Chapter 7
Chapter 7
I watched them preparing the instruments.
Na-e-excite ako na nanghihinayang. Nagkasakit pa kasi ako, e... Magkakasama sana kaming lima sa stage ngayon.
"Mic check," Note said and the girls went ballistic. He smiled widely. Ugh, 'yung ngiti na 'yan iyong bentang-benta sa mga fangirls niya, e. Dumapo na naman iyong tingin niya sa 'kin. "Looks like someone poured her full effort to support us, huh?" sabi niya nang may pilyong ngiti.
"AAHH! OO NAG-EFFORT KAMI NOTE!!!"
"KAMI IYONG TINUTUKOY NIYA ATE HINDI IKAW!!"
"AAHHH ANG GWAPO!!!"
Tumawa ako sa mga babaeng nasa likuran lang namin. 'Mic check' pa lang 'yung sinasabi, nagkakaganyan na agad sila.
Dahil alam ng mga staffs na sa akin naka-tingin si Note, tinapunan nila ako ng spot light. Napansin din tuloy ako nung tatlo.
"Iyong sisiw na mascot! Mukhang may naka-rinig sa wish mo, ah?" Guilbert commented. May mga nagsitilian na naman tuloy dahil sa pagsasalita niya.
"Oo nga, e, ang swerte ko naman..." Note replied.
Inirapan ko siya.
"Nasaan na 'yung prinsesa namin?!" someone shouted.
Umiling lang ako. Ang lawak ng ngiti ko. Ganito pala 'yung pakiramdam na pinapanood sila sa ibabaw ng stage. Nakaka-proud.
"Cadence can't attend for today's event but we assure you that she'll be back on stage for the last day performance on Friday. Gaya niyo, miss na rin namin siya maka-jam..." he said as he looks at me. Buti nawala na iyong spot light.
Iyong buong stage na lang 'yung may ilaw.
"So are you ready?" pasigaw na tanong ni Note kaya nagka-gulo na naman 'yung babae at nag-sigawan. Gosh! Ang hyper nila!
Dumilim na sa audience area kaya medyo itinaas ko 'yung tuka ng sisiw dahilan para makita iyong mukha ko.
"I knew it! Ikaw 'yan."
Nilingon ko si Maya. Masama iyong tingin niya sa 'kin. Nginisihan ko lang siya tsaka sumandal sa kanya.
"Sorry na. Secret lang kasi na nandito ako."
"Tumakas ka?" she asked and I nodded. Umiling siya sa 'kin. "Lagot ka kay Tita pag nahuli ka."
"I know."
"Alright! Let's get it on!" sabi ni Note sa mic kasabay ng palo ni Guilbert sa cymbals.
Tumugtog na ng electric guitar si Jessi at Note. Sinimulan nang hampasin ni Guilbert ng stick 'yung drums niya. Habang si Lucky ay pinagka-abalahan na iyong keyboard niya. Tumindig iyong mga balahibo ko. Gosh! So this is how it feels to be one of the audience!
Inilapit ni Note iyong labi sa microphone habang kinakalabit 'yung gitara na naka-sabit sa katawan niya. He started the song while his eyes were shut closed.
"Say goodbye to the halls and the classes... say hello to a job and the taxes..."
Swear, I've got chills while watching them. Ito pala ang pagkakaiba ng excitement bilang audience sa excitement bilang performer. I can't help but be so proud of them!
"The weekends with old friends spilling into 9 to 5 routine... Tell me how you feel over and done with!"
Mas lalong umingay ang paligid. Pinaghalong tunog ng drums, cymbals, electric guitar, keyboard, malamig na boses ni Note, at mga tilian ang pumuno sa theater.
"So here we go again! Wishin' we could start again!" Itinuro ni Note iyong mga audience kaya sobrang lumakas ang tilian, hanggang sa dumapo ang tingin niya sa akin. Ngumisi siya at kumindat. Oh, my God. Itinuloy niya ang pagkanta. "Wendy, run away with me. I know I sound crazy, don't you see what you do to me?" Kinanta niya 'yun ng nakatingin lang sa 'kin.
Naramdaman ko 'yung mga kamay ni Maya na pinapalo na ang hita ko. Ramdam na ramdam ko 'yung palo niya kahit na makapal 'yung mascot! Nang tinignan ko siya, naka-ngising aso pala sa akin ang bruha. Mas lalong lumapad iyong ngiti ko sa loob ng mascot.
"I wanna be your lost boy! Your last chance! A better reality!"
Nag-second voice si Jessi sa huling part habang mas lalong lumalakas naman 'yung pag-drum ni Guilbert. Buhay na buhay iyong dugo ko sa lakas ng musika ngayon. I love them!
The audience has grown wild as they proceed on completing the song. Lumingon ako sa likuran at nakitang naka-tayo na 'yung mga audience at nagtatalunan habang sinasabayan 'yung kinakanta ni Note.
Napangiti ako lalo. I can't help but to feel giddy! This is my band!
Pagtapos ng isang kanta ay tinugtog na agad ni Note iyong intro ng pangalawang kanta gamit 'yung electric guitar niya. Hanggang sa sinabayan siya ni Lucky sa keyboard at sumunod si Jessi sa isa pang gitara. Ilang sandali pa at pumalo na ulit si Guilbert sa drums niya.
"Kanina pa kitang pinagmamasdan..." Note sang after the intro and the crowd cried loudly. Gosh. Ang sarap pakinggan ng boses niya. "Mukha mo'y 'di maipinta, malungkot ka na naman..."
"Kanina pa kita inaalok ng kwentuhang masaya parang sa 'yo ay balewala..." Inihawak ni Note iyong dalawang kamay niya sa mic stand at nag-focus sa pag-kanta. Tuloy naman 'yung pag-gitara ni Jessi sa electric guitar niya. "Sandali lang... Teka lang..."
"May nakalimutan ka, 'di ba't pwede mo akong iyakan..."
Lumakas iyong hampas ni Guilbert sa drum at 'yung pag-strum ni Jessi sa gitara. Sumabay si Lucky kay Note sa pag-kanta ng chorus.
"Sige lang, sandal ka na... at 'wag mong pipigilan! Iiyak mo na ang lahat sa langit, iiyak mo lang ang lahat sa akin!"
"Ano'ng feeling, Cady?" tanong ni Maya sa tabi ko.
"Parang gusto ko na lang maging audience forever," natatawang sagot ko sa kanya.
Gosh, they're so good! Parang gusto ko na lang na maging manager nila at panoorin sila tuwing nag-pe-perform. They are obviously enjoying the stage. Ang saya nilang tignan habang tumutugtog.
Tumawa si Maya sa reaksyon ko. "Mas energized 'yung stage pag nan'dun ka. Believe me. Ang tagal ko kayong pinapanood. Halatang kulang ang Skynote ngayon kahit maganda 'yung performance dahil wala ka."
But I think they did great!
Sa sobrang proud ko sa kanila, niyakap ko na lang si Maya.
* * *
Pagkatapos ng performance nila, nagpaalam na agad ako kay Maya at nauna nang umalis. Bumalik ako sa may props room at iniwan doon 'yung mascot bago pumunta uli sa likuran ng gymnasium. Bukas pa naman iyong laro nila Note sa basketball. Makaka-pasok na ako. Feeling ko nawala iyong sinat ko sa panonood sa kanila.
"Hey!"
Gulat kong nilingon iyong nasa likuran ko. Bumuntong-hininga ako nang makitang si Note lang pala iyon.
"Uuwi ka na?"
"Oo, e. Tumakas lang ako, 'di ba? Gusto ko kasi kayong panoorin."
Note smiled. "So how was it?" he asked.
"It was so good!" I squealed. Para na akong nag-fa-fangirl ngayon sa sarili kong banda. "You performed so well! Sabihin mo rin 'yan 'dun sa tatlo. Sobrang nakaka-proud kayo..."
He showed me his pretty white teeth. "I couldn't see your reaction. 'Yung mascot kasi."
"And whose fault was that?" I asked him. Hindi ko naman kasi 'yun isusuot kung 'di niya ni-request.
Tumawa siya. "It was cute, though. Thank you for wearing that."
Hmp. Pasalamat ka talaga. "Sige na, mauuna na akong umuwi."
"Ihahatid kita," sabi niya bago dumapo sa noo ko iyong kamay niya. "May konting sinat ka pa."
"Wala ka na bang activities today?"
"Balikan ko na lang mamaya. Mamaya pa naman 'yun."
Tumango na lang ako. Kilala ko siya. Magpupumilit 'yan pag humindi ako.
Pag-dating namin sa bahay, ligtas pa ako dahil wala pa rin si Mommy at nasa school pa rin si Cliff. Si Manang naman, nasa garden. Kaya sa backdoor kami dumaan ni Note. Buti naman at Operation: Takas successful ako ngayon!
Past 1 pm na kaya nag-prisintang mag-luto si Note. Iniwanan ko lang siya sa kusina at umakyat sa kwarto ko para mag-shower dahil pinagpawisan ako 'dun sa mascot kanina. Ang lagkit tuloy sa pakiramdam. Nag-maluwag na white t-shirt na may tatak na 'In a Relationship With the Music' at maikling boyfriend shorts na lang ako.
Sinuklay ko iyong buhok ko. Malapit nang umabot sa pang-upo ko 'yung buhok ko. Kailangan ko na rin magpa-gupit, kaya lang nakakapang-hinayang din kasi.
Pagbaba ko sa kusina, naka-sandal na lang si Note sa kitchen counter at gumagamit ng phone. Ang bilis talaga niyang mag-luto. Naka-takip na lang sa stove 'yung niluto niya at pinapakuluan na lang.
Dahan-dahan kong sinilip 'yung ginagawa niya sa phone niya. He's cropping our picture earlier while I was wearing the chick mascot. Tapos in-upload niya 'yun sa Instagram with a caption, 'With a chick.' tsaka sinamahan ng sisiw na emoji.
Nilabas ko agad 'yung phone ko tsaka nag-comment 'dun sa post niya.
'Enjoyed yourself, are we?'
Kinuhanan ko rin siya ng picture habang naka-talikod siya sa 'kin at nag-babantay nung niluluto niya. I uploaded it quickly with a caption: With the chef.
Ang dami agad nag-comment na mga fangirls ni Note na kinikilig sa lapad daw ng balikat niya. Okay... I'd give him that. He has a toned back. Lalo ngayon na plain white na v neck shirt iyong suot niya. Halatang-halata kasi fitted tignan sa likod niya.
Note liked my post, Lumingon agad siya sa likuran niya kaya nakita niya ako.
His face lightened up. "Kanina ka pa?" he asked.
"Not really," I replied. Lumapit ako sa kanya. "Ano niluto mo?"
"Your favorite."
Lumapad 'yung ngiti ko. "Afritada?"
Note nodded. "Masama loob mo 'dun sa lugaw na niluto ko sa 'yo nung nakaraan, e," sabi niyang natatawa. "Iyan pambawi ko."
I side-hugged him. "Thank you! You're the best!"
Nung lumambot na 'yung niluluto niya, kumuha na ako ng pinggan at kanin. Tinawag ko na rin si Manang Geling na nag-lilinis pa rin sa garden para masamahan kami. Wala pa rin siyang ideya na umalis ako ng bahay kanina...
"Naku kayong mga bata kayo, sana tinawag niyo na lang ako para ako na iyong nag-luto," sabi ni Manang Geling habang pinag-sasandukan ko siya ng kanin.
"Hayaan n'yong magluto si Note dito, Manang, para mapakinabangan natin 'yung mga biceps niya," sabi kong natatawa.
Napapansin ko na talaga 'yung bunga ng pag-wo-workout niya. Pag sinipag ako, mag-ga-ganun na din ako.
Note looked at me naughtily. "Just tell me if you want to touch them, princess. Hindi naman ako madamot."
Nanlaki iyong mga mata ko. Napa-sign of the cross naman si Manang Geling.
"Por Dios kang bata ka! Nasa harap ka ng pagkain!"
At humaba na 'yung sermon ni Manang sa kanya. Nag-pigil ako ng tawa habang pinapagalitan si Note. Nangingiti lang naman ang loko-loko.
* * *
"Pagod na ako," reklamo ko kay Maya.
Wala pang kalahati ng araw, ang dami nang nang-huli sa 'kin para sa blind date booth. Ang daming nag-lista sa pangalan ko... Hindi ko tuloy napanood iyong laban nila Note sa basketball. Kahit naman 'di ko naiintindihan 'yung basketball, gusto ko pa rin sana silang suportahan. At medyo naiinggit ako sa kanila dahil busy sila ngayon, hindi sila mahuhuli para sa ganito.
"Pwede naman kasing tumanggi, Cady, kailangan mo lang mag-bayad."
"Ang rude naman kasi pag tatanggihan ko," I replied with a sigh. "Nag-bayad din naman sila para maipa-lista 'yung pangalan ko. Sayang naman 'yung one hundred nila."
Naka-limang date na 'yung na-attend-an ko. Ako lang din naman iyong dumadaldal pag nagkakaharap kami nung nagiging partner ko kasi mga nahihiya din naman sila pag kaharap na nila ako.
Natigil iyong pag-uusap namin ni Maya dahil may dumating ulit na CAT officers. Tatayo na sana ako no'ng biglang binanggit nila 'yung full name ni Maya.
"Miss Mary Yasmine Sarmiento?" the officer asked.
"Huh? A-ako?" Maya anxiously asked.
"Yes, Miss. Sumama na lang po kayo nang maayos. Non-payable 'yung binayarang date para sa 'yo kaya kailangan mo talagang sumama."
Kumunot 'yung noo ko. "Sinong ka-date niya?"
Hindi sumagot iyong officer. Oo nga pala, bawal malaman kung sino dahil blind date nga naman. Lumapit ako sa officer tsaka hinaplos nang konti 'yung braso niya. Nakita ko iyong pag-pula ng pisngi niya. Ngumuso ako. Cute.
"Patingin na lang ng card..." I said.
"Bawal niyang malaman, C-cadence..."
I laughed. "Fine. Ako lang 'yung titingin."
"Cady!" Maya complained.
Lumapit iyong officer sa akin tsaka pina-tingin 'yung card. Namilog iyong mga mata ko nung makita na si Jessi 'yung ka-blind date ni Maya.
"Sinong nag-order nito?"
Tinuro ng officer 'yung pangalan ni Jessi. Hindi niya ako sinagot dahil naka-tingin sa amin si Maya.
I covered my lips in excitement. OMG! Jessi?! Did he has a crush on my best friend? OMG! Gumastos siya para sa deluxe date! 'Yung date na pang-isang buong araw. Sa pagkaka-alam ko, nasa limang daan 'yun, e. At hindi 'yun pwedeng bayaran para i-reject.
"Sino daw, Cadence?" Maya asked me.
Mukha siyang takot na takot. Ayaw talaga niyang nakikipag-usap sa mga kung sinu-sino.
"Mukhang kailangan kitang pakawalan, Maya. I'm sorry," I said as I smile at her sweetly. "Hintayin na lang kita dito maka-balik."
"What?!"
Tumingin ako sa officer. Since mukhang may kahinaan siya, pinagsamantalahan ko na.
"Pwede bang pag may nag-hanap sa 'kin, huwag mo muna akong ituro? Pagod na kasi ako. Gusto ko muna sanang magpahinga..." malambing kong sabi sa officer.
I saw him gulped. Ang sama na ng tingin sa akin ni Maya kaya nginitian ko lang siya.
"S-sige... Pero ano..." sabi niya. I look at him straight. Umiwas siya ng tingin. "Pwede bang magpa-picture? Hindi kasi kami pwede sa ano... sa ganito... busy kasi kami... p-pwede pa-picture na lang?"
Tumango ako agad. "Sure!"
Binigay ko agad 'yung phone niya kay Maya tsaka kami nag-picture. Tapos nag-selfie rin kami ng ilang beses...
Nung kinuha na nila si Maya, umakyat agad ako sa rooftop ng building namin. At least dito, walang makaka-alala na pwedeng pag-taguan dahil off limits sa mga estudyante dito.
I was walking towards the corner when I saw someone puffing cigarette.
Mabilis akong nag-lakad at kinuha sa kamay niya 'yung sigarilyo tsaka tinapakan 'yun.
Calix glared at me. Nanindig 'yung balahibo ko sa batok. "What did you do?"
Tumikhim ako. "Bawal manigarilyo dito." Itinuro ko iyong signage sa tabi niya. "Katabi mo pa 'yung sign, oh? Hindi mo nakita?"
"You're so nosy."
Aalis na sana siya pero hinawakan ko iyong kamay niya. Mas lalong tumalim 'yung tingin niya sa akin. Tumaas iyong kilay ko. Ang sungit nito, siya na nga 'yung mali.
"Student Council President ako. Kaya may pakialam ako kung lumalabag ka na sa rules ng school. Pipigilan kita kasi responsibilidad ko iyon," sagot ko sa kanya.
Gamit 'yung isang kamay niya, hinawakan niya iyong braso ko tsaka humakbang ng tatlong beses. Napa-atras ako ng tatlong beses. Tumama 'yung likod ko sa railings.
Kinabahan ako sa ginawa niya. Para kasing galit na galit siya sa 'kin. Pinigilan ko lang naman siya sa bawal, ah?
Pinantay niya 'yung mukha niya sa mukha ko. Tinitigan niya ako nang malalim. Kitang-kita ko 'yung pagka-abo ng mga mata niya. Amoy na amoy ko rin 'yung sigarilyo sa pag-hinga niya. Unti-unti siyang lumapit sa 'kin... Nanlalaki 'yung mga mata ko sa kaba. Konti na lang 'yung pagitan naming dalawa...
"This place is off-limits, too, president. Why are you here breaking your own school's rule if you're really diligent," he said before smirking.
He let go of me then stared at me.
He turned around and walked out.
I was left there nervous like a lost puppy. Napahawak ako sa pagtaas-baba ng dibdib ko.
What. The. Fuck.
=================================================================
Songs used in this chapter are:
Somewhere in Neverland by All Time Low
Sandalan by 6cyclemind
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top