2

"Pwede ba mapa-sa'kin ka nalang?" gaya ng nakasanayan, nakahawak na naman siya sa gitara niya.

    Matapos ng ilang kanta niya ay nagtanong na naman siya.

"Akin ka nalang please?"

     Bumuntong-hininga ako.

Nakapangalumbaba ako sa hamba ng bintana habang pinapakinggan ang napakagandang boses niya.

   Nang tumigil siya kumanta ay napagdesisyunan ko na gawin na naman ang nakasanayan.

Hinagis ko ang karit ng kapatid niya.

"Ayoko sa supot." Sambit ko.

   Kita ko ang pagmula ng mukha niya at pag-iyak.

"Shuta ka! Napaka-choosy mo di ka naman maganda!"

    Para akong nabull's eye sa sinabi niya.

"Magpatuli ka muna bago mo ako laitin!" Sigaw ko at padabog na sinara ang bintana.

   Matapos kong isara 'yon ay nanginginig akong napabagsak sa kahoy na sahig ng bahay ko.

   Bakit ga'non ang mukha ng lalaki na 'yon? Bakit siya duguan?

Bakit wala siyang paa at bewang?

  Kapatid ba siya ni kamatayan na pinalayas at pinatay ko noong nakaraang araw?

----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top