2: The JHS Playboy, Manu

AC's POV

Ang catchy lang ng tono ng kantang "What A Shame" ni Leyla Blue. 'Yung sumikat sa TikTok. Sabi nila, nagawa daw 'yun for women empowerment. But I don't get it. Kase paano magiging women empowerment if you're dragging other women down?

No boyfriend since birth ako kaya hindi pa ako naloloko. But I think, if you're confident and you're claiming na you're among the best while dragging other people down, then the truth is, you're not really confident--unfortunately, you're just insecure. Because someone who's really confident wouldn't bother themselves with other people in that way.

Bakit siya nasasayangan sa basurang lalaki na kagaya ng ex niya?

Bakit siya napapakanta ng "What a shame, could've been with me instead of what's her fucking name"?

Gugustuhin niya bang magsettle sa gano'ng uri ng lalaki?

No, she shouldn't.

So, walang sayang.

Her boyfriend was so stupid to cheat on her just for some other hoe she claims to be far less than her. But so what?

Iniwan siya because she was too much. And? So what? Anong sayang dun?

Most men don't want women they can't control. At basura ang mga lalaking gano'n. So, her ex-boyfriend cheating on her for a hoe should be thought of as a blessing for her and that piece of shit's karma.

So I don't get why she needs to hate on the girl too much. Kasi dapat dun siya sa ex niya nagfofocus ng hate.

No. Actually, I'm taking that back. Hate is heavy, we should let it go. Ayaw kong tanggalan ng karapatang magalit ang mga taong naloko. Pero gusto ko sana na marealize nila na cheaters are not worth their time and feelings and efforts. They shouldn't bother about them, at least, not for a long time. They deserve better. Pinagpalit sila, pero hindi nila kasalanan na hindi kuntento o duwag ang mga ex nila.

Speaking of cheater. Today is our examination. At mas pipiliin kong bumagsak kesa mangopya. Kung bumagsak ako, kasalanan ko 'yon dahil nanood ako ng K-drama at nagscroll sa TikTok imbis na magreview. Hindi 'yon kasalanan ng mga teacher ko. Lahat sila, magaling magturo. Sadyang walang kwenta lang akong tao.

At dahil wala akong kwenta, ito nga at araw ng examination namin pero malelate na naman ako sa klase. Napakatino ko talagang estudyante.

"Wala ka ng upuan." ang bungad sa 'kin ng class President namin na si Jake pagkapasok ko sa classroom. "Late ka na kasi eh, inayos namin 'yung arrangement kanina. Akala ko a-absent ka na. Galing ka na naman ba sa canteen?"

"Hindi. Natraffic lang." pagdadahilan ko kahit na alam ko naman na kasalanan ko pa rin kase hindi ako nagising sa tamang oras. Nginitian ko na lang siya bago ilapag sa sahig ang bagpack ko.

Lahat ng bag namin, magkakadikit sa tabi ng teacher's desk. Way nila 'yon para mapigilan ang pagch-cheat ng mga studyante. Hay. If only they knew.

Akala ko, ang swerte ko na kasi wala pa pala ang magbabantay sa amin na teacher mula sa higher year. Isa rin 'yon sa way nila to prevent students from cheating.

Hindi talaga tayo pwede maging masaya masyado.

Binilinan nila ako na maghanap sa 3rd floor dahil doon daw tinatambak ang mga sobrang upuan. Sinamahan naman ako ng kaibigan kong si Nabi papunta ro'n.

At dahil d'yan, ngayon niyo pa lang malalaman na may lahing Korean ang kaibigan kong 'to. Ang pangalan niyang Nabi ay hango sa Korean word for butterfly.

Hindi lang siya maganda, maganda rin ang pangalan niya. Maganda rin naman ang ugali niya... kapag tulog. I laughed because of the thought na dahilan para maweirduhan siya sa akin.

"Kilala mo ba si Manu?" Nabi asked me out of nowhere.

"Hulaan ko, Po ang surname niya."

"No, it's.." napatigil siya nang marealize ang joke na sinabi ko. "That's a good one pero serious mode kasi tayo ngayon, 'te." nagpipigil ang tawa na sabi niya.

"Hindi, eh." tanging sagot ko, hindi interesado sa sasabihin niya.

Isa pang pagkakaiba namin ni Nabi ay chismosa siya, at ayaw ko ng ganon, so hindi ako ganon. Mahilig din siya sa lalaki. Mahilig din naman ako sa lalaki. Ang pinagkaiba nga lang, I prefer fictional men than men in real life.

"Ba't 'di mo siya kilala, eh, heartthrob sa buong school 'yun." dismayadong sabi niya bago isandal sa balikat ko ang ulo niya. Nakacling siya sa akin habang naglalakad kami papunta sa 3rd floor.

"Baka fake news 'yan kasi nga hindi ko siya kilala."

"Hay, lagi ka na lang kasi may sariling mundo."

"Nandito na yata tayo."

"Putang ina." napahawak ako sa dibdib ko nang marinig ang malutong na mura ni Nabi. Once in a blue moon niya lang gawin 'yun. Hindi ko alam kung dapat icelebrate o ano. "Si Manu! 'Te, si Manu!"

"'Te, ikalma mo panty mo, baka liparin." I said, ignoring the so-called heartthrob boy that she's currently going crazy for.

"Come on, ngayon lang ako nakakita ng anghel sa tanang buhay ko! Buhay pa ba ako?! Bakit parang nasa heaven ako right now?!" kinikilig na sabi niya habang niyuyugyog ako.

"As if sa langit ang bagsak natin." bulong ko habang busy sa paghahanap ng upuan. Imposible. Mahilig ako sa mga siraulong fictional character dahil sa saviour complex ko. Imposibleng sa langit ang bagsak ko 'pag nategi na ako.

Hay. Putek naman. Dito nga tinambak 'yung mga sobrang upuan. Sobrang sira nga lang. Ang hirap makahanap ng ayos ah.

"Naglalakad siya palapit sa akin, hihimatayin yata ako! Dito na ba magsisimula 'yung love story namin?!"

Napailing na lang ako ng ulo sa pinagsasabi ng kaibigan ko.

"Ayun!/Ito!" sabay na sigaw namin ng kung sino. Ang bilis ng pangyayari. Tumaas na lang ang kilay ko at napatingin sa lalaking nakahawak na sa kamay ko. Mukhang natipuhan niya rin ang upuan na nakita ko.

"Sabi ko love story namin, hindi love story niyo." pagalit na bulong ni Nabi na dahilan para mabaling sa kanya ang tingin ko.

I'm sorry, best friend. Hindi ko rin gusto ang paghawak niya sa kamay ko, hindi talaga ako natutuwa kase late na tayo. At dahil late na tayo, I can't give up this perfect seat--it's meant for me and only me!

"Gusto mo?" tanong ng lalaking nagngangalang Manu habang mapang-asar na nakangiti sa akin na dahilan naman para hindi ko siya sagutin. "Sige. Sa 'yo na lang.." kukunin ko na sana nang tuluyan ang upuan kung hindi ko lang narinig ang kadugtong ng sinabi niya na akala ko tapos na--"..ako."

Sige, sa 'yo na lang ako..?

He's trying to hit up on me in front of my best friend who's obviously head over heels for him? Pinagseselos niya 'yung kaibigan ko without knowing na siraulo ang babaeng 'to?

Napangiti ako bago tuluyang pabalang na kunin mula sa kanya ang upuan. "Gusto mo..?" gaya ko sa paraan kung paano niya bigkasin ang salitang 'yon kanina. "Sumabog nguso mo, ha?!" pagalit na asik ko para ipaalam sa kanya na hindi ko siya type.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top