Chapter 28
Chapter 28 | King
"Ang tagal naman," reklamo ni Gierro.
"Takte, unang araw ng pasukan nagbibilad tayo sa arawan," reklamo naman ni Olivver.
Fred laughed at the two while I remained unbothered.
"Mga tol, ganyan talaga 'pag tinopak ka sa babae. 'Di ba, Lukan?" pang-aasar ni Fred.
Inirapan ko lamang silang lahat at hindi pinansin.
Nandito kami sa harap ng aming paaralan. Wala pang tinayong waiting shed dito upang paghintayan ng mga tao kaya madalas ay sa malapit na mall muna tumatambay o eksakto sa oras ng bukas dumadating.
Kung bakit kami nandito nang ganito ka-aga, iyon ay dahil inabangan ko sina Serin at ang kapatid niyang mag-aaral dito sa Syru. I didn't plan anything after this day. I just wanted to see her again.
"Maganda ba talaga 'yon, Lukan? Baka mamaya lasing ka lang noong nakita mo siya," komento ni Gierro.
"Oo, maganda siya para sa akin at... 'di ako naglalasing," I answered him.
"Mas maganda pa kay Serin?" hamon ni Olivver.
I smiled at my friend as Mia's face suddenly appeared inside my head.
"Mas maganda pa sa lahat ng mga babae," sagot ko.
Lahat naman sila ay nagkunwaring parang nasusuka dulot ng aking sinabi. Natawa ako dahil sa mga reaksyon nila, palibhasa ay walang love life o nagugustuhan ang mga ito.
"Puta, ang korni!" lait ni Fred na kanina lamang ay todo pa ang asar sa akin.
"Takte, tumitira ka ba ng marijuana?" Gierro jokingly asked me.
I smiled and answered, "Hindi pero adik ako sa kanya."
Fred slapped his own face while Gierro turned around to avoid me. I laughed because their reactions were really entertaining.
"Tol, may maisan ba kayo?" iritado na rin si Olivver.
Tinawanan ko lamang silang mga hindi maipinta ang mga pagmumukha.
Kung bakit naman nandito ang tatlo kong mga kaibigan, iyon ay dahil sinuportahan nila ako sa trip na ito. Kanina pa kaming 11:30 AM nandito kahit 12:30 PM pa naman ang bukas ng gates para sa mga grade seven.
Pang-umaga kaming grade eight ngunit si Serin ay hindi pumasok. Sinabi niya sa aking siya ang maghahatid kay Mia sa unang araw nitong pumasok. Since first day naman ng pagiging grade eight namin, wala pang klase kaninang umaga. Napagdesisyunan naming umalis na at mag-abang.
I didn't know what to do, honestly. All my life I've encountered nuns and priests, I didn't know how to communicate properly since I had a habit of ignoring people. I never tried flirting with other girls because I felt like it would never work for me.
Fred tried to help and gave me tips which I found useless. Gierro wasn't into this kind of things and Olivver didn't want to share anything.
I set away my thoughts and just planned to be who I was in front of Mia. I'd just act natural and let destiny do its thing. I used to only take glances of her from a far. This was my first time meeting her face to face.
"Ayan na, tol! Nandito na ang sasakyan nina Serin!"
Puta! Nakakagulat si Fred! Tangina, mas nadagdagan pa tuloy ang aking kaba!
Hinarap ko si Fred nang wala sa sarili.
"Putangina mo! Wag ka ngang manggugulat ng gano'n—"
"Hi, Lukan!" tili ni Serin ang nagpatigil sa akin.
I slowly turned around to see Serin. My friends were already looking at them and they all went silent. Nakita kong na sa harapan ko na pala si Serin, kasama niya si Mia sa gilid?
Teka... she gained weight... as in, more weight.
Tiningnan ko ang kanyang mukhang maputi... halos ganoon pa rin, iyon nga lang ay tumaba ang kanyang mukha. Hindi nakatakas ang ekspresyon ni Mia nang tumingin sa amin. She looked pissed and unfriendly.
"Hi, Serin," bati ko rin na sinundan pa ng tatlo.
"Serin, siya ba ang kapatid mo?" I asked randomly upang hindi mahalatang interesado ako.
Hindi ako sinagot ni Serin. Instead, niyaya niya kaming pumasok sa loob dahil nainitan na raw sila. We gladly agreed dahil kami rin mismo ay kanina pa sunog sa araw.
Na sa likuran kami ng magkapatid nang bumulong sa akin si Fred.
"Siya ang gusto mo?" tanong ni Fred na puno ng pagtataka.
"Puta, mamaya ka na umepal!" galit kong bulong pabalik.
"Tol, una na kami pauwi," paalam nina Gierro at Olivver.
Baka magr-review ang mga ugat o iiwas lang sa panibago kong trip. Ayos na rin para may kokopyahan bukas sa diagnostic tests.
"Sige. Galingan niyong mag-review," I jokingly said back.
They only showed their middle fingers as their responses, Fred decided to come with them too kaya sa huli ay ako na lamang ang natira kasama ang magkapatid.
Sumama pa ako kina Serin at Mia sa takdang room ni Mia. S'yempre, para alam ko. Many students greeted Serin as we walked along the way. May iilang nagtanong kung sino ang kanyang kasama ngunit hindi niya sinagot o pinansin.
Si Mia naman, mukhang nahihiya. I forced myself not to smile as I observed her tiny movements. Noon pa naman ay pansin ko ng mahiyain siya.
"Nandito na tayo," Serin announced to Mia.
We stopped in front of Mia's designated classroom. Mia only nodded at Serin without even thanking or smiling. Ngumuso ako, masungit din kaya ang isang ito?
A boy shocked us as he hugged Mia from her left side. Inakbayan pa ng lalaki si Mia pagkatapos ng yakap.
Mia didn't look happy about it yet smiled after she got the chance to hit the boy.
Medyo mas matangkad ako sa lalaking ito. Magulo ang kanyang buhok na akala siguro niya ay maayos tignan. He joked around Mia as if we weren't here and Mia enjoyed his company.
"Thera, ito pala si Lukan, bestfriend ko. Lukan, si Thera," ngayon lang naisipan ni Serin na ipakilala ako.
I stood properly as Mia darted her attention on me. I wanted to smile yet the scene in front somehow pissed me off.
"Ito naman si Trojan, pinsan namin," turo ni Serin sa lalaking naka-akbay kay Mia.
Ah, pinsan naman pala.
"Hello," narinig ko ang mahinhing boses Mia.
Para akong tangang biglang natuliro at ang galit ay biglang naglaho.
Tumango ako, "Hello. Sana mag-enjoy ka rito," I greeted happily.
Thank goodness I didn't sweat too much whenever I was nervous, kung hindi, nabaha na siguro ang buong Syru ng aking pawis.
Tinanguan niya rin ako at hindi na nakatingin pabalik. Pumasok sila ni Trojan nang sabay sa silid at nauna na akong umalis kay Serin. She was busy with other people and she didn't mind my sudden leave.
"Tol, iyon na yung babaeng gusto mo?" salubong sa akin ni Fred.
Akala ko ba ay umalis na 'tong mga 'to?
"Oo, ano naman?" I asked.
"Sabi na nga ba't tumitira 'to ng marijuana," Gierro concluded.
Binatukan ko siya.
"Hindi naman siya ganon ka-laki dati and she still looks fine now," I said defensively.
"Anong nangyari, bakit siya lumobo ng gano'n?" Fred asked with concern.
"Malay," I answered because I honestly didn't know.
"Indo," dugtong ni Olivver.
"Ita," pakikisama pa ni Fred.
Binatukan ko sila isa-isa. Puta, ni-recite na lahat ng mga unang lahi sa Pilipinas.
"Bahala kayo r'yan. I still like her saka isa pa, why does size matters to you guys anyway?" I hissed.
Gierro looked at me and said, "Tol, hindi naman sa ganyan. I also don't care about anyone's body shape... if you got offended of my recent reaction, then sorry. I didn't mean it that way."
Tumango lamang ako sapagkat nag-English na ang gago, seryoso talaga siya rito.
"Ako rin naman, there's nothing wrong with chubby girls... I just hope they maintain a healthy lifestyle," komento ni Fred.
"I have no issues with it too, kahit pa skin color or nationality ng isang tao. As long as they are good, then we're cool," Olivver shared.
I sighed, I felt relieved.
"Thank you for not judging Mia," I expressed.
"She's honestly prettier than Serin. Ayaw ko lang aminin at baka anong isipin mo," Fred said and chuckled.
"Totoo, I was about to compliment her earlier yet she looked... like in a bad mood," Olivver agreed.
"Ipapa-alala ko lang na ako ang nauna," I said with a warning tone.
They all laughed at me.
"Lukan! Bro!"
We all turned our heads at the person who called me, si Eros pala.
"Oh? Musta?" salubong ko sa kaibigan.
"Eto, g'wapo pa rin!" he answered, then laughed.
Sinabayan ko na lang ang kanyang tawa tutal joke naman ang kanyang sinabi.
"Bro, sama ka mamaya sa bahay? May bago akong video game," yaya niya sa akin.
"Sige ba! Kaso, di ko alam bahay ninyo-"
"Sabay ka na sa 'kin ngayon," he suggested.
"Puwede?" paninigurado ko.
"Oo naman! Para ka namang iba. Hintayin mo na lang ako rito," he commanded at pumunta na sa parking upang kausapin ang driver nila.
"Bro, sama ka mamaya sa bahay?" tonong pang-bakla ang ginamit ni Olivver nang gayahin niya ang sinabi ni Eros kanina.
Tumawa ako.
"Ulol, ang sasama niyo," I commented.
"Bro-bro pang nalalaman," Fred irritatingly said.
Ba't galit 'tong mga 'to?
"Sus! Selos naman kayo," tukso ko.
They all looked at me with disgust.
"Iyan po ang napapala kasama si Eros Entel, nagiging bakla," pabirong anunsyo ni Gierro.
"Kadiri ka! Puta, magsama kayo ng Eros mo!" sabi ni Olivver.
We decided to separate ways nang umandar na ang sasakyan nina Eros patungo sa akin.
Kung ano-ano ang pinag-usapan namin ni Eros habang na sa sasakyan. Ngayon pa lamang ako makapupunta at pasok sa kanilang tahanan.
I wondered if his parents were around upang mahanda ko ang aking dapat i-asta.
Nang nakarating ay agad kaming pumasok sa loob kahit pa hindi kami matigil sa tawanan dulot ng huling napagkuwentuhan.
Na sa sala kami nang may mag-asawang bumaba. Mama at papa niya, siguro.
"Good mor—este, noon po!" agad kong bati nang napansin ako ng dalawa.
The couple didn't look child friendly, they had the air of the common parents I watched from dramas—strict and serious.
"Hello, hijo. Kaibigan ka ni Eros?" the woman asked me.
"Opo," agad kong sagot.
Nakakunot ang noo ng ama ni Eros habang nakatingin sa akin. Problema nito? Baka na-realize niyang mas gwapo ako kaysa sa kanyang anak.
"Anong pangalan mo?" Eros' father asked me like a growl.
"Lukan po—"
"Full name?" putol niya.
"Lukan Behemoth Fortelleza po," agad kong sagot sapagkat nakaramdam ako ng pangamba sa kanyang tono at hitsura.
He towered me like a king and I was a pawn with nothing. Ako naman ngayon ang kumunot ang noo nang nahulog ang kanilang mga panga sa pagsabi ko ng aking pangalan.
Then, a maid from the kitchen went out that puzzled me.
"Mama?" I confusingly called my mother who wore the same maid uniform of the Entel's household.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top