Chapter 7

Chapter 7 | Door

"Thera!"

Naalipungatan ako sa katok na sinabayan ng pagtawag sa labas ng aking kwarto ngunit hindi ako nagpatinag. Inaantok pa talaga ako. Bakit ba nila ako binubulabog ng ganito kaaga?

Hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa aking tulog kahit na maingay sa labas.

"Mia..." a rough voice called me.

Pilit ako nitong ginising. Minulat ko ang aking mga matang mapupungay pa. It was too early to be shock at something but the sight of the man I saw widened my eyes. He was well-groomed, as if ready to spend the day with me like planned, yet I wasn't convinced... my bed was too comfortable to leave.

Hindi siya papapasukin dito sa kwarto ko kung hindi alam nina mama't papa kaya nasisiguro kong alam nilang nandito ito. Then I remembered my mother calling me too earlier.

Bakit ba 'to nandito?

"Sabado ngayon. Simula na ng pag-gym mo," anunsyo niya sa mababang boses.

"What? Akala ko next week pa ang simula," reklamo ko.

I heard him chuckled.

"Ngayon na ang simula. Bumangon ka na," pagpupumilit niya.

Nalukot ang aking mukha at mas lalong diniinan ang hawak sa nakabalot na kumot sa akin.

"Gumawa ako ng report kagabi para sa Monday. Inaantok pa ako," sabi ko nang nakapikit pa.

Ayaw ko talagang bumangon, iyon ang totoo.

"Nananadya ka naman yata, e," aniya sa tonong parang galit.

"Ah, so ikaw pa 'tong galit? Ikaw nga 'tong hindi namansin ng dalawang araw tapos papasok ka na lang sa kwarto ko basta-basta," tinuro ko pa siya habang nakapikit pa rin.

"Hindi mo rin naman ako gustong kausapin, 'di ba? Tumayo ka na lang d'yan, Mia. Wag ka ng magdrama," sabi pa niya, nawawalan na yata ng pasensya.

"Ayaw ko. Lumayas ka," pagtaboy ko.

"Hindi ako pasensyoso lalo na sa mga babae pero nagtitimpi talaga ako, Mia. Huwag mo namang sagarin," he told me.

Obvious namang nagtitimpi lang 'to.

"Ako na nga 'tong tinutulungan ka, 'di ba? Bumangon ka na," he insisted.

Ngayon, pinapatamaan na niya ang conscience ko.

"Hindi ko kaya," tangi kong nasabi.

"Kaya mo 'yan," pilit niya.

I groaned, I was torn between small things—sleeping and going to gym like how they wanted. I didn't feel motivated enough to do what was right.

"Ayaw ko nga. Ang kulit mo."

"Ano, Gwapo? Ayaw pa rin ba?" I heard my mother near my room.

"Ayaw talaga, tita," sagot ni Lukan sa aking ina.

"Hay nako, Thera! Bumangon ka na! Kanina ka pa hinihintay nitong si Lukan! Mahiya ka naman!" sermon ni mama sa akin.

Sabi ng Panginoon, sundin mo ang iyong mga magulang. Talaga bang magkakasala ako kapag hindi ko ito sinunod? Kung hindi lang ako mabilis ma-guilty ay hindi talaga ako susunod.

"Ito na. Ito na. Babangon na," naiiyak kong sabi.

I lazily stood out of my bed and directly went inside the bathroom to prepare myself for the day. I wasn't thinking straight for the previous minutes and only thought of my interrupted sleep. Binilisan ko na lamang ang aking kilos when I only realized my action now. I was so childish and unreasonable.

Hindi pa ako pinakain ng whole and usual breakfast, light foods lang. Pinahatid kami ni mama sa aming driver at sa buong biyahe patugo sa gym ni Lukan ay hindi kami nagpansinan.

True enough, malapit nga lamang ang gym. I could even walk the distance from our house but no thanks.

I silently walked toward the gym's entrance, not minding my surrounding. My sight got bothered of the equipments displayed inside the first floor. The place looked organized and clean. I roamed around the place and my eyes could almost go out when I noticed Eros near the counter.

Good heavens.

The way he looked twice to made sure it was me he saw was priceless. His feet automatically moved to stood up properly.

"Oh? Magg-gym ka, Thera?" he amusingly asked.

Gulat ka rin?

"Ah, oo. Kailangan, e."

His smile was a sight to see specially it was for me. I didn't want to assume things, he probably knew me as Serin's cousin anyway and only greeted me because I was related to his girlfriend. Thinking bitterly of it was reasonable rather than sugarcoating my mind with my own lies.

"Putangina, nandito ka na naman?" mura ni Lukan sa kapatid.

Agad ko siyang nilingon nang may masamang tingin ngunit naabutan ko siyang mas masama ang tingin kay Eros. He looked ready to drag Eros out of the place.

"Lukan, kapatid mo 'yan—"

"Ano naman? Hindi naman siya santo para pakitaan ko ng bait," pangbabara niya.

Good bacons, galit talaga.

The sound of his shoes against floor was too distracting not to notice. He rushed toward the door and I thought he was about to walk away from us. It was then I realized, he forced the door to open with his right hand and even had the audacity to shout at Eros.

"Umalis ka nga!" he commanded Eros.

Binuksan pa niya ng malaki ang pintuan ng gym.

Tinawanan lamang ni Eros ang ginawa ng kanyang kapatid. Pareho yata silang pinaglihi sa abnormal.

"Magg-gym sana ako kaso ayaw akong paunlakan ng—"

"Of course they won't! Reserved ito tuwing Sabado, Lunes hanggang Miyerkules kaya pwede ka ng lumabas!" Lukan roared.

"Okay, okay! You should calm, Lukan! Seriously, lagi kang nagagalit sa akin tuwing kinaka-usap ko si Thera," Eros laughed.

"Layas!" sigaw ni Lukan sa kapatid.

Hindi ko alam kung magagalit ba ako o matutuwa sa ginawa ni Lukan. May part na naiinis ako dahil sa inasal niya. May part na thankful ako at iyon ay ang pinaalis niya si Eros pero slight lang, 'no! Sayang rin ang opportunity na kasama si Eros.

"Lukan," tawag ko.

Hindi niya ako pinansin na aking ikinagulat. He only walked toward the counter to ask something.

"Tara na sa second floor," yaya at naunang pumunta doon.

Bakit biglang ang sungit nito?

"Hoy, bakit ka galit?" suyo ko ngunit umiling lamang siya.

"Hala, sorry," sabi ko na lamang.

Bigla naman siyang tumigil sa pag-akyat. Muntik pa akong mahulog sa gulat.

"Alam mo ba kung bakit ka nags-sorry?" he asked.

"Hindi," bigo kong sagot.

"Then don't apologize."

Aakyat na sana siya muli nang magtanong ako.

"Bakit mo ako sinusungitan?" ang taray, ang taas ng confidence ko rito magtanong.

"Galit ako," sagot niya.

Bakit ka nga galit? Ang gulo kausap!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top