Chapter 6

Chapter 6

Tatlong araw pa'ng tumagal 'yung lagnat ko. 

Mommy did not allow me to attend school when Friday came. Medyo mainit pa kasi talaga ako nun. Mabuti na lang napilit niya no'n si Note na pumasok dahil walang balak pumasok 'yung isa. Gusto lang yata alagaan ako mag-hapon. Buti na lang pinagsabihan ni Mommy. Binalikan na lang niya ako nung hapon na tapos siya uli iyong pumalit kay Cliff sa pag-babantay sa 'kin.

Tumawag din si Daddy nung nabalitaan na nagka-sakit ako. Nasa ibang bansa kasi siya para sa isang conference. Dinalaw din ako ni Lolo pag-sapit ng Sabado. Sumabay din iyong buong Skynote kasama si Maya.

Kaya ayokong nagkaka-sakit kasi ang dami kong pinapag-alala, e. But I'm so grateful for my family and friends... They really are with me when I need them. With or without me calling them, they know how to stay by my side to give me strength.

Monday came. First day ng foundation week. Pinag-absent pa rin ako ni Mommy dahil may sinat pa ako. 

I was so devastated... We have a performance! I am the vocalist. Although second vocal naman talaga ng banda si Note at kayang-kaya naman niyang dalhin iyong stage nang siya lang 'yung kumakanta pero gusto ko pa ring sumama sa performance. 

Kaso may ubo pa ako at 'di maganda 'yung estado ng boses ko ngayon.

Paiyak na talaga ako. Bakit pa kasi ako nagka-sakit!

Wala si Cliff sa bahay dahil may game din iyong basketball team ngayon. Si Mommy naman, may client na kikitain. Si Daddy, 'di pa rin nakaka-uwi. Si Manang lang talaga iyong kasama ko dito...

Mabilis akong kumilos. Nag-lagay ako ng mga unan sa kama tsaka tinabunan ng kumot 'yun. Bahala na! Kung 'di man ako makapag-perform, papanoorin ko na lang iyong performance nila.

Mabilis lang akong naligo tsaka nag-bihis ng t-shirt na pinaibabawan ko ng half white and red hoodie, leggings, white shoes, face mask, makapal na shades, at ash brown na kulot na wig. Hindi ako pwedeng makilala ng kahit na sino sa school lalo na ni Lolo dahil malalagot ako. Alam nilang lahat na may sakit ako, e. Buti na lang talaga hindi required ngayon ang uniform.

I smiled on my reflection before grabbing my shoulder bag. Dahan-dahan pa akong bumaba sa hagdanan habang pinagmamasdan nang mabuti iyong paligid. Buti na lang, nasa kusina si Manang kaya naka-takbo ako kaagad papunta sa pinto. Nag-book agad ako ng Grab bago pa man ako maka-labas sa gate.

I was all smiles when I reached the school. 

Syempre 'dun ako sa lagusan dumaan, hindi ako pwede mag-tap ng ID sa front gate kasi mabubuko ako.

Taas-noo akong nag-lalakad sa hallway na papunta sa music theater. Doon kasi gaganapin 'yung welcoming program para sa foundation day. Nakakatuwa tignan 'yung mga booths na naka-display na sa gilid ng daan. That's what we worked hard for last week! 

Naputol lang 'yung pag-ngiti ko nung may narinig akong nag-uusap sa may bandang concrete bench na nasa tabi ng isang booth.

"I heard that Note's the only one whose singing later! Wala si Cadence!" And the girl has the audacity to giggle.

"Really? Why? Sayang 'di sila kumpleto."

"Ano ka ba! That's fine. Minsan lang naman. We'll get to hear Note singing solo! Tsaka minsan lang natin siya makita na 'di kasama si Cadence.. that's really fine..."

"But 'di kumpleto ang Skynote kung wala 'yung boses ni Cadence."

"Whatever! Basta masaya ako na si Note lang ang kakanta ngayon."

I scoffed. The audacity! Masyadong bias ang isang ito. 

Ang dami ko pang naririnig na mga chikahan habang nag-lalakad ako. Mostly sa mga nanghihinayang kung ba't wala ako ay 'yung mga lalaki. Pero mas maraming masaya ngayon sa buong female population ng Zamora Academy. Karamihan kasi sa kanila, mga fans nung apat.

"The day we're waiting for! Tayo na iyong titignan niya pag kumakanta siya!"

I pressed my lips firmly. Kanina pa ako napupuno sa mga naririnig ko, ha. Umupo ako sa tabi ng mga nagkukwentuhan. Hindi naman nila ako pinansin at nagpatuloy lang sa pag-uusap.

"Pero tingin mo totoo 'yung chismis na sila daw?"

"I don't know. Lagi silang magka-sama, e. Tanungin kaya natin mamaya? Wala naman si Cadence!"

"Maraming taong manonood. 'Di tayo makakalapit."

"Ako'ng bahala. Sa unahan tayo uupo."

"Hindi naman siguro sila. Hindi naman sila nag-ho-holding hands, e."

"Pero inaakbayan siya ni Note, 'di ba?"

"Baka crush lang? Maganda naman kasi si Cadence. Pero look at me, oh! I'm also pretty. He will look at me mamaya for sure."

Umirap ako. "Dream on..."

Sabay napa-tingin sa 'kin 'yung dalawang nag-uusap. Umirap ako uli kahit na 'di naman nila kita dahil sobrang dark nung shades ko.

"Anong sabi mo? How dare you?! Who are you ba?"

Hinawi ko iyong fake na buhok ko tsaka ngumiti sa kanila. They won't notice it that much though. Naka-face mask kasi ako. Lumapit ako sa kanila tsaka bumulong, "I'm the future girlfriend."

"What? You're crazy! Nananaginip ka yata."

I shrugged before leaving them. So far, so good. Hindi nila ako nakikilala. I can't help but be proud of myself! Ang galing kong mag-disguise.

Dahil sa na-enjoy ko 'yung katotohanang walang nakaka-kilala sa 'kin, imbes na dumiretso sa music theater, nag-lakad-lakad pa ako para pakinggan 'yung mga feedback ng pag-absent ko. Mas marami talagang natutuwa, e. Hmp.

Nagulat ako nang may brasong bumagsak sa balikat ko. Naamoy ko rin 'yung pamilyar na bango niya... My eyes widened out. Hindi rin ako naka-galaw agad. Bakit nang-aakbay 'to? Nakilala niya ba ako?! Imposible. Ang daming 'di naka-kilala sa 'kin, ah.

"Anong ginagawa mo dito, princess?"

 Patay.

"Who's princess? I think you're mistaken," sabi ko nang may accent at gamit iyong medyo maarteng boses.

Nagtataka na 'yung mga mata ng ilan na naka-kita sa pagkaka-akbay ni Note sa 'kin.

Note laughed out loud. Kulang na lang maiyak siya sa tuwa. Bwisit din talaga 'to e! "Do you think you can fool me with that accent?" tanong niya habang natatawa pa rin.

Hindi ako nagsalita. Isip ng palusot, Cadence!

Dahan-dahan kong tinanggal 'yung braso niya sa balikat ko. "I'm sorry. I'm not who you think I am. I don't know you."

Tumawa lang siya tsaka ibinalik uli 'yung pagkaka-akbay niya sa 'kin. Dahil init na init na ako sa wig na suot ko, hindi na ako naka-tiis. Siniko ko na siya sa tiyan niya. Um-aray siya agad at napa-layo sa 'kin pero lalo lang siyang natawa.

"Ang init-init, akbay ka nang akbay!" reklamo ko.

"I knew it. Confirmed, it was you!" Nag-pamaywang siya tsaka niya ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. May multo pa rin ng ngiti sa labi niya. "Are you disguising yourself? Disguise na ba 'yan?"

"Sshh! 'Wag ka ngang maingay. Tumakas lang ako sa bahay. Hindi nila pwedeng malaman na nandito ako kaya manahimik ka, okay?"

He chuckled once more. "Tara..."

"Teka lang. Sa'n mo ako dadalhin?"

"Kung gusto mong mag-disguise, dapat ako ang nilapitan mo," he grinned then winked at me.

Umiwas na lang ako ng tingin tsaka nagpa-dala sa hila niya. Dang. Ang cute niya 'dun...

* * *

"Masaya ka ba dito?" I annoyingly asked Note while flipping the wings.

Akala ko, may matinong plano siya para hindi ako makilala ng mga kakilala namin. Tapos pagdating namin dito sa props room, pina-suot ng bwisit sa 'kin 'yung mascot na sisiw. Ako naman 'tong sumunod agad - na agad kong pinagsisihan. Sobrang init pala sa loob nito!

He's holding his phone while taking a video and lots of photos. Sobrang lapad ng ngiti niya. Humakbang ako para sana ihampas sa kanya iyong pakpak ng sisiw at nag-habulan pa kami pero tumigil agad ako dahil baka pag-pawisan ako. 

Hinila ko 'yung tuka ng sisiw pataas sa ulo ko para mailabas 'yung mukha ko. Gosh! Ang init!

"Tingin mo pupunta ako'ng music theater nang ganito ang hitsura?!"

"Why, you're cute!" He scribbled something on his phone then raise it to level my face. Nakita ko 'yung selfie niyang ngiting-ngiti na katabi niya ako, o 'yung sisiw na ako. Nainis ako kaya niyakap ko 'yung braso ko sa kanya tsaka siya sinakal. 

Tawa lang siya nang tawa habang lumalayo sa 'kin. At dahil ayokong tumakbo, sumabit na lang ako sa leeg niya. Nabuhat naman niya ako. Ugh, how strong this man can be? Ang bigat din nitong mascot, ha!

"De Cordova?"

Hala! "Sila Lucky ba 'yun?" tanong ko sa kanya. Ibinaba ko ulit 'yung tuka ng sisiw kaya natakpan iyong mukha ko. "Baka makita nila ako."

"Oo. Dito ka lang, ako'ng bahala."

Lumabas siya tsaka kinausap 'yung tatlo. While I ran to the back of the door and hide there nervously. Hindi naman kasi sila makakapag-sinungaling kay Lolo. Mabubuko talaga ako pag nakita nila ako!

"Kanina ka pa namin hinahanap. Magsisimula na 'yung program," Guilbert said. "Anong ginagawa mo dito?"

"Huh? Ah... tumitingin lang nung mga mascots."

Baliw na Note! Bakit 'yun pa ang naisip mo na palusot?

Narinig kong tumawa si Lucky at Jessi.

"Interesado ka sa mga mascots? Kelan pa?" Lucky asked.

"I'm just wondering. It must have been nice to have someone who would wear it later to cheer for us, don't you think?"

"Gusto mong mag-suot ng ganito 'yung fans mo?"

"Why not?" Gusto ko nang tadyakan si Note. Nagpaparinig lang 'to, e. "Tara na. Kala ko ba magsisimula na 'yung program?"

"Oo nga. Magsasalita na 'yung emcee."

"Tsaka maraming excited ngayon sa fan girls mo dahil ikaw lang daw iyong kakanta," panunuya ni Guilbert. "Nami-miss ko tuloy si princess."

Ako rin, miss ko na kayo... Pero hindi niyo talaga pwedeng malaman na nandito ako.

Nag-usap pa sila bago umalis. Pag-alis nila, nag-beep iyong phone ko.

From: Note Asriel

I'll be waiting, princess. You already have a seat in the front row. Punta ka na. Baka pumangit performance ko pag wala ka dito  :-)

Umirap ako sa kawalan. Ayoko nitong mascot na 'to! Nakakainis talaga 'yun. 

I secured my bag in this chick's tummy before heading out the props room. Pasalamat talaga siya malakas siya sa 'kin! 

* * *

Nahirapan pa akong maka-pasok dahil hinarang ako ng mga ushers dahil sa costume na suot ko. Pahamak talaga 'yung Note na 'yun! Paano kayang gagawin ko? Hindi ko naman pwedeng ipakita iyong I.D. ko dahil kilala ako nitong mga ito.

Nabuhayan ako ng dugo nung may bumangga sa balikat nung mascot kaya muntik na akong matumba.

"Calix!" Feeling close na sigaw ko.

Napa-tingin siya sa 'kin tsaka kumunot iyong noo. Pumapasok na pala siya. Wala na siyang bakas ng pasa sa mukha. Iniwan lang kasi namin siya nun sa ospital dahil may dumating naman nang lalaki na kaibigan daw niya.

Hindi niya yata ako nakilala. Tumingkayad ako sa kanya tsaka nilakihan nang konti 'yung buka ng tuka nung sisiw kaya nakita iyong mukha ko. Naka-talikod ako 'dun sa mga ushers kaya hindi nila nakita.

"Naalala mo na ako?" I asked him. Hindi naman siya umimik. Naka-tingin lang siya sa 'kin gamit iyong poker face niya. "Hello? Nagka-amnesia ka ba? Ako 'yung natapunan mo ng drinks sa restaurant at 'yung nagdala sa 'yo sa ospital nung nabugbog ka! Dinala ko rin iyong jacket at I.D. mo sa Lost & Found last Monday!" pag-iisa isa ko sa mga utang na loob niya sa 'kin. 

"So what?" he asked me back.

I smiled with gritting teeth. Seryoso ba 'yung sagot niya?!

"Sabihin mo lang na kasama mo 'ko para papasukin ako," I desperately asked. "Please? Kailangan lang talaga. Dali na. Magsisimula na, e."

"Tss..." He shook his head before looking at the usher. "She's my personal maid. I told her to wear it because I just like to. Let her in."

Nalaglag 'yung panga ko sa sinabi niya. 

Maid?! Sa ganda kong ito... Maid niya lang ako?!

Inis na inis akong nagpa-salamat sa kanya nung hinayaan akong makapasok dahil sa sinabi niya. He just shrugged before walking away from me. Umirap din ako sa kanya kahit hindi kita dahil sa mukha ng sisiw sa ulo ko.

Hinanap ko iyong upuan na ni-reserved sa akin ni Note. Sa tabi pala ni Maya 'yung pwesto ko. Umupo ako sa tabi niya at napa-tingin siya sa 'kin. Tinignan ko siya, nag-iwas naman siya ng tingin. I laughed. Awkward kasi siya pag 'di niya kilala 'yung tao. Ang 'di niya alam, ako 'to.

Iyong mga group dancers pa lang 'yung nasa stage ngayon. Susunod na sila Note dito. 

"Miss, pwede bang pa-picture ako?" I asked Maya with a small voice. Para 'di niya ako makilala.

Halatang nagulat siya dahil kinausap ko siya. 

"Uhm... 'yung phone mo?" she asked awkwardly.

"Pwedeng phone mo na lang gamitin? Hindi ko kasi makuha 'yung akin."

Pinasadahan niya ako ng tingin tsaka tumango na parang naiintindihan niya.

I was grinning widely nung tumango siya habang naka-simangot. Kinuhanan niya ako ng tatlong beses.

"Tapos, Miss, pwedeng paki-send 'yan kay Note?" I asked again and her eyes opened widely. I thought for a second na nakilala na niya ako. But then I saw alarm in her eyes. Natawa ako. "Please? Kahit 'yung isa lang diyan?"

At dahil sa mabait siya, nag-send nga siya ng isa kay Note. Ipinakita niya sa 'kin 'yung message thread nila. Nireply-an siya agad ni Note.

'Wow. She's gorgeous.'

Huh. Gorgeous na sisiw?! Nababaliw na talaga 'yung isang iyon.

Nabasa ni Maya iyong message kaya nanlaki lalo 'yung mga mata niya. Medyo sumiksik siya sa kabilang dulo ng upuan tsaka nag-type nang mabilis. Hindi nagtagal, naramdaman kong nag-beep 'yung phone ko. 

"May problema ba, Miss?" tanong ko gamit pa rin iyong ibang boses.

"N-nakita mo ba 'yung reply ni Note?"

"Oo."

"Ah... Ganon lang talaga 'yun. Friendly. Huwag mong bigyan ng malisya 'yun."

"Okay," I replied back. 

Pinigilan kong manginig 'yung balikat ko sa tawa. Nag-focus na lang ako sa panonood nung mga nag-pe-perform sa stage hanggang sa lumabas na nga iyong Skynote minus ako. I'm excited! Nagsitilian din 'yung mga babae sa likuran namin.

Dumapo agad iyong tingin ni Note sa 'kin. He grinned and winked at me. Napansin din 'yun ni Maya kaya nanlalaki na naman iyong mga mata niya sa nasaksihan.

I shook my head in amusement. Hay, Note... The things you make me do...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top