Chapter 5
Chapter 5 | Wow
Huminga ako ng sobrang lalim, as in sobrang lalim. We were now in front of the school and I was about to get out of the car.
"Problemadong problemado ka riyan?" biro ni ate Serin na ngayo'y nagf-final touch.
"Makikita ko na naman kasi si Lukan," bigo kong wika.
Natawa si ate at maya-maya pa'y naunang bumaba na. Hindi muna ako sumunod. Nakasanayan na kasi naming mauuna siya tapos after few minutes saka ako bababa.
Napatingala ako saglit sa bubong ng sasakyan. I prepared my quick responses when Lukan tried to talk to me.
First trial, ang sasabihin ko: Ayaw ko.
Kapag nag-second attempt, ang sasabihin ko: Mamaya na.
Kapag ayaw pa ring magpa-awat, ang sasabihin ko: Lumayo ka.
Kapag hindi pa rin nagpakabog, jusko! Tatakbo na ako kahit umalog pa ang fault line.
Napatalon ako sa katok sa pintuan.
Shit!
Si Eros!
Ang sama mo, Mia, nagmura ka! Makasalanan ka. Lord, sorry po at nagsabi ako ng masamang salita. Hindi na po mauulit... sana.
Anong gagawin ko? Goodness! I didn't prepare for this one and I never saw this coming.
Binaba ng driver namin ang window sa front seat. Agad akong umupo sa sahig ng kotse at yumuko, mali, humiga para magtago.
"Uh, si Carthage po?" tanong ni Eros.
"Pumasok na sa loob," sagot ng aming driver.
I heard the window close, so I went back to my usual place. What was that? Grabe! Nahihiya ako para sa sarili ko!
"Pinagtataguan mo iyon, ma'am?" tanong ni manong.
"Ah, opo. Sige, pasok na po ako," paalam ko.
Naging mabuti naman ang mga nauna kong oras sa paaralan. Hindi ako masyadong inasar, siguro dahil sa nangyari sa akin kahapon. Hindi pa nagparamdam ang kaluluwa ni Lukan na sana ay hindi na lang.
"Anong nangyari sa 'yo kahapon?" ngayon lamang nagtanong ang pinsan kong si Trojan na aking katabi.
We didn't have a teacher dahil tapos na namin ang pinagawa nito kanina.
"Nahilo lang. Dinala ako sa clinic ni Lukan—"
"Lukan? Si Fortelleza?" hindi siya makapaniwala.
"Yeah," I lazily answered.
"The hell? Close kayo?" para pa siyang nandiri.
"I know right. Nakadidiri," nanginig pa ako sa sinabi.
"Alam mo namang sikat 'yon sa pagiging gago niya," sabi niya.
"Hoy, 'yang bibig mo nga... at opo, alam ko po," sita ko.
"Na gago siya?" ilit pa niya sa masamang salita.
"Wag mo ngang sabihin 'yan! Ang sakit sa tainga," I hissed.
Trojan liked teasing me around, he roared a laugh due of my reaction.
"Oo na, ang inosente nito. Ano kayang nangyari kay Serin at hindi siya kasimbait mo?" tanong niya na para bang isang misteryo ang sinabi.
"Bakit ba ayaw ninyo kay ate? Pati si Minah ay ayaw sa kanya," puna ko.
Totoo iyon... halos lahat ng pinsan ko, lalo na 'tong si Trojan at ang mga kapatid niya, ay ayaw kay ate Serin.
"Can't you see?" iritado niyang utas.
"See what?" I innocently asked.
"Yeah, you can't see it. Masyado kang inosente, Thera," he pointed out with such frustration.
"Ano ba 'yon?"
Napipikon na ako, ha.
Epekto 'to ni Lukan, e. Pasensyosa akong tao pero mula noong naka-usap ko ng matagal si Lukan, my patience reduced to everything.
"Gusto mo talagang sabihin ko?" paninigurado ni Trojan na parang sobrang bigat ng nais niyang sabihin.
"Yes," sagot ko kahit may pag-aalinlangan.
"Well, okay, fine."
Umayos siya sa pag-upo at humarap sa akin, tila ba isang pulis na magpapaliwanag ng kaso.
"Mula pa noong mga bata tayo, Serin was always jealous of you. Yes, maliliit na bagay lang ang pinagselosan niya sa 'yo noon, like your dresses and gifts," Trojan started.
"But little things are more problematic than big things because big starts from being little at iyon ang hindi mo nakikita!" he said in a tone like winning bingo.
"Your ate is always jealous of you. Lagi kayong napagkukumpara noon at ikaw lagi ang lamang. You made yourself fat as fuck, sorry for the curse pero totoo naman, for her, 'di ba?" he pointed out.
"Sabi mo sa akin noon, pinansin ka na ng ate Serin mo mula nang tumaba ka. Meaning, hindi na siya naiinggit sa 'yo dahil pangit ka na. Hindi na siya maiinggit kasi kapag pinagkumpara kayong muli, siya na ang lamang," he explained.
He left me speechless. I processed everything Trojan said first.
Ganoon nga ba iyon?
"Paano mo nasabi—"
"It's so obvious, Thera, for fuck's sake! At isa pa sa pinaka-ayaw kong ginawa niya ay iyong ipinagkalat niya sa lahat na magpinsan kayo, hindi magkapatid. Sorry but I have to say this. She's ashamed of you, Thera, kaya ayaw niyang ipaalam sa lahat na magkapatid kayo," he continuously told me.
What? Ashamed?
"Alam mo, Trojan, I'm also sorry to say this but your being judgemental," I stated, annoyed.
Tumayo ako at lumabas ng room, good thing break time na. I was unconsciously walking while recalling Trojan's words.
So, iyon ang nakikita nilang rason kaya nila kinagagalitan si ate? Ang judgemental naman nila, kung ganoon. Ate was always good to me.
The part that she noticed me when I began to be fat was true. Oo, pinansin na niya ako noong mga panahong iyon but I think walang kinalaman ang pagiging mataba ko sa relasyon naming dalawa.
I let myself to be fat. She didn't force me. She didn't ask me to be this.
The jealous part, just wow. I mean, I never noticed ate being jealous of me or to anybody! She was a freaking goddess! Siya pa nga ang kina-iinggitan.
The part that she told everyone that we were cousins was okay with me. As I said, ayaw ko ng atensyon. Hindi pa nga alam ng buong campus na magkapatid kami, inaasar na ako.
Paano pa kaya kung alam nilang magkapatid kami? E 'di lagi nila akong pag-iinitan. Lagi nila akong ikukumpara sa maganda kong ate. E 'di ang awkward namin ni ate, kung ganoon, 'di ba?
The ashamed part just hurt.
Wow, just wow. I didn't know that there were pathetic conspiracies that existed.
"Mia?" hinarap ko ang lalaking tumawag sa aking likuran.
My thoughts stopped as I noticed the man in front of me.
"Eros..." bulong ko dahil sa kaba.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top