Chapter 2

Chapter 2


"Ito talaga 'yung dress ko, Cliff?" I asked my brother. 

Gosh. I look like a tooth fairy in this outfit! Mukha akong bata! Debut pa naman iyong pupuntahan namin. Nag-hire pa siya ng stylist para ayusan ako pero iyong mga 'suggestions' niyang sapilitan iyong mga nasunod.  

Isang royal blue na cocktail dress ang ipinasuot niya sa 'kin. Net na may makikinang na beads ang bumabalot sa balikat at mga braso ko kaya pag sa malayo ako tinignan, nagmumukhang tube dress ito. Above the knee level iyong iksi, at medyo mababa iyong tela sa likuran kaya exposed iyong likod ko. That's why he urged Hiro, the stylist, to laid back my hair na kinulot ang dulo para raw 'di bumalandra iyong likod ko sa mga mata ng guests sa party.

"Yes. You look gorgeous," he replied while arranging his royal blue necktie. Pair talaga iyong binili niyang mga damit namin.

Umirap ako tsaka ko siya nilapitan. Inayos ko iyong necktie niya. Nauna kasi akong ayusan, at habang inaayusan ako ay nangingialam siya kaya na-late tuloy siyang magbihis.

"Party rules, Cadence. Pag may nag-aya na makipag-sayaw sa 'yo-"

"I'll reject them?" hula ko, pero ngumisi lang siya tsaka umiling.

"You're grown up now. Ayos lang 'yun. Basta kailangan, 'di dadapo 'yung kamay nila sa balat mo. Tsaka dapat, kung magsasayaw kayo, doon kayo sa kita ko."

"Huh? Ang awkward naman nung gusto mo! Makikipag-sayaw ako tapos papanoorin ng kuya ko?"

"That's mom's condition. Kailangan bantayan kita." He huffed. "And even if she didn't order me to do that, I'd still do the same. Aba, high school ka pa lang. Bawal ka pang ligawan."

I grimaced. "Boomer. Party lang pupuntahan natin, para namang may namanhikan na dito sa bahay by the way you talk."

Buong biyahe, hindi natigil si Cliff sa pag-papaalala sa 'kin nung mga party rules kuno niya para sa 'kin. Daig pa niya si Daddy! Napakaluwag nun sa 'kin. Si Cliff at si Mommy lang naman 'yung nag-hihigpit.

"We're here," Cliff announced while he's parking the car.

Ang dami na kaagad sasakyan sa parking lot. Mukhang late pa yata kami, ah. Inalalayan ako ni Cliff sa pagbaba ng sasakyan. Natakot siguro na baka matapilok ako sa 4 inches kong stiletto. Ayos lang din. Sanay naman ako dahil sa mga pageant sa school na nasasalihan ko. Required kasi ang high heels 'dun.

"Ang ganda naman ng venue," I commented upon seeing the place.

Sa isang malawak na garden ginanap iyong debut ni Ate Clau. Dahil pagabi na, ang daming ilaw na decorations ang naka-sabit sa itaas. Even the trees are full of round lanterns. 

In front, there's the stage. Tapos sa gilid nun, bar area. Ang daming alcoholic drinks na naka-display 'dun at may bartender sa counter. Sa gitna naman, nan'dun 'yung white platform na sa tingin ko ay magiging dance floor mamaya. Nakapaligid doon iyong mga puting outdoor chairs at outdoor tables. Tapos bawat round na mesa, may mga candles in glass at tatlong paper lanterns sa gitna. Naka-posisyon na rin 'dun iyong mga utensils, white plates at wine glasses.

"Gusto mo ba ng ganitong debut?" Cliff asked me.

"Ang bongga nito. Siguradong mahal 'yung nagastos dito," I replied.

Ayokong mabawasan iyong mga perang pinaghihirapan ni Mommy sa pagiging lawyer at ni Daddy sa pagiging professor. Mas gusto ko kung simple lang, pero invited lahat ng mga kaibigan ko. At kumpleto iyong family namin. Masaya na 'ko 'dun.

"Duh. We're not broke, okay?"

Tinawanan ko ang kaartehan ni Cliff. Matagal pa naman. Two years pa. 

Nakakapit ako sa braso ni Cliff hanggang makarating kami sa table namin. Inilibot ko iyong tingin ko. Malapit nang mapuno 'yung venue. 

"Hi, Ashley!" bati ko sa kapatid ng kaibigan ni Cliff. Magkakasama rin pala kami sa table na 'to. 

"Hi!" she greeted back. "You're here, too. Buti naman. May makakausap ako."

Nginisihan ko siya.

"Dito ka muna. I'll just check on Clau, okay? Sandali lang ako," Cliff whispered to me kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit?"

"Anong bakit? Syempre, birthday! Kailangan batiin," sagot niya tsaka pinaupo ako sa tabi ni Ashley at umalis.

Umirap ako sa likod niya tsaka bumaling kay ashley at ngumiti ulit.

"Wala pa si Rhian?" I asked pertaining to her best friend. Kapatid din kasi ni Kuya Jaylee iyong si Rhian. It's natural for her to attend, too. 

Umiling siya. "Ayaw pumunta. Party's not really her thing."

"Naku. Kailangan niyang masanay kasi marami tayong parties sa school once na seniors na tayo."

"That's what I'm telling her..." she smiled.

Nag-chikahan pa kami ni Ashley bago dumating sa katabing table 'yung mga kaibigan ni Ate Claudia na ka-close din pala ni Ash. Kaya hinayaan ko na muna siyang makipag-usap sa kanila at nag-focus ako sa panonood ng mga videos ng last performance ng Skynote kagabi sa facebook.

"Hi, Princess!" Umupo sa tabi ko si Kuya Ashton, iyong kapatid ni Ashley.

"Hi, Kuya! Wala ka ring date?" I asked, grinning.

"Here's Ashley," sagot niya kaya tumawa ako. Sumimangot siya. "You're bullying me again."

Ngumisi si Ashley sa sinabi ng Kuya niya. "Nag-away sila ng girlfriend niya."

"Ash," sita ni Kuya Ashton. 

"Sila Kuya Fix at Kuya Raven?" I asked, tukoy ko 'dun sa dalawa pa nilang kaibigan. Lima kasi sila sa barkada. 

Halos lahat sila, ka-close ko. Syempre, mas close ako kay Kuya Raven na kapatid ni Note dahil halos araw-araw akong nasa bahay nila mula nung bata pa ako. And he's my first crush. Gwapo kasi tsaka masungit sa iba.

"They've got their own dates. Mamaya pa siguro ang mga 'yun," Kuya Ashton replied.

And truth to be told, bago nga nagsimula iyong party, dumating na sila kasama ng mga dates nila. They greeted me, too, gaya nung pag-greet sa 'kin kanina ni Kuya Ashton. Nakabalik na rin si Cliff at umupo doon sa inupuan ni Kuya Ashton kanina.

"Saglit lang pala, ha," I teased. "Kayo na ba?"

"What?" Cliff said while shaking his head. "Don't read too much love story. It's corrupting your young mind."

I grinned and stayed quiet when the program started. Nag-speech muna iyong parents ni Ate Clau tsaka siya tinawag nung emcee. Everyone was jaw-dropped while looking at her walking the pathway. She's beautiful. Her soft make-up highlights her soft face features. Madalas kasi mukha siyang matapang at suplada dahil ang hilig niya sa dark make-ups. 

Siniko ko si Cliff sa tabi ko then gave him my wine glass. Kumunot ang noo niya sa 'kin. "What?" he asked.

"Itapat mo sa bibig mo, Kuya, tutulo na 'yung laway mo," I said. 

His face contorted in annoyance which makes me laugh hard. Hinablot niya iyong wine glass sa kamay ko tsaka ibinaba sa mesa. Inirapan niya ako bago pinanood uli 'yung paglalakad ni Ate Claudia. Ngumisi ako. Pikon! Dadalhin mo pa ako, ha?

Nagkaroon ng maiksing speech ang debutante bago nag-announce iyong emcee na magsisimula na 'yung cotillion. Nagsitayuan 'yung mga lalaki sa table namin kasama nung mga dates nila.

"Pati ako?" Nanlaki 'yung mga mata ko kay Cliff.

"Malamang. Ikaw nga 'yung date ko ngayon, 'di ba? Kaya nga binitbit kita."

"Huh?! Hindi ako sanay sumayaw ng cha-cha!"

 "Ano?! 'Wag mo nga akong ipahiya, Cadence. Waltz 'yung sinasayaw sa cotillion! Hindi ka ba nakinig sa MAPEH niyo nung elementary ka?" tanong niya na kumukunot 'yung noo.

"Hindi naman kasi ako informed na sasayaw pala!" I complained. Malay ko ba na kasama pala kami sa cotillion. Ugh, of course, Cadence. Kaibigan ni Cliff ang debutant! Bakit ba 'di ko naisip? Akala ko kasi kakain lang ang gagawin ko dito kaya pumayag din agad ako.

Sumama na lang ako sa dance floor. Everyone clapped for us. No'ng una ay normal na waltz lang 'yung nangyari. Panay reklamo ni Cliff dahil lagi kong natatapakan 'yung sapatos niya. Kasalanan niya! Hindi kami nag-practice kanina. 

Nung nag-switch sa iba pang classical song iyong background music, sumayaw na kami nang pahakbang. Hanggang sa naging pabilog na iyong position naming lahat. The outer circle were all men. Nasa inner circle naman kaming mga babae.

"O, ano naman 'to?" bulong ko kay Cliff.

"Sa bawat pangatlong beat, iikot ka pa-kanan," Cliff instructed. "'Wag mo masyadong ilalapit katawan mo sa kanila, ah."

"Huh? E 'di switch partners?" I asked and he nodded.

Natapos iyong first three beats kaya umikot ako pa-kanan. Napunta ako kay Kuya Fix. He winked at me as soon as he held my hand. I grinned.

"Ganda ng prinsesa ngayon, ah?"

"Ngayon lang?" Tumaas 'yung kilay ko.

Tumawa siya tsaka umiling. "You and your confidence both grew up so well."

Tatlong beat ulit kaya lumipat uli ako sa kanan ko.

"Hi, Kuya!" I greeted Kuya Raven which he returned a smile. Oh, heaven! Ang gwapo!

"You dress up so well, Princess," he complimented. "You've seen Note already?"

"Huh? He's here?"

He nodded. "Yup. Sumama siya nung nabanggit ko na isasama ka ni Clifford. He's just there... sa gilid-gilid."

Tumawa ako. "I'll look for him later, Kuya."

Natapos iyong cotillion at lahat ng babae ay nahilo sa kaiikot. Gosh! That's not a very good idea. Nag-take note agad ako sa isip ko na hinding-hindi ko ito ipapagawa sa mga guests ko pag debut ko na.

"Gutom na 'ko," sabi ko pagka-upo sa puwesto ko.

"Napagod ka?" tatawa-tawa si Cliff. "Sabi naman sa 'yo, you need to be fit. Mag-exercise ka."

"Paanong 'di kami mapapagod e pinaikot-ikot niyo kami?" reklamo ko kaya tumawa 'yung mga boys.

At ilan 'yung pairs na nasa stage kanina... 15? 20? Inisa-isang ikot namin bawat lalaki. Gosh! Hindi na ako uulit. Mas enjoy talagang kumanta kesa sumayaw.

Ang dami pang pakulo ng debut na 'to, mabuti na lang at after thirty minutes or so, nagsilabasan na 'yung mga waiters, at naging available na 'yung buffet table. Iniwanan ko talaga si Cliff 'dun para maka-kuha ng food. Si Ashley kasi, kinuhanan na ni Kuya Ashton. Ganon din sana 'yung gagawin ni Cliff kaso 'di ako pumayag dahil puro 'yung gulay lang for sure ang ibibigay sa 'kin nun.

"Grabe, gutom ka?" sabi ng tumatawang boses sa likuran ko.

Nilingon ko agad 'yung nagsalita. "Note!" I exclaimed in glee. "Sa'n ka kanina? Kuya Raven mentioned you earlier. Nung nagsasayaw kami."

Pinasadahan ko siya ng tingin. Naka-brushed up iyong buhok niya tapos suot niya 'yung stud earring na regalo ko nung New Year sa kanya. Black tuxedo, white long sleeves, dark red handkerchief sa bulsa ng tuxedo at dark red din na bow tie. May suot din siyang makapal na singsing sa daliri na kapares nung stud earring niya na kumikinang sa tama ng liwanag.

Tumingin siya nang nanunuya sa 'kin. "I saw it. The dance. You seemed to enjoy it very well."

Ngumuso ako.

"Other than nakasayaw ko iyong crush ko, wala na. Nahilo na ako, nagutom at napagod," reklamo ko kaya tinawanan niya ako.

"That explains your mountain of food," he teased.

"Syempre, nagutom ako!"

He chuckled. "Tara, may ipapakita ako sa'yo. Ako nang magdadala niyan. Get your drink."

Kinuha niya sa 'kin iyong pagkain ko tsaka kumuha ng cocktail drink. Naglakad kami palabas sa garden... tapos may inakyat kaming hagdan na gawa sa bato. Nang maka-akyat kami, na-amazed agad ako. 

Overlooking dito sa itaas 'yung buong party. Kitang kita 'yung liwanag ng ilaw na nakasabit sa mga puno. May mga lamp posts pa dito kaya maliwanag. Ibinaba ni Note iyong pagkain ko sa maliit at pabilog na steel table tsaka ipinaghila ako ng upuan.

"Upo na po, prinsesa," he offered while beaming at me.

Umupo naman ako sa upuan. Kita rin mula dito 'yung program kaya updated pa rin ako sa mga nangyayari. Napansin ko rin na may pagkain na si Note dito.

"Kanina ka pa ba?" I asked.

"Kinda. Ayoko sa 'baba, daming tao," he replied. "Hinanap lang talaga kita para madala dito. Beautiful, right?" tanong niya bago ngumiti sa 'kin.

Tumango agad ako.

"Pero mas maganda ka kesa rito," he reclaimed then winked at me.

Uminit 'yung mukha ko. Pinasadahan pa niya ako ng tingin kaya 'di ko alam kung sa'n ko ilalagay 'yung tingin ko. 

"A-alam ko!" I answered. "Syempre, nagpaganda talaga ako."

Tumawa  siya. Tinukso pa niya 'ko nang tinukso habang kumakain kami. Panay irap ko nalang sa kanya habang ngumunguya ako. 

He's really good at complimenting people. Nakakainis kasi 'di ko alam kung pa'no ilagan 'yung mga compliments niya. Kaya 'di ko talaga maitatanggi na isa siya sa mga dahilan kung bakit ang tayog ng confidence ko habang lumalaki ako.

Tumikhim siya tsaka siya tumayo nung tumugtog 'yung slow music. Humakbang siya tsaka yumuko nang konti para magpantay 'yung mukha naming dalawa. Gumala 'yung tingin niya mula sa mata ko, sa ilong, hanggang sa labi. Halata 'yung ginagawa niya sa paraan pa lang ng pagtingin niya kaya medyo uminit 'yung pisngi ko.

Ilang sandali pagtapos niya 'kong titigan, ngumiti siya sa 'kin. Tapos bumalik sa mata ko iyong tingin niya. "Sayaw tayo?" he asked and offered his hand.

Huminga ako ng malalim tsaka tumango. Naka-inhale lang pala ako sa bango niya habang tinititigan niya ako. Goodness! Mag-aaya lang naman palang sumayaw, bakit may pagtitig pa!

Inabot ko 'yung kamay niya tsaka tumayo. Muntik pa 'kong matapilok kasi nanlambot 'yung tuhod ko. Buti na lang nasalo niya 'yung bewang ko.

"Okay ka lang?"

Kasalanan mo! 

"Okay lang," sabi ko tsaka ngumiti.

Umiling ako sa nangyari. Mukhang kailangan ko yatang sundin 'yung advice ni Cliff na kailangan kong mag-exercise. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top