Chapter 4

Chapter 4 | Message

Sa aming pagdating sa bahay, agad na inasikaso ang mga dalang gamit. Handa na rin ang hapag ngunit binalak ko munang magpalit ng damit upang komportable akong makagalaw.

Umakyat ako para makapag-ayos. I showered and changed clothes. Buti na lang at wala akong hahapiting assignments or any requirements. My legs still hurt. Ang sakit rin ng balakang ko at tuwing naglalakad ay humahapdi ang aking mga paa.

Sabay-sabay kaming kumain ng dinner. In-interview pa ni mama si Lukan. Naiinis nga ako kasi paborito kong mga pagkain ang niluto ngayon. Kailangan kong magbawas ng kinakain dahil may bisita. Nakahihiya!

"Ma, pa, nandito na ako," pumasok si ate Serin sa dining area.

Her motion seemed to stop working when she noticed Lukan with us.

"Oh? Serin! Late ka na naman sa dinner. Halika rito," yaya ni mama kay ate.

Uh-oh? Buking na kaming magkapatid kay Lukan... maybe she worried of that too.

"G'wapo, ito nga pala si Serin! Kapatid ni Thera," pakilala ni mama.

Ate looked stunned and annoyed at the same time.

Tumango si Lukan kahit hindi nakatingin sa kanila.

"I know, po," he casually told us.

Alam na niya noon?

"Oh siya, kumain ka na Serin," yaya ni papa.

Kung kanina, awkward ang paligid ko kasama si Lukan, mas naging awkward ngayong nandyan si ate. Mukha ring wala sa mood kumain si ate. She was before talkative, ngayon lamang hindi.

"Excuse me," ate excused herself minutes after.

"Oh? Hindi ka pa tapos, ah?" puna ni mama.

"Sakit ng paa ko, ma," she reasoned.

Hindi namin siya napigilan sa pag-alis. Diretso ang lakad ni ate hanggang sa makalabas ng dining area.

"Weird. Wala yata sa mood si Serin," sabi ni papa kay mama.

"Hmm, anyway, Lukan... puwede bang dito ka na araw-araw?"

What? Nahihibang na ba si mama?

My eyes darted at Lukan and his face was full of joy. I sharpened my eyes to show him to shut up and just decline my mother's words.

"Bakit naman po?" Lukan asked with amusement.

"Ang konti kumain ni Thera kapag nandito ka! Makatutulong ka sa pagd-diet niya kung lagi kang nandito!" she joked.

"Ma! Para kang ewan d'yan!" saway ko.

Hindi ako 'yong tipong palasagot pero ibang usapan na 'to. Kailangan ko na talagang sumagot!

Lukan laughed genuinely. Nagsitaasan ang mga balahibo ko. Ayaw ko talaga sa tawa niya. I mean, ang manly tapos ang husky but unattractive sa akin. Parang may masamang balak, gano'n at tawang pang-manyak.

"Oh, bakit? 'Di ba paborito mo 'tong Menudo? Pero ganyan lang kinain mo ngayon," puna ni mama.

Patuloy ang halakhak ni papa sa idea ni mama.

"Stop it, ma," I ordered.

"Tita, pwede ko namang tulungan si Mia if she only wants. May gym ako, malapit lang rito sa village ninyo. May magaling kaming instructor na babae na pwedeng mag-guide kay Mia. Pwede ko siyang i-schedule doon," Lukan suggested.

He owned a gym at this age? Well, the power of money nga naman... my cousins were also the heirs of our companies.

And may instructor siyang babae? Oo nga naman, babaero ang isang 'to kaya malamang hilig nito mga sexy.

"Ayon naman pala! Thera, mag-gym ka na. Sabi ng doktor, kailangan mong magbawas ng timbang—"

"Oo na, alam ko na," pigil ko.

"Pumayag ka na sa offer ni Lukan, Thera. Para sa iyo rin iyon," my father convinced me.

"Ayaw ko sa crowded places. I mean, nakakahiya namang mag-gym tapos ang nakapaligid sa akin ay mga mata ng ibang tao," I excused.

Totoo naman kasi! Hindi ako showy or open to other people unless we were close.

If I was younger, I would still converse with others kahit pa ayaw naman nila sa akin... but as I said, I gave up trying to fit in. Dumating sa puntong ayaw ko na ring pinapansin ako. I was better off alone.

"Kaya nga is-schedule kita, 'di ba? Para tuwing araw mo na sa gym, ikaw, ang instructor at ako lang ang naroroon," Lukan pointed out.

Wow! Ganoon pala 'yon? At kasama ka? Ano ka do'n, design?

"Ma, pa, gusto ninyo talaga 'to?" I asked them.

"Of course. As your parents, gusto naming mapabuti ka, Thera. Tutulungan ka rin namin, 'nak. Babawasan natin ang pagkain mo," si papa.

Guess I had no choice, huh?

"Fine," I surrendered.

Nilingon ko si Lukan at ang lalaking 'to, abot hanggang Russia ang ngiti. Hindi ako pala-irap pero napa-irap ako. Now, I let myself stuck with the man I hated the most.

There are a lot of reasons why I hated him: babaero, palamura, mayabang, feelingero, makulit, self-proclaimed bad boy and lastly he wanted me to believe his endless confession.

So, I couldn't process my parents' reasons why they immediately liked Lukan. I excused myself dahil naglabas na si papa ng mahiwaga niyang Empirador, tig-isa sila ni Lukan ng tagayan.

I went up to my room and relaxed my mind. I've been thinking too much for today. I grabbed my stress ball and squeezed it repeatedly. It helped me calm my mind. Silence embraced my room and it felt peaceful.

Halos makatulog na nga ako nang may narinig akong tawag mula sa labas.

"Thera! Ihatid mo si Lukan sa gate!" rinig ko na sigaw ni papa mula sa ibaba.

"Okay!" sigaw ko rin upang kanyang marinig.

Even when my body was aching to death, I managed to go downstairs like my father ordered. Bumaba ako at naabutan kong nagpapaalam na si Lukan sa aking mga magulang.

"Thanks tito sa long neck. Nakasasawa na rin ang mga mamahaling inumin, e," Lukan said happily to my father.

At iyon pa pala ang isa sa mga ayaw ko sa kanya at sa ibang lalaki—pala-inom. I heard one of his issues was about him being alcoholic way back his grade eight years.

Lukan and I walked out of our home together. We were right in front of the gate when he spoke.

"So, bukas na natin pag-usapan ang tungkol sa gym?" he asked.

"Sa Messenger na lang," I suggested.

"O, why? Ayaw mo kong kausap?"

Obvious ba?

"Parang ganoon na nga," I answered.

Ang bait ko talagang bata. Kahit ayaw ko na ang taong kausap ko, hindi ko pa rin ma-real talk. I sometimes wanted Trojan's, my cousin, mouth so I could freely tell my thoughts.

"Ouch, sakit naman no'n!" he acted in pain.

"Sige na. Umuwi ka na. Lumalalim na ang gabi," pagbali-wala ko sa kanyang sinabi.

"Wala man lang thank you?" he mocked.

"Thank you," I heartlessly said.

"I like you, too!"

Hindi ko alam kung nalasing ba ito o ano?

"Umuwi ka na!" pabalang kong sinabi.

Hindi ako pala-sigaw pero kasi mabilis nawawala ang pasensya ko sa kanya.

He faked a laugh and it disturbed me.

"You don't have to fake a laugh," I hissed unconsciously.

"Ganon? So, dapat kong ipakita sa 'yong nasasaktan ako tuwing sinasaktan mo ako?" he asked.

"Ako? Mananakit?" gulat kong tanong.

"Yeah. Sakit mo kayang magsalita. Lagi mo pa akong tinataboy," drama niya.

"Ang drama mo!" I said.

"E, sabi mo—"

"Oo na! Umalis ka na!"

I can now imagine myself being voiceless. Mapapadalas yata ang pagsigaw ko dahil sa kakulitan ng isang 'to.

"Sakit," he whispered bago tuluyang pumasok sa naghihintay niyang kotse.

Hindi ko alam kung paano napunta ang kotse niya rito, baka sinundo o ipina-utos niya? Nonetheless, it was out of my concern.

Bumalik na ako sa loob at laking gulat ko nang na sa terrace pala si ate Serin, inabangan ako.

"Oh? Akala ko tulog ka na, ate," bati ko.

"Nah. I want to talk to you. Pwede ba?" she asked.

"Yes, of course," sagot ko.

"Hmm, so... close kayo ni Lukan?" she asked.

I immediately swayed my head.

"Bakit siya nandito kanina?" tanong niya muli.

"Ah, tinulungan niya kasi ako kaya inimbitahan siya nina mama't papa na mag-dinner," I explained.

"I see. Hmm, alam mo naman sigurong manloloko ang isang iyon, 'di ba?" ate asked me.

"Of course! I am well informed!" I answered.

"Good. Huwag kang mahuhulog sa mga banat no'n. Baka may balak 'yon. Alam mo na," she playfully advised me.

"Yes. Thanks, ate," sabi ko.

"No prob. Layuan mo siya... or kung hindi mo kaya, iwasan mong kasama," ani ate.

"Yes, I get it. By the way, do you also hate him?" I asked out of the blue.

She smirked.

"He was one of my suitors before. Binasted ko siya dahil sa ugali niya."

Oh... okay.

"And maybe, just maybe... he's using you as a rebound dahil sa ginawa kong pangb-basted."

I stayed silent, processing my sister's words.

"Hmm, sige ate," I only said at nauna ng umakyat sa kwarto.

It somehow made sense. Malay mo, kaya niya nga 'to ginagawa ay para gamitin ako pero to think the other way, bakit niya ir-rebound ang isang tulad ko?

I mean, I was freaking ugly. Ka-rebound-rebound pa ba 'to?

Kailan pa ba nanligaw si Lukan kay ate? I couldn't conclude that fast because the information I knew lacked. My sister's thoughts weren't enough evidence.

Anyway, I thanked my sister for telling me those things. Kahit hindi kami masyadong nagka-uusap ay may oras pa rin siyang pagsabihan ako.

I was about to turn off my phone when Lukan's chat head popped.

Lukan:
Good night, princess.

I blocked him after reading his first message.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top