Chapter 9
Chapter 9 | Avoid
"You're spacing out," puna ni Lukan nang isarado niya ang pintuan ng aming sasakyan.
I looked away because yes I was spacing out and I didn't know why. Parang bigla na lamang akong nawala sa mood, maaaring dulot ng hindi pagtulog.
We were on our way sa pinakamalapit na store upang bumili ng mga art materials para bukas sa Children's Home.
Ang Children's Home ay isang ampunan na hawak ng isang simbahan malapit sa aming village. Nalaman ko ang ampunan dahil noon na kaming nag-donate para rito.
Grade seven ako noon at talagang gumagaan ang aking loob tuwing naroroon ako kasama ang mga batang walang pamilya. Their smiles always fill me.
Ipinagpatuloy ko na ang pagtulong sa ampunan, nag-sign ako bilang isang permanent member. I visit there every Sunday para magturo ng crafts and to interact with children after the morning mass. Nagl-lecture rin ako minsan kung kailangan.
The church itself had been close to my heart.
"Hey," Lukan snapped.
"Oh?" tanong ko.
"Okay ka lang?" he asked, full of concern.
Hindi ako sanay na ganito siya, I mean, he was too focused on me and it kind of bothered my mind. Was he this kind of person to others? If yes, then he ain't that bad after all.
"Yes," sagot ko na lamang.
"Don't lie to me. Hindi ka nakatulog, ano? Bakit kaya?"
Ewan ko kung tinutukso ba ako nito o ano.
"Nakatulog ako, hindi nga lang sapat," depensa ko.
"Okay, sabi mo 'yan. Masama pa naman ang magsinungaling," pangongonsensya niya pa.
Nakaka-guilty! Sorry, Lord, nagsinungaling na naman ako.
"Lukan, may tanong ako..." hindi na talaga ako mapakali.
"Napapadami na ang mga tinatanong mo sa akin, ha? Interesado ka na ba sa 'kin?" he asked playfully.
I sensed hope in his tone. Seryoso ba siya?
"Basta may tanong ako," I dismissed his questions.
"Alright."
"Close ba kayo ni Eros?" I tried asking.
I was hopeful we'd answer my question.
"Nope," he answered after a couple of seconds later.
"We?" hindi pa ako nakuntento.
"Bakit may picture ka sa phone mo na kayong dalawa? 'Yong may medals kayo-"
"That was before," putol niya.
"So, ngayon hindi na kayo bati?" I asked.
Ngumisi siya ng konti, "Parang ganoon," he answered.
"Bakit naman?" para akong batang walang kaalam-alam sa mundo.
He chose not to answer, nakatitig lamang siya sa akin. I sensed something different so, I decided to stop anymore.
"Uh... kung personal na ang dahilan, pwedeng huwag mo ng sabihin. I'm sorry, curious lang talaga ako—"
"I know," putol niya muli at bumuntong-hininga.
"Alam kong inosente ka pero hindi ko inakalang ganito ka-inosente," he whispered but I heard.
"Sorry—"
"Ayos lang. Bakit mo nga pala gustong malaman? Iyon ba ang dahilan kung bakit ka sabaw ngayon?" lag-iba niya sa topic.
"Uh, hindi," agad kong sagot.
Hindi naman talaga. Hindi ko nga rin alam kung bakit sabaw ako ngayon. Yes, kulang ako sa tulog pero hindi naman ako nakakaramdam ng antok.
Iba ang bumabagabag sa akin at alam kong mali ito.
"Anong nakita mo sa phone ko that disappointed you?" he asked directly at me.
Now, he was in his serious mode again.
"Wag ka ngang seryoso, nakakapanibago," I tried to joke.
"What is it?" kanyang pangungulit.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko.
"Wala. Inaantok lang talaga ako."
Lord, sorry ulit. Hindi ko masabi ang totoo dahil hindi rin ako sigurado.
"Nakita mo 'yong video namin ni Carthage na naglalaro ng Chess?" he guessed.
I remained silent and hoped that hindi niya mapansing iyon nga siguro ang gumugulo sa akin.
"Well, of course, makikita mo iyon. Umabot ka sa unahan ng gallery, e," he concluded when I didn't answer his question.
"Kung ano man ang namagitan sa amin ng ate mo noon, sinasabi ko sa 'yo, wala na iyon," he told me.
"Bakit ka nage-explain? Hindi ko naman tinatanong—"
"Because you are spacing out because of that. I don't like it. Huwag mo ng problemahin ang nakaraan," he told me.
Natigilan ako. Sobrang obvious ba na iyon ang rason ko? Paano niya nalaman? Magaling lang ba talaga siyang kumutob o hindi ako marunong magkunwari?
"Okay? Curious lang talaga ako. Gusto kong magtanong kaso—"
"It's all in the past, princess. Cheer up," nakangiti niyang wika.
Princess. Naalala ko tuloy iyong pangalan ko sa contacts niya. Prinsesa niya ba talaga ako? What the hell, Mia? Bakit ko ba iyon iniisip? Wala lang 'yon. Lahat sa contacts niya ay may nicknames na kung ano-ano. Wala lang iyong princess-princess niyang iyan.
"Bakit mo ba ako tinatawag na princess? Nakakairita na," I hissed.
"It suits you," sagot niya habang nakatingin sa harap.
"Anong gusto mong itawag ko sa 'yo? Para fair tayo," I asked.
Nilingon niya na ngayon ang kanyang tingin sa akin at ngumiti.
"Seryoso ka?" he asked with joy.
"Oo," I answered with determination.
Umayos siya sa pagkaka-upo.
"Alright. Gusto ko sanang TG. Meaning—" tinakpan ko agad ang kayang bunganga!
Itong lalaking 'to!
"Pati ba naman pagtawag ko sa 'yo gusto mong bastos? Ano, para ipamukha sa kanilang model ka talaga ng... ng..."
Hindi ko matuloy!
Goodness! Yes, I was innocent pero may konting alam rin ako sa ganitong bagay. Thanks to Mikael Trojan the Green, na suki ng gel na iyon!
Tawa na siya nang tawa. 'Yong tawa na naman niyang pang-demon!
Nakakikilabot!
"Ng ano, princess?" asar niya.
"He! Bastos mo!" singhal ko.
His laugh was too satisfying to look at, I may acted as if I hated it but somehow, the tone of his happiness lightened my mood.
"Sasabihin ko sanang Talagang Gwapo. Inunahan mo ako,e. Ganoon ba ako kabastos para dumihan ang utak mo?" he mocked me nang naka-recover.
Napasampal ako sa noo. Shocks! Iba pala ang ibig niyang sabihin, inunahan ko lamang ng imagination ko! Nakahihiya!
"Ikaw, ha. Did you search Titan Gel on the internet—"
"He! Oo na, TG ka na! Talagang Gwapo! Manahimik ka na!"
Bakit ba tuwid ang dila ng lalaking 'to? Walang pinipiling salitang sabihin!
Ginawa niya na naman ang process niya sa pagtawa. Natawa na lang din ako sa kahihiyan. Malay ko bang iba pala ang ibig niyang sabihin, 'di ba? But still! Nakakahiya.
Nakarating na kami sa store. The visitors were kind of plenty kaya hindi na ako nagsayang ng oras at agad pumunta sa bookstore.
Si Lukan ang may dala ng cart at nakasunod sa akin sa loob ng bookstore. Para siyang nagmukhang artista, lagi kasing nililingon at pinag-uusapan ng mga taong nadadaanan namin.
Binale-wala ko na lamang iyon at nagpatuloy sa pamimili. Inabot ako ng sampung minuto sa pagkukumpara ng dalawang brand ng calligraphy pens. Kinuha ko iyong nagustuhan ko at lumingon na kay Lukan para ilagay sa dala niyang cart ang mga nakuhang bibilhin.
Naabutan ko siyang tutok na tutok ang mga mata sa akin. Akala ko kasi abala siya sa pagmamasid sa iba lalo na't may iilang sumubok na magpapansin sa kanya. Hindi ko inakalang nakasentro lang pala ang kanyang atensyon sa akin.
"Naiinip ka na ba?" tanong ko.
Agad siyang umiling at suminghap. Umayos siya sa pagtayo at iniwas ang tingin ngunit agad ring binalik. Mukha siyang galit sa inasta.
"Galit ka?" suyo ko.
I saw how his Adam's apple moved.
"Medyo."
'Tong lalaking 'to! Ang lakas din ng topak. Kanina, tawa pa siya nang tawa tapos ngayon, galit na. Anong kinagagalit nito?
"Bakit na naman?" I asked him.
"Wala," he drawled.
"Tara na sa iba mong bibilhin," yaya niya.
"Bakit ka muna galit? Masyado ba akong matagal mamili? Iyon ba?" tanong ko habang sinusubukan siyang habulin sa paglakad.
"Hindi. Hindi iyon. May na-realize lang ako," aniya at umiwas na naman ng tingin.
"Ano?" I asked innocently.
"Kapag pumayat ka..." he started.
"Oh ano?"
Ano namang mayro'n kung pumayat ako?
He sighed.
"Baka makita na nila ang kagandahang matagal ko ng nakikita sa 'yo," he explained.
Binalik na niya ngayon ang kanyang mga mata sa akin.
"The thought of it makes me irritated. Ayaw ko ng ganoon. Gusto ko, ako lamang ang nakakakita non. Ako lang dapat," he said earnestly.
For a second, I got stunned.
I chuckled to make our atmosphere light.
"You don't own me to say that... at kahit pa maging tayo, I don't want someone too possessive," I said.
He nodded.
"I won't be like that. Anyway, it was just my random thought," he said back, tila ba nabalik sa reyalidad.
I smiled weakly, "People see me as someone ugly, Lukan, even before. I never experienced being complimented or appreciated of others. . . kaya hindi naman siguro masamang humiling na sana mapansin din ako ng iba sa mabuting paraan, hindi ba?"
He immediately nodded.
"Right... but I'm here, consistently reminding you how much beautiful you are," he pointed out.
He chuckled when he noticed my change of reaction.
"Isn't that... enough?" he asked.
"Hindi sa gano'n pero..."
"Pero?" he asked for me to continue.
Ang hirap maniwala sa iyo.
"Nothing, never mind," I said, dismissing the topic.
I immediately walked away from him to avoid the talk.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top