Chapter 14


Chapter 14


Natawag ko na yata lahat ng mga Santo para humingi ng tulong. I can't think straight! Not when he's here beside me, melting me with his stares after his not-so-direct-but-not-so-indirect confession! Mauubusan na ako ng hangin sa katawan sa ginagawa niya. 

Nagkaka-gulo na 'yung mga letters sa utak ko. Anong sasabihin ko? Mag-ko-confess na din ba ako? Sure ba ako? Hindi papalya 'yung friendship namin pag inamin ko rin sa kanya na gusto ko na nga talaga siya? 

I blinked a couple of times. 

Kanina pa ako naka-inhale lang. Kailangan ko ng oxygen. Kailangan ko ng spokesperson dahil naumid na yata talaga iyong dila ko. Para na akong tanga dito sa tabi niya. Diretso lang iyong upo ko habang naka-tingin sa harap. Para akong naiputan ng ibong Adarna at naging bato na.

I heard him chuckle. Sinilip niya 'yung mukha ko.

"Ayos ka lang diyan?" walang kwentang tanong niya.

I swallowed hard. Nasa'n na 'yung boses ko? Nawala na yata. 

"Hey..." I felt him tugging the hem of my shirt. 

Hindi pa rin ako maka-galaw. Sobrang init na ng mukha ko! Kinakabahan tuloy ako na baka mahalata niya. Isipin pa niyang patay na patay ako sa kanya.

Hindi naman yata masyado.

Slight lang.

Nanlaki 'yung mga mata ko nang paluhod siyang umupo sa harap ko. Ugh! Ano ba, Note Asriel?! Papatayin ba ako nito? Hindi na nga normal 'yung pag-hinga ko, e!

"P-parang tanga 'to." I whispered while glaring at him. Tumingin ako sa gilid ko. "Tumayo ka nga d'yan."

He laughed softly but his eyes on me are obviously sincere. "Sorry. Did I really surprise you?"

I bit my lower lip hard. Halo-halo 'yung nararamdaman ko. Hiya, inis, gulat, kaba, kilig... tapos parang naiiyak ako dahil sa lahat nang 'yan. 

Mukha na 'kong tanga dito. He makes me so overwhelmed. What should I do?!

"Uy..." He poked my cheek. "Galit ka ba? Dapat ba 'di ko muna sinabi?"

I wasn't looking at him but I can see him in my peripherals, his attention is all on me! Ano ba 'yan! Napaka-init na ng mukha ko. Hindi ko na napigil. Nagtakip na lang ako ng mukha gamit ang dalawang kamay ko.

"Hey, Skylah..."

Tumalikod ako sa kanya.

"Wait lang! 'Wag kang atat d'yan. Hihinga lang muna ako, okay?!" I said, still covering my flushed face.

I heard him chuckled. Naramdaman ko 'yung pagbalik niya sa inuupuan niya. Sa tabi ko. I flinched when I felt his arms slightly brushed on mine. Jusko! Ginoo! Bakit ang lapit?! Is he flirting with me?! Nasa landian stage na ba kami?! Hindi na ba kami plainly friends?! Kailan pa siya natutong lumandi?! Sabay lang naman kami lumaki! Umaapaw na 'yung malisya sa utak ko, malapit nang kainin 'yung buong sistema ko.

"Do you want water?"

"Oo. Nagtanong ka pa talaga, e. Kailangang-kailangan ko!"

I heard him stifling his laugh. Tumahimik siya kaunti tsaka niya yata tinawagan si Kuya Rick sa phone (na nasa sasakyan lang naman) para ipakuha 'yung tumbler ko.

Hindi ko sigurado kung anong reaksyon ni Kuya Rick nung dinala niya iyong tumbler ko. Hindi pa rin kasi ako nagtatanggal ng kamay sa mukha. Noong naramdaman kong umalis na siya, tsaka ko lang binaba iyong mga kamay ko. Huminga ako nang malalim. Ilang ulit.

"Oh." Inabot sa 'kin ni Note 'yung tumbler ko.

Kinuha ko 'yun nang hindi tumitingin sa kanya. Uminom ako na parang ilang araw akong inuhaw.

I cleared my throat. I slowly turned my head towards him. Naka-tingin lang siya sa 'kin, pinapanood 'yung bawat galaw ko. Nagtagal 'yung tingin ko sa kanya. Sumayaw 'yung kulit sa mga mata niya, like he's enjoying this moment.

I pressed my lips. Hindi ko na napigilan, hinampas ko na siya sa braso. 

"Nakakainis ka! Wala ka man lang pa-warning! Bwisit! Are you trying to kill me by giving me a heart attack?! Pwede mo namang dahan-dahanin! Masyado mo ba 'kong minamaliit kaya inisip mong hindi ko magi-gets 'yun?!" 

Tawa lang siya nang tawa sa 'kin habang hinahampas ko siya. Sinasalag niya ng braso 'yung mga hampas ko pero tuwang-tuwa naman ang walang'ya. He's clearly enjoying this, huh?! Ibinuhos ko sa kanya lahat nung halu-halong nararamdaman ko na siya naman ang dahilan. Buti nga sa kanya!

Hinayaan niya lang akong hampas-hampasin siya hanggang sa ako na mismo 'yung napagod. Nakakapagod din pala.

"Okay ka na? Nalabas mo na lahat?" he asked, almost panting.

Hinihingal din ako. Tumingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. He's waiting for me to talk, still having the smile plastered on his face. 

I breathed and asked him, "Seryoso ba 'yun? Hindi ka ba nang-gu-goodtrip lang?"

"Do I look like I was throwing a joke earlier?"

Tinitigan ko pa siya nang matagal, hinihintay 'yung sasabihin niyang, 'Joke lang! Walang ganon.' pero naki-titig lang siya pabalik sa 'kin habang naka-ngiti. 'Yung ngiting maamo. 'Yung ngiting nangungumbinsi.

"Seryoso nga?!" I asked again. Hindi kasi talaga ako makapaniwala. 

"Oo nga," he replied. May bahid pa ng tawa 'yung sagot. 

Kumunot 'yung noo ko. Kanina pa ako pinagtatawanan nito, e! Mukha na siguro akong timang dito sa harap niya. Siya naman kasi, nakaka-gulat!

"Since when?" I asked him.

Kalmado na ako pero sobrang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. It feels illegal. Parang gumawa ako ng krimen tapos takot mahuli.

He shrugged. "Ewan ko. Hindi ko alam."

"Ganda ng sagot mo," I replied, glaring at him. Kinagat ko 'yung labi ko. "Ang awkward... Ang awkward natin! Ano nang mangyayari?"

Ginulo ko iyong buhok ko. Tatakasan na ako ng bait. Hindi naman 'to 'yung first time na may nag-tapat sa 'kin ng feelings pero first time kong maka-ramdam ng ganito ka-grabeng emosyon. Si Note lang nakagawa sa 'kin ng ganito.

He breathed. "It's up to you."

"Seryoso ka ba diyan?!" Kita niyang 'di ko na alam 'yung gagawin ko sa amin tapos ako pa pag-di-desisyunin niya. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko."

Uminom ulit ako ng tubig.

"Look, Skylah. I did not tell you this to pressure you. Ikaw kasi. Sinabi mong may gusto ka. I was the one who got pressured here. Gusto ko lang ipa-alam sa 'yo."

My mouth hang open. "At kasalanan ko pa?" 

He smiled sheepishly. "Sorry."

Kumalma ako tsaka siya tinignan nang mabuti. "Bakit ka naman nag-so-sorry?"

He shrugged.

"You seemed uncomfortable by knowing the truth."

"Because I was surprised, okay?" I sighed. 

"Wala ka bang feedback?"

I bit my lip so hard to avoid laughing. Feedback? Parang nag-luto lang siya tapos tumikim ako sa luto niya, ah. Tsk. Seryoso dapat kaming nag-uusap, e, pero natatawa ako sa kanya. Frustrated ako tapos natatawa... Labo.

"Feedback saan?"

"'Yan lang reaksyon mo?" he asked, a little disappointed. 

"Anong 'yan lang? Pina-kaba mo kaya ako," I replied faintly. "Sobra."

"Ikaw din naman. Pina-kaba mo rin ako."

I arched a brow. "Wow. Kinabahan ka pa nun?" Dire-diretso nga siyang nag-salita kanina. Mas mabilis pa pagsasalita niya kaysa sa pagka-gets ko 'dun sa confession niya!

He nodded. "Of course. Telling you about my feelings meant that we can't go back to how we were before this. It's either we'll take a step forward or just stop here. It's a huge risk to tell you the truth but I still told you otherwise."

Nagpapapansin na naman 'yung puso ko. Nagwawala masyado. Ano, ha? Gusto mo tumalon papunta kay Note? Ako ang mag-ari sa 'yo, ha. Traydor 'to.

"Grabe naman 'yung just stop here. Ibig sabihin, pag 'di ko in-acknowledge 'yung confession mo, makikipag-FO ka na sa 'kin?" I asked him with a frown.

He shrugged. "I don't know. Ngayon pa nga lang, awkward ka na," he mocked while quoting the word in the air. 

Umirap ako. "I don't know what to say, okay? Tsaka lumaki tayong dalawa na laging nag-aasaran. Alam natin 'yung flaws at secrets ng isa't-isa. I just didn't expect that you'll like me in the future."

"I know. Even I got curious for a while, but ended up accepting it," he replied softly. Tapos natahimik kaming dalawa. Kaso sandali lang. "So about the guy you like..."

Nanlaki 'yung mga mata ko. "Ano?!"

He stifled his huge smile. "Galit na galit?"

Will I tell him about my feelings? Kapag sinabi ko ba, magiging kami na? Gosh, parang ginaya ko naman si Maya. At least siya, niligawan ng isang araw!

"Gusto mo bang malaman talaga kung sino?" I asked him, nervously.

Pinanood niya 'yung ekspresyon ng mukha ko bago umiling. Pero nangingiti. "'Wag muna ngayon. Just tell me when you're ready."

Naka-hinga ako nang maluwag. Buti naman. Hindi ko pa kasi alam kung pa'no ko sasabihin. Tsaka nag-simula lang naman 'to dahil sa kwentong barbero ni Cliff no'ng debut na 'yun! 'Dun ako unang tinubuan ng malisya kay Note, e!

"So ano na?" I asked Note again. "Bata pa ako."

He chuckled. "Alam ko naman 'yun."

"Wala pa akong 18. Bawal pa ako mag-boyfriend." Iyon 'yung kabilin-bilinan sa 'kin nila Daddy. At ayoko rin namang mag-madali. Bata pa naman talaga kami, e. Dapat hindi muna ito 'yung priority namin. Isa pa, baka nabibigla lang siya.

Tumango siya. "I'm aware of that."

"So?" I asked again. Urging him to take the lead to decide.

We stared at each other's eyes. Parang tinitimbang naming dalawa 'yung magiging desisyon namin sa pamamagitan ng pag-titig. Gosh. Oxygen!

"Will you let me court you till you turn into legal age?"

My breathing hitched. Hala. Lord...

"Malayo pa bago ako mag-18..." I reminded him. Baka kasi nabibigla lang siya. Masyado siyang padalos-dalos. But I can't refuse to acknowledge how happy I feel when I heard it.

Nagkibit siya ng balikat. "That's only two years from now. 17 ka na next year."

I feel like someone's literally pumping my heart. Sobrang active.

Dahan-dahan akong ngumiti at tumango. "Okay."

Parang nabigla pa siya sa sagot ko. "Okay?" He asked me.

I nodded again. "Okay. Sige. Manligaw ka na lang muna. Pag legal na ako, tsaka na lang maging tayo."

He chuckled. "Damn. Of course, I'll wait for you."

Mag-yayabang pa sana ako kung gaano ako ka-ganda nang bigla niya akong hinila para yakapin. My eyes widened. Ramdam na ramdam ko rin 'yung bilis ng tibok ng puso niya.

It was so overwhelming. 

Huh... so this was the feeling of having butterflies on stomach.

It feels good.

* * *

Weekend arrived. 

Kinulit ko nang kinulit si Maya no'ng umaga para samahan ako sa birthday party ni Jessi. Nangako na kasi ako 'dun sa isa, tsaka gusto ko rin naman magkaro'n ng ibang pagkaka-abalahan 'tong kaibigan ko na hindi na lang puro 'yung boyfriend niya. Aba, nagseselos din ako, 'no. Hindi na kaya kami nakakapag-usap nang matino. Ni hindi ko pa nga nakukwento sa kanya 'yung something sa amin ni Note dahil wala siyang time lagi.

"Fine. Sasama ako 'dun kung kasama si Cy, Cady," she said in the end. 

I rolled my eyes. Parang kambal silang dalawa. Ayaw mag-hiwalay.   

"Bahala ka! Basta I'll fetch you later!" sabi ko tsaka umuwi na.

Mabilis lang akong naka-uwi sa bahay. Medyo kumunot pa 'yung noo ko dahil nakita ko 'yung sasakyan ni Daddy sa labas ng garage. Ilang linggo din siyang pabalik-balik sa ibang bansa para sa mga conferences niya, e.

"Daddy!" I exclaimed when I saw him in our dining room, reading a newspaper.

Lumingon siya sa 'kin at ngumiti. "Good morning, hija! Where have you been? Aga pa, ah."

"Kila Maya, Dad. Kinulit ko siyang sumama sa party ni Jess mamaya."

Lumapit agad ako at umupo sa tabi niya. Niyakap ko siya agad. He laughed at me. He hugged me back and then pats my head.

"I miss you, Daddy! Tapos na po mga seminars?" 

"Yes, anak. Pero next month, punta uli ako sa Singapore. May party kasi iyong prof namin doon nung nag-masters ako."

I pouted. Aalis na naman pala siya. 

"How long will you stay there?"

"Saglit lang 'yun," he assured. "After all of my seminars, mag-hike tayo?"

I nodded excitedly. "Really?!"

Tumango siya. Tuwang-tuwa siya sa reaksyon ko. 

"Let's tell Mommy and Cliff," I suggested.

Dad laughed. "KJ mga 'yun. Aayaw lang 'yung mga 'yun. Let's bet?"

"Sure, Dad, I'm in," ngumisi ako.

Nag-kwentuhan pa kami ni Daddy tungkol sa mga nangyari dito sa bahay habang wala siya. Konti lang din naman nai-kwento ko kasi pag umuuwi si Mommy, laging busy sa study room. Si Cliff naman, minsan na lang umuuwi dahil binigyan siya ni Mommy ng sarili niyang condo unit somewhere in QC.

We played chess and and scrabble, too. Ito 'yung lagi naming libangan simula pa bata ako, e. I missed this. Kami 'yung laging magkalaro. Mas close talaga ako sa kanya. But I love both Mom and Dad fairly. Sungit lang kasi ni Mommy, e. Parang everyday may dalaw.

It was Dad's turn in scrabble. While he's thinking for a word to drop, tinanong ko na siya.

"Daddy, if I turn 18, can I have a boyfriend already?" 

He replied with a cough.

Napa-inom agad siya sa tsaa na nasa table. Hinagod ko 'yung likod niya.

He looked at me with a little frown. "Why would you ask that, princess?" 

I shrugged. "I'm just curious, Dad."

"Bakit? May nanliligaw na ba sa prinsesa namin?" he asked then tousled my hair.

"Daddy, ang ganda ng anak mo. Of course, marami," I teased which makes him laugh. "That's why I'm asking you this early, para pag 18 na ako, I'll choose na lang."

"Do you have someone in mind already?"

I smiled sheepishly and nodded. "To be honest, I have a crush," I told him. "And I like him, Daddy. But I'm still 16."

Napatango-tango siya. "That's odd. Your past crushes were mostly celebrities. Baka artista rin 'yan, ha? Tapos nag-i-ilusyon ka lang?"

I pouted. "Daddy naman..."

He laughed. "I'm kidding. So who is he? Kilala ko ba?"

"I'm not gonna tell you yet," I smiled at him sweetly. "Tsaka na, Dad, kapag official ko na siyang ipapakilala sa inyo ni Mommy."

He arched a brow. "You sound serious..."

I smiled. "I am."

He cleared his throat. "You're still young, Cadence," he reminded me. "Focus first on your study."

"Oo naman po. He's more like a motivation to me. Just so you wait, Daddy, my grades will fly higher this quarter."

He nodded. "I don't know who he is but I kind of approved already. He has good impact on you. Keep it up, princess."

Proud akong tumango. Of course! Who wouldn't like Note Asriel De Cordova?!

He likes Note ever since we were a child. Wala akong nakikitang problema doon. For sure, two years later after this, they'll gonna approved of Note as my boyfriend. Lalo naman si Mommy! Baka pamanahan agad ako ng bahay at lupa pag nalaman na gusto namin ni Note ang isa't isa. 

After talking to Dad, umakyat na ako sa kwarto ko tsaka nagpa-gulong gulong doon. We'll see each other later! Kailangan maganda ako lalo!

My phone beeped for a message.


From: Note Asriel

Good morning. See you later, Sky


I replied right-away.

I typed: Good morning! I just told Daddy about you

I walked to my walk in closet and get a boyfriend shorts, gray tube and plain black shirt without sleeves but with wide armhole. Then I picked my black ankle boots and some anklet. 

Nag-reply siya kaagad.


From: Note Asriel

Ano na, am I already banned from coming there?


Natawa ako sa reply niya. Kitams! Takot din ang isang ito, e.

I replied: Lol don't worry about dad I gotchuu


From: Note Asriel

Nah. You have a brave guy here ;-)


I automatically grinned when I read his reply.

"Gosh," I whispered to myself. Ang landi niya. "At gustong-gusto ko naman..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top