Chapter 4

Chapter 4


I don't know how I survived the day. 

Although, ramdam ko naman na may paulit-ulit na dumadaan sa room habang nag-kaklase kami. Sigurado ako na sila Note 'yun. Magka-klase kasi sila nila Guilbert, Jess, at Lucky. Pero wala naman silang magagawa dahil 'di nagtatagal, dumating na rin iyong teacher nila.

Lunch time, nag-tago uli kami ni Maya at kumain sa fast food chain na malapit sa school. Lumusot ulit kami 'dun sa lagusan. Tapos nung uwian na, chinika ko iyong teacher namin at sabay kaming bumaba ng building. Sumunod pa talaga ako hanggang sa faculty at nag-stay 'dun nang matagal para lang maka-siguro na wala na sila Note sa labas.

"O, buhay ka pa," bati ni Cliff nung makita ako sa kusina. May backdoor kasi kami 'dun at sa sobrang pagka-praning ko, 'dun pa ako dumaan kaninang pag-uwi.

Inirapan ko siya. "Pwede bang kalimutan mo na lang 'yun? Kasi ako kinakalimutan ko na."

"Bakit? Naalala mo na ba?" he curiously asked me. 

Hindi ko siya sinagot. Umirap lang ako ulit tsaka dinala iyong cereals ko sa sala. Sinundan niya ako 'dun.

"Naaalala mo na nga?" he asked again.

"Hindi pa!" inis kong sabi. 'Yun iyong nakaka-asar sa lahat. Wala akong maalala maski isa sa mga ikinwento niya. "'Yung kwento mo kasi. Nakakainis!"

Tumawa na naman siya nang tumawa. Parang enjoy na enjoy pa siya sa nangyayari samantalang kaninang umaga, ang sama naman ng tingin sa 'kin.

Nag-ring na naman 'yung cellphone ko. Tumatawag na naman si Note. 

"O, ba't 'di mo sagutin?" he asked, grinning.

I squint my eyes. "You think may maihaharap pa 'kong mukha sa kanya after nung ginawa ko?"

Tatawa-tawa lang siya habang pinapanood akong tinitignan lang 'yung screen ng phone ko.

"May maganda 'din palang naidudulot 'yung paglalasing mo, e."

"Anong maganda sa nangyayari?" tanong ko sa kanya. Gosh. Naiinis na naman ako! Bakit ba ang saya-saya niya? Hindi ba pwedeng maki-sama naman siya sa hiyang nararamdaman ko?

"'Yung hindi kayo nagkikita nung Nota na 'yun. Ayos 'yan. Mag-aral ka muna," he replied shamelessly.

"May banda kami, Cliff," I pointed out. "Hindi ko siya maiiwasan nang ganun-ganon lang."

"E 'di pass ka muna sa mga gigs n'yo." He shrugged.

Umiling ako tsaka nag-walkout sa inis sa kapatid ko. Nagkulong na lang ako sa kwarto tsaka nag-plot ng ways para maka-lusot kay Note sa mga susunod na araw.

----

"'Dun ka ulit sa lagusan dumaan?" tanong ni Maya pag-dating ko sa classroom. Saktong nag-start iyong class namin pag-dating ko. Sinadya ko talaga 'yun.

"That's the safest way," I replied.

Today is the fourth day. So far, successful naman 'yung pagtatago ko. Hindi na rin muna ako gumamit ng cellphone para 'di ako ma-guilty masyado pag nakikitang tumatawag si Note. Kahapon, pinuntahan niya rin ako sa bahay pero nag-lock ako ng pinto sa kwarto ko. Buti na lang wala si Mommy kahapon kaya wala talagang naka-gawa ng paraan para matulungan si Note...

"You're seriously making it hard and unfair for Note," Maya said while we're eating lunch sa KFC.

"Then what choice do I have? Aaminin ko?"

She shrugged. "I kind of think about that. Since umamin ka naman na, kailangan mo lang ulitin 'yun nang 'di ka lasing."

"Gusto ko na ngang kalimutan, e. Tapos uulitin ko pa?"

Nagkibit siya uli ng balikat. "Ikaw. Bahala ka."

I sighed. Hirap naman ng ganito. "I can't even face him..."

"You can't run from him forever, Cady," she replied. "Besides, both your lives are connected in whichever's way. Kahit ako nawiwirduhan pag 'di ko kayo nakikitang nag-uusap, e," she sighed. "Tsaka miss ko na iyong mga pagkain sa canteen. Kailan ba tayo babalik sa normal?"

I sighed. It's the truth. Pati si Maya nadadamay ko na sa pag-tatago. Tsaka nakakapagod din 'yung may iniiwasan...

Nagbuntong-hininga ako ulit. 

"Alright... I'll talk to him later in the afternoon."

Her eyes twinkled. "Really?"

I nodded.

"You think kaya ko?" 

Naiiyak na naman ako tuwing naaalala iyong kagagahang ginawa ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin naaalala 'yun (hindi ko na yata talaga maaalala) pero ang animated kasi mag-kwento ni Cliff kaya ang linaw ng kinuwento niya sa isip ko.

"Oo naman. You're like the girl version of Tarzan kaya..."

Natawa ako sa kanya. Sa lahat ba naman ng pwedeng paghambingan, si Tarzan pa talaga?

She shook her head when I laughed. "Oo kaya. You are very friendly pero pag 'di mo gusto 'yung tao, napaka—sorry for the word—napakabitch mo. Remember nung nagpunta tayong El Nido nun tapos may babaeng umaligid kay Kuya Cliff? Muntik mo nang lunurin."

I chuckled. Naalala ko 'yun. Masyado kasing maarte at clingy e kakikilala pa lang nila ni Cliff sa isa't-isa no'ng araw na 'yun. Kaya nung sumama siya sa banana boating namin, pumuwesto ako sa likod niya tsaka nagpa-hulog at hinila siya nung nasa gitna na kami ng dagat.

"I didn't know back then that she doesn't know how to swim. Kung 'di ba naman siya nag-iisip at sumama pa sa 'tin?" I shake my head. Naiinis pa rin ako tuwing naalala 'yun. "Tsaka duh, we wear life vests nun. We're safe." 

Umiling si Maya tsaka kinuwento pa 'yung ibang ginawa ko sa mga taong ayaw ko. Ang dami niyang sinabi at wala pa siyang balak tumigil kung 'di ko pa siya pinatigil. 

I was fidgeting already when our last class was done. Mas lalo lang akong kinabahan nung nakita ko agad si Note sa labas ng room.

Holy smokes! I wasn't ready yet!

"Goodluck, Cady," Maya said before bidding goodbye. Nasa labas na raw kasi iyong papa niya para sunduin siya.

Tumango lang ako at 'di na nagsalita. Hinayaan ko na lang siyang umalis. Inilagay ko lahat ng gamit ko sa bag ko. Binagalan ko pa para sana makapag-prepare ng sasabihin. Sa sobrang tagal kong nag-aayos ng gamit, ako na lang 'yung natira sa loob ng room.

"Skylah."

I froze when I heard his voice behind me. I bit my lip. Dahan-dahan kong sinarado iyong zipper ng bag ko tsaka humarap sa kanya.

"Mag-usap tayo," sabi niya.

Titig na titig siya sa 'kin. Ako naman, walang nagawa kundi umiwas ng tingin. Naalala ko na naman iyong kwento ni Cliff. Uminit agad 'yung mukha ko. Tsaka Skylah na 'yung tawag niya sa 'kin. Hindi na princess. Meaning: seryoso na talaga siya. 

"U-uhm... sige ba!" sabi ko tsaka awkward na tumawa. Tumigil naman agad ako dahil mukhang 'di na talaga siya natutuwa sa 'kin. "Uh... dito ba tayo mag-uusap?"

Umiling siya tapos, "Tara." Hinatak niya 'yung kamay ko tsaka naglakad nang mabilis kaya nagpadala lang ako.

Pumasok kami sa music room. Walang katao-tao. Sobrang tahimik. Tama ba 'tong desisyon ko?! Dapat yata sumabay na ako kay Maya umuwi?!

Hindi pa rin niya 'ko nilulubayan sa titig niya. Yumuko ako tsaka tinitigan 'yung sapatos ko. Huminga ako nang malalim tsaka nag-angat ng tingin sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa 'kin. Yumuko ako ulit...

"Why are you ignoring my calls?" he asked calmly. Kaya mas lalo akong kinabahan. Pag ganito kasi siya ka-kalmado, ibig sabihin, hinahabaan na lang niya 'yung pasensya niya. "Hindi mo rin ako binaba nung pumunta ako sa inyo. Even here in school, ngayon lang kita na-tyempuhan."

Huminga ako ng malalim. Talk, Cadence, talk!

"Ano kasi... n-nahihiya lang ako," I confessed. 

I balled my hands into fists. Give it a go, Cadence! Pagkatapos nito, balik na kayo sa normal ulit.

Inangat ko iyong tingin ko sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa 'kin pero 'di na ako nag-iwas ng tingin. Nakipagtitigan na lang ako. Seryoso pa rin iyong mukha niya. Ngumiti ako nang alanganin.

"Nahihiya ako sa nangyari no'ng debut," I started. "I don't know how to face you after that. I'm sorry 'dun. Alam ko napa-hiya ka rin sa ginawa ko." Hingang malalim, Cadence. "You know... we're friends, right? So please do me a favor? Just act like nothing happened na lang, okay? Naka-inom lang ako nun kaya nabaliw ako. It wasn't really me. It was the alcohol speaking. 'Wag mo na lang balikan 'yun. Para back to normal na tayo."

His forehead creased slowly. He tilted his head like he did not follow the situation right.

"Is this about the talk?" he asked cautiously.

Talk? Anong talk? 'Yung sa panliligaw? 

"Oo..." Pero hindi lang 'yun... Gosh. Iisa-isahin pa ba niya?!

"Do you remember what happened that night?" he asked again.

Por dios! Ito na nga ba 'yung sinasabi ko, e. Magbabalik-tanaw pa yata kami sa nangyari nung Linggo! Kasasabi ko lang na huwag nang balikan, e.

"Hindi masyado... pero kinuwento ni Cliff sa 'kin," I replied.

Tumitig pa siya sandali sa 'kin. Ano ba?! Bakit ba panay titig siya ngayon? Ini-imagine pa rin ba niya 'yung kiss namin? Ganon ba kahirap kalimutan iyong halik ko? Ang unfair kasi 'di ko naman maalala...

"And... you avoided me for a week just because of that?" tanong niya na parang hindi siya makapaniwala.

I nudged at him. "Uy, grabe ka naman sa week. Four days lang," sabi ko. Bumaba naman 'yung tingin ko sa labi niya. Ugh! My mind's not innocent anymore. Tapos hindi na virgin 'yung labi ko! Ang nakakainis pa dito, hindi ko pa naaalala iyong feeling! Unfair! 

Nagbuntong hininga ako nang malakas tsaka umirap. Unfair talaga.

He shook his head and sighed. Umupo siya sa may stool chair kaya umupo rin ako 'dun sa may mono-block chair na nasa harap niya. Gosh. Para kaming nagmi-meeting dito. 

He crossed his arms and my eyes automatically dropped on its veins. Seriously... Highschool pa lang kami pero pang-college na iyong itsura ng katawan niya! Kaya na niyang makipag-sabayan sa katawan ni Cliff. Araw-araw kasi siyang nagwo-workout ayon kay Auntie.

"If it's about the talk, it's no big deal," sabi niya kaya tumingin uli ako sa mukha niya. "There's nothing wrong about asking. I don't really see anything wrong with that."

Tumango-tango ako. Nadi-distract din ako sa labi niya habang nagsasalita siya. Ano kayang feeling nun? Malambot ba? Bakit ba kasi 'di ko maalala?! 'Yun na iyon, e! Tutal naman napahiya na ako, bakit 'di ko man lang nakuha iyong prize of shame ko?

"And if it's about you acting impossibly cute when you're drunk, then you shouldn't worry anymore. It's really one of a lifetime experience to see you like that." And for the first time since four days, he smiled at me.

But wait. Kumunot na 'yung noo ko.

"Uminom ka rin ba?" tanong ko. Kasi 'di ko talaga maalala na uminom siya. Pero para kasing may nami-missed-out siya sa mga sinasabi niya.

Umiling siya. "I didn't drink. I need to stay sober for the both of us."

"E 'di naaalala mo ang lahat?"

"Of course."

Umawang iyong bibig ko. "Good Lord..." I muttered. "Hindi ka ba galit?"

He looks at me, confused. "Why would I get mad at you?" 

"Kasi... 'di ba? Okay lang sa 'yo 'yung ginawa ko?"

"Ginawa mo? 'Yung pag-susuka mo sa dibdib ko? Kasi ayos lang naman 'yun."

Lukot na talaga 'yung noo ko. Hindi ko na naiintindihan kung same pa rin ba iyong topic na tinutukoy namin. Sinukahan ko rin siya? Hindi 'yan nai-kwento ni Cliff sa 'kin. 

Umiling ako. "Hindi! 'Yung... 'yung isa pa..."

Tinitigan ko siya habang hinihintay siyang maka-alala.

He stared back at me then he just snapped na parang may naalala pa siya. "'Yung pinipilit mo 'kong matulog sa tabi mo?"

Nanlaki 'yung mga mata ko. "What?!" I frigging did that, too?

He chuckled. "That didn't offend nor violate me so it's also fine with me."

"Ano pang nangyari after nun?"

Nagkibit siya uli ng balikat. "You went to your bathroom and slept under the shower. Fully dressed."

"Tapos?" I asked again. Something just don't really fit in the puzzle.

"Then Manang took care of you and tuck you in your bed. I stayed a little until I heard you snoring—"

Nanlaki 'yung mga mata ko. "Excuse me, I don't snore!"

Tumawa siya. "Sure."

I rolled my eyes. Nang-iinis na siya! So okay na kami? "Ano pa nga'ng nangyari? Iyon lang?"

"Ano pa bang dapat mangyari?" natatawa niyang tanong. "You're acting really weird, princess."

"Sure ka ba?" I confirmed. 

He nodded. "More than sure. Hindi naman ako uminom kaya tanda ko lahat ng nangyari."

I pressed my lips into a thin line. 

That... Clifford Simeon Valencia Zamora! Did he trick my mind?! Nag-imbento lang siya ng kwento para sa kahihiyan ko?! Tapos ako naman, paniwalang-paniwala sa kanya! Ang tagal ko pang iniwasan si Note! Maybe that's his plan!

"Why?" Note confusedly asked.

I sighed. Tinignan ko siyang mabuti. Nakakainis talaga si Cliff! Hindi tuloy ako maka-tingin ngayon kay Note nang walang malisya kasi buong akala ko, totoo 'yung kiss!

"Sorry talaga kasi iniwasan kita. It won't happen again."

Maingat siyang ngumiti sa 'kin. "Yes, please. Don't do it again. Ilang gabi akong 'di naka-tulog. Iniisip ko kung anong ginawa ko."

Nakaka-guilty tuloy. Kasalanan ni Cliff lahat nang 'to! 

Ngumiti na lang ako. Tumayo ako at kinabit ang braso ko sa braso niya. "Sorry na, ha? Bati na tayo, ha?"

He laughed. Ginulo niya iyong buhok ko. "Alright. Absolved."

I tugged his arm. "Tara! Kain tayo sa labas. Treat ko. Peace offering."

"Really?"

Ganado akong tumango. Seryoso talaga akong gusto kong makabawi sa kanya. Ito yata iyong pinaka-matagal na 'di kami nag-usap. Hindi naman kasi kami nag-aaway nito mula pagka-bata, e. Lagot talaga sa akin mamaya 'yung Cliff na iyon pagdating ko sa bahay. Kaya pala tanong siya sa 'kin nang tanong kung may naaalala na ba ako tsaka ako tatawanan tuwing sasabihin kong wala. 

We went to a Korean restaurant. Nag-crave ako ng samgyupsal ngayon kaya dito ko na lang siya dinala, since sabi naman ni Note kanina na ako na lang ang bahala kung saan ko gustong kumain.

Dumating iyong mga side dishes at agad kong hinanap 'yung kimchi. Lumapad agad 'yung ngiti ko bago pinulot 'yung chopsticks at tumikim doon.

"Pagkain talaga nakakapag-pangiti sa'yo nang ganyan kalapad, e," Note commented upon watching me munched on the dishes.

"Masarap kasi 'to. Tikman mo 'tong fish cake." Nag-chopsticks ako ng tatlong piraso tsaka tinapat sa bibig niya. Medyo natigilan siya pero sinubo rin niya agad. "Ano? Masarap, 'di ba?" I asked him with full delight while watching him chewed the food.

Tumawa siya tsaka tumango.

Napa-palakpak ako pagdating nung mga meat. 

"Ako na'ng magluluto. Kumain ka na lang diyan," Note said as he started cooking the pork.

Tinaas ko 'yung kilay ko. "Pero kakain ka rin, ha?" sabi ko. Baka kasi dayain lang ako nito. 

"Oo nga," sabi niyang natatawa.

Pero hindi ako naniniwala 'dun. Lahat ng niluluto niya ay nilalagay niya sa plato ko. Siya, wala pang nakakain. 

"Ako naman 'yung magluluto," sabi ko.

"Ako na lang. Kumain ka lang diyan."

"Pero hindi ka pa nakakakain!" I glared. "Dinadaya mo ako. Nakaka-dalawang batch pa lang tayo." At puro ako 'yung kumakain 'dun.

He chuckled but still did not stop on grilling. "It's been four days, princess. I missed this. Hayaan mo na 'ko."

Natigilan naman ako. Ramdam na ramdam ko kaya iyong pagka-miss niya sa 'kin. Kanina niya pa ako pinapanood kumain, e. 

"Pero kailangan mo ring kumain. Remind ko lang."

Ngumiti lang siya tsaka nag-luto ulit. Kaya pinag-balot ko na lang siya ng pork at kimchi sa lettuce tsaka isinubo sa kanya.

Natigilan na naman siya habang nakatingin sa kamay kong may hawak na pagkain.

"Malinis kamay ko, ha? I washed earlier. Since ayaw mong tumigil sa pag-luluto, then let me feed you. Say aah..."

Sumasayaw 'yung kulit sa mga mata niya habang tinatanggap 'yung pagkain na ibinibigay ko. 

"Sarap, 'no?"

Dahil puno 'yung bibig niya, tumango na lang siya habang ngumunguya. Lumapad 'yung ngiti ko. Napalagay na ako na tinatanggap niya iyong mga binibigay ko sa kanya kaya hinayaan ko siyang mag-luto na lang. I feed him once in a while tapos ako ang gana ko rin kumain. Malaki talaga 'yung sikmura ko kaya matakaw ako. Hindi naman ako tabaing tao dahil mabilis iyong metabolism ko.

"Tigilan mo nga 'yan," sita ko sa pagvi-video niya. Tapos na siyang magluto kasi 'di na kami humingi ng another batch. Busog na rin kasi ako. Naka-anim na batch din kami.

"Dali na. I need this evidence that we're already okay. Baka bukas iwasan mo na naman ako."

"Baliw. Hindi na nga. Nag-sorry na nga ako, 'di ba?"

"Basta 'wag mo nang ulitin 'yun ha? You're seriously making me die in worry."

"Hindi na nga. Sorry talaga sa ginawa ko."

Ngumiti lang siya tsaka pinagpatuloy 'yung pagvi-video niya. Inirapan ko siya tsaka tumawag na lang ng waiter para mag-bill out. Nilabas ko na iyong pambayad ko kaso naunang kunin ni Note 'yung bill. Tapos binigay niya agad 'yung bayad sa waiter.

"Keep the change," sabi niyang naka-ngiti sa waiter. 

Nanlaki 'yung mga mata ko. "Huy, 'di ba sabi ko, treat ko? Bakit mo binayaran?"

"Next time mo na lang ako i-treat," he said wiggling his stupid eyebrows. "Tsaka nabusog naman ako. Higit kalahati yata nung niluto ko, isinubo mo lang sa 'kin."

Oh. Napansin pala niya 'yun. Lumabas na kami ng restaurant after kong nag-ayos sa restroom. Nasa labas na agad iyong driver nila Note. Hindi pa kasi siya pwedeng mag-drive dahil wala pa sa legal age. 

"Hi, Kuya Rick!" bati ko 'dun sa driver nila na nasa late-40's na. "Kararating mo lang ba? Kumain ka na?"

Ngumiti si Kuya Rick nung makitang magkasama kami ni Note. "Tapos na, Miss Cadence. Kumain na 'ko bago kayo sunduin dito. Bati na kayo?"

Nagkatinginan kami ni Note.

"Sa 'kin nagrereklamo si Sir Note sa apat na araw na 'di mo pagpansin sa kanya—"

"Kuya!" sita ni Note dito kaya pinagtawanan lang namin siya ni Kuya Rick.

"Yes, Kuya, bati na po kami," sabi ko habang tumatawa. 

Naka-simangot si Note habang binubuksan iyong pintuan ng backseat. Nilingon niya ako kaya nginitian ko siya ng matamis. Nawala naman iyong kunot sa noo niya. "Tss... Pasok ka na." 

Tumango ako at sumunod. "Thank you!"

Pero papasok pa lang ako nung may bumagsak na katawan sa tapat namin. Napa-atras ako sa gulat. May pumulot do'n sa lalaking natumba tsaka sinuntok siya uli. Napa-sigaw na talaga ako.

Agad lumapit sa kanila si Note para sana patigilin iyong nag-aaway sa tapat namin pero pati siya, sinuntok nung lalaki! Nag-panic agad 'yung sistema ko. Lalo nung nakita ko na 'yung nabugbog na lalaki kanina ay 'yung lalaking naka-tapon sa akin ng iced coffee sa restaurant nung Linggo! 'Yung Calix!

Nanginginig iyong mga kamay ko habang binubuksan 'yung cellphone ko. Lumapit ako sa lalaking nanununtok.

"Tigilan mo 'yan! I am recording! Kitang kita 'yung mukha mo dito!" sabi ko habang tinatapat sa kanya iyong camera ng phone ko. 

Nakabalik na rin si Kuya Rick kasama 'yung mga security guards nung restaurant. Nag-mura 'yung lalaki habang tinatakpan iyong mukha bago tinadyakan iyong Calix sa tiyan. Tsaka siya tumakbo palayo dahil dumarami na 'yung tao.

Nilapitan ko kaagad si Note. "Note!"

"Cadence! Delikado 'yung ginawa mo—"

"Anong gusto mong gawin ko? Panoorin ka lang bugbugin?!" I argued. Pinunasan ko agad iyong dugo sa gilid ng labi niya dahil 'dun tumama 'yung kamao nung bwisit na lalaki kanina. Pinanood ko 'yung expression ni Note. Namumula 'yung mukha niya. Naka-ilang suntok ba 'yun sa kanya?! Hindi ko nabilang dahil nag-panic na din ako. "Sa  susunod, manghingi na lang tayo ng tulong. 'Wag kang nakikisali sa gulo."

Tumango siya bago marahan na hinaplos 'yung buhok ko. "Sorry to worry you. Hindi ko na uulitin."

I nodded and sighed in relief. Buti naman ayos lang siya. 'Di ko alam kung anong gagawin ko pag may nangyaring masama sa kanya. Nilingon ko iyong Calix na hirap tumayo. 

"Saglit lang, ha," sabi ko kay Note.

Nilapitan ko 'yung Calix tsaka umupo sa harap niya. Ayaw niya kasing magpa-tulong kay Kuya Rick. Ang taas din ng pride ng lalaking 'to. Tinutulungan na nga, umaayaw pa.

"Calix, right?" I asked. 

Nag-angat siya ng tingin sa 'kin. The hair on my nape shivered. Sobrang lamig niya maka-tingin. Tao ba 'to?! "Sumama ka sa amin kasi injured ka. Idadaan ka namin sa hospital." Tinulungan ko siyang maka-tayo pero winaksi niya lang iyong kamay ko sa braso niya.

"I don't even know you. Fuck off."

Nanlaki 'yung mga mata ko. Attitude ng lalaki na 'to! Siya na ngang tinutulungan?! 

"Hoy! For your information, nasaktan iyong kaibigan ko dahil sa gulong dinala mo dito. Nagmamagandang loob lang kami kaya pwede ba?! Sumunod ka na lang—"

"Don't bother."

At tumayo siya kahit na halata namang hirap na hirap siya. Pinanood ko siyang mag-lakad papalayo sa crime scene. Mr. high and mighty! Halata namang hirap na hirap pero ayaw magpa-tulong. Hindi pa nakaka-sampung hakbang, nawalan na siya ng malay at tumumba sa kalsada. Note and I rushed to check him. Nagpatulong kami kay Kuya Rick para mailagay siya sa sasakyan.  

The next thing I know, nagmamadali nang mag-maneho si Kuya Rick papunta sa ospital.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top