Chapter 11

Chapter 11 | Polo

The next morning, Trojan and I went to church together and I was right—marami talagang nagsisimba rito dahil malapit sa villages.

We entered the church and silently looked for a seat.

Na sa mga unahang rows ng upuan ang mga bata. Some of the kids noticed me. They smiled at ang iba ay sabay-sabay pa akong binati. I waved my hands at them as my quick response.

Na-upo kami ni Trojan sa gitnang bahagi. Some of the population knew us and tried conversing. Trojan wasn't that talkative to others and I was naturally unsociable. We quickly dodged their urge to talk with us because of it.

Trojan and I were both attentive on the mass. The priest knew many things and shared inspiring stories that made the morning more meaningful and jolly.

Trojan's word from last night crossed my mind. Gusto kong malaman kung sacristan nga ba talaga rito si Lukan sapagkat sa tagal kong napupunta rito ay ni-isang beses, hindi ko siya napansin.

But, in the whole mass, I didn't find any signs of Lukan.

Nasitayuan na ang mga nagsimba upang umalis dahil tapos na ang pang-umagang misa. Ang susunod ay mamayang hapon, pagkatapos ng activities sa ampunan.

Trojan and I were slowly walking with the people. I noticed some strangers giving their donations for the Children's Home. Mas lalo akong napangiti, at least hindi lamang ako ang nagmamagandang loob, may iba rin na concern sa ampunan.

Someone tapped my left shoulder. Una kong nilingon si Trojan sa pag-aakalang nagbiro ito but I was wrong.

"Mia?" para akong hinugutan ng hininga.

"Anong kailangan mo sa pinsan ko, ha?" si Trojan iyon na mukhang kausap na ngayon ang tumawag sa akin.

"Slow down there, Trojan. Nauna akong ipinanganak sa 'yo at na sa simbahan tayo. Kung gusto mong magsiga, lumabas ka," may awtoridad sa boses ni Lukan ngunit nakangiti naman siya.

I fully turned around to see him. The sight of Lukan wearing his white ceremonial costume made me almost think he was a different person. He looked clean and innocent.

He actually looked better and...

"I just asked," depensa ni Trojan.

Tinapik ko ang dibdib ni Trojan kaya nilingon niya ako at ni Lukan.

"Sasama ka ba sa ampunan?" I asked my cousin.

"Nope. May pupuntahan pa ako," he answered me like he needed to quickly get out.

He gave Lukan a warning and dangerous look. Lukan didn't look afraid, though, he remained smiling widely at my cousin.

"Ilalagay ko na lang ang mga gamit mo Mia sa ampunan, sa lagi mong pwesto." Ani Trojan.

"Sige, ibilin mo rin sa kanila iyon," I said.

"Aalis na ako," pagpa-alam ni Trojan.

"Sige, ingat," nakangiti kong tugon.

Trojan took his way out at nang nakalayo na ito ay saka ako kinausap ni Lukan.

"So, pumunta ka na ngayon sa misa, ha? Bakit kaya?" tukso ni Lukan.

"Sinama ako ni Trojan," agad kong sagot dulot ng hindi maintindihang kaba.

"Okay. Pupunta ka na ba sa ampunan?" he asked directly look at my eyes.

I looked away because his eyes were intimidating to stare at.

"Oo. Ikaw? Pupunta ka?" I asked back.

"Yes pero magbibihis muna ako, mabilis lang naman. Hintayin mo ako, please?" pinagdikit pa niya ang kanyang dalawang palad.

I chuckled, "Sige ba. Saan ako maghihintay?" I asked him.

"Dito na lang. Mabilis lang ako," aniya at umalis na sa aking harapan.

When he was already meters away from me, I unconsciously smiled out of nowhere. He looked so fine wearing it and cute while walking.

Ano itong mga iniisip ko?

I softly slapped myself to stop thinking about it. Alright, Mia, you were just impressed and nothing more.

I sat for minutes while waiting for him to comeback. I tried distracting my thoughts by looking around the church.

"Tara na. May pagkain pala akong dala, mag-breakfast muna tayo," napatingin ako kay Lukan nang dumating siya.

Tumayo na ako at sinalubong siya.

He was now wearing his normal clothes, black plain shirt and black ripped jeans. I secretly admired how he still looked good in any kind of style.

Sabay kaming lumabas ng simbahan at napansin ko ngang may dala na siyang pagkain para sa amin.

"Bumili ka ng pagkain natin?" I asked.

"Parang ganoon na nga," sagot niya.

He looked happy dahil kanina pa siya nakangiti kahit wala namang nangyari sa paligid. I shrugged it off because I felt like my mind would float again any moment.

We saw a table for two at doon namin napagdesisyunang kumain ng almusal. Our table was near the orphanage kaya hindi na ako mahihirapan pagtapos. I noticed the kids enjoying their breakfast too. They were smiling as they interact with other helpers.

Nakita ko ang mga pagkaing binili ni Lukan nang nilapag niya ang mga ito at alam kong may kamahalan ang mga iyon. The foods were nutritious and suitable for my diet so, I didn't say anything more.

Tahimik lamang kaming kumain at hindi ako sanay sa ganito niyang pakikitungo.

"Why are you suddenly silent?" I asked when I noticed it.

He looked at me, stunned.

"Baka lang ayaw mo ng madaldal habang kumakain?" He answered unsurely.

"Okay lang naman..." I trailed off.

He nodded and tried continuing our conversation.

"Buti at nakadalo ka sa misa," panimula niya.

"Kasama ko naman si Trojan, e, kaya pumayag ako. By the way, kailan ka pa nag-start sa pagiging sacristan?" I asked him, trying to sound casual.

He smiled at me ngunit ngumiwi rin upang itago ang ngisi.

"Bata pa ako," sagot niya.

I only nodded because I didn't know what to say next.

"Plano ko na sanang bumukod ngayong araw kaso... nakita ko kayo kaya... hindi muna," he shared.

I arched my brows, "Bakit ka naman bubukod?"

"G-Graduate na ako kaya maaaring hindi na ako gano'n maging active sa church," he answered me.

Right, I nodded at inintindi iyon.

"May plano ka na after senior high?" I asked him.

He immediately nodded at hindi na napigilan ang ngisi.

"Tingin mo naman sa akin? Chill lang?" he joked.

I smiled because I honestly thought of him as someone carefree and irresponsible... knowing now that he had plans somehow impressed me.

"Noon," I honestly mumbled.

"Grabe, judger ka naman," he joked.

"First impression ko iyon, okay? And sometimes, first impressions aren't accurate," I pointed out.

"Kanina mo lang ba nalamang sacristan ako?" he asked me.

"Oo," I lied.

Sorry po, lord.

He showed me a mocking face.

"Hindi nga?" paninigurado niya.

"Oo nga, kanina lang. Magugulat ba ako kung alam ko na?" I defended myself.

"Mas gumwapo ba?" he teasingly asked.

Sobrang hirap magpigil ng ngiti sa kanyang tanong sapagkat bukod sa totoo iyon, nakangisi rin siyang nag-aabang ng aking sagot.

"Sakto lang," sagot ko na lamang.

"Mahal naman ng ngiti mo," he joked.

I tried so hard not to smile by eating a vegetable I never liked.

"Pwede mo namang aminin ang totoo, Mia. Promise, pipigilan kong mag-assume," he teased more.

Lord! Help me!

"Napaka mo!" I randomly said.

He laughed, "Sige na lang. Tatanggapin ko na ang sakto lang."

I rolled my eyes on him and ate another piece of that vegetable. Natapos kami sa pagkain at nilinis naming ang pwesto bago umalis.

Buong magdamag, na sa tabi ko lamang si Lukan. Nakipagbiruan siya sa mga bata kaya mas naging masaya ang mga nagdaang oras. He'd decline if he got invited on activities far from me, I didn't want to make meaning out of it but... that was how my mind interpreted his actions.

Tuwing may ituturo naman akong craft, sumasabay siya. I didn't mean to observe him yet his physical self made it easy for me to notice him.

Lagi siyang nahuhuli sa paper folding. I noticed he wasn't really into it yet chose to exert effort to support the mini class.

Everytime he'd mouth a curse to the paper, I'd secretly chuckle and let him figure out the right way to do it. I couldn't totally believe he was having a hard a time, baka mamaya'y nagkukunwari lamang siya upang mapansin.

Natapos ang oras at nag-break muna ang lahat. I was cleaning the place when someone entered the room and went to Lukan.

"Ano 'to?" tanong ni Lukan sa nag-abot sa kanya ng damit.

"Uh... polo?"

The guy's answer made me chuckle.

"Alam kong polo 'to," sabi ni Lukan.

"Iyon naman po pala, e. Ba't ninyo pa tinanong?" the giver joked yet Lukan didn't look pleased.

"I mean, para saan 'to?" Lukan asked again.

"Para daw po sa misa mamayang hapon," sagot nito at umalis na.

Hindi maipinta ang mukha ni Lukan habang sinusuri niya ang polo. I could see his bad lips cursing silently. 'Tong lalaking 'to.

"Anong problema mo?" nilapitan ko na.

"Hindi ako marunong magsuot nito," turo niya sa mga butones.

What? Seryoso? I laughed at what he said. Buti na lamang at kumakain na ng lunch ang mga bata. Kaming dalawa na lamang natira rito sa study room.

"Sige, pagtawanan mo lang ako," aniya ngunit nakangisi.

"Seryoso ka? Hindi ka marunong magbutones?" paninigurado ko.

"Oo nga. Kulit," binulong niya ang huling sinabi.

"Akin na nga."

Agad niya namang binigay. I unbuttoned the buttons at binigay muli sa kanya.

"Suotin mo," I commanded.

Sinunod niya naman.

Nang nasuot na niya, mas lalo ko siyang nilapitan upang masarado ang mga butones. Nagsimula ako sa ikalawang pinakamataas na butones.

"Ganito magsara ng butones," I said at ginawa ko ang pagsara nang walang kahirap-hirap.

"What? Step by step mo sabihin. I can't learn from sighting up here," sarcastic niyang sabi.

"Okay, fine! Step one, ipagharap mo ang butones at ang butas nito."

Pinakita ko pa ang butas, baka hindi niya alam.

"Tapos, itong butones, dahan-dahan mong ipasok dito sa butas," I explained as I did it too.

Itinaas ko ang tingin sa kanya para makita kung nakinig ba siya. Ang loko, naabutan kong nakangisi.

"May nakakatawa ba sa sinasabi ko, Lukan?" I asked.

He chuckled. "Wala. Tapos? Pagkatapos ipasok sa butas?" he asked.

"Ayon na," sabi ko.

"Ano? May nabuo?" natatawa niyang tanong.

Ano raw?

"Anong nabuo?" I asked innocently.

Hindi siya sumagot, tawa lamang siya nang tawa.

"Ang weird mo," I uttered.

"Tanong mo kay Trojan iyon. Ask him like this: kapag may pumasok raw, may mabubuo?" ginaya pa niya ang boses ko.

Tinampal ko ang kanyang braso.

"Hindi ako ganyan magsalita!" utas ko at iniwan na siya do'ng tawa ng tawa.

Nang nakalayo na ako, kinuha ko ang aking phone at ni-dial ang numero ni Trojan. Mabuti't sinagot niya.

"Napatawag ka?" bungad niya.

"Ah, may tanong ako, Trojan," panimula ko.

"Shoot."

"Kapag may pumasok raw, may mabubuo?" tinanong ko ang pinapatanong ni Lukan.

"What the? Sino nagsabi niyan sa 'yo?" galit niyang tanong pabalik.

"Si Lukan! Tinuruan ko kasi siyang magbutones ng polo. E 'di ba pinapasok ang butones sa butas—"

"Thera, iba ang ibig niyang sabihin sa tinanong mo sa 'kin," he told me.

I arched my brows even when he wasn't in front of me to see it.

"He was talking about men's penis going inside a woman's vagina."

"Omg!" I reacted.

"Yeah," he lazily drawled, as if it was a basic knowledge everyone knew.

"Eww!" react ko.

Pakiramdam ko, dumumi na ang utak ko sa sinabi ni Trojan... kaya pala ganoon ang reaksyon ni Lukan.

Binaba ko ang aking phone at nang binalik ang mga mata sa lugar, nakita kong parating na sa aking gawi si Lukan at may dala na namang mga pagkain.

I rolled my eyes and decided to go inside before he could distract me again. Umupo ako sa tabi ng isang madre para hindi niya ako madistorbo. Kumain kang mag-isa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top