Chapter 32

Chapter 32

I don't know how to react. Blangkong tingin lang 'yung ibinigay ko sa kanilang dalawa habang gulat silang pinagmamasdan ako sa harap nila.

Should I cry? Should I laugh? Bakit ko pa nga ba kailangan ng confirmation? Halata naman nang totoo iyong sinabi ni Cliff sa 'kin.

I lower my gaze to their intertwined hands. The woman pulled her hand abruptly from my father's hold. Bumalik sa mga mukha nila ang tingin ko. Nagkatinginan sila bago muling ibinalik ang tingin sa 'kin. I feel Note's presence beside me.

Slowly, I smiled.

"Dito po pala kayo naka-check in?" I asked. Bahagyang nanlaki ang mga mata no'ng babae. I can't even stomach her name. At tinawag ko pa siyang Tita. "I mean, akala ko, 'dun kayo sa mas malapit sa site ng conference, Daddy." I pronounce it bitterly.

"What are you doing here, hija?" Daaddy gently approached. "Hindi ka nagsabi na pupunta ka."

"Well... surprise?" I did a fireworks pop with my hand. "Kakain po ba kayo? Sumabay na po kayo sa amin ni Note." I smile again.

Nagkatinginan silang dalawa ng babae. My hands are trembling. Note gently held it. I looked at him and smiled. I can do this, Note. Sila ang may mali kaya sila ang dapat panghinaan ng loob. Sila ang dapat mahiya. I should be the one who would rob their comfort.

Nagpatiuna ako sa paglalakad papunta sa table na malapit sa glass walls. Kitang kita ang unti-unting pagiging kahel ng mga ulap. Kung wala siguro ako sa sitwasyong 'to ngayon, baka manghang-mangha na ako. Mamaya, pula na 'yan. Gaya na lang ng nararamdaman ko ngayon.

I am hurt... but I am furious.

I am mad at Daddy for hurting my mother. Ano bang ginawa ni Mommy? Nagtatrabaho lang naman siya nang maayos. Minahal niya lang naman si Daddy. Naging tapat lang naman siyang asawa. Anong kulang? May kulang ba?

"Kelan kayo dumating dito?" he asked Note.

Nanatili ang tingin ko sa glass walls. Nasa parisukat na mesa kami. Silang dalawa ang kaharap namin ni Note. A disgusting couple against the supposed artwork behind them. What a theme.

"Kanina lang po, Tito," Note replied solemnly. Naiinis ako na dinig pa rin 'yung pag-galang sa sagot niya. I'm becoming more petty as this goes by.

"Kayo lang dalawa?" Kumunot ang noo niya sa amin.

I smiled without any humor. "He's eighteen, Daddy. May lisensya na siya. We can go wherever we want. Besides, my mother approved this." Mariin ko siyang tinignan sa mata bago ibinaling ang tingin sa katabi niyang babae.

"She knew you're going here?" he asked in a stern voice.

Agad nag-alab ang pakiramdam ko. Hindi alam ni Mommy na sa Batangas kami pupunta but... so what if she knew?! So what if she approved us going here? Bakit sa tono niya ay parang kasalanan ni Mommy iyon kung ganon nga?!

Nawala ang pekeng ngiti ko.

I am so mad... Naalala ko 'yong sinabi ni Cliff sa 'kin. Na kaya kong kontrolin ang emosyon ko katulad ni Mommy. Maybe I look like Mommy right now. Mabuti.

"Kumain muna po tayo," Note insisted.

Dumating 'yung waiter kasama ng mga pagkain namin. Tahimik kami habang inihahanda niya 'yung mesa. Nanatili ang tingin ko sa mga pagkain. I remained calm on the outside. Pinanood ko ang mga kilos ng babae. She looks uncomfortable. Good.

Lumipat ang tingin ko kay Daddy. He's watching me right now, pero nang nagtama bigla ang tingin naming dalawa, he glanced away.

Nag-sign of the cross at simpleng nagdasal na lang kami ni Note bago simulan ang pag-kain. Nakaka-guilty na ganito kasama ang loob ko habang nasa harap ng pagkain kaya paulit-ulit na lang akong humingi ng tawad kay Lord.

Nilagyan ako ni Note ng kanin at mga ulam sa pinggan ko. Buti na lang at 'di masyadong marami. Nawala na ang gana ko kanina pa.

"Nga pala, Daddy. Note is my boyfriend now," I told him.

Kumunot ang noo niya kaya ngumiti ako. "Surprised again? Marami ka pong na-missed. Maybe because... you were busy." Lumipat ulit ang tingin ko sa katabi niya. Ni hindi makakain. Nakayuko lang. Pinulot ko ang kubyertos at sumubo ng kaunting gulay. "Kumusta ang conference, Daddy? Mukhang ang dami namang session niyan. Umabot na ng isang linggo. You must be really busy."

Nagpatuloy ako sa pag-kain habang hinihintay ang sagot niya. Halos hindi sila makakain. Sinulyapan ko si Note at nakitang kumakain siya paunti-unti. Mukhang ako lang ang magana dito sa mesang 'to.

"Hija, cut the act. Hindi tama 'tong ginagawa mo. You are embarassing your Tita Glaiza󐄂─" He stops talking when I laughed.

"Hindi tama? Really, Daddy?" Kumuha ako ng tissue at dahang nagpunas sa labi, may ngisi pa rin. "Ano po palang tama? Ang ginagawa n'yo ngayon? Ang manloko?"

Hindi agad nakasagot si Daddy.

The woman tensed. Umangat ang kilay ko bago nagpatuloy sa pag-kain. Gutom ako. Mas lalo akong nagugutom dahil galit ako. Wala akong appetite kaya 'di ko ma-enjoy pero kakain ako para ipakita sa kanilang kaya kong kumain nang hindi binabagabag ang konsensya, 'di tulad nila.

"Mommy's very busy with a huge case these days," I talk again. Tutal ay sobrang tahimik kung hindi ako magsasalita. "Kayo po? Bakit kayo busy? Nakakapagod ba masyado 'yung mga conferences na inabot ng isang buong linggo at ultimo mga tawag ko, hindi mo po masagot?" I shrugged. "Maybe I'm not that important, huh?"

Sumubo ako ng nahiwang steak. I watch them menacingly while chewing my food. Ni hindi ko ma-appreciate 'yung lasa. I heard Note's sigh. I pursed my lips. I'm doing my best to look calm and to not kick out the remaining respect for them. Kahit na gusto ko nang magwala at magsisigaw dito sa ginagawa nila kay Mommy.

"You're important, hija," Daddy's frustrated voice told me in a gentle manner. "I called you back the day after but you didn't accept it."

"Oh. Maybe it's my turn to get busy that time in purpose, Dad. Ano pong feeling ma-ignore?" I smirked. Agad 'yong nawala nang makita ang pagdaan ng guilt sa mga mata ng lalaking tinitingala ko mula pagkabata. Ng lalaking una kong minahal. "You know what... I did not believe anything I heard from the very beginning. Ipinagtanggol kita, Daddy."

Huminga ako nang malalim at uminom ng tubig.

No. I won't be crying in front of them. I sighed again and remain passive.

"Last year in that trek," banggit ko.

Sabay silang napatingin sa 'kin. I scoffed. This is making me cringe. This scene is making me furious. 

Ngumiti ako.

"I had an idea back then. Pero bakit ko kukunsintihin, sa tingin mo, Daddy? That's because my trust for you was so huge and intact. Walang kahit na anong sulsol 'yung titibag doon. Kasi bakit ka magsisinungaling sa amin?" kalmado kong tanong. "Bakit mo kami lolokohin? Bakit mo kami ipagpapalit para sa isang..." Lumipat ang tingin ko sa katabi niya. "Babae."

"I thought it's nonsense. Imposible po kasi, e," ngumiti ako. "Hindi ka naman ganoon, e. You were my first hero. You were my first love. I was your girl since I was a child, alam mo po 'yon. Mas malapit ako sa 'yo kesa kay Mommy. I believe in you always for I love you so much."

Bumaba 'yung kamay ko sa ibabaw ng mga hita ko. I clenched it so hard. But I made sure to remain calm as possible. Pinanatili kong kalmado ang panlabas ko. Pakiramdam ko, namamanhid na ako. Pero nang naramdaman ko 'yung init ng palad ni Note na dumampi sa kamay ko, unti-unti akong kumalma.

"Should I believe you now, Daddy? Will you still lie? Right in my face?"

Hirap siyang umiling. Mariin lang akong nakatingin sa kanya. Nakakapanghina na makitang ganito ang amang nakagisnan ko. He's strong and he always has the right say in everything. Anong nagbago? Bakit biglang naging ganito? I can't help but feel weak for him along with the disappointment.

"I'm sorry, anak..." yumuko siya at umiling. "Your mom and I... we don't work really well..."

"Kaya nag-hanap ka ng iba?" I bellowed in a calm manner.

Dumapo ang tingin ko kay... Glaiza. The respect I had on her from the day of the trek fades away. Siguro 'yung respeto na lang na alam kong kinupkop niya si Calix kahit na 'di naman niya ito kadugo. But right now, I want to at least give her a slap. Tig-isa sila ni Daddy. But again, that's inappropriate. Mommy won't even like it. It's cheap.

"Pasensya na anak... Alam ng Mommy mo ito... Pinag-usapan na namin 'to..."

"Are you annulled?" I asked even though I am scared to know the truth. Alam kong kahit na anong isagot niya, parehas lang masakit.

Dahan-dahan siyang umiling.

"Wow... so that's basically called cheating," I smiled. "That's in a basic law. You're a professor, Dad. Alam mo po dapat kung ano 'yan."

I want to cry. I want to cry...

I just lost a father.

It hurts as hell.

"You always had my back as I grow, Daddy. Sobrang nagpapasalamat po ako roon. Mula pagkabata, lagi kong itinatanim sa isip ko na balang araw, makakabawi rin ako sa 'yo..." I trailed.

My chest is starting to get heavy. Parang hindi ko na kayang tagalan pa 'yung pakikipag-usap sa kanya. Sa harap nilang dalawa ng kabit niya. Kalmado pa rin ang pagsasalita ko. Pero hindi ko na kayang tumagal.

"But I can't back you up to something like this," I professed. "I am so disappointed in you, Daddy. I'm sorry. I can't look up to you anymore. Please, please talk to Mommy. Settle an annullment or something. I don't know. That's a very adult matter. What am I? I'm not even legal yet. What do I know about those terms..." I shake my head. "Please do it right. Kung ipagpapalit mo lang din naman kami, do it legally. 'Wag mong pagmukhaing tanga ang Mommy ko."

Kalmado akong tumayo. Bahagya akong napahawak sa mesa dahil sa panghihina. Note support my weight by draping his arm on my shoulder. Huminga ako nang malalim bago tumayo nang tuwid.

I look at them for the last time. They're both sitting with the sunset behind them. This picture will probably haunt me for a lifetime.

Nagmamakaawa ang tingin sa 'kin ni Daddy. Para saan? Masyado akong galit para bigyang rason sa utak ko kung bakit niya 'to nagawa. Suddenly, Note's words crossed my mind. Walang sapat na rason sa panloloko. It's something we can take control. It's our choice if we stay loyal or we cheat.

At pinili ni Daddy 'yung pangalawa.

That's his choice. Not an accident. Not something he can't control. In the first place, he chose. And this is his freaking choice.

"Mauna na po kami," Note politely bid as we walked out from that restaurant.

Hindi ko na sila nilingon ulit. I can't anymore. Tingin ko, nabuhos ko na roon lahat ng lakas ko. Kung hindi siguro ako inalalayan ni Note hanggang makarating sa room namin, baka kanina pa ako bumagsak.

I sat down on my bed. Tulala ako roon hanggang sa naramdaman ko 'yung paglubog ng kama sa tabi ko. Nilingon ko si Note doon, naka-hawak sa tissue at dahan-dahang pinupunasan ang pisngi ko. My hand unconsciously drops on my cheek. It's so watery.

"Did I cry in front of them?" I weakly asked him.

He smiled a bit. "Hindi. You remain calm and reserved. You did it. I'm proud of you."

I smiled, too. Nanlabo ang paningin ko dahil napalitan 'yon ng mga luha. Hinatak ako ni Note papunta sa kanya kaya bumagsak ako sa dibdib niya. I grasp my chest as I cry on his chest loudly and painfully.

I just lost a father. I just lost my favorite hero.

I lost my favorite person.

Note caressed my back while hugging me tight. Hindi ako makahinga dahil sunud-sunod 'yung pag-hikbi ko. Pakiramdam ko, mauubusan na ako ng hangin.

"A-are we not enough?" I cried to him. "Is she more v-valuable than us?"

I cried loudly. I just need to release this pain. I feel like it will kill me if I didn't let it out. Ang sakit. My father does not just broke my mother's heart. He broke mine, too.

"It's his choice. It's not your fault. There's nothing you and Tita lack of. You're both enough," Note said it gently. "Everything will be fine. Be brave, princess."

I cried again. I cried on his chest. I sobbed loudly. I murmured all of my pain. 

He listened to all of it. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top