Chapter 22
Chapter 22
"Hello po!" I greeted Auntie Neri when I saw her in the kitchen.
Lumingon siya agad nang narinig iyong boses ko. May hawak siyang sandok. Sinalubong niya agad ako ng yakap.
"Cadence! Buti napadalaw ka!" She smiled wider. "Tamang-tama, may nilalaga akong saba dito. Mag-merienda muna tayo!"
Biglang may umubo nang peke sa likuran namin. I froze. Humalik siya agad sa pisngi ni Auntie. I felt him standing beside me. He looks at me with full mischief on his eyes. Sana naman hindi siya mang-asar sa harap ng mama niya, 'di ba?! Minsan, ang epal pa naman nitong si Note!
"Naku! Pawis na pawis! Maligo ka muna do'n!" Auntie pushed him away.
"Aray. Grabe! Mabango naman ako, Ma," natatawang sabi ni Note. "Tanungin mo pa si Skylah."
"O? Bakit ako?!"
Nag-taas siya ng kilay. "Bakit hindi ikaw?"
Nanlaki 'yung mga mata ko. Gusto ko siya pero parang mas gusto ko siyang sakalin ngayon, e. Sa harap ba naman ni Auntie sabihin?! Itinaboy na siya ni Auntie. Mabuti naman.
"Maligo ka na 'dun! Baka biglang umuwi si Cadence. Tinutukso mo na naman."
Tatawa-tawa lang umalis 'yung gago. Auntie glanced at me. Umiwas ako ng tingin kasi ang init na naman ng pakiramdam ng mukha ko. Baka mahalata niya 'yung pamumula ko. Kainis na Note! So annoying!
Tinulungan ko na lang si Auntie gumawa ng merienda. May natira pang saba kaya pinagulong namin 'yun sa brown na asukal at prinito. Saktong patapos na kami nung bumalik si Note.
"Bango naman niyan, parang ako," bungad pa niya.
Umismid ako. "Luh siya!"
"Hindi ka naniniwala?" he asked.
I made a face in return. Pumilyo na naman 'yung ngiti niya habang lumalapit sa 'kin. Itinaas niya iyong braso niya at alam ko na agad kung anong binabalak niya! Tumakbo agad ako palayo sa kanya. Paikot-ikot lang kaming nagtatakbuhan kay Auntie na busy sa paghahanda ng merienda sa mesa.
"Kadiri ka talaga!" I yelped.
Note laughed. "Kadiri pala, ah!"
Nahuli niya ako kaya agad niyang kinulong 'yung mukha ko sa braso niya para ipaamoy 'yung kili-kili niya sa akin! Hinampas ko 'yung braso niya. Ang baboy! Pero in fairness naman, mabango!
"Mamaya na nga 'yan! Kumain muna tayo," saway ni Auntie sa aming dalawa.
Sobrang pula ng mukha ko habang umuupo sa tapat ng mesa. Ang sama ng tingin ko kay Note na tawa lang nang tawa sa 'kin at umupo sa tapat ko. Auntie looks at us while shaking her head and stifling her smile.
"Auntie, may pasalubong po pala 'ko sa 'yo," I said while eating. "Nasa living room po. Nag-trek kasi kami ni Daddy kahapon sa Benguet."
She smiled sweetly at me.
"Oh, talaga?! Titignan ko mamaya. Thank you, Cadence! O, musta naman, may nakita ka bang mga pogi 'dun?"
Tumikhim si Note. Tinaasan ko siya ng kilay bago sinagot si Auntie.
"Meron naman, Auntie, kaso suplado," I replied, pertaining to Calix.
Umismid naman sa 'kin 'yung kaharap ko. I shrugged. Hindi naman ako nagsisinungaling. May hitsura naman talaga 'yun. Ma-attitude nga lang.
"Oh?! Hindi ka ba pinormahan?" Auntie asked again.
"Hindi naman po."
Bakit ba mga ganito 'yung tanungan ni Auntie? Weird. Parang dati naman, kulang na lang, siya na 'yung magsabi sa 'kin na pakasalan na iyong bunsong anak niya.
"Hmmm," tumango-tango siya. "But in your school, I won't be surprised if you already have many suitors!"
Many suitors talaga? Ngumiti lang ako. Tahimik lang namang kumakain si Note, seryoso na ang mukha.
"I mean, ang ganda-ganda mo! Tapos 'di ba, kilala ka ng lahat dahil vocalist ka ng banda n'yo?" I smiled at nodded. Umiling-iling siya na parang nanghihinayang. "Hindi ako magtataka kung isang araw na lang, may boyfriend ka na!"
Nalunok ko agad 'yung kakakagat ko lang na saging. Inubo-ubo ako kaya uminom ako agad sa tubig na iniabot ni Note.
"H-hindi naman po siguro, Auntie." Ang awkward ng naging tawa ko. Medyo nakaka-guilty na 'di niya alam na iyong anak na pala niya 'yung magiging boyfriend ko in the future. Hehe...
Nagkatinginan kami ni Note. Nahuli ko siyang nagpipigil ng ngiti. Nung nag-tagpo iyong tingin naming dalawa, nawala bigla 'yung ngiti niya tsaka sumeryoso. I grinned. Plastik nito, oh!
"Ayos lang naman 'yun, hija. Kawalan na lang talaga ng iba kung hindi ka na nila maabutang single dahil babagal-bagal ang kilos nila!" sabi niya tsaka lumingon kay Note.
Umiwas ng tingin si Note tsaka naubo nang kaunti.
I laughed. "Bakit ba love life ko ang pinag-uusapan natin, Auntie."
"Oo nga naman 'no." Naki-tawa siya sa 'kin. She glanced at her son. "Ikaw ba, 'nak? Kailan mo balak manligaw?"
Sabay kaming nasamid ni Note. Palipat-lipat 'yung tingin ni Auntie sa aming dalawa.
"Ma! Pwede ba, kumain ka na lang," Note complained after drinking water.
Hinaplos ko iyong noo ko, baka kasi may namuong pawis.
"Why?! Nagtatanong lang naman ako."
Umiling na lang si Note kay Auntie tsaka tumuloy sa pag-kain. Hindi na rin ako nagsalita pa. Baka ano na naman ang tanungin, e. Buti na lang wala na siyang follow up questions. Auntie's really surprising sometimes.
Pagtapos naming kumain, nag-volunteer na akong mag-hugas ng pinagkainan. Nakipag-pilitan pa si Auntie sa 'kin pero syempre, mas makulit ako. Nagpaalam na lang siyang maliligo dahil may pupuntahan pa raw siya.
When I was done washing the dishes, pumunta na ako sa sala. Si Note na lang 'yung nandoon sa sofa, naglalaro ng Tekken sa Xbox. Ibinagsak ko agad 'yung sarili ko sa tabi niya. Sinulyapan lang ako bago ibinalik agad 'yung tingin sa screen. Ang bilis nung galaw ng daliri niya sa controller. Kinuha ko agad 'yung isa pang controller tsaka naki-gulo sa nilalaro niya.
"Princess, wait lang! Tsaka ka na mag-join pag natalo ko na—" Too late. Namimili na 'ko ng character ko at nag-join na. I glanced at him and smiled sheepishly. He looked betrayed.
"Laban tayo, oh," I challenged him.
Umusod pa siya palapit sa 'kin. "Tara."
Magkatabi lang kami habang naglalaro. We played for a long time until I got his character defeated. Tawa ako nang tawa sa mukha niya. Mukhang nalugi. Kasalanan ko bang mas magaling ako sa kanya dito?!
"Nood na lang tayo," he suggested.
"Talo ka lang, e," I teased.
He smirked. "Nagpatalo talaga ako para sa 'yo."
"Kapal!"
Tinawanan niya ako tsaka in-off ang Xbox at in-open naman 'yung Netflix. Habang ginagawa niya 'yun, kinuha ko na 'yung dala kong pasalubong tsaka inabot sa kanya.
"Nakuha na pala ni Auntie 'yung kanya dito," sabi ko nung napansin na wala na iyong isang t-shirt.
"Oo. She was so excited with the shirt. Kaya 'yun 'yung sinuot niya ngayon."
Tumawa ako. "Nasa'n na siya?"
"Umalis na. Nagmamadali."
Tumawa ako at umiling. Binibigyan na naman kami ng alone time nun panigurado. Palaging pag nandito ako, tsaka aalis.
Inabot niya 'yung pasalubong na ibinibigay ko bago tinignan iyong laman. It's just a simple pasalubong. T-shirt, key chains, bracelet and necklace. Pina-personalized ko pa 'yung bracelet niya kaya 'wag na siyang mag-reklamo!
"Nagustuhan mo?" I asked him. Mukhang tanga lang kasi siyang naka-ngiti.
Sinulyapan niya ako tsaka tumango. Ang ganda na naman ng ngiti niya... Hay. "Thank you for this. Anong gusto mong kapalit?"
I smiled in satisfaction. Buti na lang nagustuhan niya. "You're welcome! Pina-merienda niyo naman ako. Ayos na 'ko ro'n."
He laughed at my answer.
"Manood na nga lang tayo," I suggested. 'Yung buong atensyon kasi niya, nasa akin na naman, e. Umiinit na naman 'yung mukha ko! "Mag-horror tayo."
"Naks. Lakas mong manood ng horror tapos pag madilim, kung anu-ano ini-imagine mo." He chuckled. "Let's watch romance, instead."
"'Wag kasi! Boring 'yun. Horror na lang." Kinuha ko na sa kanya iyong remote.
He scrunched his nose. "Okay. Ikaw bahala. Basta 'wag kang mag-iimagine na may kung ano sa ilalim ng kama mo mamayang gabi."
I glared at him.
"Alam mo, minsan, gago ka."
Tumawa siya nang malakas sa reaksyon ko. Siya lang 'ata 'yung namumura na masaya, e!
"Horror na kasi. Kasama naman kita," I muttered. Hindi siya umimik. Nung tinignan ko siya, nangingiti lang siya habang naka-tingin sa 'kin. Sumimangot ako. "Try mo lang talagang gulatin ako, magkaka-alaman tayo."
Tumawa na naman siya. "Ang judgmental naman. Wala naman akong pina-planong ganun."
Umirap ako tsaka nag-play ng isang movie. Note shifted on his seat and spread his arms on the sofa's backrest. I scooted beside him and slouched a little to rest my head on his arm. Marahan naman niyang tinatapik 'yung balikat ko habang inaamoy-amoy iyong buhok ko. Tahimik na kami nung nag-start na 'yung palabas.
Tungkol 'yun sa babaeng aksidenteng napatay iyong asawa niya kaya kung anu-ano 'yung naririnig at nakikita niya sa gabi. I shifted on my seat. I lifted both my feet on the couch, folded my legs and started hugging them. Pag lumalakas 'yung sound effects, yumuyuko ako sa tuhod ko tsaka pasilip-silip na nanunood.
"Lakas ng loob mag-suggest—"
"Sshh," I said, my eyes are still fixed on the screen.
Tumawa siya nang mahina pero nanahimik naman na ulit. Nang malapit na 'yung climax, pabigla na lang siyang sumigaw tsaka tumalon sa inuupuan niya.
Napa-sigaw din ako.
Nanlalaki 'yung mga mata kong tumingin sa kanya habang siya ay mamatay-matay na sa katatawa. He curled on the couch, hugging his tummy, while laughing out loud. Kinuha ko 'yung throw pillow at inihampas sa kanya!
"Sabi nang 'wag kang manggugulat! Nakakainis ka!"
"Sorry na—" He laughed again. Pulang-pula na 'yung leeg tsaka iyong mukha niya sa katatawa. Maiiyak pa yata! "Napaka-seryoso mo naman kasing manood." Tumawa uli siya.
"Ang epal mo talaga! Hindi ko na tuloy naintindihan 'yung kwento!"
Kinurot ko siya sa tiyan niya kaya lalo siyang natawa dahil malakas 'yung kiliti niya 'dun. Kahit na naiinis, natawa na lang din ako sa pagtawa niya. Nakakahawa siya. Asar! Para tuloy kaming ewan dito na nagtatawanan habang nanonood ng horror film!
* * *
A week after, we had a long weekend because Monday dropped in All Saint's Day. Our family traveled early going to Laoag—Mommy's hometown—to visit my grandparent's grave. May rest house kami rito dahil occasionally kaming umuuwi kapag may ganitong mga event.
It was almost 5 pm when we arrived. I head straight in my room and took a shower before dropping myself on my bed. I sleepily composed a message to Note and to our group chat telling them that we're here. Bilin kasi nila sa 'kin na mag-inform, and so I did. May kanya-kanya kaming lakad ngayon kaya maingay sa group chat tungkol sa mga pinupuntahan. I couldn't keep up to their conversation because I fell asleep quickly.
Nagising na lang ako nang may biglang magbagsak ng kawali sa tapat ng bed ko, creating a loud noise. I jumped out of the bed in shock just to see Cliff laughing his ass out loudly.
"Bwisit ka!"
Kinuha ko 'yung unan ko at inihampas sa kanya. Ang sakit tuloy ng ulo ko dahil sa biglang pagbangon!
"That was so epic! Your reaction..." hindi na niya naituloy iyong sasabihin dahil halos mamatay-matay na siya sa katatawa.
Ugh! Bakit ba ako napapalibutan ng mga lalaking sira-ulo?! Mabuti na lang mahal ko sila!
I threw him all my pillows before getting out of the bed. Umaga na pala kaya nambubulabog na 'tong kapatid kong epal. Kaya pala gutom na gutom ako! Sobrang haba ng tulog ko!
Bumaba na muna ako para makaligo at makapag-ayos sa common bathroom bago ako pumunta sa kusina para kumain. Naabutan kong nagkakape roon sila Mommy. Wala si Cliff. Naghanap na naman siguro ng bagong babae diyan sa tabi-tabi.
"Good morning, Mommy. Good morning, Daddy." I went to them and kissed them on their cheeks.
"Good morning, hija. How's your sleep?" Dad asked.
"I'm so satisfied, Dad."
Ngayon lang ulit ako naka-tulog nang ganito kahaba, e. Almost 14 hours! Hibernation na 'yata 'yun. Parang na-kumpleto iyong buong pagkatao ko.
"You slept longer than we expected. Baka kung 'di ka pa pinagising sa Kuya mo, 'di ka pa gigising," Mommy said. "Hindi ka na namin kinatok kagabi dahil alam naming pagod ka."
"Mommy, next time, 'wag nang siya 'yung utusan para gisingin ako."
Daddy laughed. "He's an effective alarm clock, honey."
Sumimangot ako.
Inusod ni Mommy iyong mga ulam at kanin sa tabi ko. "Kumain ka na. Aalis na tayo mamaya. Wear white. Pupunta tayo sa Lolo't Lola mo."
"Sige po, 'my."
After eating breakfast, I went inside my bedroom to get my clothes in the cabinet. May mga damit ako rito na naiwan ko last summer. I picked an off-white embroidered a-line dress and wear it with white sneakers. Flowing 'yung sleeves na manipis ang tela sa braso ko hanggang sa kamay kaya 'di na ako nag-suot ng bracelet o relo dahil hindi rin naman kita. I just wore my dogtag necklace, silver ring earrings, and clipped a little piece of my hair upward, the latter, naka-lugay na.
Pagdating namin sa memorial park, nan'dun na 'yung mga Tito't Tita at mga pinsan namin sa side ni Mommy. I quickly smiled at them while we're approaching. I am closed with my family. One thing I am thankful about. I observed how Daddy acts around them and it's all natural. Ang sweet niya rin kay Mommy kaya napa-ngiti ako.
"Lumalaking maganda itong si Cadence, Kaycee, ah?" bati ng isang Tita ko kay Mommy habang naka-ngiti sa 'kin. "Baka naman may boyfriend na!"
"Bawal pa 'yan mag-boyfriend, Ciara," Mommy replied.
"Pero marami na 'yan manliligaw. At may nagugustuhan na!" Tumawa pa si Daddy pagtapos niya akong ilaglag.
Inulan tuloy ako ng mga tanong kaya laking pasasalamat ko kay Lucy—pinsan ko—dahil hinatak niya ako papunta sa kumpulan ng mga pinsan namin. Marami kaming magpipinsan kaya medyo nagtagal ako sa kadadaldal. Nanahimik lang kami nung dumating na 'yung priest na magmi-misa sa puntod nila Lolo at Lola.
Kinabukasan, lumabas kami ni Cliff para pumunta sa bahay nila Lucy na isang bayan lang ang pagitan. Cliff's not in the mood to go out but I managed to force him to drive for me. Pagdating namin 'dun, humiwalay na agad sa amin at nakisama 'dun sa pinsan naming lalaki na nasa kabilang ibayo lang. Things about province is... a clan of families are living together in one area. At itong Laoag, sakop halos ng mga Valencia.
"Mag-bihis ka na. Maligo tayo sa batis! Nan'dun 'yung mga pinsan natin. May pa-barbecue party si Rehan!" Lucy said after telling me the story about her summer fling. I also told her about Note. Ang dami ko tuloy hampas sa braso na galing sa kanya! Nakakasakit talaga siya pag kinikilig.
"Anong meron? Ba't may pa-party?"
"Nagpapa-good shot 'yun sa nililigawan niya. Bata pa kasi! Ka-edad lang natin!"
I grinned. "Okay, okay. What will I wear? Bikini?"
"Pwede rin! Bahala ka. Ako, one-piece lang tapos shorts."
We went straight ahead to the other barangay. Cliff furrowed when he saw us walking towards him. Syempre, kailangan niya kaming ihatid!
"Bakit naka-swimsuit kayo? Maliligo kayo sa pala-isdaan?" he asked, still frowning.
Lucy and I looked at each other. Lucy's wearing a one-piece swimsuit while I wear two-piece swimsuit. Mukha namang halter top 'yung top ko pero mas maiksi nga lang kaya kita pa rin iyong tiyan ko. We're both wearing high-waist denim shorts for below. May dala rin kaming tuwalya at mga bagong damit.
"Baliw! 'Dun tayo kila Rehan. Tara na! Uy, Julian, Mateo! Sumama kayo. Lahat nga raw na magpipinsan, e," I complained. Para kasing mga walang balak sumama.
"Props lang tayo 'dun, Cadence, para sa nililigawan lang 'yun ni Rehan!" reklamo din ni Mateo.
"E sa gusto naming maligo sa batis!" Lucy joined. "Halina kayo! Minsan na nga lang umuwi 'tong sila Dens, oh!"
Wala na silang nagawa nung nauna na kaming pumasok ni Lucy sa van. Pagdating namin sa bahay nila Rehan, iniwan muna namin doon iyong mga damit at twalya na lang 'yung dinala. Hinayaan na rin muna namin 'yung tatlo doon at nauna na kaming umalis. Tagal-tagal kasi! Mga nag-iinarte pa.
Ang dami nang tao! Naglalakad pa lang kami palapit, naaamoy na namin iyong bango ng barbecue.
"Salamat naman, nakapunta kayo," Rehan greeted us. Busy siyang mag-barbecue sa gilid ng batis.
"Nasa'n 'yung nililigawan mo?" I asked.
"Sshh! Ingay naman, Dens. Nandiyan lang siya, oh." He looks sideways.
Nakita ko naman iyong babae na mukhang ka-edad nga lang namin. Naka-white t-shirt tsaka shorts na mataas lang ng konti sa tuhod. Ngumingiti lang sa kinukwento ng pinsan kong isa pa. Siguro kaibigan din siya ni Isabella.
"Hindi ko gusto 'yang ngiti mo, Dens, ah," Rehan whispered. "'Wag kang gagawa ng kung ano. Mahiyain 'yan."
Tumawa ako. "Tinitignan ko lang! Chill!"
"I know you." He rolled his eyes so I grinned wider. Kabado naman masyado! Natatawa tuloy kami ni Lucy.
Nag-picture na muna kami ni Lucy kung saan-saan. It's so beautiful here! Ang lamig pa ng ihip ng hangin. Dinig din iyong malakas na lagaslas ng tubig.
"Ito, ang ganda ng korte ng katawan mo dito, Dens. Send mo kay Note," sulsol sa 'kin ni Lucy.
"Baliw. Baka pumunta 'yun agad dito." Tumawa ako.
"Hindi 'yan. Tignan lang natin 'yung reaction."
She grabs my phone and sends two photos of mine wearing a bikini. 'Yung isa, naka-upo ako sa malaking bato habang seryosong naka-tingin sa camera. 'Yung isa naman, nakalubog ako sa tubig pero kita 'yung kalahati ng katawan ko. Confident naman ako sa katawan ko dahil maaga nag-bloom 'di tulad ng sa iba. Parang tanga tuloy kaming naghihintay ni Lucy na ma-seen ni Note 'yung pictures.
"Ayan! Nag-seen na!" Lucy shrieked. Todo hampas pa siya sa 'kin! While I can't even smile because I'm too nervous for his reaction.
"Luh, ba't ganon. Hindi nag-reply..." Lucy frowned.
Sumimangot ako.
"Hayaan mo na! Baka busy lang!" tumayo na ako para sana kumuha ng barbecue sa pwesto ni Rehan nang may lalaki akong nabunggo.
"I'm sorry—" My eyes widened when I see a familiar face. I blinked for many times. Baka nag-iilusyon lang ako! "Bakit ka nandito?! Ikaw ba 'to?!"
Kinurot-kurot ko pa 'yung pisngi niya. Naka-suot siya ng puting tshirt tsaka brown short at may belt na brown din. Note chuckled.
"What are those pictures?" he asked, grinning. "Inaakit mo ba 'ko?"
Panay kurot na ni Lucy sa likuran ko. Bigla akong nahiya sa pinaggagawa namin ng pinsan ko, ah! Bakit ba ako nakinig sa kanya?!
"Bakit ka nandito?" I asked again while feeling my face flushing with shame.
"Sumunod kami ni Mama. Close din siya sa grandparents mo, 'di ba," he replied.
His gaze lingered on my face before quickly surveying my body. I was only wearing a black halter two piece bikini. Uminit 'yung mukha ko. Saglit lang naman pero pakiramdam ko pinawisan agad ako kahit na ang lamig naman ng hangin sa paligid!
"Damn, you're hotter in personal," he complimented with a smirk. Naghinang iyong tingin naming dalawa. Kitang-kita ko 'yung kapilyuhan sa mga mata niya. He's enjoying this! "Buti pala, pumunta kami rito. That pictures you sent will make me crazy while you're away."
Tinitigan niya 'yung namumulang mukha ko. He chuckled softly. Nagulat ako nung tinawid niya iyong pagitan naming dalawa tsaka yumuko para mahalikan ako sa noo.
"Enjoy here, princess. Tulungan ko muna si Rehan sa ginagawa niya." He gave me a naughty smile before walking away. Tsaka lang ako naka-hinga nang maayos! At tsaka ko lang din napansin 'yung sakit ng likod ko dahil sa kanina pang pangungurot ni Lucy.
"Grabe! Hindi pa kayo niyan? Mga denial! Ang lakas nun! Kinikilig ako, Dens! Pulang-pula ka pa, oh, malandi! Pahalik-halik pa!" Lucy squealed before running towards the water to swim.
I bit my lower lip to suppress a smile. Pinagpawisan ako agad. I followed Lucy to swim again. Baka sakaling kumalma 'yung pakiramdam ko pagtapos kong maligo ulit!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top