Chapter 6: The Damned

“Masama 'to! Ano nang gagawin natin ngayon?!”

“Mamatay na ba tayong lahat?!”

“Kailangan na nating makaalis dito!!”

“Pakiusap! Hindi maaaring mangyari 'to! Ayoko pang mamatay!!”

“Somebody please, do something!!”

Iyon lamang ang mga sunod-sunod na maririnig sa mga taong ngayo'y kasalukuyan nang nagtipon-tipon sa may malayong bahagi ng pangpang, matapos ang biglaang mga nangyari...

Puro mga walang humpay na pagpapanik, mga malalakas na iyak at nag-uumapaw na takot lamang ang masisilayan mula sa mga mukha ng mga ito...

Halos hindi na mapakali ang bawat isa sa kanilang naroroon dahil sa mga sunod-sunod na nangyari sa kanila.

Ngunit imbis na magpadala sa pagpapanik na ginagawa no'ng iba ay pilit lamang na pinatigil at pinakalma ni Major ang mga taong naroroon, kahit na maging siya'y gusto na ring mapasigaw, lalo na't isa sa kanyang mga kasamahan at kaibigan ang bigla nalamang napaslang mula sa harapan niya kani-kanina lamang.

Si Walter...

“Ano ba?! Pwede ba kumalma lang kayong lahat?!” Ma-otoridad na bulyaw ni Major sa mga kasama.

“H--Hindi mo ba nakita ang nangyari?! Kinain no'ng halimaw na 'yon iyong lalake kanina kahit na wala na tayo sa tubig! Ibig sabihin, may posibilidad na pwede pa rin tayong ma-isa-isa no'ng bagay na 'yon!!” Sunod-sunod na bulyaw no'ng nagpapanik pa ring lalakeng si Cassandro...

“T--Tama siya! What if bigla nalang tayong habulin nong halimaw na 'yon mula sa lupa?! Ano nang gagawin natin?!” Halos mag-hysterical namang wika no'ng dalagang si Ashley.

Dahil dito'y napahinga nalamang naman muna ng malalim si Major, at muling pinatahimik ang mga kasamahan.
“Wala tayong ibang magagawa kung magpapadala lamang tayo sa takot! At mas makakadagdag lamang sa mga problema natin kung patuloy lamang kayong magpapanik! Ang kailangan natin ngayon, ay solusyon at kooperasyon!” Aniyang muli, acting like a true leader.

“K--Kung gano'n... Anong maisa-susuhestyon mong magagawa natin?!” Muling tanong sa kanya ni Cassandro...

Dahil sa naging tanong na iyon no'ng lalake'y mga ilang segundo naman munang hindi nakapagsalita si Major...

He took another deep breath, and then spoke...

“Maghintay tayo...” sagot niya. Bagay upang agarang ikinataka naman iyon no'ng iba...

“Maghintay?” Hindi maintindihang naitanong no'ng ginang na si Tori...
“Teka lang, sir, pero ano ho bang ibig niyong sabihin? Talaga bang maghihintay nalang tayo sa islang 'to hanggang sa dumating na 'yong mga rescuers? May alam ba kay sa kung nasasaan tayo?! At papaano nalang kung may iba pang mga halimaw na kagaya no'n na nagtatago sa islang 'to!!” She asks...

“At ano naman ang gusto mong gawin natin? Bumalik sa kadagatan? Lumangoy pabalik doon sa lungga no'ng halimaw para maging dagdag sa koleksyon mula sa kanyang tiyan?” Pabalang na naisagot nalamang ni Major, mahahalatang kanina pa ito naiinis sa lahat ng mga nangyayari.

Dahilan upang magsitahimikan nalamang iyong ibang mga naroroon...

“Wala tayong ibang magagawa. Kapag pumalaot tayo, maaari pa rin tayong mabiktima ng kung ano mang nilalang na iyon. Wala rin tayong kaalam-alam sa kung anong klaseng isla ba ang kinatatayuan natin ngayon, pero basta pasalamat nalamang tayo't bumagsak ang sinasakyan nating eroplano malapit sa lupa. Dahil kung hindi, we're all already dead hours ago. Either drowned, drifted through the deep, or eaten,” monologong wikang muli ni Major.

Mayamaya nama'y bigla nalamang naiilang na nagtaas ng kanyang kamay ang dalagang si Illyana, dahilan upang kaagad na mapatingin naman sa kanya si Major...
“Uhh... Pe--Pero... Pa--Papaano ho ba kung...”

“Kung puntahan tayo no'ng halimaw?” Agarang pagsabat ni Major sa kanya, dahil mahahalatang alam niya na kung anong sunod na mga sasabihin nito.
“Nakita niyo naman ang nangyari kanina diba? Inatake no'ng halimaw na 'yon si Walter dahil nasa malapit na bahagi siya ng dagat. Wala pa tayong malawak na kaalaman sa nilalang na 'to, pero base sa naging obserbasyon ko, pantubig lamang siya,” aniya pa. “It only attacks people when they're near the water.”

“S--So... We're safe, right?” Ashley asks.

“Sa ngayon, oo,” wikang muli ni Major.

“S--Sa tingin ko, mas makakabuti siguro kung mag-camp na muna tayo pansamantala,” suhestyon ng dalagang si Brittany.
“Luckily, may mga lamang malalaking tents ang nahanap naming ibang mga bags kanina, some also have foods, clothing and some other more stuff na maaaring makatulong sa'tin,” aniya pa.

“Tama. At mag-gagabi na rin,” aning muli ni Major. “That means we're gonna need everything. Basta magtulungan lang tayo. Makakaalis din tayo sa isla na 'to,” aniya pa.

“Gaano katagal ba tayo mananatili rito?” Tanong muli no'ng lalakeng si Cassandro.

“Uhh... wag ho kayong mag-alala. As long as the rescue arrives,” sabing muli ni Brittany.

If they arrive...”
Bulong naman sa kanyang sariling wika ni Trevor... Bagay na narinig naman ng katabing si Illyana...

Mayamaya'y lumapit naman ang binatang si Duncan mula kay Major.
“Uhh... Boss... Eh 'yong kalahating bahagi no'ng eroplano... 'Yong head section... I mean, hindi ho ba tayo susubok na hanapin sila? Baka lang naman kasi may mga possible survivors pa rin doon," aniya. “May mga kaibigan din ho kasi kaming naroroon eh...”

“Ako rin ho! 'Yong asawa ko, nandoon din!” Sabi naman no'ng isa sa mga matatandang lalakeng naroroon.

“Yong kasama ko po, nandoon din! Some of them are probably still alive! At sa palagay namin eh nasa kabilang bahagi sila ng islang 'to!” Ani naman ng isang babae.

Dahil dito'y muling napahinga naman ng malalim si Major...
“Wag kayong mag-alala. Susubukan din natin silang hanapin bukas na bukas din ng umaga. Hindi tayo nakakasiguro kung hanggang kailan tayo mananatili rito, kaya, we'll need everyone we can gather. At kailangan din nating suriin ng mas maigi ang islang 'to. Kailangan nating mas maging mapagmatyag. Dahil may mga posibilidad na... Maaaring hindi lang tayo ang naririto...” Aniya pa.

At nang dahil naman sa huling sinabi niya'y muling nabalutan ng nakakaginaw na katahimikan ang kanilang grupo...

“Uhh... I'm sorry po ah. Pero... Ano ho bang ibig sabihin niyo 'ron?” Muling naitanong dito ni Ashley.

Dahil dito nama'y seryosong napalingon mula sa kaloob-looban ng gubat ng isla si Major. Maiging tinititigan ang bawat madidilim na mga sulok nito. Dahil sa kanina niya pang napapansing kakaibang nararamdaman.

Isang pakiramdam na... Warai ba'y kanina pang may mga matang nakamatyag sa bawat mga galaw nila.

“Sigurado akong hindi tayo nasa iisang normal na isla lamang,” aniya pa...

+++

“Taylor~”

“Taylor...”

“Tay...lor~”

Mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog ay bigla nalamang dahan-dahang naaalimpungatan ang dalagang si Taylor, at unti-unting nagigising dahil sa kung anong kanina pang bumubulong sa kanya...

Masyado itong napakahina...

Iyong boses na kanina pang bumubulong sa kanya ay paulit-ulit na binibigkas ang kanyang pangalan...

At sa kaparehong bagay, ito rin ay masyadong maginaw sa pakiramdam...

“Tay~lor..."

Muling narinig ng dalaga.

Dahilan upang tuluyan na nga siyang magkamalay mula rito...

“Y--Yaya... Alas syete na ba?”
Unang mga salitang naibigkas ni Taylor, sa pag-aakalang nasa loob lamang siya ng kanyang sariling kwarto...

Ngunit nang tuluyan niya nang maibukas ang kanyang mga mata't mapalinga-linga mula sa buong sulok ay doon niya lamang napagtantong hindi pala siya nasa loob ng kanyang kwarto.

Bagkus ay purong mga kakahuyan at kadamuhan lamang ang sunod na sumakop mula sa kanyang mga paningin.

At ang mas ikinagulat pa ng dalaga ay nang mapansing nakatiwarik pala siya, at nakabitay sa isang puno, habang nakaupo pa rin mula roon sa kanyang upuang humiwalay kanina mula sa sinasakyan nilang flight... Tanging iyong nakakabit na seatbelt lamang ang hanggang ngayo'y mahigpit na kumakapit pa rin sa kanya, upang hindi siya mahulog...

Bahagyang napasigaw nalamang sa gulat, takot at pagkagimbal sa kanyang sitwasyon ang dalaga. Mahahalatang hindi pa rin maintindihan ang mga nangyayari.

“Tu... Tulong! M--May tao ba riyan?!” Sinubukan niyang sumigaw upang humingi ng tulong... Ngunit kahit saan man siya lumingon ay wala siyang may makitang kahit na sino...

Walang ibang tao roon kundi siya lamang mag-isa.

Bagay upang mas mabalutan lamang ng takot si Taylor.

“No, no, no, no, no... This... This can't be happening!” Nagsimula na siyang magpanik at umiyak... “Please! I--Illyana! Duncan! Missy! Nate! So--Somebody! Anybody! Help me!!” She cried and cried... But unfortunately, nobody can hear her...

Not even her friends...
“Trevor! Velma! Guys!” Sigaw niyang muli...

Mayamaya naman ay sinubukan ni Taylor na i-uyog ang kanyang inuupuan... Gusto niyang makawala rito, lalo na't unti-unti na siyang nakakaramdam ng hindi maganda, dahil kanina pa siya nakatiwarik.

A minute later ay napakapa naman siya mula sa seatbelt na hanggang ngayo'y nakakabit pa rin sa kanya, at dali-dali niya namang in-unlock ito, bagay na kaagad namang pinagsisihan ni Taylor, dahil agad siyang nahulog at humagalpak mula sa may lupa dahil dito.

Mabuti nalamang talaga't hindi na iyon gaanong mataas, kaya nama'y kaunting galos lamang ang kanyang natamo nang mahulog siya rito...

“A--Aray...”
Tanging mahinang naisambit nalamang ni Taylor, at mariing napahawak mula sa kanyang leeg, habang dahan-dahang tumatayo.

Agad naman siyang napalinga-linga mula sa kanyang buong paligid, at talaga ngang nasa isang hindi niya makilalang kagubatan na nga talaga siya...

Sa mga oras na iyon ay walang ibang nararamdaman si Taylor kundi ang matakot.

Lalo na't isa lamang siya't walang ibang kasama.

Kinapakapa niya rin mula sa bulsa niya iyong kanyang cellphone, nagbabakasakaling magagamit niya ito upang makontak iyong mga kaibigan niya, o ang mismong mga magulang niya, ngunit gayon nalamang ang kanyang panlulumo nang wala siyang may makapa mula rito...

Marahil ay humiwalay ito sa kanya no'ng mangyari iyong aksidente't mahulog siya mula sa kung nasaan man siya ngayon...

She doesn't know what to do...

Gusto niyang umiyak ng todo ay maglupasay mula sa lupa na parang bata dahil sa hindi niya maintindihang nararamdaman ngayon, ngunit alam niyang hindi ito makakatulong sa kanyang makaalis sa lugar na ito.

Kaya nama'y kahit walang kaalam-alam sa gagawin niya ang dalaga ay dahan-dahan nalamang siyang naglakad papaalis mula roon...

Mataimtim pa niyang nililinga-linga ang buong sulok ng lugar na kanyang mga dinaraanan. Binabantayan ang bawat sulok, dahil natatakot siya na baka may kung anong umatake nalamang sa kanya bigla...

Lalo na't wala siyang kaalam-alam sa lugar na kinaroroonan niya.

For all she know, there might be wild animals lurking. Like poisonous snakes, lizards, tigers, lions, bears, deadly bugs... Or worse... Mga taong maaaring manakit sa kanya. Maging mga ligaw na ispirito, halimaw, aswang at aliens ay sumagi rin mula sa kanyang isipan.

Masasabi niya nga talaga ngayong...

Anything is possible, when you're in the middle of the unknown...

Habang dahan-dahan at paika-ikang naglalakad naman palayo ay hindi alam ni Taylor na kanina pa pala may pasekretong nakatingin sa kanya.

May malawak pa itong mga ngiti mula sa kanyang labi, na wari ba'y mas nasiyahan lamang nang makitang gising na ang kanina niya pang pinagpapantasyahan...

+++

Mula sa may di kalayuang bahagi ng may pangpang, ay makikita ang binatang si Stan...

Tahimik lamang itong nakaupo, habang deretso pa rin ang mga tingin mula sa may malawak na kadagatan...

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nito matanggap ang nangyari sa kanyang kakambal na si Walter...

Nguhit gustuhin niya mang sugurin ito mula sa dagat, ay alam niyang wala na siyang iba pang magagawa, dahil nasawi na ito mula sa mismong mga bibig no'ng halimaw na kamuntikan na ring kumain sa kanila...

If he went after it without thinking, he's afraid that he's only going to be just another casualty...

Hindi naman mapigilan no'ng flight stewardess na si Brittany ang maawa roon sa binatilyo. Paminsan-minsan ay napapatingin siya rito habang abala sila sa pag-aayos ng pansamantala'y gagawin nilang shelter, habang hindi pa dumadating ang tulong.

Mabuti nalamang talaga at may mga nahalungkat silang iilang mga tent mula roon sa mga bagaheng kanilang nahanap na nagkalat sa isla, at nasa malapit lamang sa may ibabaw na parte ng dagat kanina, with some few food to eat too... Kaya for now, masasabi nilang magiging okay pa sila.

Wag lang sana silang abutin ng mas matagal pa sa islang ito...

“Uhh, miss?” Kinuha ni Brittany ang atensyon ni Vienna, na ngayo'y tumutulong din sa kanila, kahit na mahahalata mula sa mukha nito na kakagaling lamang ito sa pag-iyak. Agad naman itong napatingin sa kanya.

“Yeah?” Vienna sniffs.

“Uhh... Hindi niyo ba pupuntahan 'yong kaibigan niyo?” Naitanong ni Brittany kay Vienna.

“Si... Si Stan?” Vienna asks. “Uhh... Don't worry too much about him,” aniya. “Magiging okay lang din siya. Kinausap na namin siya kanina. We tried our best para mapagaan ang loob niya, but... Sabi niya, gusto niya raw munang mapag-isa,” aniya pa.

“I--I'm really sorry... Tungkol sa... Nangyari sa kaibigan niyo,” ani pa ni Brittany.

Napatango na may pilit na mga ngiti mula sa kanyang labi nalamang dito si Vienna. “It's okay,” aniya. “Wala namang may kasalanan sa nangyari. Lahat tayo mga biktima lang sa nangyaring insidenteng 'to. Some of us are just really lucky to be alive,” wika niya pa, bagay upang bahagyang mapahinga nalamang dito si Brittany...

“Pero... Hindi ba delikado?” Muling tanong ni Brittany.

“Huh?” Nakakunot na bigkas naman ni Vienna.

“I--Ibig kong sabihin... Like... What if bigla nalang siyang sumulong sa tubig? Si... Stan. Kagaya no'ng... Kamuntikan nang gawin ni Ms. Jonesy kanina...” Aning muli ni Brittany.

Umiling-iling naman si Vienna dahil dito bilang sagot...
“Wag kang mag-alala,” sagot niya, “He isn't gonna do that. He only look stupid, pero... Hindi siya gagawa ng isang bagay na ikakapahamak niya. He's just currently devastated. And he's mourning his brother's death. But, alam kong magiging matatag siya para sa sarili niya. Dahil alam niyang mas gugustuhin din ng kapatid niyang makikita siyang malakas. And besides, kung gawin niya man talaga 'yon... Then, we can always count on Major to do the rescue!” Muling wika ni Vienna, sabay na pilit pang ngumiting muli.

Dahil dito'y isang beses na napatango nalamang si Brittany, sabay na napangiti rin, at pagkatapos ay muling napalingon doon kay Stan...

“Eh, si Rory, kamusta na nga pala siya?” Tanong naman ni Vienna kay Brittany, bagay upang muling mapabalik ng kanyang tingin si Brittany mula kay Vienna.

“Oh, he's... He's doing fine na, thanks be to God,” sagot naman ni Brittany.
“Although, hanggang ngayon medyo parang shocked pa rin siya dahil sa lahat ng mga biglaang pangyayari,” aniya pa.

Bagay na ikinasang-ayon naman ni Vienna.
“Yeah. I mean... Aren't we all?”

+++

Habang tahimik lamang na nakatitig mula sa kadagatan si Stanley ay kaagad siyang napapahid mula sa kanyang mukha nang maramdaman niyang may isang patak na butil ng luha ang kumawala mula sa kanyang kaliwang mata...

“Pasensya ka na bro ah? H--Hindi kita kaagad na natulungan...”
Wika pa ni Stanley sa sarili, habang nakatitig pa rin sa malayong parte ng dagat. Kinakausap ang kanyang nasawing kapatid, at mahahalatang nagpipigil lamang sa pag-iyak...

“Tayo-tayo nalang 'tong magkasama eh, hindi pa kita naprotektahan,” aniyang muli at pagkatapos ay hindi niya na talaga napigilan pa ang kanyang sarili't bigla nalamang siyang napaiyak.

Ngunit dahil dito'y sunod-sunod niya naman iyong pilit na pinahid gamit ang kanyang mga palad...

Mayamaya naman ay may naramdaman siyang isang bagay na parang tumabi sa kanya...

Kaagad siyang napalingon mula sa kanyang kaliwa upang tingnan kung sino ito, ngunit bumungad sa kanya ay iyong kambing na nakita niya kanina...

Tumabi ito malapit sa kanya, at inihiga pa ang ulo nito mula sa kanyang binti, bagay na bahagyang ikataka iyon ni Stanley.

Ngunit mayamaya'y parang naintindihan niya na ito...

Marahil ay pareho sila ng kasalukuyang nararamdaman...
“Kung hindi ako nagkakamali... Ikaw 'yong alagang kambing no'ng englisherang babae 'no?” Aniya rito...

Meheh...” tipid na inihuni naman no'ng kambing...

Dahil dito'y bahagyang napangiti nalamang si Stanley, at hinimas-himas ang ulo no'ng hayop.

He took a deep breath.
“Your owner was really hot, you know that?” aniya. “And I'm sorry she got clapped off by that sea bitch though. Pareho sila sa nangyari sa kapatid ko,” pagpapatuloy niya pa.
“The only good thing is... Atleast both of them ain't gonna be dealing with whatever shit's happening to us anymore...”

+++

Mula sa may di kalayuan ay makikita ang tatlong magkakaibigang sina Trevor, Duncan at Illyana, na kasalukuyan ding nag-aayos ng kanilang tent...

Kasama rin nila ang dalagitang si Charlotte, na ngayo'y kakapatulog palamang ni Illyana.

Hinalikan niya pa ang noo nito, at pagkatapos ay napangiti rito.

Dahil kasi sa kanya'y naalala nalamang bigla ni Illyana ang kanyang sariling kapatid, na kasing-edad lamang din ni Charlotte.

She misses her family more than ever. But she choose to stay quiet about it instead of sulking and causing much drama, dahil alam niyang hindi lamang siya ang nakakaramdam nito.

Lahat silang naroroon. They all misses their family, they all misses being home, and they all misses being at a safe place and a safe environment.

Hindi kagaya ng nangyayayari sa kanila ngayon.

Too much horror... Too much disaster... Too much chaos...

Too much death...

At ngayon ay masyado pa siyang nag-aalala sa kung nasaan at ano na nga ba ang nangyari sa apat niya pang mga kaibigang sina Taylor, Nate, Missy at Velma...

“Tulog na ba siya?” Natanong ni Duncan kay Illyana, nang matapos na sila sa pag-aayos ng kanilang tent.

Tumango-tango naman si Illyana bilang sagot. “Oo. Hindi talaga siya makatulog kanina dahil nag-aalala siya sa kung ano na ang nangyari sa mga magulang niya. Pero... Sinabi ko nalang sa kanyang magiging okay lang din ang lahat, at makikita niya rin sila,” aniya pa.

Ngunit dahil sa sinabing ito ni Illyana ay napansin niyang bigla nalamang malungkot na napatamo si Duncan.

“Bakit?” Takang naitanong ni Illyana...

“Nakakalungkot mang sabihin, pero... Illyana, sa tingin ko... Wala na ang mga magulang ni Charlotte,” sabi pa ni Duncan, bagay na bahagyang ikagulat at ikalungkot din naman ni Illyana.

“B--Bakit?”

Duncan took a deep breath..

“Nang makita ko kasi si Charlotte, palutang-lutang siya sa isang plank, kasama ang dalawang adult na lalake at babae. They were hugging her. And I assumed na those were her parents,” pagkukwento pa ni Duncan.
“Pero... I checked all of their vitals and... They were already gone. Tanging si Charlotte nalamang ang napansin kong may pulso pa. Kaya siya nalang din ang sinubukan kong iligtas. Illyana... Her parents died protecting her,” dahil sa huling sinabi naman ni Duncan ay mas nakaramdam lamang ng lungkot dito si Illyana, at muling napatingin sa ngayo'y tulog nang si Charlotte...

Dahil dito nama'y napahinga nalamang ng malalim ang kanina pang tahimik at seryoso na si Trevor.
“Wala na tayong ibang magagawa pa,” aniya, dahilan upang mapatingin naman sa kanya ang mga kaibigan.
“Nangyari na ang nangyari eh. Kakailanganin ni Sharlene na magpakatatag para sa sarili niya. We all do,” aniya pa.

“Uhh... I--It's Charlotte,” pagtatama pa ni Illyana sa pangalan ni Charlotte, dahil Sharlene ang pagkakabigkas dito ni Trevor.

Napairap nalamang naman dito si Trevor.
“Whatever!” At pagkatapos ay lumabas na muna ng tent nila upang magmuni-muni.

Dahil dito nama'y parehong nagkatinginan nalamang sa isa't-isa sina Illyana at Duncan, at bahagyang napangiti ng mahina...

“Looks like some things just never change,” naiwika pa ni Duncan.

Dahil dito nama'y muli lamang na sumagi pabalik sa isipan ni Illyana ang apat pa nilang mga kaibigan.

Sina Nate, Missy, Velma at Taylor...

Kung naririto lamang kasi sana sila'y alam niyang, despite of the sudden occurrences, ay magiging masaya pa rin sila. Atleast kasi, magkakasama sila...

“Duncs?” Muling bumalik sa pagiging seryoso at bahagyang nanlulumo niyang mukha si Illyana, at tinawag ang pangalan ni Duncan...

“Hmm?” Duncan responded...

“About kina Taylor, Velma, Missy at Nate... Sa... Sa tingin mo ba talaga... Na ayos lang sila?” Tanong niya pa rito, bagay upang maging hesitante naman muna sa pag sagot dito si Duncan...

Ngunit napahinga nalamang siyang muli, at pilit na ngumiti sa harapan ng kaibigan upang makumbinsi itong talagang magiging ayos lang ang lahat.
“I'm sure they're gonna be fine,” sagot ni Duncan. “Kilalang-kilala na natin 'yong mga 'yon! They'll do anything to stay upbeat! Matatatag silang mga tao. Kaya, sigurado akong walang may mangyayari sa kanilang masama,” aniya pa.

Dahilan upang bahagyang mapangiti nalamang din dito si Illyana...

“Tama ka...” aniya pa...

+++

Mula sa kabilang dako ng isla naman, ay makikita ang dalagang si Taylor na hanggang ngayon ay palakad-lakad pa rin mag-isa, at walang ibang kasama.

Paika-ika pa rin siya, at ngayo'y mahigpit nang nakayakap sa sarili, dahil na rin sa sobrang ginaw na kanyang nadarama...

Makikita ring nanginginig na itok, hindi lang dahil sa malamig na pakiramdam, kundi dahil pati na rin sa kanyang nararanasang takot.

Hindi niya maiwasang hindi mabahala mula sa buong paligid, lalo na't malapit na ring dumilin, at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang may nakikitang kahit na sino, o kahit na ano. Bagay upang tumindi lamang ang kanyang pagkabahala.

Ngunit gayon pa man, sa kabila ng kanyang literal na pag-iisa, ay pakiramdam ng dalaga'y kanina pang may mga matang nakaaligid sa kanya...

Mayamaya naman mula sa paglalakad ay bigla nalamang natisod si Taylor, dahilan upang matumba nanaman siya mula sa lupa sa pang sampung pagkakataon...

She moaned in pain, lalo na't kanina pa nagagasgasan ang maselan niyang balat...
“Araaay,” naiiyak na nasambit ng dalaga habang nakadapa, at pagkatapos ay nanghihina at dahan-dahan nalamang ding tumatayo...

Napatingin siya mula sa kanyang mga braso at binti, at makikitang puno na nga iyon ng mga galos, sugat at maging mga rashes.

Talagang hindi na makayanan pa ni Taylor ang maglakad sa lugar na 'to mag-isa. Gusto niya, na kung ito'y panaginip lang ay sana'y magising na siya.

“Lintek na vacation 'to!” Bulyaw ni Taylor sa sarili.

Mayamaya naman ay may narinig siyang mga kaluskos mula sa buong paligid niya, dahilan upang muling i-pokus ni Taylor ang kanyang mga mata sa buong sulok...

“M--May tao ba riyan?!” She asked out of the blue, kahit na hanggang ngayo'y nakakaramdam pa rin ng matinding takot...

Inilinga-linga niya ang kanyang mga mata mula sa buong paligid, but she still saw nothing...

Hanggang sa mayamaya'y muli siyang napatingin mula sa kanyang likuran, at doon lamang bahagyang nagulantang si Taylor, nang may makita siyang tao mula rito...

Bagay na sobra niya namang ikinataka...

Sa palagay niya pa'y isa itong bata.

Hindi niya maklaro ang mukha nito, kasi nakatalikod ito mula sa kanya, habang nakaupo mula sa lupa, na para bang may kung ano-ano pang kinakarga...

Taylor is spooked, but at the same time, relieved. Kahit halos mag-iisang oras na siyang walang may nakikitang tao rito, and at last ngayon, meron na!

“Uhhmm... Li--Little girl?”

Sinubukan niyang tawagin iyong bata, ngunit hindi siya nito nililingon...

“Little girl, ayos ka lang? May iba ka pa bang mga kasama?” She asks again, ngunit hindi talaga ito lumilingon sa kanya.

Sa puntong iyon ay napahinga nalamang ng malalim si Taylor, at napagpasyahang lapitan iyong batang babae...

Dahan-dahan siyang lumalapit mula rito, still trying to communicate with her.

“Sweetie? If you don't mind me asking... G--Galing ka rin ba roon sa plane?” She asks. “May iba ka pa bang mga nakitang survivors? O--Or... Is it really just you?” Palapit na siya nang palapit doon sa batang babae, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga siya nitong nililingon at sinasagot.

Bagkus, ay nang nasa malapit na si Taylor, ay bigla nalamang itong may kinanta...

Mahina ang pagkakakanta nito. And there were no words, just humming... Na para bang naghehele ito ng isang baby.

Because of the sudden action, Taylor couldn't help but to feel a little bit creepy around the kid.

Ngunit imbis na umatras ay muli lamang na tinawag ni Taylor iyong bata, sabay na tinapik pa ang balikat nito...

“Bata, sumagot ka naman oh,” aniya.
“K--Kailangan nating makahanap ng ibang tao para—”

Bahagyang natigilan sa kanyang sana'y mga sasabihin si Taylor nang bigla nalamang tumayo iyong bata.

“Uhh... S--Sweetie?” Taylor recalls...

Nakita niya namang dahan-dahang lumilingon sa kanya iyong bata, habang patuloy pa rin sa pagkanta...

At mayamaya lamang, nang tuluyan na nga itong makaharap sa kanya ay gayon nalamang ang lubusang pagkagimbal ni Taylor nang makita iyong dala-dala no'ng bata...

Isang pugot na ulo ng isang babae...

“W--What the... H--Heck??" Gulat na naibulong nalamang ni Taylor sa sarili.

But what surprised her the most is when the little girl suddenly just poked one of the head's eye out... Eating it so deliciously, wearing a sinister smile on her face, like she was just eating some kind of candy...

Dahil dito'y mas nakaramdam lamang ng sobrang takot at panginginig mula sa buong katawan niya si Taylor...

Sa sobrang panginginig ay halos parang segundo nalang ay hindi nanamang muling kakayanin pa ng kanyang mga binti ang manatiling nakatayo roon.

Kaya nama'y dahan-dahan siyang napapaatras.

Paiwas mula roon sa batang babae, na ngayo'y tawa na nang tawa, habang patuloy pa rin ang pag kain doon sa hawak-hawak niyang pugot na ulo, na para bang isa lamang itong mansanas...

Tatakbo na rin sana ang dalaga paalis, ngunit nang lilingon palamang sana siya'y bigla nalamang siyang may nakabanggaang isa pang tao...

Ngunit kasabay rin nito ay ang nag-uumapaw na sakit na bigla niya nalamang naramdamang mula sa kanyang tiyan...

Ramdam niya rin ang isang napakatalim na bagay mula rito, dahilan upang dali-dali siyang muling mapaatras, at agad na mapatingin mula sa kanyang sikmura.

And she was right.

She have been stabbed...

Muli siyang napatingin doon sa taong nakabanggaan niya, and this time... She saw a half naked grown man twice her size.

Napakarami nitong mga tattoo mula sa buong katawan, at piercings hindi lang sa taenga, kundi pati na rin sa mukha nito.

Clearly, this man is not from the plane.
Rather... Is a native on this island.

At unang sumagi sa isipan ni Taylor ay maaaring isa itong cannibal.

Dahilan upang subukan niyang muling tumakas, despite of her stabbed stomach. Ngunit nang tatakbo na sana siya mula sa kabilang dereksyon ay muli lamang may isa pang taong sumalubong sa kanya mula roon.

Hanggang sa mayamaya'y, napansin ng dalagang bigla nalamang dumagsa ang mga tao mula rito.

At lahat ng mga ito'y kapareho noong unang lalakeng nakita niya kanina...

“Si--Sino kayo?!” She panicked, still holding her stab wound really tight, to prevent it from bleeding. But that alone is already making her feel so numb.
“Lu...Lumayo kayo sa'kin!!” Sigaw niya sa mga ito, ngunit patuloy lamang ang pagsilapit nito sa kanya...

Mayamaya naman ay muli nanaman siyang nakaramdam ng matinding sakit mula naman sa may tagiliran niya...

At pagkatingin niya mula roon ay may isang babae ang bigla nalang palang sumaksak sa kanya ng isang mahabang spear. At mas tumindi lamang ito nang pwersa iyong tinaggal muli mula sa kanyang tiyan.
“Di--Diyos ko po!” Naibulalas nalamang bigla ni Taylor, at napasuka ng dugo.

She then saw an opening, at tatakas na sana siya mula roon, ngunit natigilan siya nang muli nanaman siyang makaramdam ng matulis na bagay na bumaon mula naman sa kanyang likuran...

As she suffered in pain, all she can hear and see through the people's faces are nothing but laughter and enjoyment.

Na para bang nasisiyahan lamang ang mga ito habang ginagawa ang kahindik-hindik na bagay na iyon mula sa kanya...

“P--Pakiusap... Ta... Tama na!” Pagmamakaawa niya sa mga ito, at muli nanamang bumulwak ang napakaraming dugo mula sa kanyang bibig.

But instead of listening, mas ginanahan lamang dito iyong mga kanibal, at ipinagpatuloy lamang ang pagsasaksak kay Taylor mula sa kanyang buong katawan...

At that moment, all Taylor could feel was nothing but pain...

Pure eternal pain..

It was like... She wasn't a human being anymore. But a pig that's being slaughtered in the most horrifying and painful way...

She can hear their laughter...

She can see their smiles...

She can feel their pleasure for killing...

There was no remorse...

No sign of pity...

Just evil...

Pure evil...

+++

Mula sa may di kalayuan naman sa mismong itaas ng isang puno ay makikita ang binatang si Meadow na mariing nakatakip mula sa kanyang bibig, pinipigilan ang sariling hindi makasigaw o makagawa ng kahit na anong ingay...

Sa puntong iyon kasi ay wala siyang ibang maramdaman kundi ang purong takot at pagkagimbal sa kanyang biglaang nasaksihan nang siya'y magkamalay...

Hanggang ngayon kasi ay naka-seatbelt pa rin siya mula sa kinauupuan niya roon sa plane, na mahahalatang kagaya no'ng kay Taylor ay bigla ring humiwalay sa mismong eroplano, at lumanding sa isang puno...

At unang bumungad sa kanya ay ang kung ano mang nangyayari ngayon kay Taylor...

Hindi siya makapaniwala rito, at wala rin siyang kaalam-alam kung ano na nga ba ang nangyayari, o kung nasaan na nga ba siya, lalo na't kakagising niya pa nga lang.

But he does know one thing...

One bad move... And he's probably gonna be next!

“Sh--Shoot!”
Mayamaya lang ay bahagyang nagulantang si Meadow nang maramdaman niyang bigla nalamang umuga ang kanyang kinauupuan...

At dito niya lang naramdamang pahulog na pala siya.

Hanggang sa ilang segundo lang ang lumipas ay bigla nalamang ngang nahulog mula sa pagkakakabit sa puno ang kanyang upuan, dahilan upang agad siyang lumagapak sa lupa...

“You have got to be kidding me!” Naibulalas nalamang bigla ni Meadow, dahil alam na alam niyang nakagawa iyon ng napakalakas na ingay...









T o B e C o n t i n u e d . . . . . . .


















Chapter Characters
(In order of appearance)

~•••~

Several unnamed survivors
Major Gatdula
Cassandro Esposito (first appearance)
Ashley
Tori (first appearance)
Illyana Santos
Trevor Pryde
Duncan Hanes
Taylor Preston (death)
Chi'Chi (first appearance)
Stanley Lim
Brittany Locsin
Vienna Buenavista
Ffleuderlyn the Goat
Charlotte Espuerza (no lines)
Tarok (first appearance)
Other unnamed cannibals (first appearances)
Meadow Cajustin (status unknown)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top