Beginning
Beginning
"Huh?" I asked, my lips' quivering.
Pakiramdam ko ay nabingi ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
"I said I can't make it with you," he repeated. Sa bawat pag-ulit niya, mas sumisikip ang dibdib ko. "I can't stand for us. Sorry kung umasa ka. I didn't mean it."
Bumagsak iyong mga luha na kanina pa naipon. He raised his cold eyes on mine. Hindi siya ito, e. Hindi siya ganito. He's not my Note....
"You s-said you love me," I said as I tried to make my voice sound firm. "Y-you made me feel like you love me. 'Wag ka ngang magsinungaling. Ano bang nangyayari sa 'yo?!"
Lumapit ako sa kanya tsaka pinagsusuntok siya sa dibdib. Hindi siya natinag. Pinanood niya lang akong umiiyak. Hinayaan niya lang akong saktan siya.
"Akala ko kasi mahal kita," he murmured in between my sobs. "Pasensya na, Cadence. Tao lang. Nafo-fallout din..."
Nung mapagod akong suntukin siya, umupo na lang ako sa harap niya tsaka ko tinakpan 'yung mukha ko gamit ang dalawang palad.
Ang sakit! Pa'no niya nasasabi lahat nang 'to? Did he mean it?
"Y-you promised me... we won't fall apart..." I sobbed harder. Humagulgol ako. "We already planned our future together... I am ready to consume my whole life with you... Ready na 'ko sa future nating dalawa... kaya... bakit? Bakit mo 'to ginagawa sa akin, Note?"
He was my biggest companion. Pag may problema ako, it's either he would help me overcome it, or give me words that could inspire and give me strength... or both. Pag malungkot ako, he always find ways to cheer me up. Pag masaya ako, mas masaya siya...
Kaya... anong nangyari?
Bakit biglang nagka-ganito?
I heard him stepping back. Mas lalong sumasakit ang puso ko.
Hindi ba niya ako aaluin? Just like what he always do? Ayaw niyang nakikitang umiiyak ako... Ayaw niyang nalulungkot ako...
"I'm sorry..." he said before turning his back to me. "Just... move on, Cadence. It's what you should do," he told me like it was just a simple thing to do.
Mas lalo akong humagulgol.
Sa nanlalabong paningin, pinanood ko siyang makalayo...
He left me without looking back.
Nag-bilang ako. Hanggang isang daan. Ang sabi niya sa 'kin noon, darating siya sa tuwing kailangan ko siya. Basta maghihintay ako. Basta magtitiwala ako... dahil alam niya kung kailan ko siya kailangan...
But I tried to count a hundred for how many times... he did not come back.
Walang Note na bumalik.
And I guess, that's it... That's how he ends our story...
He fueled me with his love... I thought we'd last... I didn't know it happens like this.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top