Chapter 10
Chapter 10 | Think
Natapos kami sa pamimili at niyaya ko saglit si Lukan sa isang ice cream shop upang pasasalamat sa kanyang pagsama. It was just an act of gratefulness yet he seriously argued it wasn't necessary.
Sa una ay ayaw pa niyang sumama dahil ako raw ang magbabayad. Wala namang problema iyon sa akin ngunit tila hindi siya mapakali. I did so many things to convince him to say yes.
Ngayon ay pareho kaming nakaharap sa counter at binasa ang mga available na flavor.
"Anong sa iyo?" I asked him nang mayroon na akong napili.
"Sa 'yo?" he asked back.
"Cookies and cream ang sa akin..." sagot ko naman.
He looked at the menu again and maybe he searched for the price.
"Too expensive... doon na lang ako sa tig-fifteen pesos—"
"Ang OA mo, expensive na ang twenty five sa 'yo? Your effort is more than the price of any ice creams in this world. Just let me treat you as a sign of gratitude," I annoyingly said.
He sighed at napakamot sa kanyang batok.
"Fine, galit ka na, e," pagsuko niya.
I ordered us that flavor. Umupo kami saglit upang ubusin ang ice cream. Tahimik kong kinain ang akin at gano'n din siya. I wasn't sure if his silent was a good sign or not.
Naubos namin ang ice cream ngunit hindi man lang siya kumibo. I shrugged it off at sabay kaming pumasok sa sasakyan.
"Salamat sa pagsama," sabi ko kay Lukan nang bumaba kami galing sa kotse.
"Ikaw pa," nakangiti na siya ngayon.
Ito talagang lalaking 'to.
"Sasama ka ba sa 'kin bukas?" tanong ko.
"Nah. May gagawin ako bukas ng umaga hanggang sa tanghali kaya hindi ako makasasama sa 'yo papunta do'n."
Oh. Okay.
"I see. Paano ka uuwi?" tanong ko muli.
Kinurot niya ang aking pisngi. Instead of being annoyed due of his sudden action, para akong nakuryente sa kanyang hawak. His fingers were rough and hard.
"Tinawagan ko ang tropa ko na sunduin ako rito gamit ang motor ko," sagot niya pagtapos akong kurutin.
"Don't do that again," reklamo ko sa mababang boses.
Kumunot ang noo niya.
"Why? Did it hurt?" may pag-aalala sa kanyang tono.
"Medyo. Basta. Huwag mo ng gawin," ang awkward!
"Namumula ka... dahil ba iyon sa kurot ko?" puna niya.
Hindi! Ang awkward kasi ng feeling!
"Oo," I lied.
Good God, sorry.
"Alright. I'm sorry," he apologized.
His index finger poked the tip of my nose.
"Ano ba 'yan?" hawi ko sa kanyang daliri.
Ngumiti na naman siya.
"Huwag mo 'kong hahawakan! Toxic ka. Toxic!" I joked.
At ayon, ginawa na naman niya ang kanyang laughing process. Hindi ko nga alam kung bakit ako nito tinawanan.
"Sige na. Papasok na ako sa loob. Ingat ka," pagpapa-alam ko.
"Okay. Bye, princess. Thank you for this day," at kinawayan niya ako.
Hindi ko na kinawayan pabalik. Bahala ka diyang bipolar na may lahing half demon kaya toxic.
I was unconsciously walking as I enter our home.
"Tagal nakapasok, ha? Close na kayo no'n?"
Nagulat ako sa presensya ni Trojan.
"Huh? No! Ang kulit niya lang. Bakit ka nandito?" I asked.
"Kyer's being an ass again... kaya dito muna ako," he shrugged.
Here we go again.
Ang binanggit niyang si Kyer ay ang pangalan ng kanyang ama. Kailan man ay hindi niya ginamit ang kahit ano sa mga salitang ama, papa, tatay o dad. He never respected his father dahil numero uno siyang hater nito.
Noong una, I found it really disrespectful. Kalaunan, na-realize ko na lang na may malalim namang rason si Trojan dito... and I was sure na nagmamatigas lamang si Trojan.
"So, pupunta ka bukas sa Children's Home, 'di ba?" he asked.
"Yes. Sama ka?" I asked too.
"Yeah. Sasabay ako sa 'yo. Magsisimba ako," he answered.
Wow. Pumantay na ba ang Earth? Magsisimba raw siya. Could you believe that?
"Wow. I mean, wow. Magsisimba ka. Ikaw ba 'yan, pinsan?" paninigurado ko.
Tumawa lamang siya.
"Hindi ka pwedeng sumabay sa 'kin kasi tanghali na ako pumupunta do'n. Sa umaga kasi ang misa kaya ang mga bata ay nagsisimba at maraming tao," I explained.
"Oh? E 'di sabay na tayong pumunta sa umaga para makapagsimba ka rin," he suggested.
"Hm, alright."
Hindi kasi ako madalas pumunta sa mga misa. Tuwing pumupunta ako sa Children's Home, nagdadasal ako sa simbahan, which was built katabi lang ng ampunan, nang mag-isa.
"Sasama ba si Fortelleza?" Trojan asked.
Bago pa ako makasagot ay nagsalita siya muli.
"Ay! Nandon na pala 'yon tuwing umaga," he concluded.
"Huh?" I asked.
"Hindi mo alam? Sacristan 'yong ugok na 'yon doon. Nakikita ko siya tuwing nagsisimba ako ro'n," he explained.
What? Sacristan si Lukan? Ilang himala pa ba ang malalaman ko ngayon gabi?
"Ilang taon na siyang sacristan?" tanong ko.
"Since grade seven yata?" si Trojan.
"Paano mo nasabi?" I asked again.
"Narinig ko galing kay Serin noon."
Oh. Kay ate. Ganoon ba talaga sila ka-close ni Lukan noon?
"Trojan," tawag ko sa kanya.
"What?"
"Alam mo ba ang past nina ate at Lukan?" I asked.
My curiosity won't just stop and it bothered me. I needed to ask.
"Hindi ko alam ang buong istorya pero ang alam ko ay best friends sila noon. Nagkakilala yata sila sa simbahan noong elementary pa lang sila," he tried remembering what he knew.
"Bakit mo alam?" I asked.
"Marami akong mga kaklase at kaibigang chismoso't chismosa... saka pansin ko rin noon na lagi silang magkasama," sagot niya.
"God, bakit wala akong alam?" I innocently asked in the air.
"Kasi wala ka namang pake sa social life ng iyong ate... and maybe you're too ignorant to notice things," sagot niya.
I felt like I missed an important detail from the past.
"Ganoon ba..." I trailed off.
"Look, bakit ka ba interesado sa nakaraan nila—"
"I'm just curious," putol ko.
"And why are you curious, huh?" hamon niya.
"Kasi nagulat ako na close sila ni ate noon! That's it!" I answered.
"Okay. If you say so. Payo ko lang, Thera. Wag kang magiging dependent kay Lukan kasi kahit sacristan 'yong ugok na 'yon may posibilidad na lokohin ka pa rin niya," sabi ni Trojan.
"Bakit mo nasabing lolokohin niya ako?" I asked.
"Kasi loko-loko siya at alam mo namang siya ang may hawak ng titulong The Great Paasa sa school. I know you hate people who are judgemental. I'm just saying this para maalerto ka. Your trust is worth a million gold so don't give it easily," he answered me.
"But... you're basing what you know on how you see him," I whispered yet enough for him to hear.
Trojan looked at me with mocking eyes.
"So, what are you trying to imply?" he asked me.
"That... your statement doesn't completely convince me about Lukan. I mean, yes, I sometimes see him being like that but, you know," I said unsurely.
"I get it... and yes, I judged him from what I saw butreally, Mia. Be careful with him," he said and immediately went out of my sight.
I sighed and lost it. I didn't want to think more of it.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top