Chapter 27
Chapter 27 | Pawn
L U K A N
Back then, I was already aware of the different kinds of people in this world. From the pawns that symbolized common citizens or the armed peasants in a battle to the king who everyone protected to keep the game going.
The pieces represented different individuals yet obviously, the pawns were the general definition of us youth—weak and little... underestimated, lacked of power and easily killed.
Bata pa lamang ako ay bukas na ang aking isipan sa usapang ganito. I knew why my mother sent me to an orphanage at a very young age.
She acted like a knight who protected, not the king but a pawn like me. Gusto niya akong protektahan sa mga taong gusto akong pansamantalahan o gamitin. Could really a knight shield a pawn?
"Draw na naman!" masiglang anunsyo ni Eros nang pareho kaming sumuko sa laro.
Pang-dalawampu't tatlong beses na itong nag-draw kami sa chess kaya hindi na ako nagulat. I still tensed a while ago kasi maaari pa ring may manalo sa amin kung nagkamali ng galaw ng piece ang isa.
"Masyado mo kasing ginagalingan. Dapat kasi magpatalo ka na!" naiirita kong sabi.
Ako naman si laging naiirita tuwing nagd-draw. Na sa ugali ko na ang ayaw kong may kapareho sa isang bagay na gusto ko.
Eros being himself, tinawanan niya lamang ako. I swayed my head and just accepted it.
Siya si Eros Entel. Galing siya sa pamilyang Entel, kilala sa mundo ng mga doktor. Kuwento niya ay may sariling silang mga hospital na nakatayo sa kung saan mang panig sa mundo.
Nagkakilala kami sa isang malakihang chess competition last year, grade five. Kami ang naging winner sa patimpalak sapagkat draw ang resulta nito... roon ang una naming draw.
Hanggang sa naging magkaibigan kami, hindi inalintana ang layo ng estado sa buhay. I didn't consider him like a king... he was more likely similar to a rook.
A rook who could roam around in a specific straight direction he liked. A rook who could go back at anything when he wanted to and forth without any limit of steps. A rook who wasn't easily caught and had the power to protect itself.
I didn't envy Eros even though I was a pawn who only had one step at a time and could never go back at something.
"Bro, balita ko ay nakapasa ka sa scholarship sa Syru?" he asked nang kumain kami ng libre kong ice cream.
"Oo naman!" mayabang kong sagot.
"Galing talaga! Magkaklase na tayo nito," he commented.
Natapos ang grade six at tumuntong na kami sa high school.
Another little step for a simple pawn like me. I expected to face a new environment and people. Noon kasi, pagkatapos sa eskuwela ay sa ampunan agad ang tungo. Tuwing Sabado't Linggo naman ay kasama ako sa simbahan bilang sacristan.
Sabay kami noong pumasok sa classroom at magkatabi pa. Ipinakilala niya ako sa iba niyang mga kaibigan noong elementary.
"Ako si Olivver," pakilala ng isa.
"Gierro," taas kamay ng isa.
"Fred, middle name ko ay pogi," nakangiting sabi ni Fred.
Siya nga lang ang mukhang friendly dahil ang dalawa ay mukhang ipinaglihi sa ugat ng lupa sa sobrang kulubot ng mga mukha dulot ng simangot.
Dito ako nakakilala ng iba't ibang klaseng mayayamang tao. Sa katunayan ay hindi ako komportable sa mga kilos at pananalita nila... kadalasan ay Ingles at pumasok ako rito nang hindi bihasa sa lenggwaheng iyon.
"Tol, balita ko bagsak ka sa una nating assessment sa English? Anong nangyari?" tawa ni Fred.
Mukha na siyang baliw rito sa row namin dahil siya lamang ang tumawa. 'yong dalawang mukhang ugat ay na-ugat na nga yata.
I ignored Fred's teasing and promised to myself to improve. Isang buwan pa bago ako nakapag-adjust sa lahat.
Nakilala ko si Carthage Serin Zorron, isa sa mga sikat na estudyante ng paaralan. She was a bully with a sarcastic attitude. Serin intimidated me at first yet she wasn't that bad after knowing.
Ang totoo niyan, ako ang unang nakipag-usap sa kanya dahil pamilyar siya sa akin. Inalala ko noong grade four or five yata ako, pumunta sila sa ampunan at may kapatid siyang mas bata.
Hindi ko na-alis sa aking isip 'yong kapatid niya. Naisipan kong makipagkaibigan kay Serin upang makilala ang kanyang kapatid. Hindi naging mahirap ang pakikipagkaibigan kay Serin kahit na minsan ay sobrang sakit ng mga lumabas na salita mula sa kanya.
"Tol, balita ko—"
"Lagi ka na lang may balita, Fred," singit ni Gierro.
"Daig pa niya ang newspaper sa hall na once a week lang mag-update," komento ni Olivver.
Wow! Nagsalita ang dalawang ugat!
"Sus! Palibhasa kayo mga loshong. Masyadong business minded," balik ni Fred sa dalawa.
"Anyway, balita ko lagi kayong magkasama ni Carthage—"
"Kaibigan ko lang 'yon," putol ko.
Nginitian naman ako ng loko, issue 'to, ha.
"Sus! Diyan nagsisimula ang lahat, tol!" he said.
Aba naman. Ano bang alam nito sa mga ganitong bagay? Ang babata pa namin para ro'n at wala pa sa bokabularyo ko ang lumandi, sakit lamang iyon sa ulo.
"Tae mong blue na hinaluan ng yellow kaya naging green... palibhasa ang landi mo," komento ni Gierro.
Aba! Nagsalita na naman! Umulan ba ngayon ng himala?
"Tae mong red kasi may sakit ka sa p'wet. Subukan mo kayang magpakalalaki minsan?" pang-aasar ni Fred.
Natawa na ako sa kanyang sinabi. Binato naman siya ni Gierro ng makapal niyang libro at hindi na muli pinatulan.
Doon na kami nagsimulang maging magkakaibigan. Si Eros kasi ay laging busy sa sports at academics niya.
Ako naman ay academics lamang ang inatupag. Nahawa ako kina Gierro at Olivver which was so far good. Ayos ng sila ang nag-impluwensya sa akin kaysa si Fred.
Olivver was the hardest one to tame... pero kahit pala mga ipinaglihi sa libro at ugat ng puno itong sina Olivver at Gierro, may baho ring itinago.
Napakalutong nilang magmura at s'yempre, sa kanila ako natutong magmura. Sila rin ang gumiba ng aking ka-inosentehan na hindi ko naman pinagsisihang nalaman.
Knowing new things felt surreal. Para bang na sa isang panaginip ka nang nalaman ang mga ito at hindi mo na matukoy ang totoo.
"Tol, since lumalaki ka ng tunay na lalaki, we dare you to—"
"Pakshet naman, Filipino please!" pabirong putol ko.
Nagsitawanan sila. Mga hinayupak talaga.
"Dini-dare ka namin na ligawan si Carthage!"
Ano? Gago ba sila-wait, oo, gago talaga sila.
"Mga hayop, kaibigan ko lang si Serin—"
"Sus! Pero second name basis," putol ni Fred.
"Ano naman kung tinatawag ko siya sa second name?" natatawa kong tanong.
"Yang mga Zorron na 'yan, kapag tinawag mo sa second name nila, ibigsabihin hindi ka takot sa kanila. In short, may ibang meaning na kapag second name basis sa kanila," imporma ni Fred.
"Paano mo naman nalaman? Na sa Wikipedia ba?" pangbabara ko.
Sa huli, ginawa ko pa rin ang gusto nila. Aware naman si Serin na dare lamang iyon. Hindi nagtagal ay natapos na ang dare at magkaibigan pa rin kami ni Serin.
"Hay, panibagong gawain na naman," reklamo ni Serin isang araw nang nagkatabi kami sa isang subject.
"Bakit?" I asked.
"Yong kapatid ko rito na magh-high school. Dagdag bantay na naman," she ranted.
Kapatid niya? 'yong maganda? Napangiti ako nang wala sa sarili.
Bwisit!
Ang lakas talaga ng tama ko ro'n sa kapatid niya kahit ilang taon na ang lumipas.
"Ano bang pangalan ng kapatid mo?" pasimple kong tanong.
"Thera Mia Zorron," sagot naman ni Serin.
Yes!
"Kailan birthday?" pasimple na naman.
"September nine," wala sa sariling sagot ni Serin.
Gusto ko pang magtanong kaso baka mahalata na niyang may ka-iiba kaya hindi ko na sinundan.
I was as little as a pawn yet I remembered pawns protected other pieces too... at sa aking palagay, ako yata ang magiging bantay ni Mia sa buong taon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top