Chapter 34
Chapter 34
One of the advantages about giving second chances is that you enhance your capability of forgiving. Totoo nga siguro na mas lamang ang dugo sa kahit na anong hinanakit.
Masama ang loob ko kay Daddy dahil sa ginawa niya. Nagkamali siya at pilit niyang pinagtakpan 'yon. Dahil sa pagpili niya sa sariling kasiyahan, nasaktan niya si Mommy, at kami ni Cliff – ang pamilya niya. Mas lalo pang tumindi ang hinanakit ko nang mahigit limang buwan siyang hindi nagpakita sa amin. It was like he officially kicked us out of his life for that woman.
But then, love becomes the substratum of our every decisions that it becomes exceptional than any mistakes or any pain.
Maybe that's my strength... and also my flaw.
If I'd be hurt again because of the same person I've forgiven, I think it's okay for me just so I can give them their second chance. I don't want to dwell in thinking 'what ifs' every night for not giving them the linience they might have been deserved.
If they choose to repeat the same mistake all over again, then maybe it's already their shortfall.
Though I can't offer full forgiveness in one go. Handa akong magpatawad pero tingin ko, unti-unti ko lang iyong magagawa. At kapag nakapagpatawad na, hindi ko maipapangako na makakalimutan ko ang mga nangyari. It's just that I am willing to give up this resentment bit by bit. But to forget all about it, it's still a blur to me.
"Are you really sure about this?" Cliff asked while I'm zoning out.
Nilingon ko siya at pinanood ang pag-ikot niya sa manibela. Lumiko ang sasakyan sa isang kalsada na malapit sa mga hilera ng restaurants at resto-bars.
Malapit na kami. Hindi ko mapigilang kabahan.
As long as I'm thankful to Calix's friendly offer to be my hero for the day, I declined. Kahit si Note ay nag-aalala sa 'kin pero hindi na ako nagpasama sa kanya. It's our family affair after all.
Kanina, sinamahan niya ako sa university na pinapasukan ni Cliff at magkasama kaming naghintay doon. The moment he saw that Cliff's approaching us, nagpaalam na siya para bigyan kami ng privacy.
Halata sa kanya na gusto niyang sumama pero kitang-kita ko ang pagpipigil niya. I see how he controls his will to get included just so he can give me the time with my brother. I am thankful for that.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kapatid ko.
"I mean, are you ready for this? Baka nabibigla ka lang. Pwede naman natin siyang sabihan para mai-reschedule 'to."
I smiled. "Magkikita rin naman kami kahit na hindi ngayon kaya bakit pa natin patatagalin..."
He sighed. "I don't know."
"Ikaw ba? Ayos lang naman sa 'kin kung ako na lang muna 'yung haharap. Ikaw ang isinama ko dito dahil syempre, akala ko, gusto mo na rin siyang makita."
Inihinto niya ang sasakyan sa labas ng restaurant na gaya ng napag-usapan.
Nilingon niya ako at inirapan. "Sira ka ba? Bakit naman kita hahayaang mag-isa na makipag-usap doon?"
Nagkibit ako ng balikat. "Malay ko ba. Baka hindi ka pa handa, e."
"Tss.. galit pa rin ako. Pero 'di ibig sabihin no'n na hahayaan na lang kitang mag-isang humarap sa kanya."
Unti-unti akong napangiti. Tinanggal ko 'yung seatbelt ko tsaka kumilos para yakapin siya.
"Salamat, Kuya."
Alam ko namang hindi niya ako kayang tiisin, e. Isa kaya ako sa mga weaknesses niya.
Ilang sandali pa bago siya nagsalita ulit. Panandalian niyang tinapik ang ibabaw ng ulo ko.
"Hmm. Sarap pakinggan, ah. Isa pa nga?"
"Salamat, Kuya," pag-uulit ko nang mas malinaw.
Tumawa siya nang malakas. "Isa pa ulit."
"Salamat... Kuya."
Nanginig ang balikat niya sa pagtawa.
Sumimangot na ako tsaka kumalas sa yakap. Pagtingin ko sa mukha niya, sobrang lapad na ng ngisi niya sa labi. Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang pagtawa niya. Kainis! Kaya ayokong tinatawag siyang ganon, e.
"Tuwang-tuwa ka, e, 'no?"
Humalakhak siya. "Kasalanan mo. Kuya mo 'ko pero 'di mo ako tinatawag na 'Kuya'. Feeling mo magka-edad lang tayo. Buti pa pag may sakit ka o lasing, tsaka mo lang ako kinu-Kuya, e. Kung lasingin kaya kita?"
Umiling na ako. Pag-iisip talaga nito minsan!
"Ang dami mong alam!" Umirap ako. "Mas matured pa yata ako sa 'yo."
Humugong siya. "Oy, foul 'yan, ha!"
Tumawa ako. "Tara na nga."
"Nandiyan na kaya siya? Siya lang ba talagang mag-isa? Kung kasama niya 'yung babae niya, huwag na tayong tumuloy," si Cliff habang nagtatanggal ng seatbelt.
"Hindi ko rin alam. Pero sabi ni Calix, baka mag-isa lang siya."
"Baka," he quoted. "Hindi natin sigurado."
"Check ko?"
Pumalatak siya. "Huwag na. Sabay na tayong pumasok. Park ko lang nang maayos 'to."
Naghintay ako hanggang sa mai-park niya nang maayos iyong sasakyan bago kami sabay na bumaba. Pagpasok sa restaurant, may sumalubong na staff sa amin na nagtatanong kung may reservation ba kami. Sinabi ni Cliff ang pangalan ni Daddy kaya iginiya kami papunta sa isang private room.
Pinagtitinginan kami ng mga tao pagpasok namin. Naka-uniform pa kasi ako tapos si Cliff naman, nakaputing tshirt at pantalon lang. Aminado naman akong malakas ang hatak niya sa mga babae kapag ganito ang pormahan niya kaya binilisan ko na ang paglalakad.
Baka mamaya, may bigla pang mangharang na babae sa amin para makipagkilala sa kanya, e.
Huminto kami sa tapat ng pinto kaya lumala iyong kaba ko. Nagkatinginan kami ni Cliff. Kahit naman hindi niya sabihin, alam kong kinakabahan din siya.
"Here's your private room, Ma'am and Sir. We'll send our waiter to fetch your orders in a minute," ang staff.
"Thank you," I smiled at the staff before she went away.
Nagbuntong hininga ako.
"Ano? Buksan ko na 'to, ah?" Hinawakan ni Cliff 'yung handle ng pinto.
Tatango na sana ako nang may mapansin ako sa kanya.
"Ayos ka lang ba? Pinagpapawisan ka."
Nagtaas siya ng kilay. "Huh? Ako? Hindi, ah."
I smirked. Kinuha ko ang nakatuping panyo sa bulsa tsaka ipinahid sa noo niya.
"Sigurado ka bang sasama ka sa 'kin? Ayos lang naman siguro kung ako na lang muna," sabi ko.
Ayoko namang sumama siya sa 'kin kung hindi niya pa talaga kaya.
Humugong siya. "Hindi nga sabi kita hahayaan mag-isa. Tara na nga."
Hindi na niya hinintay iyong sagot ko. Itinulak na niya ang pinto at sabay na kaming pumasok. Napatingin agad ako sa lalaking nakaupo sa harap ng malawak na pabilog na mesa. He stood up while hopefully looking at us.
Mag-isa lang siya roon. Nakahinga ako nang maluwag.
"Clifford... Cadence..." si Daddy.
Parang may mainit na humahaplos sa puso ko habang pinagmamasdan siya. He's slightly slim right now compared to the last time we see each other. May ilang mga puting buhok na rin siya. His eyes looks so tired and sad.
Hindi ko maigalaw ang mga paa ko. I think it's the same case as Cliff. Kung nasaan kami pagbukas ng pinto, doon pa rin kami hanggang ngayon.
Si Daddy ang nagsimulang humakbang palapit sa 'min. Dahan-dahan. Nakikiramdam.
"Mga anak..." he trembled. Kita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata niya. "Mga anak ko... maraming salamat sa pagpunta niyo..."
Parang may bumabaon na kung ano sa puso ko. Ngayong nakita ko na siya ulit, gusto ko na lang siyang yakapin. I missed him so much. Almost five months of no communication at all... Akala ko nakalimutan na niya kami. I am still hurt for what he's done but I guess, the fact that he has a soft spot in my heart will never falter at all.
"Daddy..." I trailed off. I saw how his eyes acknowledged my word. I smiled faintly. "Kumusta po?"
Unti-unting ngumiti si Daddy kasabay sa pagtulo ng mga luha niya. "K-kayo ang dapat kong tanungin niyan, anak... I'm sorry... I'm sorry.. I failed to be a good father to both of you. Patawad, mga anak..."
My tears triggered quickly when he tried to fall on his knees. Agad siyang nasalo ni Cliff sa braso niya.
"You don't have to do that, Dad," Cliff said in a stern voice. "Kaya kami pumunta rito para makausap kayo. Hindi para makita kang lumuhod sa harap namin."
Mas lalong naiyak si Daddy. Sumigok ako.
"Patawad, mga anak ko..."
"I think you should apologize to Mom instead..." si Cliff.
"I know.. I know, anak. I will..."
I lifted my feet to rush to him and hugged him. I might lost a hero out of him but he's still our father. I might still be in pain because of what he did but I still love hin nonetheless.
Maybe our relationship will still work if we give him a second chance. It's what we do with those chances that counts anyway.
* * *
I feel kind of light since the day we had a talk to our Dad. Medyo na-miss ko iyong pakiramdam na ganito... walang tinatagong galit o hinanakit. Sure, there's still that indifference and awkwardness every once in a while. Lalo kila Daddy at Cliff. But our occasionally texting and calling somewhat make up for it.
Naipaalam rin namin kay Mommy kinagabihan ng araw na 'yon ang tungkol sa pagkikita namin. We hesitated but we still did it. She must know about it.. that we somehow reconciled a bit. We were concerned about how her reaction would be but then, she sighed and told us that it's a relief in her part.
That makes me love her more.
Now that it's another Sunday, Cliff, Mommy and I attend to the church. Doon kami nagkita-kita nila Auntie Neri, Kuya Raven at Note nang matapos ang misa. We eat together outside for our second light breakfast.
Madaldal si Auntie Neri sa hapag kaya palaging nakangiti at tumatawa si Mommy. I like that part about their friendship. Kahit hindi nila ipahalata sa amin, kitang-kita naman kung gaano nila pahalagahan ang isa't-isa. I could see Maya and I to them somehow.
"May gig ba kayo ngayon, Cady?" Auntie Neri asked me while eating.
"Kahapon lang po, Auntie. Wala po ngayon..."
"Oh? E 'di saan pala kayo pupunta ngayon, 'nak?" Bumaling siya kay Note.
"Sus! Itatakbo mo na naman 'tong kapatid ko, Nota," si Cliff sa tabi ko.
"Dude, shut up. Hayaan mong makaporma kapatid ko minsan," palatak ni Kuya Raven sa tabi ni Auntie.
Tumawa si Mommy. "Nagpaalam si Note sa akin kahapon, Clifford. Leave them alone. It's okay."
"Oh?! Kay Kaycee nagpapaalam ka, sa aking nanay mo, hindi ko alam kung saan?" Auntie Neri pouted.
"Tignan mo. Tsaka, bakit hindi ko rin alam? Dapat nagpapaalam ka rin sa 'kin, Nota, aba. Kapatid ko 'tong idi-date mo!" sabi ulit ng epal kong kapatid.
Napakamot sa batok si Note. Natawa ako. Ako nga, hindi alam na may pupuntahan pala kami ngayon, e.
"Sinabihan kita kagabi, Ma, ah?"
Napa-isip si Auntie. "Hindi kaya?"
"Oo, Ma. Sinabi niya 'yun kahapon nang hapunan," pagtatanggol ni Kuya Raven.
"Ang sabi niya lang, aalis sila ni Cady. Hindi niya sinabi kung saan!"
"Nerissa... you and your curiosity. Hayaan mo na sila. Hindi naman pababayaan ni Cadence ang anak mo," Mommy interfered.
Tumawa si Cliff. Namula naman iyong mga tenga ni Note.
"Hindi ko po pababayaan si Cadence, Tita," pagtatama niya kahit na halatang nahihiya.
I bit my lips to suppress my smile.
"Sus... tuwang-tuwa ka naman," pahaging ni Clifford.
Sumimangot ako kaagad. "Alam mo ikaw, napakakontrabida mo."
"Aba, ako pa? Concern lang ako sa 'yo, e? Nagagalit ka?" Inakbayan niya ako tsaka inipit ang ulo ko sa kili-kili niya kaya napayuko ako.
I groaned. "Ano ba, Clifford!"
"Anong Clifford? Tawagin mo 'kong Kuya!"
"Ayoko! Isip-bata ka pa sa 'kin!"
"Hoy! Masakit 'yan, ah! Kuya mo ako!"
"Hey! We're in the middle of eating. Respect the food in front of you," sita ni Mommy sa amin kaya pinakawalan ako ng walang'ya kong kapatid.
Sinimangutan ko siya tsaka inayos ang nagulo kong buhok.
"Sorry po..." sabay naming sabi.
Napasadahan ko ng tingin ang nangingiting mukha ni Note kaya mas lalo akong sumimangot.
After eating, ipinagpaalam ulit ako ni Note. This time, nagpaalam na rin siya pati kay Cliff.
"Ingatan mo 'yan, ah! Iuwi mo sa tamang oras 'yan."
"Clifford, stop overreacting," Mommy butts in.
"Naku, 'My, ini-spoil mo kasi palagi 'yang si Nota." Pumalatak si Cliff.
Auntie Neri laughed. "Huwag kang mag-alala. Number one priority ni Note na safe ang kapatid mo, Clifford..."
Tinaasan ako ng kilay ng kontrabida kong kapatid.
"Mag-iingat kayo, ha?"
"Dude, parang ikaw 'yung nanay," Kuya Raven interfered.
I smiled. "'Wag ka nang mag-alala, Kuya," sabi ko sa kanya. "Mag-iingat kami."
Pumalatak siya pero nakita ko kung pa'no siya magpigil ng ngiti. Tss... tuwang-tuwa talaga kapag natatawag na 'Kuya' e.
Bago pa kami maabutan ng tanghali, pinaalis na kami ni Mommy at Auntie.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Note pagkapasok namin sa sasakyan niya.
"Seatbelts, please."
Ikinabit ko iyong seatbelts ko tsaka siya tinignan ulit para mag-hintay ng sagot.
"I promised you that I'll teach you how to drive, right?"
"Oh, my God."
He smiled at my reaction.
"I'm going to drive?!"
"I'm going to teach you how to drive," he corrected.
I squealed. "Really?!"
He started the engine and proceeded to driving.
He scrunched his nose. "Huwag kang masyadong matuwa. Kinakabahan ako rito, baka ibangga mo 'tong sasakyan at hindi na tayo makauwi."
"Duh?! E 'di commute?" I rolled my eyes but I can't stop myself grinning from too much excitement.
He chuckled. "Naku po. May balak talaga 'atang ibangga 'to."
I ignored his remark. "So saan tayo?!"
"Around BGC. Malawak iyong mga kalsada nila ro'n."
My mouth forms an 'o'. "I'm going to drive in public?!" I asked excitedly.
"Luh, hindi," tumawa siya nang malakas. "Baka mahuli tayo. Wala ka pang lisensya. Hindi pa legal edad mo. Baka makulong ako."
"But I'm eighteen in two months!"
"Pero hindi pa ngayon. Delikado tayo pag sa public ka nag-practice mag-drive," he chortled. "Sa driving school tayo. May kakilala ako roon kaya pwede tayong makihiram ng lugar. But not the car because they're all booked. Kaya 'tong kotse talaga 'yung gagamitin natin. And of course, I'll be your instructor."
Napatango ako. "Tingin mo matututo ako agad?"
"It will take time. But you're quick learner. Magagawa mo 'yan agad."
"Talaga?" Napangiti ako.
Kahit nasa kalsada na ang mga mata, tumango siya tsaka ngumiti. "I trust your abilities."
Bumungisngis ako. "Maliit na bagay."
Pagdating namin sa site ng driving school na sinasabi niya, may sumalubong sa aming lalaki na sa tingin ko ay medyo matanda lang sa amin ng ilang taon. He was smiling when he approached, even so when he looked at me.
"So this is her?" he asked Note.
Tumango si Note sa kanya habang nakangiti. Hinawakan niya ang kamay ko kasabay ng pagpapakilala sa kaharap namin.
"She's Cadence, my girlfriend," he said.
"Oh," the guy chuckled. "You hit an ace right here, man."
Bumaling si Note sa 'kin at marahang ngumiti. "He's River... Nagkakilala kami rito nung nag-aaral ako mag-drive. Kamag-anak niya 'yung may-ari nitong facility."
Napatango ako. "Nice to meet you, River."
"Nice to meet you, beautiful. Are you ready to learn driving?"
"Yes!" I smiled widely.
Note chuckled. "Kanina pa niya gustong mag-drive."
"Then let her drive, man. Solo niyo ngayon 'tong lugar. Bandang 2 pm pa 'yung isa pang naka-schedule. So take your time." May iniabot siyang checklist kay Note.
"Salamat."
Marahan akong iginiya ni Note papunta sa sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa driver's seat kaya halos tumakbo ako papasok doon. Tumawa siya sa reaksyon ko. Ipinatong niya iyong kamay niya sa ulo ko para hindi ako mauntog sa sobrang pagmamadali kong pumasok.
Siya na rin mismo iyong nagsuot ng seatbelt ko. He then stopped and gave me a soft peck on my lips.
Mas lalo akong napangiti.
"You got this," he said while smiling.
Tumango ako. "You're a good instructor so I'll trust your words."
Tumawa siya. "At kailangan nating makauwi nang hindi nagko-commute."
"Don't you worry!" mayabang na sabi ko.
He caressed my cheek with his thumb twice before closing the door beside me. Umikot siya para makapanhik sa shotgun seat. He wore his seatbelts, too.
Bago kami magsimula, inisa-isa niya sa 'kin 'yung mga parts ng interior. Brake, clutch, accelerator, gas pedal, handbrake, etc. Ang dami! Tumango-tango na lang ako sa mga sinasabi niya para makapagsimula na kami agad.
Kaya laking tuwa ko nang pinaandar na niya iyong sasakyan. Ipinusisyon ko agad 'yung dalawang kamay ko sa manibela.
Naningkit 'yung mga mata niya. "Are you listening to me, though?"
"Oo, ah!" sagot ko agad.
"Okay, then. Where is the brake pedal?" he tests me.
"Ito!" sabi ko sabay tapak sa nasa kanang pedal.
Napatili ako nang biglang umandar nang mabilis iyong sasakyan. Tinapakan ko agad 'yung katabing pedal kaya mabilis kaming huminto. Kaso sa sobrang pagkabigla, muntik na akong mauntog sa manibela. Mabuti na lang, naka-seatbelt ako.
Napakurap-kurap ako sa kaba.
Note checked on me quickly. "Nasaktan ka ba?"
"H-hindi naman."
Pumalatak siya. "You weren't listening. 'Accelerator 'yung una mong inapakan. 'Yung katabi ang brake."
"Oo na nga... nai-try ko na kaya alam ko na," I smiled at him cutely. "Itong handbrake, same lang sila nung nasa ibaba 'di ba?" pagbabago ko sa topic.
"Yes..." sabi niya, nagdududa pa rin.
"Okay! Alam ko na 'to."
Nginitian ko ulit siya. Nakasimangot pa rin siya sa 'kin. Tumawa ako tsaka pinaandar iyong sasakyan.
Medyo nasanay agad ako sa manibela dahil palagi kaming naglalaro ni Note ng car racing sa mga game centers. Parang pareho lang din... Bago mag-alas dos, kaya ko nang maniobrahin iyong sasakyan sa paikot-ikot na road course. Nahirapan lang talaga ako sa pagpa-park.
"You're a fast learner!" River told me after reading the checklist which Note handed back to him.
"Thank you!" I know! Gusto ko sanang idagdag kaso baka mayabangan sa akin.
Napatingin ako kay Note. He's smiling proudly and almost smug-looking. Lalong lumapad ang ngiti ko.
Kumain muna kami ng late lunch bago kami tumulak pauwi. Bandang alas singko ng hapon, nai-uwi na niya ako sa amin.
"Did you enjoy it?" he asked while he's walking me by the door.
"Oo naman!" I replied with full smile. "Thank you, Note. Another achievement 'to para sa 'kin!"
Tumawa siya. "It's my achievement, too, you know. I'm proud of you."
Tumigil na kami sa paglalakad nang nasa tapat na ako ng pinto ng bahay. Nagkatinginan kami, parehas nakangiti.
"Thank you for always letting me grow," I genuinely told him.
He smiled wider. "Kung saan ka masaya, syempre, 'yun iyong gagawin natin."
Hindi ko napigil 'yung sarili kong lumapit sa kanya at yumakap sa leeg niya. Hinawakan niya ang baywang ko bilang balanse bago ako pinatakan ng halik sa noo.
"Thank you..."
"You don't have to thank me often, Skylah. I like doing things for you. I'm not really doing a favor for you. It's for myself," he chuckled softly.
I scrunched my nose. "Kahit na ba."
Hinigpitan niya iyong yakap sa baywang ko kaya isinandal ko iyong ulo ko sa balikat niya. I sniffed the side of his neck. Gosh... ang bango.
Tumawa siya. "Patay tayo diyan. Walang ganyanan, princess."
Sinubukan niya akong ilayo pero mas kumapit ako sa leeg niya.
"Ganito muna tayo," sabi ko.
"Hmm..." Ipinatong niya 'yung baba niya sa ulo ko. "Hindi ka ba napagod?"
"Nah. Dami ko pang energy."
Tumawa ulit siya. "You should reserve it for tomorrow."
"I think so..." I mumbled. Ang bango niya talaga.
Itinaas niya iyong isang kamay niya para haplusin nang marahan 'yung buhok ko.
"I love you," he professed. "Mahal kita. Sobra."
I contained my smile. "Mahal kita."
Inangat niya iyong mukha ko para patakan ako ng halik sa noo, sa tungki ng ilong at sa labi. He drops short and fluffy kisses on my lips but the last one, he slightly bit and nibbled my lower lip which made me pant a little.
Nakadungaw lang ako sa kanya habang nakabuka pa rin nang kaunti ang labi. Kumalas siya sa pagkakayakap ko tsaka ako marahan na pinatalikod sa kanya.
"Sige na, pumasok ka na," natatawa niyang sabi.
Haharap sana ako ulit sa kanya pero nahawakan niya agad 'yung balikat ko para patigilin ako.
"Rest, okay?" Lumapit siya sa 'kin tsaka ako pinatakan ng halik sa pisngi. "Alis na ako. Pumasok ka na. 'Wag ka nang tumingin. Baka hindi ako makaalis nito, e."
"Ha? Bakit ganon?" I frowned.
"Basta. Pumasok ka na." Hinalikan ulit niya ako sa kabilang pisngi. "Aalis na talaga ako." Tumawa siya.
"Ingat ka ha!" sabi ko habang nakaharap pa rin sa pintuan.
"Take a good rest. I love you." He tousled my hair before he ran towards his car.
Pagkaharap ko, saktong kasasarado niya ng pinto niya. I waved at his car when it went out of our gate.
I smiled wider with myself as I went inside our house. I can't help but to look forward for tomorrow!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top