ang amo ng mukha niya."
She did not respond anymore. Nanood na lang siya sa pageant. I shrugged. Hinayaan ko na lang iyong pananahimik niya.
* * *
The pageant was done for around 3 pm.
Kina-usap namin saglit iyong mga nanalo. Si Ashley, nakuha ang 2nd runner up sa girls. Si Jessi iyong sa 1st runner up ng boys. Iyong Ace na partner naman ni Ashley iyong nanalo bilang Mr. Zamorean. Si Caroline—muse ng section 1—iyong nanalo bilang Ms. Zamorean.
"Congrats!" I greeted Caroline and Ace.
"Thank you," Caroline smiled back. While Ace... naka-tingin lang 'dun sa pwesto nila Ashley na nag-pi-picture kasama 'yung best friend niya.
I arched my brow. "Is it... Ashley? Or Rhian? Which is which?" tukoy ko 'dun sa tinititigan niya.
Bumaling siya agad sa 'kin. "What are you talking about? Tss..."
Pinagtawanan ko siya kaya mukhang nainis sa 'kin. Natigil lang 'yung tawa ko nung nakitang papalapit si Yelo—or Calix. Whatever. Mas bagay iyong Yelo na nickname niya kasi ganun naman ang ugali niya. Nag-usap sila ni Ace. Ah... so they're friends?
Umalis agad ako sa harap nila para tumulong sa pag-hawi nung mga folding chairs sa gitna ng court. Nagsi-labasan na 'yung mga students. Mga SSC officers at CAT officers na lang iyong natira. Kailangan kasi naming ayusin iyong mga mesa at upuan para sa gaganaping acquaintance party para sa mamayang gabi.
Dumating 'yung mga lalaking CAT officers dala iyong mga round table. Nag-simula kaming kumilos lahat. Busy lahat at walang nag-uusap. Before 6 pm, natapos na kami. And we're so frigging tired.
But worth it.
* * *
Buong araw kong hindi nakita si Note. E half day lang naman iyong practice nila. Nag-kita na lang kami sa parking lot ng school dahil isasabay ulit nila ako ni Kuya Rick sa pag-uwi.
He looks like he's... abused? Mukha siyang kawawa. Gulo iyong buhok at lukot 'yung damit. Meron pang stain ng lipstick sa pisngi at leeg niya. The hell.
Kumunot iyong noo ko.
"Anong nangyari sa 'yo?" I asked him.
"Anong nangyari sa'yo?" he asked back.
"Bakit?"
"You look so tired."
"Because I am really tired. But I'm fine. Ikaw? Bakit ganyan 'yung hitsura mo?" I asked again. Kinuha ko 'yung panyo ko sa bulsa tsaka pinahid 'yung stain sa leeg niya. "Ba't ka may mga ganito?"
"I spent my whole afternoon in the Blind Date booth. There are lots of CAT officers waiting for me when the practice was done. Tapos hinuli nila ako."
"E ba't may kiss marks?"
"I don't know either. They ordered for the special date? Didn't really know the description. Ang sabi lang nung officer sa akin, bawal bayaran tsaka with free kiss and hugs daw dapat."
Kunot na kunot 'yung noo ko. Nag-dagdag sila ng ganoong perks? Parang ibinenta nila si Note, ah! Lagot sa 'kin 'yung mga 'yun.
"Bukod sa pisngi at leeg, sa'n ka pa nila hinalikan? Tsaka ilan sila?"
"I've had eleven dates in total. Lahat sila, humalik tsaka yumakap. Sa pisngi lang naman sila humalik. 'Yung pinaka-huli iyong aksidenteng dumapo sa leeg ko kasi umiwas ako."
I scoffed. "Kung kelan na huli tsaka ka umiwas?"
"The last one was a guy," he pointed out.
"What?" natatawa kong tanong. "Pero may lipstick stain?"
Tumango siya na parang nang-hihina. "Yeah... A guy wearing a lipstick. I was scared for a second there. Kaya umiwas ako. Pero sa leeg ko siya tumama."
Hindi ko alam kung maaawa ba ako o matatawa sa sinapit ni Note. Mga loko-lokong admin 'yun. Talagang pinag-samantalahan nila 'yung kabaitan ng tao. May free kiss at hugs pa! Humanda sila sa akin talaga.
Pinag-patuloy ko 'yung pag-pupunas sa mga stains sa pisngi niya. Kawawa naman 'to. Pinaka-iingatan pa naman siya ng Mama niya. Pag nalaman 'to ni Auntie, magwawala 'yun.
"Wala namang humalik sa lips mo?" I asked, a bit hesitated.
Tumitig siya sa 'kin, ngumiti, bago umiling. "Wala. I'm guarded. Pumayag ako pero sa pisngi lang. Ibang usapan na kung sa labi."
Nag-buntong hininga ako. "Buti naman." Tumigil na ako nang matanggal ko na lahat nung stains. Ngumiti ako. Malinis na siya ulit. "Ayan... Wala na..."
Binalik ko 'yung tingin ko sa mata niya. Natigilan ako kasi naka-tingin pala siya sa 'kin. Kanina pa ba siyang ganyan?
"Bakit?" I asked.
He smiled gently. "You are so adorable." My eyes widened. All of a sudden, kung anu-ano 'yung sinasabi niya! Wala man lang pa-warning. "Hindi na ako magpa-pahalik bukas."
I arched my brow and rolled my eyes.
"Huwag kang mag-alala. Ipapa-ban na kita sa Blind Date booth," sabi ko.
He laughed at my statement. "Thank you for that. You're my savior."
"May kapalit 'yan."
"Ano?"
"Hintayin mo lang. Wala pa 'kong maisip, e."
Tumawa lang siya tsaka kumindat. "Sure. I'd wait for that."
I grinned.
Even his laughter sounds so good. I can't imagine a day without him bugging me.
I'm really screwed.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top