Chapter 1
Chapter 1
"Oh, it's not a dream anymore. It's worth fighting for!" I gripped for the mic tighter. Pinanood ko 'yung mga audience na tumatalon-talon habang nakikikanta sa akin.
Nilingon ko si Guilbert tsaka pinanood 'yung paghampas niya ng stick sa drums niya. Tahimik naman habang naka-pikit na kinakalabit ni Note iyong electric guitar na nakasabit sa katawan niya. I hopped towards Jess who plays the guitar then to Lucky who's scribbling his favorite keyboard.
"Honestly, can you believe! We crossed the world while it's asleep!" I jog towards Note as I continue singing. Nagsitilian iyong mga nasa harap na babae. "I'd never trade it in 'cause I've always wanted this!"
Note smiled and starts to sing with me reason why audience went ballistic. Meron pang nasubsob dahil sa sobrang pagtutulakan.
"It's not a dream anymore whoa whoa oh!"
I danced like crazy while swinging my mic on the air. Nilibot ko iyong buong stage. Buhay na buhay iyong dugo ko sa malakas na musika sa paligid. This is my life. Music!
"Oh it's not a dream anymore! It's worth fighting for!" The people give us a round of applause. Hinihingal ako pero sobrang lawak ng ngiti ko. "This is Skynote! Rock on!"
Lumakas lalo 'yung sigawan nung natapos ang performance namin. Humirit pa sila ng isa kaya nag-perform pa kami ng isa pa. Nung matapos ang performance, sinalubong agad kami ni Maya sa baba ng stage. With a bottle of water and a clean towel, she rushed towards me.
Agad nagreklamo iyong tatlo. While Jess beamed at Maya's image.
"Boo! Si Princess lang talaga ang meron. Nasa'n tubig namin?" Lucky complained.
"Kaya nga. We're tired, too, manager," sabi ni Guilbert.
"Tse! Manager ka diyan," sabi ni Maya tsaka tumawa. "Nasa backstage iyong mga tubig at towels niyo. Syempre kay Cady lang bitbit ko. Dalawa lang naman ang kamay ko."
Pawis na pawis kaming lima dahil sa init na rin nung tama ng spotlight sa balat namin. Ayaw pa rin matanggal ng ngiti ko sa performance namin kanina. That's one of the most hyped performance we did! Parang concert. Kaya kami 'yung unang natutuwa tuwing may program ang school. Kasi lagi kaming iniimbitahang mag-perform.
Inakbayan ako ni Note.
"Galing mo kanina," he said.
Ngumisi ako. Tinulak ko palayo sa 'kin iyong braso niyang nasa balikat ko. "Thank you! I know!" I replied.
Tinawanan kami ni Jess tsaka nagpati-una sa pagpasok ng backstage. Naiwan kaming dalawa ni Note na nag-aasaran pa.
Hango ang pangalan ng banda naming Skynote sa pangalan naming dalawa ni Note. Kami kasi iyong naka-isip bumuo ng banda. Maaga kaming nahilig sa gitara. Mula bata pa kami, laging kami 'yung nag-aaral ng kanta tapos nagja-jamming kami at pinapakanta kay Maya. Until we met Guilbert who's crazy with drums. At hanggang sa nag-transfer sa school si Lucky noong first week ng pagiging grade 7 namin kasama ang best friend niyang si Jess na parehas din alagad ng music.
I thought it's destiny.
Kaya hindi ko sila nilubayan hangga't hindi sila pumayag na sumama sa binuo naming band. we're now in grade 9 and still active on performing. Minsan sa school, minsan sa mga resto bar at clubs. We perform and we study. We all excel in both. Multitasking.
Now, I am proud of what time had made us into.
"May gig ba kayo mamaya, Cadence?" Cliff, my Kuya, asked me one morning.
Nagpatuloy ako sa pag-papatuyo ng buhok ko. Magsisimba kasi kami at ako na lang iyong hinihintay nila. Na-late kasi ako ng gising dahil late na rin ako naka-uwi kagabi. Nag-perform kasi kami sa isang beach wedding reception. Gabing-gabi na talaga natapos kaya ang ending, puyat kaming lima.
Sumalampak si Cliff sa kama ko tsaka nag-cellphone. Ngumuso siya tsaka nag-type 'dun.
"Hmm. Wala naman. Bakit?" I asked him.
"Wala lang. Mabuti na 'yung wala para hindi kayo magkita ulit ni Nota mamaya," sabi niyang naging dahilan ng pag-irap ko. Seriously, Cliff and his thing with Note! Akala naman niya may gusto sa 'kin 'yung tao. Ang OA talaga ng Kuya ko. "Tsaka birthday ng kaibigan ko. Wala akong isasama."
Tinawanan ko siya. "You mean, wala kang date."
"Whatever. Ganun din 'yun," he rebuked. "Basta ikaw na isasama ko. Sinabi ko na rin kay Mommy. Pumayag naman."
"Sino bang kaibigan 'yan at kailangan pa kasi ng date? Hindi ka ba makakapunta 'dun nang ikaw lang? Gusto kong matulog..." ngumuso pa ako tsaka nagpa-awa effect.
"Birthday ng ate Claudia mo. Hindi tayo magpapagabi 'dun kaya hindi ka mapupuyat," sabi niya bago bumangon at ihagis sa paa ko 'yung wedges ko. "Isuot mo na 'yan. We're going to be late for the first mass. Dalian mong kumilos. Hinihintay tayo nila Mommy sa ibaba."
"Opo. Ito na nga."
Nagawa ko pang mag-pahid ng lipgloss sa lips ko habang pababa kami sa hagdan. Agad kong tinago 'yun sa likuran ko nung nilingon ako ni Cliff.
Kumunot iyong noo niya. "Bakit?"
I did my best to look innocent. "Ha? Bakit?" tanong ko rin.
Umiling siya. "Wala. Tara na. Nasa sasakyan na yata sila."
Mukhang natagalan nga talaga ako dahil pagpasok namin sa sasakyan, naka-kunot na iyong noo sa 'kin ni Mommy. Buti hindi naman ako sinermunan dahil kinausap siya agad ni Daddy. Daddy winked at me when Mommy lost her full attention on me. I showed him my double thumbs up. Napa-tingin ako sa rear view mirror at nakita 'yung pag-ismid ni Cliff 'dun. Kontrabidang tunay.
Pakiramdam ko sobrang laki ng kasalanan ko dahil muntik na 'kong makatulog sa Simbahan. Kung 'di pa ako kinurot ni Mommy, hindi pa magigising iyong diwa ko.
Kaya pagtapos ng misa at pagkalabas na pagkalabas pa lang namin sa Simbahan, sermon na ang inabot ng tenga ko.
"Once a week na lang tayo nakakapagsimba, 'di ka pa nakikinig. Kung ganyan lagi ang gagawin mo, 'di na kita papayagan lumabas sa gabi para mag-perform," litanya n'ya hanggang sa parking lot.
"Sorry, Mommy. Hindi na po mauulit," sabi ko agad sa takot na baka totohanin niya 'yung sinabi niya. Hindi pa naman mapag-biro iyang si Mommy...
When noon came, we went to a Japanese restaurant. Ang laki ng ngiti ko habang nag-o-order si Daddy. Minsan lang kasi 'to na buo kaming nakakakain sa labas. Habang nag-hihintay sa mga pagkain, nagpaalam muna akong pupunta sa CR.
Nilabas ko sa bag ko 'yung face powder tsaka naglagay ng konti sa mukha. Mula nung tumuntong ako sa high school, natuto na rin akong mag-ayos ng sarili. I also applied some lip gloss on my lips. Nung kuntento na 'ko sa hitsura ko, bumalik na ako.
"Hala!" sigaw ko.
Napatingin ako sa dress kong natapunan ng iced coffee. Ang lamig... at ang lagkit sa pakiramdam. Puti pa naman 'to... Sa bandang dibdib ko pa natapon. Halata iyong panloob ko dahil sa pagkabasa!
"Sorry, Miss," sabi nung lalaking naka-tapon sa 'kin. "I did not expect you rushing from there."
Huh? Parang mali yata 'yung tono niya, ah. Nilingon ko siya. "So kasalanan ko?"
Tinaasan ko siya ng kilay pero 'di naman nag-bago 'yung expression ng mukha niya. His cold stares could make me step back. Para siyang 'yung mga bida sa movies na anak ng mafia boss! Gwapo sana kaya lang parang walang emosyon.
"I did not said it. You did," he replied before he passed me by.
Hinablot ko agad 'yung braso niya. Ano 'yun, pagtapos niya 'kong matapunan, 'di man lang siya magkokompromiso? Tapos parang sinisisi pa niya ako sa nangyari! Nagpaganda pa naman ako tapos dudumihan niya lang iyong dress ko.
"What?" he snapped. He pulled his arms away from me.
Pinasadahan ko siya ng tingin. Naka-black leather jacket, white shirt at faded jeans siya. Tiningala ko siya since matangkad siya sa 'kin ng ilang pulgada. No. Matangkad talaga siya kasi hanggang balikat niya lang ako.
"Akin na 'yung jacket mo," I demanded.
His expression is all the same. "What?"
"You spilled your drinks on my white dress. Look, oh! It has stains na. Tapos kita pa 'yung bra ko! So lend me your shirt. Be gentleman naman."
He scoffed. Aba, ang attitude ng lalaki na 'to! "Are you nuts? I don't even know you. Why would I do that?"
"Give me your number," I demanded once more. Hindi ko gustong kunin 'yung number niya, ha. Baka mag-feeling siya diyan. "Give me so I could give your jacket back pag napa-dry clean ko na."
Inilahad ko 'yung palad ko sa tapat ng mukha niya.
Umiling siya na para bang nasasayangan siya sa oras niyang kausapin ako. Walang sabi-sabing hinubad niya iyong jacket tsaka isinabit sa naka-angat kong kamay. Without telling me anything, naglakad na siya papunta sa pinto.
"Uy! Wait lang! 'Yung number mo?!" Hinabol ko pa siya sa labas pero sumakay na siya sa itim na motor, nag-helmet tsaka pinaharurot 'yun palayo.
Naka-nganga lang ako habang tinitignang mawala siya sa kalsada. Ang lakas ng loob! Snob! Anong gagawin ko ngayon dito sa jacket niya?! Paano ko ibabalik?
"Anong ginagawa mo dito sa labas?"
Nilingon ko si Cliff na nasa likod ko na pala. Napansin niya agad 'yung mantsa sa damit ko. Kumunot 'yung noo niya.
"Anong nangyari sa 'yo? Kala ko ba sa cr ang punta mo? Ano 'yang jacket na 'yan? Sa'n galing 'yan?" sunud-sunod niyang tanong.
"Wait lang naman. Isa-isa lang," reklamo ko. "Natapunan kasi ako ng kape after ko mag-cr. Tapos 'yung nakatapon sa 'kin, iniwan lang 'yung jacket niya! Hindi niya'ko iniwanan ng number niya. Paano ko ibabalik 'to?" inis na sumbong ko sa Kuya ko.
Napa-tsk siya. "Isuot mo na muna 'yan. Diyan ka lang, papaalam lang ako kila Mommy ta's bili tayo saglit ng damit mo."
Siya na 'yung nag-suot sa 'kin nung jacket. Shocks, ang bango, ah? In fairness 'dun sa supladong 'yun.
"Dito ka lang. Hintayin mo 'ko dito. 'Wag kang kakausap ng kung sinu-sino," bilin pa ni Cliff bago pumasok ulit sa resto.
Bumuntong hininga ulit ako. Ang bilis ng karma! Kinarma agad ako kasi nakatulog ako sa Simbahan.
Nagpamulsa ako nang may nakapa sa bulsa ng jacket.
"School ID?"
I slowly smiled while punching down the numbers indicated on the back of it to save in my contacts.
"Calix Evans Alcantara, huh?" I murmured with a grin.
And we're attending the same school huh? I'll see you tomorrow, Mr. Suplado. Pagkauwing-pagkauwi namin mamaya, ipapalaba ko agad 'tong jacket niya para maibalik ko bukas!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top