1
Nakakunot ang noo ko habang nagtitimpla ako ng kape.
"Gusto mo ba na mayroong cream?" Tanong ko sa kanya, nagsusulat siya sa listahan niya at may binubura-bura.
"Hoy gusto mo ba ng cream?!" tanong ko na pasigaw, sininghalan niya ako.
"Ayoko! Gusto ko ng puro, 'yong barako, 'yong matapang! 'yong kaya akong ipaglaban!"
Umasim ang mukha ko at nagpatuloy nalang sa pagtitimpla at tinalikuran siya.
"Ay nga pala, nilagay na kita sa huling number, number 635 ka na. Bale thursday uli tayo magkikita...." sambit niya.
Tumango ako. Binigay ko sa kanya ang tasa na may kape.
Gumana ang radyo at nabalot ang silid ng musika.
Sumayaw-sayaw siya at pumikit-pikit, nabalot siya ng sarili niyang mundo.
Dinampot ko ang karit niya at pinagmasdan ang talim dito habang sumasayaw-sayaw siya.
Wala pang isang segundo, ay bumagsak siya.
Sinaksak ko siya nang ilang beses gamit ang sariling karit niya, nagtalsikan ang dugo sa silid, tumilamsik ang ilang dugo sa mukha ko, bumagsak ang listahan niya at nabahiran ito ng dugo.
Pinahid ko ang dugo sa pisngi ko.
Naghihingalo siya na nagsalita...
"A-Ako ang k-kamatayan... ako ang sundo m-mo...." Halos hindi na marinig ang boses niya, napagdesisyunan ko na itarak ang sarili niyang karit sa lalamunan niya.
"Wala akong pake." malamig na tugon ko habang tinatatak ko sa utak ko na kahit kailan, hindi ako papayag na mamatay.
----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top