Chapter 5


Chapter 5


Tatlong subject iyong na-skipped ko dahil pinatawag ako ni Mrs. Martin—iyong adviser namin sa student council—para i-meeting iyong mga officers para sa foundation day na gaganapin next week. She gave me the full access and responsibility to lead and decorate the program dahil ako 'yung student council president. 

"Request ng mga teachers na tumugtog ang Skynote ng dalawang beses. Sa first day tsaka last day ng foundation week. Kaya kaya 'yun, Cadence?" Tanong ni Mrs. Martin. 

Dahan-dahan akong tumango. "Marami naman po kaming na-practice na kanta kaya pwede naman po 'yun, Ma'am. Pero pa'no po iyong scheduling natin?"

Ang dami ng iniisip ko para sa school foundation week, nakalimutan ko na posible nga rin palang mag-perform kami dahil mahalagang event ng school 'to. Nakagawian na rin kasi ng school ito.

"Sa first day, kahit tatlong kanta lang? Pang-welcome lang natin sa event. Tapos sa last day, balak sana ng music club na mag-tayo ng mini concert from 4 pm hanggang 9 pm. Kayo 'yung main performer pero mag-pi-perform din iyong mga students natin na may talents. So approximately, maraming songs dapat kayong ihanda niyan."

Tumango ako. "Sige po, Ma'am. Sabihan ko po 'yung boys tungkol dito para makapag-prepare."

Mrs. Martin smiled victoriously. "Thank you, Cadence. Marami tayong clubs at marami silang pakulo sa darating na foundation week. You can talk to their presidents for easier communication. Sinabihan ko na rin kasi sila na sa'yo o kay Mary Yasmine makipag-coordinate para ma-implement agad kung maganda 'yung idea."

"Sure po, Ma'am. I'll tell the officers about it, Ma'am."

Nagpaalam si Mrs. martin bago umalis ng office. Bumalik ako sa harap ng mga SSC officers para i-assign iyong mga responsibilities nila. Hinati-hati ko 'yung mga gagawin. Though there's still a handful of tasks that remained on my hand and on Maya's... since she's the vice president.

"Ako na 'yung bahala sa mga posters at program schedule, Cady. Tingin ko kaya ko naman 'yan ngayong umaga. Tapos after lunch, tulungan kita sa mga request papers?" Maya said while I was busy typing on SSC computer. Kailangan ko kasing matapos lahat ng mga requests para sa gagamiting equipment, funds, at settings. 

"Thank you, Maya. But I think I can finish it before noon. Pa-assist na lang si Leomie sa pag-aasikaso ng mga awards. Medyo marami kasi 'yun."

She nodded. "Alright. Noted. Kita na lang tayo sa lunch? Or no lunch?"

"Not sure... siguro kung makakahanap ka ng time mo para kumain, kain ka na. Huwag mo na ako hintayin kasi imi-meet ko pa 'yung mga club officers para sa ideas nila," I replied.

"Busy sissy," she pouted. "I'll try to finish what's on my hand then I'll help you, okay?"

I smiled at her. "Thank you, Maya," I told her genuinely. Swerte pa rin talaga ako kasi ang sipag ng vice pres ko.

I worked until I lost track of time. Pagtingin ko sa orasan, past 12 nn na. Kumakalam na rin 'yung sikmura ko. Tapos naman na ako sa mga requisition papers. Dadalhin ko na lang 'to sa Office of the President para diretsong mapirmahan na at ma-en-cash 'yung mga requests.

"Oh, Hija, pasok ka," sabi ni Lolo nung sumilip ako sa pinto niya pagtapos kumatok.

I grinned sheepishly before stepping inside his office. "Good afternoon po, Sir," bati ko. Nasa school pa rin ako at School President pa rin namin siya.

Humalakhak siya tsaka iminuwestra iyong upuan sa tapat ng table niya. He's already on mid-70's at sobrang lakas pa niya. Nasa retiring age na siya pero ayaw pa rin tumigil sa trabaho. Nami-miss niya raw kasi si Lola tuwing wala siyang ginagawa. My Lola died last year. Sobrang lungkot niya noon to the point na 'di namin siya maka-usap. I'm just glad to see him smiling nowadays. 

"Ito po 'yung mga requests para sa high school foundation week na gaganapin next week, Sir," I said with a smile. Inabot ko sa kanya 'yung isang folder ng mga pipirmahan niya.

He scanned all the documents. "Is this all?"

"I'm afraid not, Sir. Kakausapin ko pa po iyong mga leaders ng iba't-ibang clubs mamayang hapon. It depends on their ideas kung may mga equipments o funds pang kakailanganin."

"Will Skynote perform for next week?"

Proud akong tumango. "Oo naman po."

"Then prepare for it thoroughly, okay?"

Nanlaki 'yung mga mata ko. "Manonood ka 'Lo?!"

He laughed at my reaction. "I'll watch for a bit."

"Really?!" I asked and he nodded. Lumapad iyong ngiti ko. Minsan lang kasi siya dumadalo sa mga programs ng school namin. Mas madalas siya doon sa mga programs ng College. "Thank you, Lolo! Paghahandaan namin nila Note 'yung next week."

Tinapik niya 'yung ulo ko. "You better do that. I'm already looking forward to that performance."

I also share to him the plans we have as of now. Panay iyong tango niya. I was proud for my team. Mukhang approved naman lahat sa kanya 'yung mga pinaplano namin. 

"Bale sport fest po iyong first three days. Tapos while that's still operating, may mga ideas din po 'yung mga iba't-ibang clubs sa school. I'd meet them later para 'dun. Tapos pag-organized na po talaga, babalik ako uli dito para mag-report," I enumerated. 

"The fourth day will be a pageant and acquaintance night. Since may concert sa pinaka-last day, siguro hanggang 11 pm lang po 'yung latest sched para 'dun. The concert will last until 9 pm as per Mrs. Martin po." 

Tumango-tango si Lolo. He smiled at me and I can see pride in his eyes. Lumapad din iyong ngiti ko.

"So your brother will be playing basketball for the first three days?"

"Opo. Nasabihan na rin po 'yung basketball team tungkol diyan."

"Alright, then. Good job, Hija," he said with his approved smile.

Malapad iyong ngiti ko paglabas ko ng office. I feel so productive today! Sobrang energized din ako. Marami pa akong energy para sa susunod na tasks nang may isang supot ng barbecues na naka-tusok pa sa stick iyong tumapat sa mukha ko. Ugh... ang bango.

Tumunog nang malakas 'yung tiyan ko. Tumawa ng malakas si Note. 

"Lunch? I know you're famished," he said while wiggling his eyebrows. 

I looked at my watch. It's almost 1 pm. "Hindi ka pa kumakain?" I asked and he shook his head. "Anong oras na, ah?"

"Kanina pa kita hinihintay dito, e, tagal niyo mag-usap ng Lolo mo," sabi niyang naka-nguso. "I'm hungry and it's your fault. Kaya samahan mo 'kong kumain."

Hinila niya ako papunta sa school park. Umupo kami sa isa sa mga concrete bench na nasa ilalim ng lilim ng puno.

"Mali-late ka. Malapit nang mag-1 pm," sabi ko habang pinapanood siyang kumukuha ng isang stick ng barbecue bago niya 'yun ibigay sa akin.

"We're excused, too."

"Huh? What for?"

He faked a hurt on his chest. "Ouch, princess. You forgot that your boy's a basketball player?"

I rolled my eyes. Ang arte rin talaga nito minsan. "I thought it's for the band."

"Hmm? We're gonna perform again?"

"Of course! And it's two times," I grinned sheepishly. "Guess what! Manonood si Lolo!"

I shrieked. Tinawanan naman niya 'yung pagiging hyper ko. "Really? Then we must prepare for a good performance."

Tumango ako agad. Binanggit ko rin sa kanya iyong tungkol sa night concert. Kinuwento ko lahat ng mga pagkaka-busy-han ko ngayong linggong ito at kung gaano ako ka-excited tungkol sa pag-attend ni Lolo. Pinakinggan niya lang lahat ng sinasabi ko. Occasionally, tumatawa siya. Pero madalas, iistorbohin niya 'yung kwento ko para paalalahanan akong kumain.

Pagtapos namin kumain, hinatid niya ako sa Student Council Office. Kailangan na rin niyang umalis dahil may practice pa sila sa basketball at late na raw siya. Lagot na naman 'yun panigurado sa coach nila.

Pinatawag ko sa office iyong mga club presidents tsaka kami nag-brainstorm ng mga ideas na para booths at para dagdagan iyong plano para sa mga programs.  Kinabukasan naman, kinumpleto namin iyong mga participants sa bawat program. Gumawa kami ng listahan nun tsaka nilagay sa bulletin board ng bawat grade levels. 

Sobrang busy namin ng mga sumunod na araw. Diretso tulog na lang iyong ginagawa ko pagkauwi sa bahay sa sobrang pagod. Hindi ko pa nga nagagantihan si Cliff sa ginawa niyang panloloko sa 'kin sa sobrang busy ko.

By the fourth day, naayos na namin lahat. Sobrang nakakapagod pero worth it naman pag nasunod lahat ng nasa plano para sa next week. I'm so exhausted but also excited. 

It's easy to do things which you think are worthwhile even if it requires huge amount of effort...

One day, all those effort will have its own meaning...

And we'll be proud that we put so much energy into the things which we care about.

Iba lang talaga pag gusto mo iyong bagay na pinag-hihirapan mo. 

Kasi pag nagawa mo na, it tastes genuine success...

* * *

May practice kami ng Skynote ngayon kaya pumunta na ako sa Music Room at hinintay silang dumating. 

Sumalampak lang ako sa folding chair na nandoon. Ang sakit ng ulo ko. Bigla rin nag-dilim nang literal iyong paningin ko kanina...

Ang tagal dumating ng boys. Nasa basketball practice pa siguro 'yong mga 'yun. Ipinikit ko na lang muna iyong mata ko hanggang sa naka-idlip ako. Nagising na lang ako nung may mainit na kamay na dumapo sa noo ko. Binukas ko iyong mga mata ko pero ang bigat sa pakiramdam.

"You look like a beaten puppy," bungad ni Note sa paningin ko. "May lagnat ka. You sure you're still going to practice on that state?"

Umayos ako ng upo. Naka-slouch kasi ako kanina pa tapos naka-yuko sa 'kin itong si Note.

"Kaya ko naman," I told him.

Ang dami kaya nung ipe-perform namin? Wala kaming time para mag-sayang ng oras.

Nilibot ko ng tingin iyong paligid. Si Note pa lang 'yung nandito.

"Nasa'n sila?"

"May pupuntahan pa si Guilbert. Si Jess at Lucky naman, pinauwi ko na muna."

"What? Bakit? Marami tayong kailangan i-practice."

"How can we practice if our main vocalist is sick?"

"Kaya ko," I said firmly.

He shook his head like he's disappointed. "You're stubborn." Binigay niya sa 'kin iyong dala niyang burger. Umayaw ako pero pinilit niya akong kainin lahat 'yun kahit 'di ko naman nalalasahan. He opened a bottle of water and gave it to me. Tapos binigyan niya rin ako ng gamot. "Drink this. Para mawala agad 'yang flu mo."

Kinuha ko 'yun at ininom. Wala akong lakas makipag-talo sa kanya.

"You need rest," he insisted. "Ihahatid na kita sa inyo."

"But the practice—"

He cut me out. "No practice for today because you're sick. Kaya kailangan mo muna magpagaling. You look really sick. You're pale. Don't argue with me."

"Ang sakit ng ulo ko," I complained. "Kumain naman ako in time kaninang lunch."

"Tsk..." He reached for my forehead and gently massaged it. Napa-pikit ako kasi ang sarap. "'Wag kang matulog. Uuwi na tayo."

"Pero ang sarap kasi... ganyan ka lang muna..."

Hindi na siya nagsalita uli. Tinuloy na lang niya 'yung pagmasahe. Pero kabaligtaran sa sinabi niya, nakatulog ako.

* * *

May dumapo na kamay sa noo ko.

"Tss... Mainit nga... Kailan pa 'to ganito?"

"Earlier in the afternoon. Pina-inom ko na siya ng gamot."

"May laman ba iyong tiyan bago mo pinainom?"

"Pinakain ko muna."

"Buti naman."

I felt like I was being scooped from my place. Agad kumapit iyong kamay ko sa unang bagay na nahawakan ko.

"Hoy, Cadence, bitiwan mo si Nota at nang makauwi na 'yan," sabi ni Cliff.

Dinilat ko iyong mata ko kahit na sobrang bigat sa pakiramdam. Nasa loob pa pala kami ng sasakyan ni Note. Bukas iyong pinto at si Cliff 'yung kumarga sa 'kin. Pero lamukos pa rin ng kamay ko 'yung polo ni Note.

"Kuya, papasukin mo si Note. Gusto kong ipag-luto niya 'ko..."

"Shit. May lagnat ka nga. Tinatawag mo akong Kuya, e. Tuwing lasing at may lagnat ka lang nagiging magalang," he said, amused.

Gusto kong umirap kung 'di lang sana masakit 'yung ulo ko.

"Anong gusto mong kainin, princess?" maingat na tanong ni Note.

"Magluluto ka talaga?" tanong ni Cliff. "Inuuto ka lang nitong kapatid ko, nagpapa-uto ka na naman."

Napaka-epal talaga nitong kapatid ko na 'to.

"Ilalagay ko muna 'to sa kwarto niya," sabi ni Cliff. "Bitawan mo na si Nota, Cadence. Oo na, papapasukin ko na sa bahay. Okay na? Happy ka na?"

Tumango ako pero ngumiwi din kasi nahilo ako agad. May pasok pa bukas. Hindi ako pwedeng mag-absent at ayoko rin. Binitiwan ko na rin 'yung damit ni Note nung sure na naka-sunod siya sa amin.

Naka-idlip ako ulit dahil sa sakit ng ulo. Medyo naalimpungatan ako no'ng ibinaba ako ni Cliff sa kama. Dinama niya 'yung noo ko tsaka naglagay ng thermometer sa 'kin. 

"39.9... Tsk, ang taas ng lagnat mong pasaway ka," he snarled. "Bakit ka ba kasi nagpapagod masyado?"

"School stuffs," mahinang sagot ko. 

Ang kati ng lalamunan ko. Mukhang magkaka-sore throat din yata ako. Ayoko na! Kailangan ko ng boses para sa performance namin sa Monday. Gusto kong maiyak. 

"Ang dami niyong officers 'dun. Sana nagpatulong ka. Hindi 'yung pinapagod mo nang ganito iyong sarili mo. Gusto mo ba ng salamin? Pang-white lady na 'yang mukha mo. Malayo pa'ng November, pang halloween na agad 'yang hitsura mo."

Gusto ko na siyang sagutin sa pambabara niya sa 'kin pero ang sakit pa rin ng ulo ko.

"Manahimik ka diyan... matutulog ako," I told him in my weak voice. Ugh, I hate this. "Si Note pala..."

Sinilip ko si Cliff sa gilid ko. Naka-halukipkip lang siya habang masama ang tingin sa 'kin.

"Nag-luluto."

"Gisingin mo 'ko pagtapos niyang mag-luto."

Umirap siya. "Matutulog ka, 'di ba? Mananahimik na ako."

Gusto kong sakyan 'yung pagsusungit niya pero naka-tulog na agad ako. Sobrang sama ng pakiramdam ko.

Hindi nag-tagal, may naramdaman akong dumapo sa aking basang bimpo. Dinilat ko iyong mata ko. Nakita ko si Note na nagpipiga ng bimpo sa basin.

"Tapos ka nang mag-luto?" tanong ko. Ganon pa rin 'yung boses ko. Ang kapal na lalo. Kainis.

Malumanay niya akong nginitian. "Gusto mo nang kumain?"

Tumango ako. Inalalayan niya agad akong umupo. Isinandal niya ako sa headboard ng kama bago kinuha iyong naka-takip na pagkain sa tray na nasa side table.

"Mainit pa 'to. Pagtapos mong kumain, inom ka ulit ng gamot."

"Lugaw?" Napasimangot ako. Akala ko afritada iyong lulutuin niya.

He chuckled at my reaction. "Wala kang panlasa ngayon. Sakto lang na 'yan 'yung kainin mo. Tsaka na iyong paborito mo pag magaling ka na kaya dalian mo magpa-galing."

"Okay. Promise 'yan, ha?"

Ngumiti siya tsaka tumango. 

"Anong oras na pala?" I asked. Kanina pa kasi siya nandito. Baka hinahanap na siya ni Auntie.

"Past 11 pm."

"Hala, dapat umuwi ka na. Baka nag-aalala na sa 'yo si Auntie."

"Nagsabi na ako sa kanya. Ayaw na nga akong pauwiin. Alagaan na lang daw muna kita dito," sabi niyang natatawa. "Pakainin na kita." Hinalo niya 'yung lugaw, kumuwit sa kutsara ng konti tsaka inihipan.

"Kaya ko naman."

"Diyan ka lang. Ako nang bahala."

Tinapat niya sa 'kin iyong kutsara. Wala akong nagawa kundi tanggapin iyon. Tahimik lang kami habang pinapakain niya ako. Malumanay lang siyang naka-tingin sa 'kin. Pinapanood niya 'yung bawat pag-nguya ko. Tapos pag nagtatama 'yung tingin naming dalawa, ngumingiti lang siya nang marahan. 

Pero 'yung puso ko... nagwawala na sa loob. Ang ingay. Kinakabahan ako dahil baka marinig niya...

"Tubig?" tanong niya. Tumango ako. Nawala na yata talaga 'yung boses ko. Maingat 'yung pagkaka-abot niya sa 'kin ng baso pati na rin iyong gamot. "Maligamgam 'yan."

Pagtapos niya akong pakainin, humiga na ako agad. Ayokong tulungan niya ako uli pati sa pag-higa. Baka mahalata niya 'yung bilis ng tibok ng puso ko. 

Side effect siguro 'to ng lagnat... o ng gamot na ininom ko kanina.

Naglagay siya uli ng maligamgam na bimpo sa noo ko. 

"Tulog ka na ulit," sabi niya nang marahan. 

Tumango ako. "Umuwi ka na... Ayos na ako dito," I told him. Mapupuyat lang siya pag nandito siya.

Tumango siya. "I will. Basta matulog ka na muna."

Tumango ako tsaka hinayaang makatulog ang sarili ko.

Pag-gising ko kinabukasan, nakita kong malapit na sa kama ko iyong couch... at mayro'ng Note na nakatulog 'dun.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top