Chapter 35
Chapter 35
Kala ko 'chill' lang 'yung huling Linggo ko bago ang Christmas vacation. But in my surprise, nag-simula na si Mommy sa pagpa-plano para sa debut ko two months from now. Naging busy ako lalo nang nagsimula ang bakasyon.
Mommy contacted an event organizer for my debut details and preparation. Sobrang hands-on ni Mommy at gusto niya ring naroon ako palagi para sa mga huling desisyon.
"Daddy contacted Tita, gusto niya rin si Miss Nerma para sa debut ko," Maya said when she visited me in our house.
"That's good. Magaling si Miss Nerma." Maski iyong pinakamaliit na detalye sa kanya, hindi nakakalagpas e.
"Sino first and last dance mo?"
Tumuloy ako sa pagpapatuyo ng buhok. "The first dance would be Daddy.. Last dance, si Note."
"Of course," patuya niyang sabi.
Tumawa ako. "Why, you? Alam ko naman kung sino 'yung magiging last dance mo."
Namilog ang mga mata niya. Iniwas agad niya iyong tingin sa akin.
"We're not yet you know," she defended.
Humugong ako. "But you can't deny the fact that you're already a 'thing'."
I saw how quick she's flushed with my remark. I smirked. Totoo naman kasi. Unti-unti na talagang nagpaparamdam sa kanya si Jessi. Manhid na lang niya kung hindi pa niya mapapansin iyon. Kahit iyong boys, nakararamdam na rin, e.
"I'm not yet ready for another relationship," Maya professed. "Feeling ko malas ako sa ganyan. Mag-aaral na lang muna ako."
"Hmm... Si Gamboa pa rin ba?"
"Hindi na," she replied quickly. Almost defensive.
I smiled. "Okay. Don't get pressured, though. Kaya naman mag-hintay ni Jessi. Just... if you don't feel the exact way of how he feels about you, or even a bit, don't lead him on. Parehas ko kayong kaibigan kaya ayokong may masaktan sa inyong dalawa, okay?"
She nodded and smiled at me. "I won't hurt him."
"Make sure you won't hurt yourself, too..."
By Christmas, handa na iyong mga invitations para sa debut ko. Medyo nabibilisan ako sa mga pangyayari pero sabi ni Mommy, mas ayos daw na maagang maipamahagi iyong mga invitations sa mga guests.
Lumipas ang Pasko, sama-sama uli kaming nag-Pasko nila Auntie Nerissa, Note at Kuya Raven kasama si Mommy at Clifford. That was the first Christmas that Daddy's not with us. Nakakalungkot pero siguro kailangan ko nang masanay.
He video-called me, though. Nagkausap din sila sandali ni Cliff. Other than that... we still feel distant to each other. Maybe I'd be satisfied by the fact that he's reaching out to us... 'di katulad noon na walang paramdam.
This year has caused huge sadness to our family but at least, seeing Mommy smiling genuinely now, ayos na sa 'kin iyon.
"You're recording me again, aren't you?" Naningkit iyong mga mata ko kay Note.
Nakatapat na naman kasi sa 'kin 'yung camera ng cellphone niya. Palagi na lang, tuwing magkasama kami, may mga videos ako sa gallery niya. Try ko nga minsan mag-vlog tapos siya iyong gawin kong videographer ko para mapagod siya sa kare-record...
"Just smile, princess," he said while smiling. "What's your wish for the next year?"
"Interview ba 'yan?" Tumawa ako.
"Awtsu. 'Wag KJ. Dali na. Answer the question."
Umiling ako habang nagpapatuloy sa pagbubukas ng mga regalo. Narito kami sa sala at nakapalibot sa Christmas tree. Busy kaming lahat sa pagbabalat ng mga regalo habang si Note, nandito, busy sa pagvi-video slash pang-i-interview sa 'kin.
I glanced at him and saw his expectant eyes on me. Umiling ako at ngumiti.
"I want to be happier next year. Okay na?" sagot ko.
"That's all? That's easy," he commented.
"It depends on the situation. How can that be easy?"
"Well, you can be happy exactly as how you decide to be?" Nginitian niya ako. "Happiness is a choice, right?"
Nagtagal iyong tingin ko sa kanya. Napangiti ako.
Well, first, he's one of the reasons why I always smile... why I feel happiness especially amidst this year which has become quite rough.
"There's the smile I love..." Lumapad iyong ngiti niya.
Nakatapat pa rin sa 'kin iyong camera. Ngumuso ako para pigilan 'yung ngiti ko.
"Magbukas ka na ng regalo mo!"
He chuckled. "Aw... Nahihiya ang girlfriend ko."
"Respeto naman sa mga taong nasa paligid niyo, 'di ba? Pwede namang tahimik na magbukas ng regalo?" Cliff interfered.
Tumawa si Auntie Neri. "Wala ka pa bang girlfriend, Clifford?"
"Naku, auntie, maraming—"
Tinakpan ni Cliff iyong bibig ko. I made muffled noises. Hindi niya pa rin ako pinapakawalan. Kinagat ko iyong palad niya kaya napalayo agad siya sa 'kin at nagtago sa likuran ni Mommy.
"Mommy, oh! Bampira 'yang bunso mo!"
"Ang pakla ng kamay mo!" reklamo ko.
"Maghanap ka na ng girlfriend mo, Cliff, baka mauna pang ikasal si Cady sa 'yo," Auntie chuckled.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Note at sabay napangiti.
Kuya Raven snorted. "He has many choices, though."
Humugong si Cliff. "Uy, dude, ano, laglagan?"
"Well, I'm loyal," Kuya Raven rebuked.
"LQ lang kayo ngayon, e," Cliff smirked.
"Magkaaway kayo ni Mika, 'nak?"
Kuya Raven glared at Cliff. "Tss..."
"Pinagselosan ako, Tita!" Humalakhak si Cliff.
"Playboy ka kasi e! Mukha ka pang flirt," kumento ko.
"Ha? Kasalanan ko bang ang gwapo ko kaya crush ako dati ng girlfriend nito?" Itinuro niya si Kuya Raven. Mas lalo namang sumama ang tingin ni Kuya sa kanya.
"Uh-oh, mukhang galit na si Kuya Raven," bulong ko kay Note.
Note chuckled. "Nah. Naiinis 'yan pero 'di 'yan nagtatanim ng sama ng loob."
I sighed dreamily. "Ang bait talaga niya..."
"Oh? Crush mo ulit?"
I looked at him. Nakataas iyong kilay niya, parang naghahamon. Tumawa ako.
"Seriously?! Tagal na nun."
"First crush mo siya mula nung primary pa lang tayo."
"Well... masisisi mo ba ako?!"
Umiling siya tsaka ginulo 'yung buhok ko. "Ako na boyfriend mo ngayon."
Mas lalo akong natawa. Mula noong bata ako, si Kuya Raven 'yung tinuturing kong boyfriend e. Tapos pag lagi akong kinikilig, si Note iyong pinagbubuntunan ko.
Kami-kami rin iyong magkakasama nang nag-bagong taon. Pero sa isang resort sa La Union kami nagpalipas ng limang araw. Natutong mag-surf si Note dahil matagal na siyang nagti-training doon. Samantalang ako, first timer kaya nahihirapan pa. Sayang, ang lakas pa naman ng alon.
"Gusto ko rin matuto n'yan," inggit kong sabi nung umupo siya sa tabi ko.
Nasa dalampasigan kami ngayon. Naka-suot siya ng puting striped na tank top at beach shorts. Gulo 'yung buhok niya at basa. Kararating niya lang galing sa pagsu-surf. Samantalang ako, napagod lang sa kalalangoy sa dagat kasama sila Maya. Iyong mga boys 'yung kasamang nag-surf ni Note. Sumunod sila sa amin pagtapos ng New Year's eve.
"Matututo ka rin. It takes time. Tuturuan kita." Kinuha niya iyong isang earpod at nilagay sa tenga niya. Nakikinig kasi ako ng music habang pinapanood silang nagsu-surf kanina. Naka-white bohemian dress ako habang nasa ilalim iyong bikini ko kaya medyo basa rin. "Nasa'n si Maya?"
"Nauna na sa kwarto niya. Napagod yata. 'Yung mga boys?"
"Ayun. Nag-banana boating." Tumawa siya.
"Ulit? Pang-ilan na nila 'yan, ah. Bakit 'di ka sumama?"
"Nandito ka e," he replied. "Syempre dito ako pupunta."
A Taylor Swift song played on my playlist. Napangiti ako. Saktong nagkukulay pink na iyong langit sa dulo ng dagat. Malapit nang lumubog ang araw.
"Sila na 'yung naaalala ko pag nakikita iyong paglubog ng araw," sabi ko sa kanya. Nakita kong napalingon siya sa 'kin pero nanatili lang 'yung tingin ko sa langit. "Pangit na memory." Tumawa ako.
"Baguhin natin?"
Napatingin ako sa kanya. "Ha?"
Ngumiti siya. Marahan niyang kinuha iyong kamay ko tsaka iyon pinagsalikop kasama ang kanya. I felt the coldness of his hand.
"Ayan. Ang init ng kamay mo. Sarap sa pakiramdam," he chuckled.
"Sa susunod na makakita ka ng paglubog ng araw, ako ang isipin mo..." he started as he smiled at the sky.
Napatingin din ako roon sa nagkukulay kahel nang langit. It looks so fascinating... so beautiful...
"Think about us now... we're watching the sunset, side by side, listening to music... talking... while holding each other's hands. I can feel your warmth... your pulse..." He laughed softly. "I have a confession to make."
Napunta sa kanya ang buong atensyon ko. "Hmm?"
"You are the one crush I couldn't get away," he chuckled.
Gulat na nanlaki ang mga mata ko. I didn't know that!
"Kelan pa?!"
He shrugged. "Hindi ako sigurado pero tingin ko, nagsimula nung unang beses kitang narinig kumanta."
My mouth went agape. Ang tagal na!
"I remember that day. Niyaya mo kami ni Kuya na magbahay-bahayan. Pumayag ako dahil akala ko, ako 'yung magiging asawa mo. Never did I know, you just did that to make my brother your fake husband," he huffed. "At ginawa mo pa akong anak."
Tumawa ako. "That's because he's my super-crush that time!"
"Inis ako noon kay Kuya buong araw," sabi niyang natatawa.
"Sino pang naging crush mo?"
Nagkibit siya ng balikat. "Ikaw lang."
"Huh? Ang dami kayang nagkaka-crush sa 'yo noon pa lang!"
"Wala naman akong nagugustuhan sa kanila. Sa 'yo rin naman, marami noon. Dami pang nag-aaya sa 'king makipaglaro dahil alam nila na kapag kasali ako sa laro, sasali ka rin."
Now, I was amazed. I didn't know any of that.
"May kaklase tayong nagpapalagay sa 'kin ng love letter noon sa bag mo. Nilalagay ko pag wala ka sa room."
"Really?"
He nodded. "Kaya lang, may classmate din tayong may gusto roon. Madalas kong nakikita na kinukuha niya sa bag mo 'yung letters. Hindi ko nga lang nababawi dahil pinupunit na niya agad..."
"Wow... I didn't know that? Why? At tsaka bakit mo inilalagay sa bag ko? 'Di ba crush mo ako?" Medyo offended kong tanong.
He smiled. "You don't have many friends back then. Ang nasa isip ko, kailangan mo ng kaibigan bukod pa sa 'kin. Hindi pa natin noon kilala si Maya kaya ako lang talaga 'yung kasa-kasama mo, 'di ba? Pag by gender iyong sitting arrangement, wala kang makausap."
"Because they don't like me."
"Ayaw nila sa 'yo dahil gusto ka ng mga crush nila." Tumawa siya.
I smiled. Talagang iniisip niya pala 'yung kapakanan ko dati pa. It's true that I don't have many friends back then. Tahimik lang ako sa isang sulok. Si Note lang talaga iyong kinakausap ko... at iyong kumakausap sa 'kin. Him thinking about me that way when we're still so young gives me warmth.
"You define my childhood, Skylah."
His thumb softly grazed on my palm.
"Tuwing may nagtatanong sa 'kin tungkol sa mga bagay noong pagkabata, naaalala agad kita."
Tumango ako. I understand that one. Ganoon din ako sa kanya.
"Nung unti-unti ko nang natatanggap na hindi na lang simpleng crush 'yung nararamdaman ko sa 'yo, medyo natakot ako." Tumawa siya. "I feel like I'm hoping for something that isn't going to happen."
Bumilis iyong tibok ng puso ko.
Nakatitig lang ako sa kanya habang nagsasalita siya. The color of sunset reflect on his eyes.
"I begin to love the way how you look at me. Gusto ko, lagi na kitang nakikita. Gusto ko, mas marami akong ambag sa kung ba't ngumingiti ka."
Nagbuntong hininga ako. I feel like I just arrived from a race.
"Gusto kong sabihin sa 'yong 'mahal kita'," he said and looked at me in the eye. Kahit iyong mga mata niya, nakangiti. "That was my dream. Didn't know it will eventually happen, though."
Humigpit iyong hawak niya sa kamay ko bago iyon inilapit sa labi niya. He dropped a kiss on my hand which made my heartbeat turned incredibly wild.
He smiled again and said, "Mahal kita."
I sigh and I smiled. I will now remember this scene everytime I watch the sunset.
"Mahal kita," I replied.
* * *
Pagtapos ng ilang araw, umuwi na agad kami dahil pasukan na uli kinabukasan. The whole January, iyong pagbibigay ng mga invitations lang sa mga kaibigan ko sa school 'yung inintindi ko. Syempre, pati iyong mga teachers ay invited pero si Lolo na 'yung nangakong magpapamigay noon sa meeting nila.
Nagsimula na rin sa practice ng cotillion sa bahay. Every after class, may SUV na sumusundo sa mga lalaking magsasayaw sa 'kin. Medyo nahihiya na nga ako dahil baka naaabala sila pero natutuwa pa sila dahil laging nagpapahanda ng merienda si Mommy tuwing practice.
"Parang gusto kong magpa-ampon dito, ang daming pagkain, e," Lucky chuckled while dancing me.
Ngumisi ako. "Puro ka pagkain, Luck. Watch your weight."
"Luh, hindi ka ba updated, princess? May abs na ako!" Kinuha niya iyong kamay kong nasa balikat niya tsaka idinantay sa tiyan niya. Nanlaki 'yung mga mata ko nung naramdamang matigas nga. "Oh, ha? Ano? Ramdam mo 'yan? Meron na 'di ba?"
"Whoa... Ang galing! Bakit ang tigas na?!" manghang tanong ko.
"Tama na 'yan," Cliff said as he pulled me away.
Hinatak din ni Note iyong braso ni Lucky para mailayo sa 'kin. Humarap ako kay Cliff tsaka idinantay 'yung kamay ko sa tiyan niya. Ang alam ko may abs na rin 'to, e.
"Ano ba, Cadence? Papakiramdaman mo na lang ba mga sikmura naming lahat kesa mag-practice?! Maggagabi na!" sermon ng kapatid ko.
I pouted. "I was just amazed, okay?!"
Nagagalit siya diyan... palibhasa na-postponed iyong date niya ngayon dahil sa practice...
Nag-start ulit 'yung practice. Since hindi naman kumpleto lahat ng eighteenth na lalaking magsasayaw sa 'kin dahil iyong iba ay 'yung mga pinsan ko, at si Daddy at Lolo rin na 'di na kailangan mag-practice, mabilis lang itong matatapos.
"You're extra curious about abs, muscles and such today," Note said when it's finally his turn.
I chuckled. "Lucky's fault. Hindi lang ako makapaniwala na nagseseryoso pala siya sa workout na sinasabi niya noon."
"I have those, too, you know?"
Naningkit iyong mga mata ko sa kanya tsaka ako natawa.
"Are you inviting me to touch this?" Akmang hahawakan ko iyong sikmura niya pero mabilis niyang napigilan ang kamay ko.
"I think you've held a lot for today. Tsaka na 'yung sa 'kin." He smirked.
I laughed at his remark.
The next days, nagsimula na akong mag-fitting ng gowns at dresses. Papunta na ako sa parking lot dahil doon kami magkikita ni Note para sabay na kaming pupunta sa boutique na pagsusukatan ng mga damit.
Mommy has prepared so much... pero hinahayaan ko na lang since she said, it's only once a lifetime... at nag-iisa lang akong anak niyang babae.
Kapapasok ko pa lang sa parking lot at nakita ko agad si Note na nakaupo sa isa sa mga concrete bench na nasa gilid. As if seeing me in his peripherals, lumingon siya sa gawi ko. I beamed and waved my hand at him. Napangiti rin siya.
While walking towards him, mabilis nawala iyong ngiti niya kasabay ng mabilis na pagtayo at pagtakbo papunta sa 'kin. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. Upon reaching me steadfastly, mabilis niya akong hinila papunta sa gilid ng parking lot. Napahiga siya sa gutter at nadapa ako sa dibdib niya. Naka-balot sa 'kin nang mahigpit iyong mga braso niya.
Lumingon ako sa pinanggalingan namin at nakita ang isang motorbike na mabilis na humarurot paliko sa exit ng parking lot.
A stab of fear envelop my system.
Did that... person try to harm me?
"Are you hurt?!"
Napakurap-kurap ako sa pag-alpas ng kaba sa dibdib ko. Someone's trying to harm me? Why?
"Skylah?! Are you hurt anywhere?"
Nagpakawala ako ng mabigat na buntong hininga bago hinarap si Note. Ipinaupo niya ako nang maayos habang hawak iyong magkabila kong balikat. Nanlalambot ang pakiramdam ko sa sobrang kaba. He's checking me in case I got hurt.
"A-are you okay?" I asked him.
"I am asking you. Nasaktan ka ba?"
Dahan-dahan akong umiling.
"Hindi. You.. protected me..." Bumaba iyong tingin ko sa braso niya. He has scratches on his skin. "May sugat ka. Ipagamot natin 'yan sa clinic."
"Are you sure you didn't hurt yourself?" he asked seriously.
Tumango ako. "I'm okay."
Tumango siya bago niya ako hinila sa yakap. His body was tensed. Mahigpit 'yung yakap niya sa 'kin. Sa sobrang higpit, ramdam ko 'yung lakas at bilis ng tibok ng puso niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top