Chapter 5: The Isle

“Missy.... Missy, gumising ka... MISSY!”
Isang napakalakas na pamilyar na sigaw ang sunod na narinig ng dalagang si Missy, habang siya'y nasa kanyang mahimbing na pagkakatulog...

Unti-unti niyang iminumulat ang kanyang mga mata, at dito lamang siya nakakaramdam ng mga mumunting kirot mula sa buong katawan niya...

“A--Aray...” Naisambit nalamang ni Missy, sabay mariing napahawak mula sa kanyang noo dahil sa sakit na bigla niyang naramdaman.

Nagtaka naman siya nang may mahipo siya mula rito...

Isang mainit na likido...

Dahil dito'y dahan-dahang tiningnan ni Missy kung ano iyon mula sa kanyang kamay, at dito niya lamang nakitang isa pala iyong dugo, bagay upang lubusang ikataka at ikagulat ito no'ng dalaga...

Dugo?

“Missy, maghulos-dili ka! Kailangan na nating makaalis dito bago sumabog 'tong eroplano!”

Eroplano?

Napalinga-linga naman mula sa buong sulok niya si Missy, at doon niya lamang napagtantong nasa loob pa nga siya ng eroplanong kanilang sinakyan kaninang umaga...

Ngunit hindi na ito katulad no'ng dati.

Makikitang sira-sira na ito, at hati na rin, at halos marami siyang mga taong nakikitang sinusubukan ang lahat makaalis lamang mula roon.

She then looked up straight at the person standing right in front of her...

It was Nate, one of her best friends, at mula sa likuran ni Nate ay karga-karga nito ang walang malay na isa pang kaibigang si Velma...

“Nate...? V--Velma? A--Anong...”

Nasusunog ang eroplano!!”
Sigaw no'ng isa sa mga taong nasa labas na ng aircraft, bagay upang ika-panic naman ito no'ng mga kasalukuyang nasa loob pa.

“Sh*t!” Naibulalas na bulyaw ni Nate.
“Missy, snap out of it and help us get outta here!” Muling pagsusubok na bulyaw ni Nate kay Missy upang mawala na ang bahagyang pag-di-daydream nito, habang pilit na tinatanggal iyong naka-lock nang seatbelt ni Missy, but it won't even bulge!

Dahil dito nama'y maging si Missy ay tumulong na rin, dahil napansin niyang malubha na nga talaga ang sitwasyon, ngunit hindi pa rin talaga nila matanggal-tanggal iyong seatbelt na kumukulong kay Missy...

Mayamaya nama'y may lumapit sa kanilang isang lalake...

“Anong nangyayari?!” Agaran niyang itinanong sa kanya.

“Ayaw matanggal no'ng seatbelt niya!” Sagot naman ni Nate, na mahahalata sa mukhang talagang nagpapanik pa rin para sa kaibigan.

“Leave her to me! Lumabas na kayo rito!" Sabi naman no'ng lalake kina Nate. “At sabihan niyo 'yong iba na lumayo sa may aircraft. Sasabog na maaari na 'tong sumabog nang ilang minuto!”

Makikitang hesitante pa rito si Nate, ngunit makalipas ang ilang segundo ay sinunod niya nalamang iyong lalake, at dali-dali na rin siyang lumabas mula sa loob ng eroplano, habang karga-karga pa rin si Velma, na ngayo'y unti-unti na ring nagkakamalay...

At that moment, Missy was already hyperventilating cause of the intense panicking, ngunit pilit lamang siyang pinapakalma no'ng lalakeng kaharap niya, habang mabilis itong gumagawa ng isang parang kutsilyo. Galing ito doon sa napulot niyang metal na parte mismo no'ng aircraft kanina.

Pilit niyang ginawang pamputol iyon mula sa seatbelt no'ng dalaga upang siya'y makawala na mula rito.

“I--I'm gonna die, aren't I?” Ani ni Missy out of nowhere, still panicking...

“Just calm down miss, makakaalis din tayo rito, everything's gonna be alright,” ani no'ng lalake. “Mind telling me your name?” Tanong niya pa rito, iyon ay upang masubukang mailihis mula sa ibang bagay ang atensyon ni Missy.

“Ano?! Don't you think this isn't the time for introductions?!" Nasabi naman ni Missy muli.

“Ang pangalan ko ay Percival Holmes,” pagpapakilala no'ng lalake.
“I'm an agent, an ex-police officer. And I am here to help you,” aniya pa.

Percival Holmes?

Pakiramdam ni Missy ay narinig niya na ang pangalang iyon kung saan...

Dahil dito'y bahagyang nakaramdam si Missy ng kaunting kaginhawaan...

“M--Missy. My name's Missy. M--Missy McTaggert,” tanging nasagot naman ni Missy... “I--I mean... Actually, it's Misserella McTaggert. Pero ang haba-haba kasi no'ng Misserella. Kaya, Missy nalang for short,” dugtong niya pa.

“McTaggert, huh? So... Kaano-ano mo ang mayor ng St. Louieville?” Muling tanong ni Percival, habang patuloy pa rin sa pagpuputol no'ng seatbelt ni Missy gamit ang kanyang ginawang kutsilyo... Unti-unti na itong humihiwalay. Ngunit sa parehong eksena naman ay mas lumalakas na rin iyong apoy na pumapalibot mula sa ulong bahagi no'ng aircraft. At makikitang halos sila nalamang ang mga natitirang tao mula sa loob.

Others can be seen, but only the deceased.

“H--He happens to be my father,” sagot naman ni Missy kay Percival, bagay upang bahagyang ikagulat ito no'ng binata.

Mayamaya nama'y tuluyan na ngang natanggal iyong seatbelt na kumukulong kay Missy, dahilan upang dali-dali siyang kargahin na parang prinsesa ni Percival, at agad na umalis na mula roon.

Kaagad silang nagtatakbo papalabas no'ng aircraft, at saktong paglabas naman nila'y bigla nalamang iyong nagliyab at sumabog!

Nang dahil sa naging impact ay bahagya pa silang tumilapong dalawa papunta sa isang napakalaking puno, ngunit maiging prinotektahan ni Percival ang karga-kargang dalaga, dahilan upang siya ang bahagyang mapuruhan mula sa pagkakaumpog doon.

Matapos iyon naman ay dali-dali silang nilapitang pareho nina Nate at nang ngayo'y gising Velma...

“You guys, okay?” Nag-aalalang tanong ni Velma.

“Uhh... S--Sa tingin ko naman,” sagot ni Missy, habang dahan-dahang tumatayo. “P--Pero, ewan ko lang kay...”

“Ayos lang ako,” agad na isinagot ni Percival, na ngayo'y tinutulungan pang makatayo ni Nate.

“S--Salamat nga pala,” ani ni Missy sa kanya, bagay upang ikangiti naman ito ni Percival, sabay na ginulo-gulo ang buhok niya na parang isang bata.

Mayamaya nama'y nagsilapitan na sa kanila iyong ibang mga ligtas na nakaalis mula sa loob ng nagliliyab na aircraft...

“L--Lahat ba nakalabas?” Naitanong no'ng flight attendant na si Yuna.

“Sa tingin ko naman,” sagot naman ni Percival, habang mariing nakahawak mula sa kanyang tagiliran...

Mayamaya'y lumapit sa kanya iyong batang nakatabi niya kanina sa pag-upo mula sa loob ng eroplano...
Si Sophia...

“Ayos lang ho ba kayo, manong?” Natanong ni Sophia kay Percival, mahahalatang puno ito ng pag-aalala, habang mahigpit lamang ang yakap sa kanyang stuffed toy na si Oddish...

Percival smiled at the kid, and pinched her cheek for a little bit...
“I will be,” sagot niya rito...

“T--Teka... S--Sina Illyana, Taylor, Duncan at Trevor?” Naitanong bigla ni Missy sa mga kaibigan, nang mapansing wala ang mga ito roon.

Dahil dito'y parehong nagkatinginan naman sina Velma at Nate mula sa isa't-isa...

“Please don't tell me they're—”

“No. Of course not,” agarang pagpuputol ni Nate sa sana'y sasabihin ni Missy.
“Hindi lang natin alam kung nasa'n na sila ngayon,” aniya pa.

“At ano namang ibig sabihin mo ro'n?" Takang natanong ni Missy.

“B--Base kasi sa naaalala namin, nahati sa dalawa iyong sinasakyan nating eroplano,” says Velma.
“For now, we could only hope for the best, na ayos lang sila kagaya natin,” aniya pa.

“Th--Then, kailangan natin silang hanapin!” Aning muli ni Missy.

“S--Si Raine... 'Yong kapatid ko...”
Mula sa may likuran nina Missy ay makikita ang kanina pang nanlulumong si Diana...
“H--Hindi ko 'to kaya... H--Hindi ko kayang mawala siya!” Aniya pa, na napapatakip nalamang mula sa kanyang bibig, pinipigilan ang humagolgol sa pag-iyak...

Dahil dito nama'y sinubukan nalamang ng katabi niyang si Lelandra ang lahat upang mapatahan iyong dalaga.
“Shhh... Hija, tatagan mo lang ang sarili mo. Sigurado akong ayos lang ngayon ang kapatid mo,” wika pa ng matanda... “Makikita mo pa siya. Magtiwala ka lang sa panginoon,” dugtong niya pa.

Maging ang batang si Cody ay lumapit din mula kay Daniela, at inilahad niya pa rito ang laruan niyang si Captain America.
“Wag na po kayong umiyak. Sa inyo nalang po itong si Cap. Poprotektahan ka po niya, hanggang sa mahanap po natin kapatid mo,” inosente't magalang nitong wika. Dahilan upang mapangiti nalamang doon sa bata si Diana, kahit na mangiyak-ngiyak pa rin, at tinanggap iyong laruan no'ng bata.

Dahil naman dito'y bahagya nalamang na napangiti si Diana roon sa bata kahit na siya'y mangiyak-ngiyak pa rin, at pagkatapos ay tinanggap iyong laruan, sabay na niyakap pa ang bata.
Bigla niya nalamang din kasing naalala si Raine nang makita si Cody. Ganitong-ganito rin kasi ang kapatid niya noong bata palamang din ito.
“Thank you,” sabi pa ni Diana sa mag-lola.

“Okay so... W--What now? Ano nang gagawin natin?” Tanong naman ng dalagang si Chontelle, habang mahigpit na nakahawak sa braso ng kanyang kasintahan.
“Mananatili nalang ba tayo rito hanggang sa dumating ang tulong?” Aniyang muli.

“At pa'no mo naman nasabing may tutulong sa'tin?” Singit bigla ni Markus, iyong masungit na businessman kanina sa plane.

“Isang sikat na airline ang flight natin," sabat ng kasintahan ni Chontelle na si Delroy, “Kaya sigurado akong marami na ang mga naghahanap nito ngayon dahil sa nangyaring aksidente.”

“Hindi ka nakakasigurado," aning muli ni Markus.

“Either way, we still have to find the others," wikang muli ni Percival.
“May mga nakakita ba sa inyo kung saang parte maaaring bumagsak iyong tail section ng flight?” Tanong niya pa sa iba.

“Sa tingin ko nahati at dumeretso mula sa may pangpang na parte nitong isla iyong buntot na bahagi no'ng eroplano,” sagot naman no'ng flight attendant nilang si Yuna.

“Then that's where we're going,” sabi naman ni Percival.
“Lahat kayo, we rest for one hour, at pagkatapos ay itipon-tipon niyo lahat ng mga bag na maaari niyong makita. We'll need all the resources we can get.
Food, health supplies, tools, identifications, anything! At kung may makita kayong pwede niyong gawing mga panangga, dalhin niyo na rin. Sa ngayon, hindi pa natin alam kung nasaang parte na nga ba tayo ng mundo. At wala rin tayong kaalam-alam sa islang ito. For all we know, there might be dangerous animals everywhere. Kaya maigi na ang nakakasigurado,” monologong sabi ni Percival.

“Ano ba kasing nangyari roon sa plane?! Did somebody sabotaged it?!” Naiinis at hindi pa rin mapakaling bulyaw ni Markus.

“Let's not jump into conclusions, sir,” aning muli ni Percival. “Sa ngayon, ang tanging masasabi palamang natin ay aksidente ang nangyari,” aniya pa.

“We will never know for sure,” ani naman ni Markus.

“Masyadong mahigpit ang security no'ng flight,” says Yuna. “Surely naman, walang pangsasabotaheng makakalusot sa kanila,” aniya pa.

“For now, let's all just keep it in mind. Ang importante, magsama-sama at magtulungan nalamang muna tayo. Alam ko, we're all still just a couple of strangers here. Pero wala tayong ibang magagawa kundi ang pakisamahan nalamang ang isa't-isa. Tayo-tayo lamang ang mga naririto,” monologong wikang muli ni Percival.

Dahil sa sinabi niya namang ito'y bahagya lamang na napailing-iling si Markus, bagay na napansin naman ni Percival.
“May problema ba tayo, sir?” Tanong niya rito. Dahilan upang may blangkong ekspresyong mapatingin nalamang sa kanya si Markus...

“Sa tindig at pananalita mo, 'kala mo naman ikaw na ang inaprobahan naming lahat dito na maging leader. Why should we even trust you anyway? Sino ka ba talaga?” May pagkamaagas na naitanong nito, but Percival did not faze.

“I'm just doing my job, sir,” seryosong sagot pa ni Percival.

“Talaga? At ano naman 'yon?”
Muling tanong ni Markus.

Mayamaya'y may kinuha naman mula sa kanyang bulsa si Percival. And it was both his license and his ID, na ipinakita't iniharap niya kay Markus.
“I'm an agent of S.T.A.R, also known as Special taskforce alliance resilience. And I'm also an ex-cop. So I serve for the higher ups before, and I still serve for the higher ups now. I will do anything to prevail justice, because it is what I swore on my oath, which includes our current situation. Hindi ko hinahangad na maging isang lider. Pero kung nararapat, nakahanda akong kunin ang titulong iyon, matulungan lamang ang mga taong nangangailangan,” sunod-sunod niya pang sinabi, dahilan upang wala namang ibang maibigkas pa si Markus. Maging iyong ibang mga taong naroroon ay natahimik din dahil sa sunod-sunod niyang iniwika.

Napairap nalamang rito si Markus, sabay na naiiling na napatalikod, at may ibinulong sa sarili...
“Great! We have a Cardo Dalisay-wannabe on our midst! Ang probinsyano to the rescue,” sarkastiko pang wika nito.

Mayamaya'y naagaw ang kanilang pansin nang bigla nalamang agarang umalis at naglakad papalayo ang isa sa kanila, bagay upang lubusang ikataka naman nina Percival, at dali-dali pang hinabol iyong dalaga.

“Teka, miss! Sa'n ka pupunta?” Naitanong niya rito.

“P--Pasensya na pero... K--Kailangan kong hanapin ang kapatid ko,” wika ni Diana.

“We will, I promise you!” Says Percival. “Pero sa ngayon kailangan nating magsama-sama,” aniya pa.

“May nakakaalam ho ba sa inyo kung nasaan iyong mga piloto no'ng plane?” Natanong bigla ni Velma.
“I mean... Baka kasi matulungan nila tayo,” aniya pa.

Dahil sa sinabing iyon ni Velma ay kaagad namang nagpalinga-linga mula sa buong sulok niya ang flight attendant na si Yuna...
“T--Teka... Nandito palang 'yong isa sa kanila kanina... Si Captain Andrade...” wikang muli ni Yuna.

Pagkasabing-pagkasabi no'n naman ni Yuna ay nagulantang ang lahat nang bigla nalamang silang nakarinig ng isang napakalakas na sigaw ng isang babae mula sa may di lamang kalayuan, dahilan upang pare-pareho silang mapatigil lahat...

Mayamaya nama'y dahan-dahang sinundan ni Yuna kung saan nanggagaling narinig nilang sigaw ng isang babae, at dinala sila nito mula sa may likurang bahagi mismo no'ng nasusunog na eroplano, at malapit dito'y makikita ang isang babaeng lubusang nanginginig na mula sa kanyang kinauupuan, habang deretso lamang na nakatingin sa iisang dereksyon.

Kaagad na nakilala ni Yuna kung sino iyong babaeng iyon... It was Penelopé, isa rin sa mga flight attendant no'ng flight 616...

“P--Pen?” sinubukan niyang tawagin iyong babae...
“Pen ayos ka lang? A--Anong nangyari?” Tanong niyang muli.

Ngunit imbis na sumagot ay nanginginig na dahan-dahang itinataas lamang nito ang isa sa kanyang mga kamay, habang may itinuturong kung ano...

Dahil dito nama'y pare-parehong sinundan no'ng mga taong naroroon itinuturong bagay ni Penelopé, at pare-pareho silang nagulantang nang dahil sa kasunod na biglaan nilang nakita...

It was Captain Andrade...

Or rather... What else was left of him...

Nakita nila ang pilotong nakahandusay na sa damuhan, naliligo sa sarili nitong dugo, at wala nang buhay.

Ang mas nagpagimbal lamang sa kanilang lahat ay ang makitang wala na ang kalahating parte ng katawan nito...

Na wari ba'y may kung anong kumain sa kanya.

Dahil dito'y nabalutan lamang ng purong katatakutan ang mga nararamdaman no'ng mga taong naroroon. The rest screamed in terror. Iyong iba nama'y halos masuka pa sa kanilang biglaang nakita, habang ang flight attendant na si Yuna naman ay napatakip nalamang mula sa kanyang bibig dahil sa sobrang pagka gimbal.

“Oh my God! A--Anong... Anong nangyari sa kanya?!” Naibulalas bigla ni Missy...

“H--His torso's... missing..." sabi naman ni Nate, na mahahalatang gimbal na gimbal din sa nakikita...

“M--May umatake ba sa kanya?! L--Leon? T--Tigre? Lobo? Oso? T--Tao?! A--Ano?! Si--Sinong nakakita?!” Halos mag-hysterical nang naibulalas ni Markus, habang patingin-tingin pa mula sa buong paligid.

“E--Everyone! Don't let your guard down!” Ma-otoridad na bulyaw naman ni Percival sa mga kasama, dahilan upang pare-parehong magpalinga-linga mula sa buong sulok ang mga taong naroroon. Sinusubukang hindi malikat sa kung ano mang bagay ang bigla nalamang gumawa noon sa piloto...

With each and everyone of them now covered in terrifying expressions and bewilderment...

Mula sa may likuran nilang lahat ay dahan-dahan namang napapaatras nalamang ang dalagang si Chontelle, dahil halos hindi niya masikmura kung ano ang bigla niya nalamang nakita.

Napabitaw siya mula sa pagkakahawak niya sa kanyang kasintahang si Delroy, na ngayon nama'y natulala nalamang bigla sa nangyari...

Panay lamang sa atras si Chontelle, hanggang sa mayamaya'y bigla nalamang siyang matigilan nang mayroon siyang kung anong masandigang kakaibang bagay mula sa kanyang likuran...

Buong pag-aakala niya'y kahoy lamang ito, ngunit agaran niyang napansin na parang napakalagkit nito... Mabalahibo, at gumagalaw pa...

At mula sa may itaas niya'y bigla nalamang siyang may naramdamang mga tumulo mula sa kanyang mukha...

She was spooked, kaya nama'y kaagad na pinahidan niya iyon gamit ang kanyang mga palad, at kaagad na tiningnan kung ano ang mga ito...

At mas nanlaki lamang ang mga mata no'ng dalaga nang makitang mapupula ang kulay nito...

Dugo...

Purong mga dugo...

She wanted to scream right after what she had just discovered, at gusto niya ring tingnan kung ano ang nasa may itaas at likuran noya, ngunit pakiramdam niya'y parang umurong bigla ang kanyang boses at lakas na halos wala na siyang ibang magawa kundi ang mapako mula sa kanyang kinatatayuan at manginig sa sobrang pagkagimbal...

Sakto namang napatingin bigla mula sa may likuran niya si Percival... At bahagya siyang natigilan nang mapako ang kanyang mga mata sa kasalukuya'y kinatatayuan ngayon ni Chontelle, at mahahalatang maging siya'y halos bigla nalamang ding nanlamig sa bagay na bigla niya nalamang nakita mula sa likuran no'ng dalaga...

Ilang segundo lamang din ang lumipas ay napasigaw nalamang bigla si Percival mula roon sa dalaga...

“Miss! Sa likuran mo!!” He shouted... dahilan upang kaagad niya namang maagaw ang atensyon ng lahat ng mga taong naroroon...

Dahil dito nama'y walang ano-ano'y agad nalamang na napatingala mula sa kanyang itaas ang dalagang si Chontelle, at gayo'n nalamang ang kanyang pagsigaw ng napakalakas nang dahil sa sunod niyang nakita...

Isang napakalaking gagambang mas malaki pa sa kanilang lahat ang biglaang bumugad sa kanya.

But her screams were cut short when the giant spider suddenly bit her head off... And in just a split of second, ate her whole body...

“Cho--CHONTELLE!!” Tanging naisigaw nalamang ni Delroy dahil sa sobrang pagkagulat nang kainin nito ang kanyang kasintahan...

The giant spider then released a shrieking sound Infront of everyone, na nagsanhi upang muli lamang na mas mapuno ng nag-uumapaw na pagpapanik ang mga taong naroroon...

“Shit! Takbo!!” Sigaw pa ni Percival, dahilan upang kaagad namang dali-daling magsitakbuhan mula sa iba't-ibang dereksyon iyong mga taong naroon...

Tatakbo na rin sana si Nora, ngunit pagkatalikod niya'y bigla nalamang siyang natisod, kaya nama'y deretso siyang padapang natumba mula sa lupa. At nasaktuhan pang may isang malaking bato mula roon... Tumama ang ulo niya rito, na naging dahilan upang mawalan siya ng malay...

+++

Takbo lamang naman ng takbo ang iba pang mga taong naroroon, habang walang humpay pang nagsisigawan iyong iba, makalayo lamang doon sa bigla nalamang nagpakitang halimaw!

Percival was carrying both Cody and Sophia in both of his arms, habang nakasunod naman mula sa likuran niya sina Lelandra, Yuna at Penelope...

Mula sa may di kalayuan nila'y nakabuntot din ang tatlong magkakaibigang sina Missy, Velma ay Nate, pati na rin si Markus.

Magkakahawak pa ang mga kamay no'ng tatlo, trying their best to stay close to each other despite of what's happening, ngunit bigla nalamang silang nagkahiwa-hiwalay nang nagmamadaling dumaan sa gitna nina Missy at Velma ang lubusan na ring nagpapanik na si Markus...

“TABI!” Bulyaw nito, sabay tulak pa sa kanila, dahilan upang bigla nalamang mawalan ng balanse iyong dalawang dalaga't kaagad na matumba.

Ang mas masaklap pa'y tumilapon pa papalayo iyong eyeglasses ni Velma, dahilan upang mas magpanik lamang ang dalaga.

“H--Hindi... Y--Yong glasses ko... Yong glasses ko!” Velma cried.

Mula sa pagkakadapa'y muli namang napatingin sa kanilang likuran si Missy, at nakitang may isang lalake ang patakbo na rin sana papalapit sa kanilang dereksyon, ngunit nagulantang si Missy nang bigla nalamang sinunggaban no'ng higanteng gagamba iyong lalake, at inihagis pa mula sa isang napakalaking puno, dahilan upang kitang-kita niyang madurog ang ang mukha nito nang dahil sa sobrang lakas ng naging impact, causing her to scream in bewilderment!

The guy was still alive, but is now currently screaming in agony, habang patuloy lamang siyang inaatake no'ng higanteng gagamba, smashing him everywhere, na para bang ginagawa siya nitong isang mashed potato.

Dahil dito nama'y hindi inaksaya ng binatang si Nate ang mga oras na abala pa sa pag atake ng ibang mga tao iyong gagamba, at dali-dali niyang tinulungang makatayo iyong dalawa niyang kaibigan, upang makaalis na nga rin sila mula roon...

+++

Mula sa may malapit na bahagi naman kung saan makikitang pinagpapapapaslang no'ng higanteng halimaw iyong ibang mga tao, ay makikita mula sa likuran no'ng isang higanteng puno ang nanginginig sa takot at nagtatagong dalagang si Diana...

Wala siyang ibang magawa kundi ang takpan ng napakahigpit ang bibig niya, upang hindi siya makagawa ng kahit na anong ingay.

Gustuhin niya man kasing umalis mula roon ay hindi niya magawa-gawa, dahil natatakot siya na baka siya naman iyong atakihin no'ng nilalang.

Ngunit naisip niya ring... Kapag manatili siya rito ay baka mahanap pa rin siya nito, kaya nama'y kahit takot na takot pa rin sa mga nangyayari ay ginawa nalamang ni Diana ang lahat ng kanyang makakaya upang makaalis mula roon.

Tiptoing her way outta there.

Sa kabilang parte ng kagubatan siya nagtungo, at nang makalayo-layo na'y unti-unti nang binibilisan ni Diana ang kanyang paglalakad, hanggang sa tuluyan na nga siyang tumakbo...

Takbo lamang siya nang takbo, habang may mabibigat na mga paghinga, at walang ibang nararamdaman kundi purong takot at kaba lamang.

Halos wala na rin siyang pakialam pa sa kung saan man siya dumaan, o sa kung ano man ang kanyang mga natatapakan, basta ang mas iniimportante nalamang ngayon ng dalaga ay ang makaalis mula roon ng buhay.

Ngunit sa isang maling paghakbang niya ay bigla nalamang nawalan ng balanse ang dalaga...

Hinintay niya ang kanyang pagkakatumba mula sa lupa, ngunit... Doon lamang napagtanto ng dalagang nahuhulog na pala siya mula sa isang malalim na parte ng isang bangin.

And then, all she could ever do next was scream her breath out.

Napakalalim ng kanyang nahulugan, hanggang sa maramdaman niya na nga ang napakasakit na pagkakahagalpak niya mula sa wari ba'y mabatong lupa.

At dahil sa naging impact nito'y kaagad siyang nawalan ng malay...

All she saw next was an infinite amount of darkness...






+++







T o B e C o n t i n u e d . . . . . .




Characters
(In order of appearance)

Missy McTaggert
Nate Gladwin
Velma Asuncion
Percival Holmes
Yuna Nakajima
Sophia Adante
Diana Arkanghel (Status unknown)
Lelandra Perez
Cody Perez
Chontelle (Death)
Delroy
Markus Narcismo
Penelopé Gonzaga (First Appearance)
Captain Andrade (Death, no lines)
Giant Spider (first appearance)









Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top