1: Her JHS Friend, Nabi
AC's POV
"Huy, baliw kayo!" kasabay ng sigaw na 'yon ng kaklase naming si Sandra ang paghampas niya sa balikat namin ng katabi kong si Nabi, na dahilan naman para sabay kaming mapatigil sa ginagawang pagnguya sa kinakain na beef tapa with rice.
"Aray ko naman, 'te! Meron ako ngayon, kapag nagkapasa ako, yari ka sa 'kin!" iritableng sabi ni Nabi kay Sandra.
"Sorry, sorry. Ano ba kasing ginagawa niyo dito?" tanong ni Sandra sabay tingin sa akin. Magsasalita na sana ako pero inunahan ako ni Nabi.
"Kumakain, duh. Hindi ba obvious?" iritable pa ring sabi ni Nabi.
Hay. Nagtataka ako kung paano kami nagtagal bilang magkaibigan neto ni Nabi. Ayaw ko kasi sa mga taong mainitin ang ulo, lalo na't mainitin ang ulo ko. 'Pag mainit ang ulo niya, umiinit din ang ulo ko and vice versa. Aba, sinong susuyo sa 'ming dalawa? 'Yung kinakain naming beef tapa?
"Siraulo kayo, anong kumakain? Eh, nando'n na si ma'am Susan."
Sa sinabing 'yon ni Sandra ay agad naming inayos ni Nabi ang nakakalat na gamit sa lamesa, inubos din ang natirang beef tapa, at saka dali-daling tumakbo paalis sa cafeteria.
"Hoy, saglit, hintayin niyo 'ko! Sabay na tayo!" dahil sa pagpapanic, hindi na namin pinansin ni Nabi si Sandra.
"Patay! Akala ko ba, wala siya?!" hysterical na sabi ni Nabi habang tumatakbo kami.
"Kumalma ka nga! Ipagdasal na lang natin na good mood siya."
Sumasakit na ang dibdib at tagiliran ko sa kakatakbo. Nasa 5th floor pa 'yung classroom namin. Grabe 'yung kaba. Lokaret pa naman ang adviser namin na si ma'am Susan.
At kung sinuswerte pa nga naman talaga ako, oo. Muntik pa akong malaglag sa hagdan kakamadali. May nakabunggo kasi sa akin na lalaking nagmamadali ring bumaba. Buti na lang at napahawak ako sa railing ng hagdan. Tumayo naman ang balahibo ko nang maramdaman na may kamay ring tila umaalalay sa likod ko.
"Sorry, miss, nagmamadali talaga ako."
Nang lumingon ay tanging likod lang ng isang lalaki ang nasilayan ko. Siya pala 'yung nakabangga sa akin. Ang bilis ng reflection niya ah... kung tama 'yung word na naiisip ko. Reflection ba 'yun? My God, natatanga na naman ako!
"Hoy, Apang! Iiwan na kita, ano ba?! Bilisan mo nga!" Napamura ako sa isip ko sa sobrang baho ng nickname na binigay sa akin ng kaibigan ko.
"Lintek ka, kaibigan ba talaga kita?!" reklamo ko dahil bukod sa ang pangit ng nickname ko sa kanya, bAKIT HINDI NIYA NAPANSIN NA MUNTIK NA AKO MAMATAY?! Oo, nasa likod niya ako pero kung love talaga niya ako, dapat ramdam niya, 'di ba?
"Anong drama 'yan?! Halika na, late na late na tayo! Kotongan ko mukha mo d'yan, eh!"
Napahiyop na lang ako sa bangs ko bago sumunod sa kanya.
Pagdating namin sa 5th floor ay napaupo kami sa poste na pumapagitna sa classroom ng adviser namin at classroom ng teacher namin sa Math. Busy kami sa paghahabol ng sarili naming hininga, nakahawak pa kami sa dibdib at tagiliran namin as if makakatulong 'yon sa pagtanggal ng sakit at takot na nararamdaman namin at the moment.
"Akala ko talaga wala siya. Sabi ko na nga ba.. sabi ko na nga ba, dapat mamayang uwian na lang natin tinapos 'yung pesteng assignment sa Science. Bakit ba kasi ako adik sa Science. What's so great about that shit? I hate myself so much--"
"Shut up!" putol ko sa pananalita niya. "Pumunta tayo sa canteen kase sabi mo sure kang wala si ma'am, walang hiya ka."
At ayan nga, nag-iinit na rin ang ulo ko. Paboritong subject ko kasi ang hawak ni ma'am Susan, which is Filipino. Ayokong idisappoint ang adviser namin na 'yon kahit na alam ko na sa sarili ko na isa lang naman akong malaking disappointment sa mundong 'to.
"Luh, ba't ka galit?! Ikaw din, eh, lamon ka nang lamon do'n, pwede mo naman sabihin sa akin na 'wag na tayo bumaba kasi pwede naman natin gawin 'yung assignment sa room."
"Sinisi mo pa ako, ah, ikaw nga 'tong nagyaya! Dati ka bang siraulo?!"
Magsasalita pa sana kami ni Nabi nang biglang bumukas ang glass window ng classroom ng teacher namin sa Math. Iniluwa no'n si ma'am Rico, ang isa pa naming teacher na lokaret na dahilan para mapatigil kami sa pag-aaway ng kaibigan ko at tumahimik na lang.
"Anong ginagawa niyo d'yan, mga babae kayo?! Sinong teacher niyo ngayon?! Nagcucutting classes ba kayo?!"
Gusto kong sabihin na oo pero hindi naman namin sinasadya pero ayaw ko pang tumigil sa pag-aaral. Kapag tumigil ako sa pag-aaral, baka pulutin ako sa kangkungan. Tama ba 'yung phrase na naisip ko, kangkungan ba talaga 'yun...? Ang tanga ko talaga, nakakaiyak.
"Hoy, sumagot kayo!" bumalik ako sa realidad nang marinig ang muling pagsigaw ni ma'am Rico. Nang tignan ko siya ay nakita ko kung paano manliit ang mga mata niya habang tumitingin sa katapat na classroom. "Ah, kay ma'am Susan pala kayo ngayon, ha? Nagtatago kayo d'yan imbis na mapirme kung saan kayo nararapat!"
"Galit na galit naman 'to si ma'am, ikalma mo puso mo, baka atakihin ka na n'yan." tila ba nang-aasar pa na sabi ni Nabi. Dahan-dahan akong napatingin sa kanya, malapit na magsisi na naging kaibigan ko siya. "Atakihin ng sampal ko nang makita mo hinahanap mo." bulong pa niya na buti naman at hindi narinig ng teacher namin.
"Sumasagot ka pa ha, Ms. Salah? You live by your name, ano, kasi punong-puno ka ng sala." nginitian nang peke ni ma'am Rico si Nabi bago lumabas sa classroom nila at pumunta sa classroom namin. "Ms. Susan, pakipulot ng dalawa mong magagaling na studyante na nagtatago doon sa tapat ng classroom ko. Hindi mo ba sila tinuturuan ng disiplina? Ano ba 'yan?!"
"Pigilan mo 'ko, kokotongan ko na bungo neto. Ang kulit, eh." bulong sa akin ni Nabi habang pilit na nagpapahawak ng braso niya sa akin at kela ma'am ang tingin. Napabuntong hininga na lang ako bago siya hilahin patayo. Naglakad kami papunta sa harap ng classroom namin, nakatingin lang ako sa adviser namin.
"Diyos ko! Pasensya na, ma'am, sisiguraduhin kong hindi na mauulit." rinig kong sabi ni ma'am Susan kay ma'am Rico bago kami tignan nang masama. Napaiwas tuloy ako nang tingin sa kanya.
"Talagang hindi na mauulit dahil kung hindi, makakaabot 'to sa Principal."
Hindi na hinintay ni ma'am Rico na magresponde si ma'am Susan at bumalik na lang kaagad sa classroom niya. Sinenyasan kami ni ma'am Susan na pumasok na sa classroom namin habang nanlilisik ang mga mata niya.
"Alam niyo na gagawin niyo." nang sabihin niya 'yon ay akmang ibababa na namin sa upuan ang mga bag namin nang pigilan niya kami. "Hawakan niyo 'yung bag niyo habang nags-squat for 15 minutes. Pagkatapos ng klase, gagawa kayo ng notes pero hindi ako papayag na sa kaklase niyo kayo magtatanong ng lesson for today. Bukas naman, may matatanggap akong 500 word reflection paper sa inyo. 'Yung magpapahiram ng notes sa kanila, makakatikim din ng parusa."
Hindi kami sumagot ni Nabi. Saglit na nabalot ng katahimikan ang classroom bago magpatuloy sa panenermon si ma'am Susan. Nadamay pati ang mga kaklase naming nananahimik na dahilan para makaramdam ako ng inis sa sarili. May point si Nabi. Dapat sinabi ko na lang sa kanya na sa classroom na lang namin gawin 'yung assignment sa Science. Pero gutom kasi ako kanina, hindi ako nakakain sa bahay. Kaya nung sinabi niya na wala si ma'am, nawala ako sa katinuan. Hay.
"Wala na, buong class hour na namang panenermon 'to."
"Oo nga. Para naman kasing ewan 'tong dalawang 'to, eh."
"Good mood na si ma'am, eh. Sinira pa. Lakas."
Hindi ko na sana papansinin ang pagpaparinig ng mga kaklase namin pero bigla kong narinig ang paghikbi ni Nabi. Gusto ko tuloy sampalin ang tatlong kaklase namin na 'yon. Pero syempre, hindi ko gagawin. May mga bagay na kung hindi pa oras, hanggang gusto na lang.
"Ma'am." pakiramdam ko, nasa hotseat ako nang mapalingon sa 'kin ang lahat ng tao sa classroom maliban kay Nabi na nakatungo lang. "Mags-squat po ako for 30 minutes. Baka po pwedeng paupuin niyo na lang si Nabi. May hika po kasi siya." matapang na pagpe-presenta ko, desperadang paupuin na ni ma'am ang kaibigan ko. Hindi totoo na may hika siya, pero ayaw niya sa lahat, 'yung napapahiya. Though it's actually normal for us to cry, I don't want other people seeing her in that state. Kase alam kong ayaw niya 'yun.
"Okay, then. Suit yourself." walang emosyon sabi sa akin ni ma'am Susan. Gusto kong kamutin ang ulo ko pero hawak ko ang magkabilang strap ng bagpack ko habang nakasquat. Makes me feel uneasy. Binaling ni ma'am ang tingin kay Nabi na nakatungo pa rin, "Ms. Salah, maupo ka na."
Nanghihina ang mga binti na naglakad papunta sa upuan niya si Nabi at saka naupo. Nakatungo pa rin siya. Nagsimula naman akong mahiwalay ulit sa realidad sa sobrang tahimik.
Hindi ko alam kung anong iniisip ngayon ng mga tao dito. Pero actually, gusto ko 'to. This so-called punishment is actually a pleasure for me. Sa mga ganitong oras lang kasi ako nakakapagworkout. Workout ba ang tawag dun? Hay, natatanga na naman ako.
Pero 'yun nga. I'm kinda into this. Naiinis 'yung ibang tao kasi kain daw ako nang kain pero hindi ako tumataba. I don't think that's true, and so the insecurity that they feel towards me is unnecessary.
May bilbil ako. I want to get rid of it, at alam ko kung pa'no, but I'm the type to just do things when I feel really obligated to. At 'yung obligasyon na 'yon, mas nararamdaman ko kapag binibigay sa akin ng ibang tao, hindi ng sarili ko. Kahit pa alam ko na para sa sarili kong kapakanan.
'Yung pagligo at pagtoothbrush? Hindi ko ginagawa 'yun para sa sarili ko. I just feel obligated to do it for the sake of not being an inconvenience to other people.
'Yung pagkain ko sa canteen kanina? Maldita kasi ako, at lumalala ang personality ko na 'yon kapag gutom.
Mukha lang akong nagrarason pero totoo.
Hindi ko alam kung may nakakaintindi at may makakaintindi pa ba sa akin. Hindi na importante. Kase kahit ako, galit din sa sarili ko.
Maya-maya, dumating ang kaklase naming si Sandra. "Late ka rin, Ms. Secretary?" dismayadong tukoy ni ma'am Susan sa kanya.
"Ma'am, I'm sorry. Inutusan po kasi ako ni sir Felel."
"Kapag alam niyong parating na 'yung teacher niyo, wala na kayong karapatan umalis ng classroom. Sino bang mananagot kapag naaksidente kayo sa mismong class hour ko?"
"I'm sorry po, ma'am, hindi na po mauulit."
"Go to your seat." ang sabi na lang ni ma'am bago bumalik sa ginagawang pagrerecord ata ng mga nakaraang activities namin sa kanya.
"Thank you po." bago tuluyang makapunta si Sandra sa upuan niya ay binulungan niya ako, "Sabi ko sa 'yo, sabay na tayo, eh. Kung hinintay niyo lang ako, edi sana, may alibi din kayo."
Napapikit ako sa inis sa sinabi niya. 'Yun pala 'yun. Ang tanga ko talaga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top