Chapter 7: The Unknown
“M--Mamamatay na tayo... Mamamatay na tayo...”
“Shhh!”
Kaagad na tinakpan ng binatang si Nate ang bibig ng kaibigan niyang si Velma nang may marinig silang kaluskos mula sa may di lamang din kalayuan nila...
Kasalukuyan sila ngayong nagtatago sa isang maliit na kweba, kasama ang isa pang kaibigang si Missy, ang mag-lolang sina Lelandra at Cody, ang dalawang flight attendant na sina Yuna at Penelopé, ang businessman na si Markus, at ang nasa may unahan nilang si Percival, na wari ba'y tumatayong lider ng kanilang grupo, habang mahigpit pang nakayakap mula sa kanya ang katabi namang batang si Sophia.
Nang dahil kasi sa kahindik-hindik na mga pangyayari kanina'y bigla nalamang nagpanik ang lahat ng mga tao't nagkahiwa-hiwalay...
Magkakasama ngayong nagtatago ang iilan sa kanila. Sinusubukan ang kanilang mga makakayang hindi makagawa ng kahit na anong ingay.
Dahil nakakasigurado silang nasa malapit lamang nila iyong higanteng gagambang kaagad na kumitil kanina sa buhay ni Chontelle at ng piloto ng flight 616...
Maggagabi na rin no'ng mga oras na iyon, at wala silang ibang magawa kundi ang manginig nalamang sa sobrang takot, habang pinipilit pa rin ang mga sariling makapagtago...
Both Velma and Missy and the two kids couldn't even help themselves but to cry... Ngunit pare-pareho nilang pinipigilan ang sariling umiyak nang may tunog.
Because they all know, that if they ever make a sound. They're all for sure dead...
“Tu...Tulong! Wag!! WAG!”
Narinig nila ang miserableng palahaw at pagsigaw ng isang babae, na mayamaya'y bigla nalamang agad na tumigil, at sunod nilang narinig ay ang huni ng isang wari ba'y mga butong nagkakabali-bali...
Gustuhin man nilang tumulong, napapapikit nalamang sila mula sa kani-kanilang mga taenga dahil dito.
Alam kasi nilang wala na silang ibang magagawa pa, kundi ang iligtas nalamang din ang kanilang mga sarili...
“H--Hindi ko na kaya...”
Biglang naisambit ng dalagang si Penelopé, at bigla nalamang naghingal-hingal na wari ba'y inaatake ito ng asthma, dahil dito'y kaagad niyang naagaw ang pansin no'ng iba...
“A--Ano?” Natanong bigla ng takot na takot nang si Missy...
“Ayoko na... Ayoko na rito!” Muling sabi ni Penelopé, humahagolgol na ito sa pag-iyak, at nakasabunot na mula sa kanyang mga buhok na wari ba'y para na itong nawawalan sa kanyang sariling bait.
“N--No, no... Penelopé just... Just calm down, magiging okay lang din ang lahat, b--basta wag lang tayong gumawa ng kahit na anong ingay... We're... we're gonna get through this!”
Agarang pabulong na iniwika sa kanya ng kaibigang si Yuna.
“Hindi... Hindi ko na kaya 'tong mga nangyayari! Patay na sila! Gusto ko nang makaalis dito!” Sa puntong iyon ay nagsisimula nang lumakas ang boses ni Penelopé...
“Woman! What the fuck are you doing?!” Pabulong na bulyaw sa kanya ni Markus... “Somebody shut her up!”
“Hi--Hija, pakiusap... Kailangan mong kumalma...” malumanay na wika ni Lelandra sa dalaga. “May mga bata tayong kasama rito,” aniya pa. But that did not convinced her. Talagang nasakop na siya sa sobrang takot.
“If you don't shut your fcking mouth up, then mamamatay tayong lahat!” Pabulong na bulyaw muli ni Markus dito...
“Gu--Gusto ko nang umuwi!” Muling sabi pa ni Penelopé.
“Please, Pen! Get yourself together!”
“Hindi...”
Mayamaya'y lalapitan na sana siya ni Percival upang kausapin ito ng masinsinan...
“Miss...”
Ngunit nagulantang silang lahat nang itulak lamang siya nito, at pagkatapos ay bigla nalamang nagtatakbo papaalis ng kuweba.
“Pen, wag—!!” Sinubukan pa siyang sundin ni Yuna, ngunit bago makalabas ay kaagad lamang siyang pinigilan ni Nate, at dinala pabalik ng kweba, habang tinatakpan pa ang kanyang bibig...
“Hmmph!— Pakawalan mo 'ko! Kailangan ko siyang—”
“Shhh!!” Agaran siyang pinatahimik nina Percival nang may maramdamang kakaiba ang binata...
“It's.... It's here....” aniya pa, dahilan upang agad namang mapatahimik si Yuna...
And in just a mere of seconds, nakita nga nilang bigla nalamang sumulpot mula sa harapan ng pinagtataguan nilang kweba iyong higanteng gagamba...
Kitang-kita pa nila ang mga paa nito, mula sa butas ng kweba, dahilan upang muli lamang silang makaramdam ng takot...
+++
Takbo lamang naman ng takbo si Penelopé, trying all of her best to save herself, away from this savage land. Nngunit mayamaya lamang din ay kaagad siyang natigilan sa katatakbo nang bigla nalamang sumulpot mula sa mismong harapan niya iyong nilalang na kanina pa nilang pinagtataguan.
At kagaya no'ng hitsura nito kanina'y mas nakaramdam lamang ng lubusang pangingimbal si Penelopé nang makita niya itong muli.
It's scary demeanor only made her tremble in fear. She stood there, petrified right before the towering creatures, its hairy legs quivering with hunger as it closed in. Its eight sinister eyes gleamed in the dim light, while venom dripped from its razor-sharp fangs.
Paralyzed by fear, Penelope could only watch helplessly as the creature loomed closer, each moment stretching into eternity as she braced for the inevitable.
“H--Hindi....”
Nasambit nalamang ng dalaga, at napapaatras nang dahil sa takot...
She wanted to run away and escape, but her whole body was telling her otherwise!
“Please... Wag... Wag mo 'kong patayin... P--Please!” She begged for mercy.
But what can a giant creature understand, when all it thinks about her is nothing but a meal?
“Please! Ayoko pang mamatay!!” Sigaw niya, ngunit huli na ang lahat, dahil bigla nalamang siya nitong inatake at pinaglalasoglasog, na para bang isa lamang itong chichirya...
All she could do next was scream in agony and pain.
Wala namang ibang nagawa iyong iba kundi ang magimbal nalamang sa kanilang mga biglaang nasaksihan.
Lalong-lalo na ang kaibigan nitong si Yuna...
+++
BestRoleInLife
Proudly Presents...
A horror novel written by
Romell Labita....
“ISLE OF THE DAMNED”
Chapter 7: “The Unknown”
+++
“Uhhh... Raine,” mula sa tahimik na pagmumuni-muni ni Raine ay naagaw ang pansin niya nang may binata ang bigla nalamang lumapit sa kanya...
Napatingin siya rito, at mukha agad no'ng lalakeng nagsagip sa kanyang buhay ang unang sumalubong sa kanyang mga paningin.
Si Jackson...
Napansin niya ring may mga dala itong biscuit at tubig sa kanyang kamay.
“Heto nga pala ang daily rations natin. Ngayong umaga, biscuit at tubig lang muna. Tipid-tipid lang daw muna tayo, lalo na't hindi pa natin alam kung hanggang kailan ba tayo mananatili rito,” wika pa ni Jackson sa binata, habang inilalahad sa kanya ang mga hawak-hawak nitong biscuit, bagay upang kaagad naman iyong tanggapin ni Raine...
“Uhh... S--Salamat,” ani ni Raine rito, na mas ikinangiti lamang naman ni Jackson.
“Ayos ka na ba?” Tanog pa ng binata rito, dahilan upang ikatango naman ito ni Raine bilang sagot.
“Uhh... O--Opo, wag ho kayong mag-alala, magiging ayos la naman ako,” sagot ni Raine kay Jackson, dahilan upang mas mapangiti nalamang ito sa kanya.
“Basta, kung kailangan mo ng tulong tungkol sa ano mang bagay, tawagin mo lang ako ah? O di kaya sina Illyana at Duncan. Ngayon ko lang sila nakilala, but so far, they're also really nice!”
Isang mahinang ngiti naman ang itinugon ni Raine rito, sabay na nahihiyang napatango-tango pa.
Ang hindi alam no'ng dalawa'y, kahit abala sa pag-aayos ng mga gamit mula sa may di kalayuang gilid ang dalagang si Vienna ay kanina pa napapatingin-tingin mula sa dereksyon nila.
Hindi maipinta ang ekpresyong ginagawa nito mula sa kanyang mukha, ngunit isang bagay lamang ang tanging mahahalata...
Kanina pa matatalim ang mga tingin niya kay Raine... Ayaw niya roon sa binata.
“Jackson! Tawag ka na nina Major! Aalis na raw kayo!” Bahagyang may naiinis na tono ng boses pang tawag ni Vienna kay Jackson, dahilan upang kaagad namang mapalingon sa kanya ang binata.
Jackson raised one of his hand in response.
“Sige, pupunta na 'ko!” Aniya, at aalis na sana, ngunit natigilan muna siya nang kausapin siyang muli ni Raine...
“Hahanapin niyo ba 'yong kabilang parte no'ng eroplano?” Tanong ni Raine kay Jackson, bagay upang muling mapalingon sa kanya iyong binata, sabay na tumango bilang sagot.
“Yeah. Susubukan namin. Nagbabakasakali kasi kaming... Maaaring buhay pa ang ilang mga pasahero do'n,” aniya. “Including... I--Including your sister,” dugtong pa ng binata
Dahil dito nama'y sinubukan ni Raine na makatayo, habang ginagawang alalay ang kahoy na ibinigay sa kanya ni Jackson kanina, upang ito'y maging kanyang pansamantalang saklay, at pagkatapos ay dahan-dahang lumapit sa binata.
“Uhh... J--Jack? Pag... Pag mahanap niyo sila... P--Pwede bang pakibigay ito sa ate Diana ko?” Ani pa ni Raine, at may kinuha mula sa bulsa niya, sabay na inilahad iyon kay Jackson.
Napatingin naman mula rito si Jackson, at kaagad iyong tinanggap.
Isa iyong pendant.
“D--Do you really think na... talagang ayos lang sila?” Natanong pa ni Raine.
Dahil dito'y muli nalamang siyang nginitian ni Jackson, at pagkatapos ay tinapik ang balikat nito.
“I'm sure,” aniya. “Magkikita pa kayo ng ate mo,” dugtong niya pa, dahilan upang mapangiti nalamang din ng mahina rito si Raine...
Mula sa may malayo naman ay hindi talaga mapigilan ng dalagang si Vienna ang hindi mapangiwi, habang nakapako pa rin ang mga mata kina Jackson at Raine.
She rolled her eyes in annoyance, at pagkatapos ay muling tinawag iyong binata.
“Jackson! Naghihintay na nga sa'yo sina Major! Sasama ka ba talaga sa kanila o hindi?!” May halong gigil na bulyaw naman ni Vienna doon kay Jackson, dahilan upang kaagad nalamang siyang magpaalam kay Raine, at magtungo na nga papalapit kina Major.
Nadaanan niya pa si Vienna habang papunta roon.
“I told you, I was coming,” ani ni Jackson kay Vienna, ngunit bored lamang siya nitong binatuhan ng isang tingin.
“For how many centuries?” Inis niya pang wika.
“Century tuna,” natatawang sagot naman ni Jackson, at tuluyan na ngang nilapitan ang abala ngayon sa paghahandang grupo nina Major.
Nakaramdam naman ng inis dito si Vienna dahil sa pasarkastikong banat sa kanya ni Jackson.
Ngunit dahil nakalayo na ito ay nagpigil nalamang siya sa kanyang nararamdaman.
Bagkus ay muli lamang siyang napatingin doon sa kinapu-pwestuhan ni Raine.
Nakaupo na itong muli, habang mataimtim lamang na pinagmamasdan ang mga ulap mula sa langit.
Raine looked peaceful...
But that only made Vienna hate him more...
“Tsk... Walter was right. We should have just left you drowning in the sea. And now he's dead and this little son of a b*tch is tryna steal my man,” bulong na sabi pa ng dalaga sa sarili.
Ang hindi niya alam ay narinig siya ng katabing abala lamang din sa paghahalungkat mula sa isa sa mga bag na naroroong babaeng si Wanda...
Bagay upang ikailing nalamang ito no'ng dalaga.
+++
Pagkapunta naman ni Jackson malapit sa grupo nina Major ay nakita niya ngang naghahanda na ang mga ito.
“Pasensya na kayo, Major. Kinailangan ko pa kasing asikasuhin sina Stan at Raine eh,” paghingi ng paumanhin ni Jackson kay Major.
“Kamusta naman si Stanley?” Tanong naman ni Major.
Ngunit napahinga lamang ng malalim dito si Jackson, sabay na bahagyang napatamo.
“Ayon... Ayaw pa rin akong kausapin," sagot niya.
“He... He's kinda blaming me for... for whatever happened to Walter,” aniya. Mahahalata pa sa mukhang parang may matulis na tinik na nakatusok mula sa kanyang dibdib.
Dahil dito'y napatapik nalamang ng balikat niya si Major.
“Just give him more time,” aniya. “Lahat tayo nagluluksa pa rin sa nangyari kay Walter. Lalong-lalo na si Stanley. Magkadugo sila eh. Pero, sa mga panahong 'to, kailangan din nating magpakatatag. Lalo na't nasa iisang sitwasyon tayong hindi natin inaasahan,” monologong sabi ni Major.
“Tama si Major,” wika naman ng dalagang si sister Althea. “None of us asked for this phenomenon. At ang tanging magagawa nalang natin ay ang magkaisa, at manalig sa Diyos,” aniya pa, habang mahigpit ang hawak sa kanyang dala-dalang rosaryo, dahilan upang mapangiti nalamang din dito si Jackson.
Maging si Major, even though... He's not actually the religious type..
Sila ang grupo ng mga plane crash survivors na napagpasyahang sumama kay Major upang suriin ang kahit kalahating parte lamang muna ng isla.
Mahahati sila mamaya sa dalawang grupo...
Ang isang grupo ay kukuha lamang ng mga maaari nilang maging mga resources at pagkain, kagaya ng mga edible na prutas, mga kahoy, herbals, meat hunting at kung ano-ano pa, at babalik din agad malapit sa may pangpang kung saan sila pansamantalang nagka-camp, upang tumulong naman sa iba. Habang ang pangalawang grupo naman ay siyang magtutungo sa paghahanap kung saan man nag-crash iyong ulong parte ng kanilang sinakyang eroplano. Hoping for other more possible survivors.
Kasapi ng kanilang grupo bukod kina Major ay sina Trevor, Duncan, Ashley, Cassandro, Troy, Selena, Gibson, Florence, Albert at maging ang dalagang si Illyana, na mahahalatang nagpumilit lamang na sumama...
Ang grupo nina Major ang deretsong magahahanap sa kalahataing bahagi ng eroplano, at makakasama niya rito ay sina Jackson, Selena, Cassandro at Gibson.
At ang grupo naman nina Duncan, Trevor, Illyana, Troy, Albert, Althea, Florence at sister Althea ang siyang maghahanap ng maaari nilang mga magamit na resources, sa pansamantala nilang pananatili sa islang ito.
“Okay... Siguro naman nakahanda na ang lahat 'no?” Tanong ni Major sa mga kasama, at isa-isang tiningnan ang mga ito.
Mayamaya nama'y napako ang mga tingin niya sa isa sa kanilang naroroon...
Napatingin siya sa kasuotan ng dalagang si Selena, at hindi maiwasan ni Major ang sariling hindi mapakunot ng kanyang noo rito.
Napansin naman iyon ng dalaga, kaya tinaasan siya nito ng kilay.
“Yes?” She asks.
“Ba't ka naka high heels?” Seryosong naitanong sa kanya ni Major.
“At naka-dress pa,” wika naman ng binatang si Troy.
Napairap naman dito si Selena.
“Don't look at me like that! Wala lang talaga akong ibang masuot! Kaya nag-stick nalang ako sa kung anong meron ako. I couldn't find my stuff. I tried looking, but... It's probably inside the sea monsters belly na,” maarteng pagkakasabi niya.
“Girl, mabundok ang pupuntahan natin. Sure ka ba talagang keri ka lang sa suot mong 'yan?” Natanong nalamang no'ng isa pang babaeng si Ashley
“Hayaan niyo siya,” bored na sabat naman ni Trevor. “Malay niyo may date sila no'ng kapre sa kagubatan,” seryosong pagbibiro niya pa, dahilan upang bahagyang mapatawa nalamang ang ilang mga naroroon, maliban lamang siguro sa mga nananatiling seryosong sina Major, Jackson, Duncan at Illyana.
Dahil dito nama'y nilapitan ni Illyana si Selena.
“Uhh... Me--Meron akong extra'ng tsinelas at t-shirt do'n sa bag ko. Kung gusto mo, hiramin mo lang mu—”
“Eww!... I--I mean... cool! But, no thanks! I can manage on my own. So, I won't be needing any of your help, but thanks for the concern though!” Selena said in a kind of rude manner, interrupting Illyana, bagay upang ika-ilang nalamang no'ng dalaga, sabay na napabalik nalamang mula sa kanyang kinatatayuan kanina.
Pareho namang nakita ng dalawa niyang kaibigan ang naging reaksyon niya, dahilan upang bahagya nalamang na napatapik-tapik si Duncan mula sa kanyang balikat.
“Ignore her,” bulong na wika pa ni Duncan kay Illyana.
Napahinga naman ng malalim si Trevor, at binigyan siya ng isang bored na mga tingin.
“Sa susunod kasi, kikikalanin mo muna kung sinong mga tinutulungan mo,” mahinang sabi pa nito sa dalaga, dahilan upang naiilang na mapatamo nalamang dito si Illyana.
Dahil dito nama'y walang ibang nagawa si Major kundi ang mapahinga nalamang ng malalim. Walang may mapapakag-convince sa kanilang magpalit ng damit niya o wag nalang sumama si Selena, kaya hinayaan nalamang nila ito.
“Basta... Pakatandaan niyo lang 'yong plano natin. We meet at the amber oak tree, bago mag-gabi. At...”
“At kakailanganin niyo 'to..."
Mayamaya'y sabay-sabay silang napatingin doon sa binatang kakarating lamang malapit sa kanila.
It was Stanley.
May initsa itong kung anong bagay na kaagad namang sinalo no'ng binatang si Troy.
Pagkatingin nila mula roon ay nakita nilang isa iyong walkee-talkee.
“Nice! Sa'n mo 'to nakita, pre?” Tanong sa kanya ni Troy.
“Do'n sa isa sa mga bags na inanod mula sa may pangpang kanina-kanina lang,” sagot ni Stanley. “Siguro pagmamay-ari yan ng isa sa mga sundalo. Heto pa'ng isa,” aniya, at initsang muli iyong isang kapares naman muna sa grupo nina Duncan. “I've tried them earlier, and they work just perfectly fine,” dugtong niya pa.
“Good,” sabi naman ni Major.
“Kakailanganin natin yan para ma-maintain natin ang pagkakaroon ng komunikasyon. Now let's move,” aniya pa, at senenyasan na ang mga kasama upang sila'y umalis na.
“Major, sasama ako,” Biglang iniwika ni Stanley, dahilan upang mapatingin naman sa kanyang muli si Major at iyong iba pa.
“Sigurado ka ba?” Major asks.
Tumango naman si Stanley bilang sagot. “Yep, don't worry about me. Kung iniisip niyong mananatili nalang akong depressed dahil sa nangyari kay Walter, you've all got it all wrong. Bro's probably at a cool place now anyway,” aniya, at pagkatapos ay lumapit kina Ashley at Selena, sabay inakbayan pa ang mga ito. “Besides, who's gonna protect the girls? Right, ladies?” Muli niyang wikang, trying to flirt with them.
Ngunit parehong napangiwi lamang dito sina Selena at Ashley, at pagkatapos ay dali-daling tinanggal ang nakaakbay sa kanilang braso ni Stanley.
Mayamaya'y kaagad namang napatingin mula sa may paanan niya si Stanley nang may maramdaman siya mula rito...
“Looks more like, you already got yourself a girlfriend,” aning muli ni Major, sabay turo pa roon sa kambing na nasa may paanan ni Stanley. Mahahalata kasing parang nagkaroon ito ng liking sa binata.
“Andyan pa pala yan eh. Ba't hindi nalang yan ang ihawin natin para mamaya?” Pilyo at pabirong isinuhestyon naman ni Trevor, bagay na bahagyang nagpainis lamang kay Stanley.
“Leave Tabitha alone, man!” Saway ni Stanley kay Trevor, ngunit napangisi lamang ito.
“Tabitha?” Takang natanong ng dalagang si Ashley. “Ang akala ko ba Fleu... Fru fru ang pangalan niyan—or something? Diba yan 'yong tawag no'ng maarteng babae sa kambing na yan?” Aniya pa.
“Tabitha na ang panglan niya. At sasama siya sa'kin. She's actually a smart goat!” Wikang muli ni Stanley, habang hinimas-himas pa ang ulo no'ng kambing.
Natawa naman dito ang dalagang si Selena, “So ngayon gusto mo na rin siya as pet?”
Mayamaya nama'y napahinga nalamang ng malalim si Major dahil kanina pa sila hindi nakakaalis.
“Nag-aaksaya lang tayo ng oras dito eh. We have to move, now!” Aniya, kaya nama'y matapos iyon ay nagsi-alisan na nga sila...
+++
Nang makita naman ni Vienna na nakaalis na ang grupo nina Major kasama si Jackson ay muli siyang napatingin sa kinauupuan ng binatang si Raine, at bigla nalamang may naisip...
Itinigil niya na muna ang kanyang mga ginagawa, at nilapitan iyong binata.
Sakto namang patayo na si Raine, habang sinusubukang alalayan ang sarili gamit iyong tungkod niya. Ngunit nang tuluyan siyang makatayo ay nagulat siya nang may bigla nalamang bumangga sa kanya mula sa likuran, dahilan upang kaagad na mawalan ng balanse si Raine at padapang matumba mula sa buhangin.
“Naku, sorry! Hindi ko sinasadya!” Narinig niyang sinabi ng isang babae mula sa likuran niya, ngunit dinig niya ang pagiging sarkastiko nito sa tuno.
“Baka sa susunod kasi, wag tayong humarangharang sa daan,” wika pa nito.
Dahil dito'y muling sinubukan ni Raine ang bumangon mula sa pagkakadapa.
“Pe--Pero... Hindi naman ako nasa da—”
“And next time, try NOT to be so clingy around my man,” agarang pagpuputol na sabi pa ni Vienna, bagay upang lubusang ikataka naman iyon ni Raine...
“H--Huh?” Naguguluhan niyang naitanong, sabay na napatingin sa dalaga. Ngunit nginitian lamang siya nito ng kaplastikan.
“Have a nice day!” Huling iniwika pa ni Vienna, at pagkatapos ay umalis na.
Leaving a dumbfounded Raine.
Mayamaya naman ay may lumapit sa kanyang isa pang babae...
Napatingin siya agad sa mukha nito, and saw that it was Wanda.
“Ayos ka lang?” Tanong ni Wanda, bagay na ikinatango nalamang naman ni Raine. Matapos iyon ay tinulungan siya nitong muling makatayo.
“Don't mind her,” sabi pa ni Wanda sa binata. “I'm pretty sure she's just jealous, dahil mas nasa sa iyo ang pokus ngayon ni Jackson kaysa sa kanya,” aning muli ni Wanda, dahilan naman upang mas bahagyang maguluhan lamang dito si Raine, at makaramdam ng kaunting panghahapdi mila sa kanyang mga pisngi.
“H--Huh?” He asked in confusion.
Ngunit pilit lamang siyang nginitian ni Wanda, sabay na tinapik pa ang kanyang balikat.
“You're all good,” ani pa ng dalaga, at pagkatapos ay bumalik na sa pagtatrabaho...
Dahil dito nama'y mas marami lamang ang pumasok mula sa isipan ng binata...
Kagaya nalamang sa nangyari kanina...
Pakisamahan niya kasi sinadya ni Vienna na banggain siya, ngunit bakit?
At ano naman bang ibig sabihin no'ng huling mga sinabi ni Wanda, na bigla nalamang nagparamdam sa kanya ng isang hindi mawaring bagay?
Everything is confusing him.
At dahil dito'y muling sumagi mula sa kanyang isipan ang ate Diana niya...
Napatingin siya mula sa kalangitan...
Kung naririto lang sana ang ate niya, marahil ay hindi ganito ang mga mararanasan niya...
Before these sudden occurrences, he'll admit to himself that he always wanted to be alone. Like, away from his sister in order to feel responsible all on his own.
But definitely not this long...
He doesn't even know if his sister is okay.
Or...
If she's still even alive...
+++
“Tu... Tulong! Pakiusap!”
Mula sa may malayong parte ng kagubatan naman ay maririnig ang mga palahaw at sigaw ng isang pamilyar na boses ng isang babae...
Nanggagaling ang boses niya sa butas ng isang napakamalalim na kweba...
Sigaw lamang siya ng sigaw, nagbabakasakaling may makakarinig sa kanya. Ngunit tanging ang nakakabinging kagubatan lamang ang makakapagpatunay na naroroon siya...
“Pakiusap! Tulungan niyo 'ko! Nandito ako!” She shouted once more, but still receive no response...
Mula sa kapaligiran niya naman ay walang ibang masisilayan kundi purong kadiliman lamang.
Simula no'ng magising siya sa pagkakahulog niya rito ay agad niyang sinuri ang buong kweba, kung may malalabasan ba siya, ngunit wala. Tanging ang butas mula sa ibabaw kung saan siya nahulog ang nakikita niyang pag-asa upang makaalis dito, ngunit sinubukan niya na rin ang akyatin ito, ngunit paulit-ulit lamang siyang nahuhulog pabalik sa kadiliman.
“Pakiusap! Kailangan ako ng kapatid ko! Raine!!” Muling bulyaw ng dalaga, at napahagulgol nalamang sa iyak...
Mayamaya'y may narinig naman si Diana na wari ba'y parang isang pintong nagbukas mula sa likuran niya, dahilan upang papitlag siyang mapalingon mula roon...
At sa kanyang pagkagulat at sobrang pagtataka'y bigla nalamang siyang may nakitang isang lagusan...
Hindi niya maintindihan kung papaano ito naging posible, gay'ong talagang sarado ang buong kweba na ito kanina, at tanging malalaking formation ng mga bato lamang ang nakapaligid dito, ngunit ngayon, bigla nalamang siyang may nakitang lagusan?
“He--Hello? M--May tao ba riyan?” Tanong ng dalaga...
But still, nobody answered.
Dahil dito'y, kahit na kinakabahan at natatakot sa maaaring bumulagta sa kanya ay dahan-dahan niya nalamang na nilapitan iyong lagusan...
At nakita niyang papunta ito sa isang mas malalim na parte pa ng kweba...
She's still scared, worried and terrified about the things she might see behind the abyss, ngunit gay'on pa ma'y tinatagan nalamang ni Diana ang kanyang sariling pumasok mula rito, kaysa naman sa mananatili nalamang siya roon sa kwebang nahulugan niya.
She might be stepping into the unknown, but atleast now, she has a small chance of getting out... And seeing her brother again...
Or so she thought...
Walang kaalam-alam ang dalaga na kanina pa pala may nanonood sa kanya.
In fact... Walang kaalam-alam ang lahat ng mga tao sa isla, na sa bawat galaw nila ay may mga matang nakatingin...
Mga mata ng napakaraming tao...
Mga mata mula sa nagkalat na mga monitors at hidden cameras mula sa isla...
+++
“She's in, folks! Ilan ang pusta niyo? Makaligtas kaya si Diana sa mga nakaabang na panganib sa kanya? O magaya siya sa kahindik-hindik na nangyari sa ating poor-sweet-little Taylor?” Tanong ng isang lalakeng naka tayo mula sa gitna ng isang stage, habang mula sa likuran niya ay ang isang napakalaking TV monitor na kung saan makikita ang dalagang si Diana na dahan-dahang nilalakbay ang kwebang kanyang biglaang nadiskubre. The man serves like some kind of host...
Habang sa harapan naman no'ng lalake ay ang napakaraming mga taong nakasuot pa ng mga magagara at kumikinang-kinang na mga gown at suits... Sa unang tingin palamang ay makikita mo nang mayayaman ang mga ito.
Walang ibang makikita sa mga taong ito kundi ang mga ngiting nagpakakurba mula sa kani-kanilang mga labi.
At wala ring ibang maririnig mula roon kundi ang mga paghalak-hak at mga sigaw nito...
“9 million, she's gonna die!” Sigaw ng isang matandang lalake, sabay na malakas pang tumawa.
“She's a strong willed woman who would do anything para lang makita ang baby brother niya. I have a feeling na magtatagal pa yan,” sabi naman ng isang mayamang babae, sabay na nag-sip pa mula sa champagne na nasa baso niya...
“Eh yan din ang sabi mo doon kay Taylor eh! Asan na 'yong manok mo ngayon? Ni-letchon na!” Wikang muli no'ng matandang lalake, at muli lang ding napatawa, dahilan upang mapailing-iling nalamang dito iyong babae.
Maya't-maya ay muling nagsalita iyong host...
“Well, folks... Ika nga sa kasabihan, ‘to live is to suffer, but to survive is to find some meaning in suffering!’ Kaya, dalawang choices lang ang pwedeng mapagpilian ngayon ni Diana at ng iba nating mga pinakamamahal na players. It's either they're gonna be suffering a painless death, or they're gonna experience painful way of living,” monologong wika pa nito, dahilan upang maghiyawan naman ang mga manonood na nakapalibo mula sa wari ba'y isang high-tech-closed arena...
“Now sit back and relax, because what we're about to see next, are going to be beyond our wildest expectations!”
“Keep your guards up, hold on to your seat and fight for your players at the end of the line...”
“Because the real game's just about to start...”
Sa huling sinabing iyon ng host ay muling ipinakita mula sa monitor ang mga mukha ng lahat ng mga nabubuhay pang plane crash survivors mula sa isla...
Buong pag-aakala nila'y normal na aksidente lamang ang nangyari...
What they don't know, is that something's been happening behind the scenes all along...
And turned everything into a game...
T o B e C o n t i n u e d . . . . . .
~•••••~
CHAPTER CHARACTERS:
~~~
Velma Asuncion
Nate Gladwin
Missy McTaggert
Lelandra Perez
Cody Perez (no lines)
Yuna Nakajima
Penelopé Mendes (death)
Markus Narcismo
Percival Holmes
Sophia Adante (no lines)
The Giant Spider
Jackson Hedalgo
Raine Arkanghel
Wanda Addams
Major Gatdula
Sister Althea Curtis
Trevor Pryde
Duncan Hanes
Ashley Carolina
Cassandro Esposito
Troy Balten (first appearance)
Selena Chomez
Gibson Guyser (first appearance, no lines)
Florence Steinfeld (first appearance, no lines)
Albert Narsigan (first appearance, no lines)
Illyana Santos
Stanley Lim
Ffleuderlyn the Goat (name changed to “Tabitha”)
Diana Arkanghel
The Host (first appearance)
The Rich Old Man (first appearance)
The Rich Woman (first appearance)
The Rest of the crowd (first appearances)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top