2

Kung makakapili ka ng pinto pagtapos ng kamatayan mo?

Ano ang pipiliin mo?

Binuksan ko ang mata ko at bumungad sa akin ang tatlong pinto.

Ibinaba ako ng tren sa ikalawang istasyon, ang istasyon ng walang kinabibilangan.

Mabilis magbago ang oras at lugar para sa dimensyon ng mga namamatay.

Ang dating riles na nasisilayan ko ay naging tunnel na, sa dulo nito mayroong tatlong pinto.

Nasa harap ko ngayon ang asul, pula, at puting pintuan.

Nakaputi akong damit at lahat ng tao na kagaya ko ay nakapila.

"Ang tagal naman ng hayop na yan!"

"King ina! Gusto ko na tumawid! Matagal pa ba yan?!"

Nanlamig ang buo kong katawan, nagsisigawan na ang tao sa likuran ko, pero heto ako, hindi pa rin makapili.

Lumunok ako, ayoko itong gawin.

Napapagod ako.

Natatakot ako sa magiging desisyon ko.

Pinikit ko ang mata ko at basta-basta nalang pinihit ang pintuan na hindi ko alam kung saan.

Namalayan kong nabuksan ko ang pintuan na kulay pula, nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa akin ang nakakasulasok na usok.

Halos nanlamig ang paa ko nang makita ko ang loob ng pintuan, may mga demonyo dito na may apat ang mata, mahahabang tenga, sungay at isang mahabang buntot na sa dulo ay may kutsilyo.

May mga taong may kadena ang paa na nagliliyab. Habang nasusunog ang katawan nila at may lumalabas na uod sa bibig, at ibang parte ng katawan nila ay hinahampas sila ng latigo ng mga demonyo, ang iba'y hinahagisan ng itak o sibat sa ulo.

"Tanga! Papasok ka ba o hindi?!"

Natauhan ako nang sigawan ako ng taong hinahampas at nagliliyab, biglang may sunod-sunod na sigawan ang naganap.

"Shuta! Sayang bayad ko!"

"Sino yang tanga na yan!"

"Ano na?! Itutuloy niyo pa ba ang palabas!?"

Doon ako naggising sa katotohanan.

Ang napili ko na pinto ay ilusyon.

Nasa gitna ako ng entablado- at ang mga demonyo at tao ay mga artista.

-----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top