Prologue


"Ano na, AC?"

Tinaasan ko ng kilay ang kaibigan ko nang tanungin niya ako out of nowhere na parang ewan. "Anong 'ano na'?" tanong ko pabalik bago alisin ang tingin sa kanya ulit at ipagpatuloy ang pagtutupi ko ng damit.

"May reunion daw tayo sa Sabado, nakalimutan mo na ba?"

Realizing that Elizabeth, this beautiful friend of mine, is not an introvert like me, made me sigh. I don't think that she'll ever understand the feeling. "Ayaw ko. Mao-op lang naman ako dun." sabi ko habang patuloy lang sa pagtutupi ng mga damit ko.

"Not with me?!" she exclaimed as if she was very offended sa sinabi ko.

"Kung tayo-tayo lang, okay lang, eh. Pero 'pag kasama mo sila, chupi na ako. Alam mo naman na ayaw ko sa lahat, 'yung pakiramdam na magsasayang lang ako ng oras kasi kailangan ko pang isiksik 'yung sarili ko sa sandamakmak na mga taong hindi ko naman ka-vibes." I explained, trying my best to express what I feel in a nice way.

Ang hirap dito sa kaibigan ko, masyado kaming opposite. At hindi na nga niya ako maintindihan, ayaw niya pa akong intindihin. Parang 'yung ex ko lang. Bakit ba kaibigan ko pa 'to? Charot. Kahit na ganyan 'yan si Beth, mahal ko pa rin 'yan. Kung meron kaming pinagkapareho, 'yun 'yung pagiging mainitin ang ulo.

"Ang pangit mo ka-bonding, 'te. Para namang others 'yung pinag-uusapan natin." sabi niya habang ngumunguya ng Cheesy, 'yung maanghang na sitsirya. "They're our classmates, our friends! Ilang taon lang hindi nagkita-kita, strangers na sa 'yo? Gano'n ba?"

Napakamot ako sa ulo ko. Ang lakas mangonsensya ng gaga na 'to. "Eh, hindi naman kasi ako kailangan do'n. Hindi ako makikipagkantahan kapag nagjajamming sila, hindi ko magawang makihalubilo sa pagkukwentuhan nila. Ang ambag ko lang do'n, pagkain."

"Okay na 'yung presensya mo, 'no!"

"Hindi kailangan ang presensya ko do'n. I bet, umattend man ako o hindi, hindi nila ako maaalala." gustuhin ko mang pumeke ng ngiti sa mga katotohanan na lumalabas sa bibig ko, hindi ko kaya.

"Mga scorpio talaga. You think you're the queen, but you're actually the drama." nakairap na sabi niya.

"I'll take that as a compliment."

"Please, sumama ka na. Promise, hahawakan ko 'yung kamay mo buong oras para hindi mo maramdaman na nag-iisa ka." pangungulit niya.

"You know that's not the issue because the truth is--"

"You prefer to be alone." pagputol niya sa sasabihin ko na tama naman. "How stupid of me na pilitin ka pa nang ganito. I'm sorry." tumayo siya at binaba ang kinakain niyang sitsirya, sabay ayos ng mga gamit pati sarili niya, aktong aalis na.

"Where the hell are you going?" I asked, napatigil sa ginagawa kong pagtutupi.

"You're an introvert, you prefer to be alone. I bet, my presence here is just making you feel uncomfortable. Sorry for bothering you too much."

Napasapo ako sa noo. Nang simulan niyang maglakad palayo sa akin ay napatayo ako sa kinauupuan ko at hinabol siya.

Bahagya ko siyang hinawakan sa braso para mapatigil siya sa paglalakad, "Eli..." bulong ko habang malungkot na nakatingin sa kanya.

"I just want you to be happy." again, I let out a sigh. "Sometimes, you make me feel na masaya ka na at kaya mo naman talagang sumaya mag-isa. But I can't help but think na kailangan mo rin ng makakasama, kahit paminsan-minsan lang. Because being okay to be alone does not equate to being okay with feeling lonely."

May sense naman 'yung sinasabi niya. And with that, pumayag na ako.

After two years, magkakasama na ulit kami sa iisang lugar. Nagbago na kaya siya?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top