Chapter 17
Chapter 17
"Kuya, pwedeng pa-picture?" a student from our school asked Note while we're walking around the mall. I stifled a laugh. Naka-simangot kasi iyong kasama ko ngayon dahil kanina ko pa siya inaasar sa pagka-talo niya sa 'kin sa bowling center kanina. Though he already got used to playing that he played really good, I'm still better.
Note gave the student a kind smile and nodded. "Sure."
Tumingin sa 'kin 'yung babae kaya nginitian ko siya tsaka nilapitan sila. "I'll take the picture for you," I offered.
"Thank you, Ate! Pa-picture din po sa 'yo mamaya, please?"
I smiled while nodding. "Okay."
I took a lot of picture of her with Note and then Note gets the phone from my hand to do the same thing. Iyong ibang kaibigan din nung babae, nagpa-picture sa 'min. I asked what grade they are and they said they're grade 7. Kaya pala mga mukhang bata pa.
"Sobrang galing n'yo po kumanta! Idol na idol namin kayo!"
I laughed, a little moved by their confession. Nakakatuwa na maraming nasisiyahan sa mga performances namin, when in fact, we also do this for our happiness. It's like we're hitting two birds with one stone.
"Thank you..." I replied.
We continued walking side by side when the students left. I looked at Note beside me and saw that he's just smiling all the way, hands are both in his pocket. Tumingin siya sa 'kin nung napansin niyang naka-tingin ako sa kanya. I quickly switched my gaze straight on our way.
"So what's the wish?" Note asked me, pertaining to our deal back in the bowling center. Kung sino kasi iyong matatalo, tutupad siya ng isang wish. E isa lang naman kasi 'yun kaya kailangan ko munang pag-isipan mabuti para 'di masayang.
"Tsaka na. Wala pa 'kong naiisip," I smirked. "Iisip ako ng mahirap."
"Awtsu," he laughed. "Kakabahan na ba ako? Baka mamaya utusan mo 'kong mag-macho dancer bigla dito sa mall, ah."
"Yuck!" Hinampas ko siya sa braso kaya tatawa-tawa lang siyang lumayo.
"Ayos lang naman sa 'kin. Basta sa harap mo lang. For your eyes only," he replied with a wink.
Nanlaki 'yung mga mata ko. Nag-init din 'yung mukha ko. Bwisit na Note! Binilisan ko na lang iyong paglalakad ko. Sumusunod lang siya sa 'kin habang natatawa. Tapos bigla na naman niya akong inakbayan. Bumagal tuloy iyong paglalakad ko... pero 'di ko muna tinanggal.
"When will you tell me who's the lucky guy?" he asked.
I eyebrows furrowed. Kinabahan din ako agad.
"Bakit?"
"Anong 'bakit'? I'm curious!"
Umirap ako bago tinanggal 'yung akbay niya. Ang kumportable kasi... baka mapansin niyang 'di ko tinanggal tapos tutuksuhin na naman niya ako.
Hinarap ko siya. I crossed my arms, too. I arched a brow. "Are you jealous?"
Tumagal nang ilang segundo 'yung tingin niya sa 'kin tsaka humagalpak ng tawa. Napapatingin tuloy sa amin iyong ibang dumadaan! Nasa tapat pa naman kami ng fastfood, ang daming taong dumadaan dito!
Pinandilatan ko siya ng mata. "Masaya ka?"
Umiling siya tsaka kinagat 'yung ibabang labi para magpigil ng tawa. Napa-tingin ako 'dun pero pinuwersa kong ibalik sa mata niya 'yung paningin ko.
"Sorry," he said while stopping himself from laughing. "Kung anu-ano naman kasi itinatanong mo. Nakakabigla ka." He laughed softly while shaking his head a little.
"I'm curious, too. You said y-you like me!"
Lumapad iyong ngiti niya. Umiwas ako ng tingin tsaka nag-lakad na lang ulit.
"Oo nga. Gusto kita," he simply replied while walking beside me. Naka-tingin lang siya sa 'kin, pinapanood kung pa'no ako mamula. "And... I'm asking you who the guy is to know the competition."
I stopped walking and slowly faced him.
"Competition?" I asked dumbly.
He shrugged. "If there's a competition, I'm ready to play an a-game."
"P-pa'no kung wala?"
"Then I'll make sure to prove to you that I worth the chance."
Hinila niya ako papunta sa Yellow Cab. Habang nago-order siya, naka-tingin lang ako sa kanya. Should I tell him that I like him, too? Hindi ba masyadong maaga? I'm not even 18 yet! Baka isipin niya, hindi pa ako seryoso ngayon dahil bata pa ako. Pero bakit siya? Mag-i-18 pa lang naman siya pero nagtapat na siya sa feelings niya... and he seemed sincere. Maniniwala kaya siya sa 'kin kung ako naman iyong mag-sasabi?
I blinked when he flicked my forehead.
"Hey!" reklamo ko habang hinahaplos 'yung noo ko.
He laughed briefly. "You're zoning out. What flavor do you like for our pizza and buffalo wings?"
Tsaka ko lang napansin na naka-tingin lang din sa 'kin 'yung cashier na lalaki, nag-aabang ng order namin. I smiled awkwardly before pointing for the flavors that I liked.
Nag-hanap kami ng table at doon hinintay iyong order namin. So far, he's being successful for disturbing my thoughts about Maya. Hindi na masyadong mabigat iyong pakiramdam ko. I want to thank him again for that. Nag-isip ako agad ng mga bagay na gusto niya. I want to send him a gift.
"You're staring at me," he commented with a laugh. "Kanina pa."
Nanlaki 'yung mga mata ko. He's busy fiddling with his phone! Akala ko hindi niya napapansin 'yung pagtingin-tingin ko.
"I'm just thinking about something!"
Inangat niya 'yung tingin niya sa 'kin.
He raised a brow. "About what?"
I crumbled my thoughts to respond faster. "A-about the buffalo wings!"
Natawa siya. "While looking at me?"
My forehead furrowed. "Anong pinapalabas mo?"
Ngumisi siya. "Wala... Sige na, ngumiti ka na ulit. I'll take a picture of you. Sandal ka diyan."
Umirap ako pero sumunod din. We took pictures while the food aren't prepared yet. We took photos of each other. Nakisuyo rin siya sa isang empleyado doon para kuhanan kami ng litrato. All we do were wacky poses. Mayroong dalawa kaming naka-peace sign habang naka-make face sa isa't-isa, tapos umakbay din siya sa 'kin nang pa-sakal, while I'm doing gigil face while grabbing a handful of his hair in my hand, meron din 'yung normal lang siyang naka-akbay habang naka-pisil sa pisngi ko 'yung isang kamay at naka-ngiti sa camera, habang ako, naka-simangot na naka-tingin sa kanya.
Dumating 'yung pizza, pasta at buffalo wings. I smiled wider.
Kinuha ko 'yung phone ko.
"Note, ngiti ka. I'll take a picture of you," I commanded which he quickly obliged.
Pinicturan ko siya nang marami. Naka-ngiti lang ako habang tinitignan 'yung mga pictures namin sa gallery ko. Mas marami 'yung nasa kanya, e. 'Yun kasi iyong ginamit namin kanina.
Nag-alcohol muna ako sa kamay bago bumaling sa pagkain.
"Kain na tayo—hey! If you want to take my picture, ask me! Puro stolen shots ka na naman d'yan, e," reklamo ko. Ang pangit ko pa naman madalas sa mga kinukuha niya. Parang pinagtitripan na naman ako nito, e.
He laughed.
"Stolen shots are better than prepared ones," he replied. "You're cute here. I'll post it on Instagram."
"Ayusin mo," banta ko.
Tumawa lang siya.
We wore plastic gloves and started eating buffalo wings. He got me a slice of pizza and placed it on my plate. Siya na rin nag-lagay ng hot sauce dahil alam niyang mahilig ako sa maanghang. Pinanood ko lang siyang gawin 'yun. I like watching him doing things for me. It makes me appreciate him more and more and more. He's such a genuine person.
"Thank you, Note," I told him sincerely.
Lumingon siya sa 'kin bago dahan-dahang ngumiti.
"I like doing things for you. So, I should be the one who must thank you. Because you're letting me do these things. It makes me happy." Kumuha siya ng tissue tsaka pinunasan iyong gilid ng labi ko. "Kalat."
My mouth parted. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Ito na naman!
Huminga ako nang malalim.
It's now or never.
"It... It also makes me... uhm... happy," I said with an awkward smile. His mouth agape. I swallowed the nervousness that's creeping on me. I looked straight in his eyes. "Ikaw 'yun. Iyong taong gusto ko... Ikaw 'yun."
He stared at me for a moment before stifling his smile which is already obvious. Tinanggal niya 'yung plastic gloves niya sa isang kamay tsaka kinamot iyong tungki ng matangos niyang ilong.
"Wala ka man lang bang sasabihin?" I demanded when I did not get any from him. It's a confession! Wala man lang ba siyang reaksyon? Hindi ba siya nagulat?
"Teka lang, Skylah," sabi niyang natatawa. "Hayaan mo muna 'kong kiligin."
My eyes widened when I noticed how red his ears are. Mas lalong uminit iyong mukha ko.
Umiwas na lang muna ako ng tingin tsaka kumain ulit.
Seriously, para kaming mga tanga!
* * *
The next day, I feel so giddy. Alam kong may problema pa kami ni Maya pero mas nangibabaw ngayon sa 'kin 'yung nangyari kahapon. After we ate dinner together in Yellow Cab, hinatid na nila ako. Hindi kami ga'no nag-uusap... Tahimik lang kami sa likuran habang nag-da-drive si Kuya Rick... but Note being annoying as he is, he secretly held my hand and intertwined it with his! Muntik na akong atakihin sa puso! Nung tinignan ko siya, diretso lang 'yung tingin niya sa harap pero ang lapad pa rin ng ngiti niya.
"Uh... ingat kayo..." I told him while averting my gaze.
Nasa tapat na kami ng gate. Bumaba rin si Note para ihatid ako sa loob. It's already 9 pm for heaven's sake!
"You seemed uncomfortable. Ayaw mo bang hinawakan ko 'yung kamay mo? I'm sorry..."
I looked at him and saw him pouting. I laughed a little.
Kinuha ko 'yung kamay niya tsaka pinagsalikop iyong kamay naming dalawa. Nagulat siya sa ginawa ko.
"I like it..." amin ko. "It just feels strange. Lagi tayong nakakapag-hawak kamay dati tuwing hinihila mo ako kung sa'n sa'n pero ngayon kasi... iba na, e. It feels good."
"Talaga?" he asked with wider smile. I nodded, with wider smile, too. "You're making me like you more... I want to hug you.." sabi niya.
Binitiwan ko na 'yung kamay niya.
"Ngayong alam mo na 'yung tungkol sa feelings ko sa 'yo, bawal mo na akong yakapin basta-basta!"
"Huh? Ang unfair naman no'n—"
"Sabi mo manliligaw ka?"
"Oo nga—"
"Pwes, walang manliligaw na nakaka-score agad sa nililigawan nila 'no! Hintayin mo munang mag-18 ako."
He stared at me and then chuckled. "Okay po, boss. Ano pa?"
"You can hold my hand pero minsan lang! At bawal pag maraming tao, okay?"
He nodded and smile again. "Ano pa?"
"We need to focus on our study more and better," sabi ko. Iyong iba kasing mga nakikipag-relasyon, nawawala 'yung focus sa pag-aaral kaya bumababa 'yung grades nila. Ayoko ng ganun. I want us to be an inspiration for each other, not the other way around. We must grow better together, not spoil each other.
"Copy that."
"Hindi pa tayo, ha. Nanliligaw ka pa lang," I clarified.
He laughed. "I understand that."
Tumango na ako. Gabi na, e. "Okay. Sige na, papasok na ako. Baka hinahanap na 'ko sa loob."
He tousled my hair.
"Don't worry. They know that we went to the mall. Pinagpaalam kita."
"Talaga?!"
"Yeah. Hindi naman kita aayain kung alam kong pagagalitan ka pag-uwi mo."
I haven't found any words to respond but I find myself just smiling in front of him. Delikado 'ata 'tong pinasok ko... Parang mabilis mag-e-evolve 'tong feelings na 'to pagdating sa kanya.
"You might want to check the comfort room."
Natigil ako sa iniisip nang dumaan sa harap ko si Yelo. Tinaasan ko siya ng kilay. Bakit namamansin na naman 'to? Sanay na akong ini-snob nito, e. Wala naman kasing pakialam sa paligid...
"Bakit?"
Nilingon niya ako. His stare feels cold. Yelo talaga! Suplado! Ni minsan, 'di ko pa nakitang ngumiti 'to, e. May defect siguro sa kanya.
"I thought your best friend needs you."
Napa-tuwid ako ng tayo.
"What do you mean?!" I asked abruptly. Kinabahan ako kaagad. Hindi naman kasi mahilig magsalita 'yan, e...
He shrugged before walking away. Hindi na 'ko nagsayang ng oras at tumakbo na agad papuntang comfort room. Next floor pa 'yun kaya tinakbo ko na lang iyong hagdan.
Pagtulak ko sa pinto, naka-lock, kaya mas lalo akong kinabahan. I knocked on the door. Sunud-sunod! Pero wala namang sumasagot! Pinagtitripan lang naman yata ako ni Calix, e!
"Hey."
Lumingon agad ako sa kanya.
"Dito ba 'yun?" I asked then he nodded. "Bakit sarado?!"
"Here's the key," tipid niyang sagot. Ipinakita niya sa 'kin 'yung susi sa kamay niya.
I immediately unlocked the door and opened it. My mouth went agape. Nakita ko agad si Maya na naka-upo sa sahig habang puting-puti iyong buhok sa harina. May basag na shell ng itlog din na naka-kalat sa sahig. Iyong iba, nasa damit niya. What the frigging hell?!
Dumalo agad ako sa kanya.
"Anong nangyari sa 'yo?!"
Kinuha ko iyong panyo sa bulsa ko tsaka pinunasan 'yung braso niya. May mga mahabang kalmot din doon. Tinulungan ko siyang tumayo. Her eyes are swelling but she's not crying anymore. Hinila ko siya papunta sa sink.
"Maya..." I called her. "Sinong gumawa sa 'yo nito?"
"Who do you think?" she asked with her emotionless voice. "Of course, your fans."
Nanlaki 'yung mga mata ko. "What?!"
"It's okay... I deserved this..."
She started crying. Oh, Maya... I wiped her tears. Hinawakan ko 'yung mukha niya para ipantay 'yung tingin naming dalawa.
"No one deserves to be treated like this," I told her, my voice was shaking in anger. "You should've fought them! Why did you let them do this to you?! Sinu-sino sila? Do you remember their faces?"
"Wala akong kwentang kaibigan. I deserve this."
"What? Bakit mo ba 'yan sinasabi?! Stop it! Hindi 'yan totoo!" I pursed my lips. Tinuloy ko 'yung pag-pupunas sa kanya. "You've been a good friend to me. You are my best friend. I have so many friends but it's only you who I've considered the best, because you are!"
Umiling siya nang sunud-sunod. Tumulo iyong mga luha niya.
"Please just be mad at me... I can't look in your eyes right now.. I feel so guilty.. I am so guilty..."
"Maya naman, e..."
I pulled her for a hug. I cried with her while tapping her back. She cried harder.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top