Chapter 30
Chapter 30
"Saan mo gustong kumain?" Cliff asked me while he was parking his car.
"I want a buffet," I demanded.
Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay.
"Wow," he sarcastically spat. "Ayaw mo ba sa Jollibee? Mcdo?"
"Pagkagastusan mo naman ako, Kapatid." Umismid ako.
He chuckled and shakes his head. Nag-park na siya ng sasakyan habang kinukulit ko siya na dalhin ako sa buffet. I clung to his arm when we entered the mall. Sinulyapan lang niya ako sa ginawa ko at hinayaan.
"Dito nga tayo?" manghang tanong ko no'ng papasok na kami sa isang buffet restaurant na nasa loob ng mall. I was just kidding earlier, though! Pero kung sineryoso naman pala niya, syempre hindi ko tatanggihan ang biyaya.
"Oo nga. Bawi ko na sa 'yo dahil tagal nating hindi nakalabas nang magkasama."
I giggled and hugged his arm. "Thank you!"
Tumawa siya. "Ayan. Sige. Panatagin mo 'yang katakawan mo rito."
I made a face just when we entered the restaurant. May sumalubong sa aming staff at iginiya kami sa table namin. My eyebrows furrowed with confusion when we already have our table reserved.
"You reserved here for today?"
"Oo. Kahapon pa. Kaya dapat lang na inuna mo ako kaysa boyfriend mo." Umirap pa siya.
I laughed. Kahit talaga lakas mang-inis nito, hindi mapagkakaila na mahal ko 'to.
"Kailan ka bibisita sa bahay? Ang tahimik doon," sabi ko habang naglilibot kami para kumuha ng pagkain.
Nagkibit siya ng balikat. "Maybe on Sunday."
Kumuha siya ng tempura at naglagay sa plato na hawak ko.
"How's Mom?"
"She's fine. Always busy," I replied. "We're getting close, though!" I smiled sheepishly.
Sumulyap siya sa 'kin at ngumiti. "Nice."
"Akala ko talaga hindi darating 'yung araw na magkukwentuhan kami tungkol sa mga random topics. Masaya ako na nagkaka-usap na kami madalas. Dati kasi, puro si Daddy lang kakwentuhan ko..." I trailed off when I thought about him.
Pumulot si Cliff ng chopped liempo at naglagay uli sa plato ko. Nilingon niya ako.
"Talk to her often. She loves that. If only you knew how jealous she was every time she's listening to you blabbering non-stop stories to Dad."
Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. He smiled a bit.
"She just don't show it but she likes you clinging to her, too. Show her some affection. Hindi siya showy tsaka alam niyang sanay ka kapag seryoso siya. She don't want to scare you away for showing you her soft side all of a sudden. You do the first move."
I bit my lip. "Okay..."
I am guilty. Madalas nga namang dahilan ng pag-uusap namin ni Mommy ay tungkol sa pag-aaral lang. Pormal pa lagi 'yung pag-uusap namin. We haven't had a talk like the talk we had yesterday. I think it's the best thing that's happened between us two.
I mentally told myself to show her bolder how much I love her. Babawi ako sa kanya.
We went back to our table when we had enough food in our plates. Mukhang mabubusog nga kami ngayon rito. Ayos lang. I have a huge stomach and a big appetite. It just doesn't show.
We prayed silently a bit before we started eating.
"Tuwang-tuwa basta sa pagkain," he mocked when he saw me grinning widely.
Umirap ako habang ngumunguya. Tumawa siya sa biglang pagbabago ng reaksyon ko. I drank water when I think of something to ask.
"How's your review?"
He shrugged. "I think I reviewed enough. Nanawa na ako. I just want to have a good time for the summer. Hindi na 'ko magre-review no'n. Gala tayo."
Nalukot ang noo ko. "Sure? Confident ka, ah? Baka bumagsak ka niyan. Lagot ka kay Mommy at Lolo."
"Nah. I got this," he replied. "Kaya sa Linggo, uuwi ako."
"Hindi mo kukumustahin si Daddy?"
Bumagal ang pag-nguya niya. Pinapanood ko lang siya. I think I should tell him. Uminom siya ng tubig tsaka nag-angat ng kilay sa 'kin.
"Umuuwi pa ba 'yon?" He laughed without any humor.
Nabigla ako sa tono niya.
"One week na siyang nasa Batangas for conference," I carefully stated.
Tumango siya at mukhang hindi naman nagulat sa narinig.
"We should take out dinner for Mom. Samahan mo siya sa mesa mamaya kahit busog ka."
"I will," I answered. I watched him eating still. Tumikhim ako. "So... I called Daddy kagabi but he's not answering his phone."
"Tss. Baka busy." He smirked.
Kinabahan ako sa medyo inis na paraan ng pagkakasabi niya pero itinuloy ko lang ang pagsasalita.
"A communicant of mine told me that he's on leave for this week."
Nabitin ang pagsubo ni Cliff sa kutsara. Kumunot nang bahagya iyong noo niya pero nawala rin agad. His face remains calm as he put down his utensils.
"Sinong communicant 'yan?" he asked with a stress on the word.
Umiling ako. "I'm sorry. I won't tell. It's his privacy."
Nanatili nang matagal 'yung tingin niya sa akin bago dahan-dahang tumango. Kinuha ulit niya ang kubyertos at naghiwa sa steak niya.
"His. Lalaki."
Huminga ako nang malalim. "My point is... Nasa Batangas si Daddy para sa conference gaya ng paalam niya. Pero naka-leave siya for a week? Isn't that a little weird?"
"Baka nagbakasyon," walang gana niyang sagot.
Tumuwid ako ng upo tsaka ibinigay sa kanya lahat ng atensyon. I leaned on the table a bit to continue. Patuloy lang siyang kumain.
"He's with another colleague. A woman. Sabi no'ng informer ko, sabay silang nag-file ng leave sa office para sa parehong mga araw," I said then waited for his reaction.
Kumakain pa rin siya. Parang gutom na gutom siya ah? Bumuntong hininga ako at tahimik na kumain sandali pero nagsalita rin ako hindi nagtagal.
"What do you think?" I probed gently.
He glanced at me and arched his eyebrows but still, he continued eating. Nagbuntong hininga ako.
"Isn't that weird?" sabi ko uli, walang planong sumuko. "Parang mahirap na... coincidence lang 'yon?" I asked him, already frustrated for his lack of reactions. "Or am I just getting paranoid? Masama ba 'tong mga naiisip ko? Please talk!"
He sighed heavily. "Kumain ka na muna. Ang dami mong kinuhang pagkain. Baka hindi mo 'yan maubos kung daldal ka nang daldal diyan. 'Wag kang magsasayang."
"Seriously?!" hindi makapaniwalang tanong ko. This is a serious matter! I-snob niya lang?
"'Yung mga gulay mo, kainin mo," dugtong pa niya habang stressed na pinagmamasdan ko siya.
Seryoso siyang kumain ulit. Tinigilan ko na muna ang pagtatanong at ibinuhos sa pagkain 'yung frustrations ko. Palagi akong sumusulyap sa kanya dahil baka sakaling magka-reaksyon siya sa sinabi ko kanina pero wala. Is he not bothered? Bakit parang wala lang sa kanya?!
Binilisan kong kumain. Masarap ang mga pagkain dito pero hindi ko na gaanong na-enjoy. Gusto ko na lang na magkausap kami tungkol dito. Hindi ko alam kung paano haharapin si Mommy mamaya. Kailangan kong may makausap tungkol dito.
"I'm done," I announced. I showed him my emptied plate. Pinagsalikop ko 'yung mga palad ko sa ibabaw ng mesa at masusing tumingin sa kanya. "Let's go back to our topic."
Kumunot ang noo niya. "Hindi ka na kukuha ulit? 'Yan na lahat ng kakainin mo? Buffet ito, ha?"
I groaned. Laging umiiwas sa topic! Is it just me or he's rejecting the talk?!
"Seriously, Cliff. Kaya sumama ako sa 'yo dahil gusto kitang kausapin tungkol dito."
He arched his brow. "Hindi dahil na-miss mo 'ko? Inaya kita rito dahil na-miss kita."
"Well, kasama na 'yun!" Umirap ako. "But it's important! Milagro na lang na nakasagot ako nang maayos sa exam kanina kahit iniisip ko ito."
He hissed. "Dito ka lang. Kukuha ako ng dessert natin. Babalik ako."
"Huh?!"
Hindi ko na siya nahabol dahil tumayo na siya agad para pumunta sa sweets area. What the hell! I groaned inwardly. Nag-focus na lang ako sa pag-i-internalize ng sasabihin para diretso kong masabi sa kanya 'yong mga gumugulo sa isip ko.
Pagbalik niya, may dala na siyang dalawang malalaking plato. Ang isang plato, puro matatamis ang laman. Iyong isa naman ay mga sliced fruits. May dalawang baso rin ng ice cream. Oh, wow! Paano niya nadala lahat nang 'yan?
"Baka gusto mong mag-cr na rin?" I asked him, thinking of other excuses he might use.
He chuckled. "Hindi na 'ko aalis, sira. Kumuha lang ako nito para may makain tayong matamis kasi parang mapait ang pag-uusapan, e."
I squinted my eyes on him. "May alam ka ba?"
"Ituloy mo na 'yung sinasabi mo kanina," he said, instead.
Naningkit lalo ang mga mata ko.
"Fine. 'Yun nga iyong sinasabi ko..." Umirap ako. "It seemed a little weird to know that he filed a leave when in fact, he told us a week before that he'd go to some conference in Batangas. That it's for his job! Tapos kasama pa raw niya si Tita Glaiza-"
"Tita Glaiza?" He made a face. "The hell you calling her 'Tita'? Have you met her?"
"Remember when I asked you to join us to trek last year? That day, I've met her. Kasama sila sa aakyat no'ng... anak niya. Daddy introduced her to me as a colleague. Tapos sila 'yung kasama namin sa pag-akyat at pagbaba ng bundok."
"Wow. Galing!" he spat sarcastically.
Pumulot siya ng gummy bears at kumain. Inilapit din niya sa 'kin 'yung baso ng ice cream at 'yung mga prutas kaya kumain ako paunti-unti. Ilang sandali ko siyang pinagmasdan.
"You knew something, didn't you?" I probed. "That's why you've moved out of the house?"
Hindi siya nagsalita. Kumain lang siya at nanahimik.
"Kaya umuuwi ka lang kapag wala si Daddy sa bahay? Kaya hindi ka na bumibisita madalas? Please, answer me! I want to protect Mommy in case my assumptions are true. I also want to know the truth. I belong in this family, anyway. Deserve kong malaman kung ano ang nangyayari."
He looked at me seriously.
"What are your assumptions, then?"
"Na..." I hesitated. "Baka may babae siya? Si Tita Glaiza?"
He smirked. Pumulot siya ng tissue at pinunasan 'yung gilid ng labi ko. "You're hesitant."
Inagaw ko 'yung tissue sa kamay niya tsaka sumimangot. Mariin ko siyang tinignan. "Of course, Cliff. Si Daddy ang pinag-uusapan natin dito. I was like... a Daddy's girl since I was a kid! Tapos ganito?"
"That's why don't probe too much, Cadence. You might get hurt..."
Unti-unting lumulubog ang pakiramdam ko. He's giving me hints but my mind is refusing to accept all of it. Kahit sa klase ng tingin na ibinibigay niya sa 'kin... 'yung pag-iingat na laman ng mga 'yon... alam ko na. I want to cry but good thing, I can control my tears when I am in public.
Natatakot na akong magsalita ulit para lumalim pa ang kaalaman. Still, I collect my courage intact and fire away another word.
"But I want to know," pagpipilit ko sa pursigidong boses. It will only stall time before I get hurt but I'd still get hurt in the future. Why not say it now? Ganun rin naman ang magiging resulta. "Please... please... I wanna know. That way, I know when to protect Mommy."
"Are you sure?" he asked, worried. "Don't push yourself too hard."
"I kind of know now. I am being denial. I just want to hear the exact words from you."
"Fine," he huffed. Sandali pa niya akong pinanood bago tuluyang nagsalita. "Yes. He has that Glaiza as his mistress or whatever. Sabi ni Mommy hindi raw 'yun kabit. But I don't think so. I think she's just protecting his good image for us. It depends on your judgment."
"Did you not confront Dad about this?"
"Para saan pa? Mag-de-deny lang naman 'yon."
Natahimik ako sandali.
I am trying to hold my emotions intact. Natahimik ako. I sighed again and again. Hindi ko alam kung anong nangingibabaw: ang lungkot ko para kay Mommy o ang galit ko para kay Daddy.
"Cliff, I want pizza and fruit salad. Kuhanan mo 'ko," I demanded.
Without further ado, he nodded and stood up before he went to the food station.
I sighed. I held my hand. It's trembling in anger and disappointment.
I can't believe it! Totoo ngang may babae si Daddy! At si Tita Glaiza pa! Ipinakilala pa niya sa akin 'yung kabit niya! Last year pa 'yon, ha? Hindi ko pinaniwalaan noon si Calix dahil malaki ang tiwala ko sa kanya! At paano 'yung mga kinikilos niya tuwing kasama si Mommy? Was that all an act to fool us?! Tagal na pala niya kaming niloloko!
Dumating si Cliff kasama ang pizza at salad. His serious face scanned mine while he's sitting down. He's obviously worried but he's trying to hold it all in.
"We need to protect Mommy," I told him.
"We can't protect her if she doesn't want to be saved," he replied plainly.
I frowned.
Tipid siyang ngumiti at nagkibit balikat. "You think I did nothing when I felt something was off? I tried, you know? I fucking tried. But she doesn't want to save herself. She don't need the help. She just need to keep her family intact whatever happens."
Nanghihina ako. "She told you that?"
"I wouldn't have had given up if she did not."
"But... If Daddy's really doing that, then this family isn't intact anymore."
"Tell her that. Give it a try," he shrugged but stops for a while. "On the contrary, 'wag muna pala. I heard she's working on a new case and it's a big deal. Let her focus on her job. Don't give her distractions."
I scowled. "Mas mahalaga pa ba 'yan kesa sa nararamdaman niya?"
"You don't know how much she loves her job. That's like her... breather," he said. I silently agree. "Kaya habang nasa labas siya ng study, fill her time. Keep her occupied. That way, she won't have time to feel sad."
My eyebrows furrowed.
"That's not possible. Sadness is an emotion. Mahirap kontrolin 'yon," pakikipagtalo ko.
"But that's one of her assets. She can block her emotions when she wanted to. Actually, namana mo 'yun sa kanya. Just... look at you now..." Inginuso niya ako. "Do you have any idea that you looked like mom right now?"
Kumunot ang noo ko. "Bakit? Ano bang hitsura ko?"
"Your eyes look inflicted but your expressions were passive. I know you're controlling your emotions right now. Gusto mo na bang umuwi? We can continue this talk some other time."
I pursed my lips and think a bit. "Ayoko. Kakain pa ako."
He chuckled briefly. "Okay. Para masulit naman 'to."
Tumahimik ako at kumain na lang ng pizza. He got me three slices. Siya naman, pinapak ulit 'yung mga gummy bears.
"What did Mommy tell you when you're planning to move out?" I asked him.
"She told me to take care of myself and to visit if I have time," he laughed.
"'Yun lang?"
He nodded. "Simple as that. Maybe she's scared that I'd tell you something so she preferred me moving out. She's not happy, though. She nearly cried."
"Sino ba namang magiging masaya na aalis ka?" sumbat ko. "Pabigla-bigla pa. Akala ko umalis ka para malaya ka nang makapag-uwi ng mga idinidate mo."
"Aray. Judgmental mo banda diyan, Kapatid," he makes face.
I smiled a little. Mabigat sa pakiramdam 'yung nalaman ko pero hindi ganoon kabigat gaya ng inaasahan ko. Maybe I accepted it little by little without me realizing about it. O siguro... reflexes na ng isip ko na tatagan ang loob ko sa nalaman kong ito. Wala namang mangyayari kung iiyakan ko lang.
We ate a lot after the draining talk. Naka-dalawang oras mahigit kami roon. Ikinain lang namin 'yung problemang napag-usapan at nag-usap tungkol sa ibang bagay para gumaan 'yung hangin.
"Hintayin mo 'ko rito, comfort room lang," paalam ni Cliff nang maubos namin lahat.
"Dalian mo. Malapit nang mag-dinner. Baka kumain na si Mommy. 'Yung take-out..."
"Oo na. Saglit nga lang..."
Pagka-alis niya, nagsalamin lang ako sa handy mirror ko. Inayos ko rin iyong bag ko nang biglang may malamig na tumapon sa balikat ko. I quickly stood up just so it won't wet my bag.
Nalaglag ang panga ko habang pinagmamasdan 'yung babaeng nagsaboy ng iced tea sa katawan ko!
"What the heck?" I complained.
Pinasadahan ko ng tingin ang dalawang babae na nasa harap ko. A girl wearing a tube top and fitted shorts was glaring at me and almost ready to fight. Inaawat siya ng babaeng naka-ponytail, dark jacket at fitted black jeans sa pagsugod sa 'kin. Anong problema ng mga 'to? I glanced around and noticed that we got some people's attention!
"Bagay lang 'yan sa 'yo!" the girl in a tube top hissed at me. Her very red lips were trembling in anger. "Mukha ka pang bata pero ang galing mo nang lumandi!"
Napaturo ako sa sarili ko. Sinong nilandi ko? Si Note? Pero normal lang naman 'yun kasi boyfriend ko siya!
"Anong sinasabi mo?" nagtatakhang tanong ko.
"Don't play innocent! I saw you with him just minutes ago! Kanina pa namin kayo pinapanood! May papunas-punas ka pa sa labi niya! Huling-huli ka na!"
Something clicked on my mind. The heck, Clifford?! Nadamay na naman ako sa gulo niyo ng babae mo! Inis ako pero nakuha ko pang tumawa.
Mukhang nainsulto ang babaeng naka-tube top sa pagtawa ko kaya mas lalong naging agresibo. Hinihila na siya ng babaeng kasama niya pero ayaw magpa-awat.
"Anong nakakatawa?!"
"Are you serious?" I asked her, still chuckling.
Kumuha ako ng tissue sa table tsaka pinunasan 'yung blouse ko na namantsahan na. Halata 'yung mantsa kaya napangiwi ako.
"Ito... gamitin mo muna.. pasensya na," the other girl handed me her jacket. Naka-white shirt na lang siya ngayon. Kinuha ko 'yon tsaka nagpasalamat sa kanya. Well, at least, she has a nice friend!
"Ibabalik ko na lang sa 'yo. Give me your number," sabi ko roon sa mabait.
"Ano ba, Rielle?! Don't help her!" sita ng babaeng naka-tube top.
"Umalis na tayo, AJ..."
Bumaling ako roon sa rude na babae habang sinusuot 'yung jacket. Nalanghap ko ang pabango sa jacket. I like the nice girl's perfume.
"Sino ka ba, ha?" I asked the rude girl.
"Ako 'yung girlfriend ng nilalandi mo!" she replied, still in rage.
"AJ, tara na... nag-i-iskandalo na tayo rito..."
"Hindi, Rielle! Kailangang matuto ang batang 'to!"
Ngumiwi ako. Pumapatol ang kapatid ko sa ganitong klaseng babae? Cheap!
Naglakad ako palapit sa kanila. Napa-atras 'yong babae.
"Girlfriend ka ni Cliff?" I mocked her and pouted a little. "Bakit? Hindi naman kayo bagay."
Lalong namuo 'yong galit sa mga mata niya. I smirked. My territorial and possessive stance is coming out. Busy ako kaya hindi kita nakilala nang mas maaga. Kapag nabantayan ko lang sana si Cliff nang mabuti, na-blackmail ko nang huwag niyang idi-date ang babaeng ito.
The girl snapped. "At sinong babagay sa kanya?! Ikaw? Ang kapal ng mukha mo-"
"Anong nangyayari dito?"
Finally! My brother's arrived!
Tumayo siya sa tabi ko, seryoso ang mga mata sa mga babaeng kaharap ko. Mukhang natigilan pa nga. When he sensed the tension, hinila niya ako papunta sa likuran niya. I saw the rage in the rude girl's eyes.
"Sino siya, Cliff?" she deadpanned.
Instead of answering her, he faced me.
"Anong nangyari sa 'yo?" he asked very seriously.
"Uh... Tinapunan ako ng iced tea no'ng babaeng galit. Good thing, her friend is nice. She lent me her jacket." Itinuro ko 'yong suot kong black jacket.
His brows furrowed more as he grimly turned to the rude girl. "You did what?!"
Namutla 'yung mukha ng babae.
"G-galit lang naman ako kasi bakit kayo-"
"Anong karapatan mong ipahiya ang kapatid ko, Alliyah?" malamig na tanong ng kapatid ko.
Sumilip ako mula sa likuran niya para makita nang buo 'yung reaksyon ng babae. They both looked shocked to hear that I am Cliff's sister. I smirked at the rude girl. Her gaze went simultaneously to me then to Cliff.
Humalukipkip ako at humarap sa kapatid ko. "Girlfriend mo raw siya? Bakit hindi mo pinapakilala sa bahay? At... babae mo raw ako," sumbong ko sabay tawa.
Cliff glared at me so I stopped laughing. Bumaling siya sa babaeng rude.
"Stop being this crazy, Alliyah. Hindi naman tayo," Cliff told her, still trying to be calm.
Umismid ako. Kung maka-react! Binuhusan pa ako ng iced tea. Ang lagkit tuloy sa pakiramdam.
"Oh! So she's your fling?" sali ko sa usapan.
"H-hindi nga tayo pero may something sa 'tin!" the girl inquired.
"Huh?" react ko tsaka tumawa ulit. "My brother is friendly. Baka na-misunderstood mo lang. Binigyan ka ba niya ng bulaklak? Chocolates? Ganoon siya maglandi-"
"Cadence!"
"What?" sagot ko.
Umiling si Cliff at may kinuhang susi sa bulsa. Iniabot niya iyon sa 'kin. Tumaas ang kilay ko.
"Mauna ka na sa sasakyan. Doon mo ako hintayin," utos niya.
"Bakit?" I asked.
"I'll just talk to them, okay?" he replied, frustrated.
"Baka naman may sumugod din sa akin doon, ha?" panunuya ko.
"Kaya nga roon ka sa loob mag-hintay?"
I looked at him suspiciously.
"Mag-uusap lang ba talaga kayo? Baka naman dadalhin mo 'yan sa sulok ng mall na 'to at maghahalikan na nama-" Cliff quickly wrapped his hand on my mouth.
I glared at him but he's glaring at me more! Bakit galit? Akala ko ba hindi niya girlfriend 'yung Alliyah?! Bakit parang ayaw niya akong magsalita?!
"Mauna ka na lang, okay? Give me ten minutes. Susunod agad ako. Kunin mo sa counter 'yung take out. Tapos lumabas ka na rito," gigil niyang sabi sa 'kin.
Tinapik ko 'yung kamay niya sa bibig ko habang tinitignan siya ng masama. "Fine! Bilisan mo!"
Before I left, bumaling ako roon sa babaeng nagpahiram sa 'kin ng jacket. Ngayon ko lang napagmasdan ang mukha niya. She looks like a bride waiting to happen. Parang mahinhin siya at mabait, 'di gaya ng babaeng nagbuhos sa 'kin ng iced tea. She's now looking upset, though. Siguro dahil mukhang damay pa siya sa ginawa ng kasama niya.
"Ate, kakilala mo ba 'tong Kuya ko?" I asked her.
She looks surprised at my question but she nodded a bit.
"What's your name?" I asked again.
"Umalis ka na sabi," Cliff hissed.
"Rielle..." she replied, trying to smile at me even though she obviously looked upset.
"Kay Cliff ko na lang iaabot 'tong jacket mo pag napalabhan ko na. Thank you!" I smiled at her. Dumapo ang tingin ko sa katabi niya kaya nawala 'yung ngiti ko. "You must learn to be nice," sabi ko rito.
"Cadence," Cliff warned.
Inirapan ko 'yung kapatid ko.
"Review pa kunwari... siguro nag-uuwi ka ng flings sa condo mo..." bulong bulong ko.
Nanlaki ang mga mata niya sa inis at halos umusok na ang ilong. I laughed at his reaction. Parang gusto pang magpanggap na inosente!
"Spare Ate Rielle, okay? Pinahiram niya ako ng jacket kaya mabait siya."
"Umalis ka na!" he hissed.
"Fine! Ito na nga!" ngisi ko.
Nagpaalam na lang ako ulit sa kanila at pumunta sa counter para kunin 'yong take-out na para kay Mommy.
Paglabas ko ng restaurant, unti-unting nabura ang ngiti ko. Bumalik 'yung bigat ng pakiramdam ko.
I fished out my phone to send a text for Note but I saw the top unread message in my inbox.
From: Daddy
I'm sorry, princess. I was busy when you called me. What's up?
I smiled bitterly.
What's up? Well... I just lost my trust in you, Dad.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top