Chapter 2
Chapter 2 | Fall
"Seriously? Princess?" kuwestiyon ko.
That was always my reaction whenever he called me princess. I never considered it sweet or caring, I'd cringe everytime he'd call me by that endearment. We weren't even friends to state such name.
"Bakit? Kasalanan bang tawagin kang prinsesa?" his smirk was bothering me, like all of the time.
Umupo siya sa aking gilid nang hindi tinatanggal ang tingin sa akin.
"Umalis ka na lang," payo ko at nagkibit-balikat.
"Ouch. Why do you always avoid me when I'm here to save you?" may matching acting pa siya.
I sarcastically chuckled and said, "Just go away."
I even lifted and swayed my hand like he was some kind of insect.
"We can record your time nang hindi ka inaasar. Sayang ang score mo, princess," aniya.
"Paano sa table tennis? Wala akong kalaban," natatawa kong tanong.
"Ako," presenta niya at tinuro pa ang sarili.
For seconds, my eyes stayed on him, scanning if he was really truthful on his words. I had no choice. Ayaw ko namang isuko ang grades ko dahil lang sa mababang rasong ito.
"Why do you want to help me?" I asked, testing him.
"What? Don't tell me nakalimutan mo na," he chuckled.
Ano ba iyon?
"I see, you really don't pay attention to me, huh?" he asked me with narrowing eyes.
"Ano nga 'yon?" I asked, clueless.
"Makinig ka, hindi ko alam kung pang-ilang beses ko na itong sasabihin," he told me.
"Oh?" I waited for his reason.
"I like you," he confessed with a serious face.
Ah, iyan pala.
"Tulungan mo na ako," sabi ko na lamang.
Disappointment washed over his face yet it wasn't my obligation to comfort him from the truth. I couldn't accept his multiple yet same confession because it wasn't believable enough to consider. He watched me stand without saying anything.
"You didn't pay attention," he commented while standing up too.
Hinarap ko siya at sinabing, "Laos na kasi ang ganyan, Lukan Behemoth Fortelleza."
He finally stood properly, his intimidating height towered me.
"Iyon na nga, nalalaos na pero hindi mo pa rin gets," tugon niya nang may ngisi sa mukha.
"Oh, tara na!" yaya ko na lamang.
"Sabi rito sa form mo, kailangan mong tumaas-baba sa bleachers ng eight rounds. After that, tatakbuhin mo ang buong gym. Tapos saka maglalaro ng table tennis," basa niya habang naglalakad kami patungo sa hindi ko alam kung saang parte ng school.
"Oh? Oo nga. Saan ko gagawin iyan?" iritado kong tanong.
Nilingon niya akong nakangisi at sumagot, "Easy lang, sa indoor court na lang tayo."
"Baka may nagp-praktis din?" I asked.
"E 'di paaalisin ko," sagot niya.
Ang yabang!
Bukod sa bolero, pagiging babaero, tamad mag-aral ay mayabang pa. Akala mo naman? Palibhasa ay nadadala sa mukha at apelyido though I was not familiar with his last name, naririnig ko lang minsan sa tabi-tabi na big time ang isang 'to.
"Bakit ba naiinis ka tuwing kinakausap mo ako?" tanong niya—ang loko pinantayan pa ako sa paglalakad.
"Kasi po ayaw ko sa 'yo," simple kong sagot.
"Aray naman. Nagpapapansin na nga ako pero deadma pa rin? Ano ba 'yan, princess," he babbled.
"Puwede ba? Thera Mia pangalan ko, walang princess do'n!" I irritatingly said.
"Talagang walang princess sa pangalan mo, 'no... sa puso ko lang mayro'n," banat niya.
Pinakita niya na naman ang nakab-bwisit niyang ngiti. His pick up line wasn't even to die for!
"Alam mo? Ang dami mong alam pagdating sa kalandian. Kabisaduhin mo muna ang periodic table of elements at mga formula sa Math bago mo 'ko maganyan-ganyan!" I ranted.
Humalakhak siya. Batid kong nagsiliparan ang iilang mga ibon sa paligid naming, naramdaman siguro ang dimonyo na tumawa.
"Ganoon ba? Kapag ba kabisado ko ang mga iyon, pwede na akong—"
"Hindi pa rin! At huwag mo ng subukan. Bola na nga ako, binobola mo pa. Kaasar!" I hissed and doubled the speed of my walk.
Tumawa naman siya na parang wala lang ang mga sinabi ko. I never talked back to any of my bullies but with Lukan? I couldn't help not to because he could annoy every cell inside me.
"Ang labo mo namang kausap, kung ganoon," sigaw niya.
Buti na lang at walang tao ngayon dito sa dinadaanan namin kung 'di... nako!
"Nandito na tayo," aking anunsyo at naunang pumasok sa covered court ng school.
"Sige. P.E last mong subject, 'di ba?" he asked habang nilalapag ang kanyang mga dala.
"Oo. Simulan na natin. Ilang minuto na lang ang natitira," I hurriedly stated.
He gave me a nod. Nilabas niya ang kanyang cellphone, para siguro orasan ako sa gagawin.
"I don't want you watching," utos ko.
Nagsalubong ang kanyang makakapal na kilay ngunit agad nakabawi.
"Paano ko malalaman kung nakababa ka na, kung ganoon?" he asked with a smirk.
God. When would this man stop smirking like a maniac?
"Sisigaw ako," sagot ko at iniwas ang tingin.
"Sige. Isigaw mo Gwapo!, ha?" bilin niya at tumawa.
Umirap na lamang ako at tumuntong sa unang bleacher. Tumalikod na rin siya kahit natatawa pa. My plan was ridiculous, I didn't mean to cheat either, I just didn't want him to watch me doing it. When you got used of bullies, unconsciously you'd also get anxious of everyone's stares... as if you could read their eyes pitying or judging you.
"Tell me kung nagsimula ka na," he ordered, half laughing.
I took a deep breath before I started this nonsense.
"Go!" sigaw ko.
Nagsimula na akong tumakbo pataas. Muntik pa akong madapa sa sarili kong paa sa unang subok. I took that as a reminder na dapat ay maging aware ako sa paggalaw.
Unang baba, "Gwapo!" sigaw ko kahit dismayado.
Medyo bumagal ang pangalawa kong akyat dahil hinihingal na ako. Hay nako!
Pangalawang baba, alam kong inabot ako ng minuto, "Gwapo!"
Hinihingal na talaga ako. Daig ko pa ang may asthma. Natagalan akong makababa sa pang-apat na beses dahil parang sasabog na ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok.
"Gwapo!" hindi ko pinarinig na pagod na ako sa aking pagsigaw.
Lukan was rumored known for being a great athlete! Nakahihiya, kaya noong una'y pinapa-alis ko siya.
I wasn't sure, at first I thought it was a normal effect of the activity. Hindi ko na maramdamang humihinga ako. Parang... parang mali na ang aking paghinga.
I stopped nang makababa ako sa pang-limang beses. Hindi ako sumigaw ng gwapo dulot ng hindi maipaliwanag na kalagayan. Pinakiramdaman ko muna ang aking paghinga.
Hindi ko na kaya.
Nakaramdam ako ng suffocation at nahilo. My eyes blurred that made me panic. I never experienced this before so, I didn't know what to do.
"Princess?" rinig ko ang nagtatanong na boses ni Lukan.
I didn't answer, I had no energy to even call him for help. Sobrang napahiya na ako sa araw na ito kaya ayaw kong mapahiya sa kanya.
"I'm..."
Bago ko pa man matapos ang sasabihing kasinungalingan ay natumba na ako.
I thought I was going to get hurt when I fell down but I didn't... sa bisig niya ako bumagsak.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top