Chapter 4: The Shore
Cold...
Glacial...
Frigid...
Nothing but a quiet harmony of frozen sensation...
As the tranquil depths of the ocean widened its embrace, a girl drifted, enveloped by an infinite expanse of nippy and peaceful serenity can be seen, slowly fading away into the dark heavy deep floor of the ocean...
She was unconscious...
She felt weightless, as if suspended in time, cuddled by the gentle caress of the water's icy hold...
Each breath she took echoed softly in the silent abyss, the only sound in the vast, undisturbed quietude.
It was silent...
Too silent, as if she was drowning in peace...
But wait a minute...
She is drowning...
+
By just mere seconds later, before finally loosing her final breath, a sudden realization dawned with chilling clarity within her...
Her eyes widened when she realized what was happening to her...
Panic surged within the young girl's system, as she comprehended the truth...
Yes, she was not floating in peaceful waters... but is actually sinking!
Drowning within the suffocating clasp of the ocean's depths!
And slowly being pulled by the gravity's deadly thread!
Frantically, she thrashed, limbs flailing against the unseen force pulling her down, but her efforts were futile against the relentless hands of the abyss.
“GAAAAAHRLLLS!!”
She tried screaming with all of her might, but all was heard was her suffocating gurgling...
Desperation thrusted more through her struggle, as she fought against the crushing weight of the water pressing down upon her.
And with every ounce of strength she possessed, she pushed herself upwards, towards the elusive surface that seemed to retreat further from her grasp with each passing moment...
Yet, despite her valiant efforts, she could not break free from the suffocating wrap of the waters!
After that, she slowly started feeling weak. Her final breath finally escaped within her lungs, making her began to loose all the strength has left, and slowly succumbing through the unfathomable embrace of the ocean's wide abyssal floor...
But before loosing consciousness, a sudden unexpected thing happened...
A surprising helping hand reached out, pulling her towards the light. With a gasp, she broke the surface, clinging to her rescuer, grateful for the second chance at life...
“Illyana!! Illyana, gumising ka!” Iyon ang mga sunod na salitang narinig no'ng dalagang si Illyana, pagkaahon na pagkaahon nila mula sa bahagyang ilalim na parte ng karagatan.
Kahit na hinang-hina pa'y, unti-unti namang naimumulat ni Illyana ang kanyang mga mata...
Nasa kadagatan pa rin sila, at kahit saang parte man siya lumingon ay wala siyang ibang makita kundi ang malawak na kulay asul na kapaligiran, at iyong nahating parte ng eroplano kanilang sinakyan, na kasalukuyan ay palutang-lutang lamang din sa kadagatan, naghihintay na unti-unting lumubog.
Masyado ring napakaingay...
Mga sigaw...
Mga walang humpay na sigaw ng mga taong, kagaya nila ay nalulunod din sa malawak na dagat, at pinipilit ang mga sariling manatili mula sa ibabaw na parte nito.
She then later realized, that the person who actually saved her was non-other than, Trevor himself.
The person she least expected to actually helping her.
Tinapik-tapik pa ni Trevor ang mukha ni Illyana, upang panatilihin itong gising.
“Illyana, tumingin ka sa'kin! I need you to be strong right now! Nasa kalagitnaan tayo ng dagat!” Sunod-sunod na iniwika ni Trevor.
“A--Anong nangyari?” Nanghihina niyang naitanong sa sarili.
“We crashed!” Agarang sagot naman ni Trevor, at pagkatapos ay nagpalinga-linga mula sa buong paligid. Dahil kung hindi siya nagkakamali, nag-crash malapit ang sinasakyan nilang eroplano malapit lamang sa isang isla.
They all need to find some ground, in order for them to stay alive...
“H--Hey! Trev! Kamusta si Illyana?” Mayamaya'y lumapit sa kanila ang kaibigang si Duncan, at makikita mula sa may likuran nito na may kargakarga siyang batang babaeng walang malay.
“Kamuntikan na siyang malunod, sigurado naman alam mo na ang isasagot ko riyan,” sabi naman ni Trevor.
“S--Sina, Taylor... Nasa'n sina Taylor?” Tanong ni Illyana, na mahahalatang nag-aalala roon sa iba pa nilang mga kaibigan.
“Nahati 'yong plane na sinasakyan natin,” says Duncan. “For all we know, they could be anywhere!” Aniya pa.
“Or if they're still even alive!” Sabi naman ni Trevor.
Mula sa likuran nila'y makikita ang putol na buntot na bahagi noong eroplanong kanilang sinakyan. Palubog na ito, at marami pa rin ang mga taong sumusubok na makaalis dito bago mahuli ang lahat.
May iba rin na, makikitang nasawi na, dahil sa nangyaring insidente palamang.
Mula sa may di kalayuang parte naman, ay makikita ang ilan pang mga taong sinusubukan ang kanilang mga makakaya manatili lamang mula sa surface ng dagat.
Ang iba pa sa mga ito'y sinusubukan ding tulungan iyong ibang hindi marunong lumangoy...
Kargakarga ngayon ni Major ang walang malay na flight attendant na si Rory. Palinga-linga siya mula sa buong sulok, sinusubukang hanapin ang ilan sa kanyang mga kasamahan...
“Jackson! Cassandro! Amandro! Vienna!” Tawag niya sa mga pangalan nito...
“Ffleuderlyn!!” Iyak na sigaw naman no'ng babaeng nasa likuran niya. Si Morganna, trying to find her missing pet goat.
Bigla niya kasi itong nabitawan kanina, no'ng mag-crash ang eroplano.
“Sir! Sir! Please, tulungan mo 'kong mahanap ang baby Ffleu-Ffleu ko, please!" Paghingi niya ng tulong kay Major, na halos uyugin na siya ng paulit-ulit dahil sa pagmamakaawa nito.
Bahagyang nainis naman dito si Major.
“Ma'am! Pare-pareho ho tayong may mga nawawalang kasamahan dito! Kaya pasensya na't hindi ko kayo matutulungan! Kailangan ko ring hanapin ang mga sarili kong tao!” Agarang isinagot pa nito kay Morganna, dahilan upang mas tumindi lamang ang iyak nito.
“Pero hindi niya alam lumangoy!” Bulyaw pa ni Morganna.
“Major!! Major!!” Mayamaya lamang ay kaagad na napalingon naman si Major mula sa likuran niya, nang marinig niya ang pamilyar na mga boses no'ng dalawang tumatawag sa kanyang pangalan.
Bahagya namang napabuntong hininga si Major nang makitang ang magkambal na sina Stanley at Walter ito.
“Nakita niyo ba sina Jackson at Vienna??" Agarang itinanong ni Major, ngunit pareho lamang na napailing-iling ang magkambal bilang sagot.
“W--Wala ho eh! Ano na hong gagawin natin ngayon?!” Tanong naman ni Stan.
Mayamaya'y natigilan silang lahat nang bigla nalamang silang makarinig ng isang napakalakas na sigaw ng isang babae, dahilan upang mapatingin sila mula roon, at nakita nilang wari ba'y parang palubog na nga iyong tail section no'ng eroplano, but someone was still there...
“Tumalon ka na miss!! Talon!!”
Sigaw ng flight attendant na si Brittany roon sa babaeng, hanggang ngayon ay nasa loob pa rin ng eroplano.
“H--Hindi ko kaya! Hindi ako marunong lumangoy!” Iyak na sigaw lamang no'ng babae.
Pare-pareho namang nanlaki ang mga mata nina Major, Stan at Walt nang makitang si Vienna iyon.
Dahil dito'y kaagad na ipinasa ni Major ang walang malay na si Rory roon kay Stan, at pagkatapos ay dali-dali siyang lumapit mula roon sa tail section ng aircraft, upang tulungan si Vienna, bago pa man ito tuluyang lumubog.
Dali-dali siyang pumasok mula roon, at sinubukang tulungan si Vienna.
“M--Major!” Vienna cried upon seeing him.
“Shhh, magiging ayos lang ang lahat,” sabi naman ni Major kay Vienna.
“Miss! Tulungan mo 'ko sa kanya,” aniya pa kay Brittany, bagay upang ikatango naman no'ng babae, kaya'y agad niyang tinulungang makababa si Vienna.
Bababa na sanang muli si Major, ngunit mayamaya lamang ay may narinig siyang isang napakahingang boses na nagmumula pa rin sa loob, kaya nama'y kaagad siyang napatingin mula roon.
“Tu...long... P--Paki...usap...”
Napansin ni Major na nanggagaling iyon mula sa may CR, kaya nama'y dali-dali siyang napapunta mula rito.
Agad niyang binuksan iyong pintuan nito, at nakita ang isang babaeng hinang-hina na, dahil sa nangyaring insidente.
Kaagad namang tinulungan iyon ni Major, at aalis na sana sila, ngunit bigla nalamang umuyog iyong eroplano, na nagsanhi upang kamuntikan pa silang matumba...
“Major!! Lumabas na ho kayo riyan!!” Sigaw ni Walt.
“Shit!" Naibulalas nalamang ni Major.
“Kid, alam mo namang lumangoy diba?” tanong ni Major kay Wanda.
“I can try," Sagot naman nito.
“Good,” matapos iyon ay dali-dali niyang kinarga si Wanda, at dali-daling nagtatakbo papalabas ng aircraft. Pagkatalon niya'y sakto namang hindi na nito nakayanan pa't tuluyan na ngang lumubog iyong tail section no'ng eroplano.
Matapos iyo'y kaagad naman siyang lumapit sa mga kasamahan, at si Brittany naman ay inalalayan ang dalagang si Wanda...
“Si Jackson??” Muling tanong ni Major sa mga ito, dahil hanggang ngayo'y di pa rin nila ito nakikita.
Mayamaya nama'y bigla nalang lumapit sa kanila iyong kanina pa nilang hinahanap.
“Guys! Guys! Nandito ako!”
Vienna gasped, “Jackson!” And then, slightly swam over next to him, giving him an everlasting kiss and a tight hug.
“Dude! Sa'n ka ba nagpunta?! Ang akala namin wala ka na!” Sunod na iniwika ni Stan.
“S--Sinubukan kong hanapin si Raine...” Sagot niya.
“Sinong Raine?” Takang natanong naman ni Walt.
“Yong iniligtas ko kanina!” Sagot naman ni Jackson.
+++
“E--Excuse me, miss?” Mayamaya'y lumapit si Duncan kina Brittany at Wanda, upang sana'y kausapin si Brittany, since siya lamang ang tanging nakikita niyang flight attendant ng aircraft na naririto ngayon.
“Sa tingin mo ba kaya mong makombinsi ang mga taong lumangoy pa-north east?” He asks.
“Bakit?” naitanong naman ni Brittany.
“Bago kasi mag-crash dito ang tail section ng aircraft natin, sa tingin ko may nadaanan muna tayong isang maliit na isla na malapit lamang dito. We can't just stay here and wait for the rescuers to come and pick us all up! I mean, we don't even know where we are! Kaya, kung makakayanan ng lahat, pwede tayong magsipuntahan lang muna sa islang 'yon," monologong wika pa ni Duncan, bagay upang agad namang maintindihan iyon ni Brittany, sabay na napatango rito.
She gathered all of her might, upang magawang makuha iyong atensyon no'ng iba.
“Everybody listen up!”
She then told them all the details about what Duncan just said, bagay na ikinatango at ikinasang-ayon naman no'ng ibang mga tao...
“M--Mas ayos na yata yan, k--kesa naman sa manananatili nalang tayo rito at walang gagawin,” wika ng nanginginig na sa lamig na babaeng si Jonesy, habang mahigpig ang hawak nito sa braso ng kanyang asawang si David.
“Oo nga,” pagsang-ayon pa ni David.
Matapos i-anunsyo iyon ni Brittany, ay nagkasundo nga nga ang lahat at napagpasyahan nilang, dahan-dahang lumangoy papuntang isla na nasa may di lamang din kalayuan.
“Bro, Jackson! Just give it up! That boy you're looking for is probably already dead!” Wika ni Amandro sa hanggang ngayon ay medyo balisa pa ring si Jackson.
Nagu-guilty kasi ito...
Natulungan niya ito kanina.
At napakahigpit na ng naging hawak niya roon sa binata, ngunit bigla niya lamang itong nabitawan no'ng sumalampak na mula sa katubigan ang eroplano.
And then, the young boy was gone...
“Ang importante ngayon ay ang kumpleto tayong lima,” wika naman ni Vienna, still clinging unto her boyfriend.
Ngunit napahinga nalamang ng malalim si Jackson...
“Hindi ko dapat siya nabitawan eh,” aniya pa. Mahahalatang masyado pa ring nalulungkot sa nangyari.
+++
“Hoy, sigurado ka bang kaya mo nang lumangoy ng sarili mo lang?” Tanong ni Trevor kay Illyana, dahil nagpumilit itong humiwalay kay Trevor. Ayaw niya kasing isipin nito na pabigat lamang siya at parating nangangailangan ng tulong. Tutal, alam niya naman talagang lumangoy. Ang lubusang pagpapanik lang talaga ang naging dahilan kung bakit kamuntikan na siyang lumubog kanina.
She wasn't thinking straight, na halos pati ang tamang pag padyak ng mga paa't pag kambay ng mga braso niya'y nakalimutan niya.
Illyana slightly smiled in response.
“A--Ayos lang ako, kaya ko na ang sarili ko. Pe--Pero... Salamat pala kanina,” aniya pa.
“Psh! Tara na nga...” Tanging naisagot lamang naman ni Trevor, at nauna na ngang lumangoy.
Nang lalangoy naman din sana si Illyana'y bigla siyang natigilan nang may isang kakaibang bagay siyang bigla nalang naramdamang gumagalaw mula sa may paanan niya, dahil dito'y kaagad siyang balisang napatingin mula sa walang hanggang katubigan, at napalingon din mula sa kanyang likod.
Nakaramdam siya bigla ng takot at bigla nalamang may kung anong naalala...
Dahil hindi siya pwedeng magkamali...
Kanina, no'ng unti-unti siyang lumulubog...
Ilang segundo siyang may nakitang kung anong isang napakalaking bagay na taimtim na nakatitig at naghihintay sa kanya mula sa may pinakamalalim na bahagi ng kadagatan.
Na para bang... Hinihintay siya nitong lumubog kanina upang siya'y makuha...
At dahil dito'y doon lamang siya lubusang nangilabot, at dali-daling napalangoy papalapit muli kay Trevor, clinging into his arms, bagay na bahagyang nagpagulat at nagpataka naman sa binata.
“Oh ano? Ang akala ko ba kaya mo nang mag-isang lumang...” Natigilan naman si Trevor sa kanyang pasarkastikong banat nang makita niya ang takot na takot na mukha ni Illyana. Ramdam niya ring lubusan itong nanginginig...
“M--May.... M--May kung anong nasa ilalim ng tubig...” Mahinang naiwika nito, bagay upang bahagyang magpakilabot naman kay Trevor, at pati na rin sa nasa malapit lamang ng mga oras na iyong si Major, na narinig din ang sinabi ni Illyana, dahilan upang mapatingin siya roon sa dalawa.
And in seconds, siya naman ang bahagyang may naramdamang kakaiba, na gumalaw mula sa may mismong paanan niya...
+++
“Fleu-fleu ko...”
Habang patuloy naman sa paglangoy at pag-iyak ng dalagang si Morganna, dahil sa pagkawala ng kanyang alagang kambing ay bahagya siyang natigilan...
She gasped...
Bigla nalamang kasi siyang may narinig na isang pamilyar na huni, mula sa may di lamang kalayuan...
“Te--Teka...” aniya sa kanyang sarili, at pagkatapos ay napalingon mula sa kanyang likuran...
“Meheeeeh!! Meeeheeeh!!”
At mula nga roon ay nakita niya ang alagang kambing na si Ffleuderlyn, na nasa may malayong parte ng dagat kung nasasaan man sila ngayon, pinipilit ang sariling makalangoy papalapit sa amo nitong si Morganna.
“F--Ffleuder?? Ffleuderlyn??” Makikita naman sa mukha ni Morganna ang sobrang pagkatuwa nang makita niya ang alagang kambing na buhay pa pala...
“Ffleuderlyn! Baby ko!” Natutuwa niya pang isinigaw, at pagkatapos ay dali-daling lumangoy pabalik, upang lapitan ang alaga niyang kambing.
Dahil dito'y kaagad niyang naagaw ang mga atensyon no'ng iba, na napalingon din pabalik dahil sa kanyang pagsigaw.
Major on the other hand, because of what he heard Illyana just mentioned and what he felt afterwards, tried all of her might to stop Morganna on her tracks by yelling at her...
“Teka, miss! Wag!!” Sigaw ni Major doon sa babae.
At sa hindi kapanipaniwalang pangyayari ay bigla nalamang nagulantang ang lahat sa sumunod na eksena...
Isang higanteng nilalang ang bigla nalamang sumulpot galing sa ilalim ng kadagatan mula sa kani-kanilang mga harapan!
Most specifically, sa mismong harapan kung saan sana patungo si Morganna, dahilan upang kaagad siyang matigilan sa kanyang paglangoy nang sa gulat sa nakita niya.
The giant sea-serpent-like creature with sharp fangs released a shrieking sound...
Walang ibang nagawa naman si Morganna rito kundi ang mapasigaw nalamang din ng sobrang lakas dahil sa gimbal...
Liliko na sana siya pabalik, ngunit nagulat silang lahat nang bigla nalamang siyang sinunggaban no'ng higanteng halimaw, at dinala pailalim ng dagat.
Dahil dito'y mas nagdulot lamang iyon ng mas matinding pagpapanik sa mga taong naroroon.
Maging ang mismong alagang kambing ni Morganna ay napalangoy rin mula sa ibang dereksyon nang makita ang nangyari...
“Oh shit!! Oh shit! oh shit! oh shit!!” Sunod-sunod na naimura ni Stan...
“Langoy!! Lumangoy kayo!! Bilisan niyo!!” Ma-otoridad na sigaw naman ni Major, dahilan upang kaagad itong sundin ng lahat ng mga tao at walang humpay silang nagsilanguyan paalis mula roon...
Nang dahil sa pagpapanik naman, everyone went sideways and swam in different directions. Hindi na nila nasunod pa ang sana'y kanilang planong dumeretso pa north-east...
“Trevor! Illyana! Bilisan niyo!” Duncan shouted, trying to get his friends to swim faster, habang karga-karga pa rin iyong hanggang ngayo'y wala pa ring malay na batang babae mula sa kanyang likuran.
Kagaya no'ng iba'y binibilisan lamang din nina Trevor at Illyana ang kanilang paglangoy. Hindi na rin maipinta ang mga ekspresyon mula sa mukha nila. Lalong-lalo na ang gimbal na gimbal pa ring si Illyana.
Sa lahat ng mga taong naroroon ay makikitang siya ang pinakamabagal lumangoy. Dulot ito dahil sa nangyari sa kanya kanina.
She was starting to loose track with everyone, at dahil sa nararamdamang takot ay pakiramdam ng dalaga'y muling nanghihina at namamanhid ang kanyang buong katawan, dahilan upang muli nanaman siyang unti-unting lumulubog...
“H--Hindi...” She panicked, still trying her best to flip all of her limbs through the waves in order to not loose track and to keep on swimming.
But she was just failing...
Ngunit bago pa man siya tulungang lumubog ay kaagad niyang muling naramdamang may humawak ng isa sa mga kamay niya, upang siya'y panatilihin mula sa ibabaw ng tubig.
“Illyana! Maghulos-dili ka!” Sigaw sa kanya ni Trevor, at pagkatapos ay pilit siyang tinulungang makalangoy paabante...
+++
Habang langoy lamang din nang langoy ang grupo nina Major ay bahagyang napatigil ang isa sa kanila nang may makitang isang walang malay na pamilyar na taong palutang-lutang mula sa may di kalayuang parte lamang ng dagat...
“R--Raine?” Naiwikang sabi ni Jackson dahil sa kanyang nakita.
Pare-pareho namang nagtaka sina Vienna at iyong magkambal nang makita nilang bigla nalang tumigil si Jackson, at walang ano-ano'y biglang lumangoy mula sa kabilang dereksyon upang puntahan iyong binatang si Raine na nakita niyang palutang-lutang...
“J--Jackson! Sa'n ka pupunta?!” Sigaw ni Vienna, ngunit hindi manlang siya nilingon nito.
“Jack, leave him! Kailangan na nating makaalis dito, asap!” Sigaw naman ni Amandro, but still, Jackson refused to turn back.
Dahil dito nama'y napamura nalamang si Amandro, at pagkatapos ay sinundan mula sa kanyang dereksyon si Jackson.
Pareho rin naman munang nagkatinginan sina Vienna at Cassandro sa isa't-isa, at walang ibang nagawa kundi ang sundin nalamang din iyong mga kaibigan.
Ngunit pareho silang napatigil sa paglangoy nang bigla nalamang muling umulbo mula sa karagatan iyong higanteng sea serpent.
Initsa nito mula sa ere ang dalagang si Morganna, na walang ibang nagawa kundi ang malakas lamang na mapasigaw, at pagkatapos ay walang ano-anong muling sinalo noong sea serpent, gamit ang sarili nitong bibig na may matutulis na mga ngipin, swallowing her whole, and presumably killing Morganna instantly.
Matapos iyon ay muli nanamang napatingin mula sa mga nagpapanik na mga tao iyong sea serpent, currently deciding who'll be its next victim, at napako naman ang mga tingin nito roon sa napakaraming taong sabay-sabay na lumalangoy mula sa may malayong parte na ng kadagatan.
Dahil dito'y agarang pumailalim sa tubig iyong sea serpent, at mabilis na lumangoy upang mapuntahan iyong mga taong gusto niyang sunod na targetin.
At nang mapuntahan iyon ay inatake niya ang mga ito mula sa ilalim. Tackling them all off from the waters, and tossing them up in the air. Limang tao agad ang kanyang nabiktima, na kaagad niya namang pinagsasalo gamit ang kanyang matutulis na mga ngipin, eating them all alive and swallowing them whole.
Kamuntikan na rin doon sina Brittany at Wanda, na katabi lamang din mismo no'ng limang taong naging pagkain na ngayon no'ng sea serpent, ngunit mabuti nalamang at hindi sila nasali no'ng bigla nalamang iyong umatake.
The woman named Jonesy on the other hand couldn't help herself but to cry loudly, dahil isa sa mga naging pagkain noong halimaw ay ang kanyang asawang hawak-hawak niya palamang ang kamay kanina...
Ngunit hindi pa rin iyon natapos at patuloy lamang sa pag-atake ng mga tao iyong sea serpent.
It was enjoying on toying with them, like it was just playing with its own food!
And all the rest of the people could do was nothing but to scream and cry in agony and death's pursue.
Habang patuloy iyong nangyayari ay patuloy lamang din sa paglangoy noong ibang mga taong, himala'y hindi pinapansin no'ng sea serpent...
Labag man sa mga kalooban nila ay ginagamit nila iyong tsansang abala pa sa pagpatay ng ibang mga tao iyong sea serpent upang makatakas sila mula rito.
Wala rin naman kasi silang ibang magagawa upang matulungan ang mga ito. The monster's size is similar to a kaiju, a creature that's just enormously huge. Some example are Gozilla, Kong and Monthdra.
Mayamaya'y makikitang may iba sa kanilang nakaabot na ng ligtas mula sa pangpang no'ng isla, kagaya nalamang ni Major, na agarang inilapag mula sa buhangin iyong tinulungan niyang binatang si Rory, na hanggang ngayo'y wala pa rin talagang malay.
Matapos iyo'y inilinga-linga naman ni Major ang kanyang sariling mga mata mula sa isla, trying to search for something... A weapon that may be able to help them.
At dahil dito'y bigla nalamang napako ang mga mata niya roon sa isang pamilyar na bag na nasa may hindi kalayuang parte lamang din ng pangpang.
Napangiti ang lalake dahil dito, at dali-dali iyong tinungo.
Kung hindi kasi siya nagkakamali, ito iyong sekretong bag na dinala nila sa flight 616, no'ng sana'y ha-hijackin nila ito. At naglalaman iyon ng napakaraming mga armas, kabilang na ang mga baril.
Nagawa nila iyong mapalampas mula sa security checking booth dahil sa tulong ng ilang mga kasabwat.
Ang isa sa mismong security no'ng nagchi-check ng mga kagamitan nila, at ng dalagang flight attendant na si Elaine. Oo, kasabwat nga rin nila ito, ngunit sa kasawiang palad ay hindi ito nakaligtas sa nangyaring aksidente.
The bag was probably thrown out because of the incident that have happened earlier.
Major was supposed to be the villain. Or so, that's what he thought.
Ngunit ngayon, hindi niya alam kung bakit sinusubukan niya ang lahat ng makakaya niya makapagligtas lamang ng maraming tao.
++
After getting one weapon, Major decided to head back to the waters, to try and save the others.
Pagkabalik niya sa karagatan ay siya namang pagsidatingan no'ng iba pang mga nakayanang makaligtas agad sa nangyayaring kaguluhan, kabilang na rito sina Brittany at Wanda, na mahahalatang parehong hingal na hingal pa rin dahil sa sakripisyong kanilang ginawa makaahon lamang sa tubig, pati na rin si Duncan at ang karga-karga niyang batang ngayo'y unti-unti nang nagkakamalay.
“M--Mama? P--Papa?” Agarang naitanong nang batang babae, nang siya'y magkamalay na nga.
“Dito ka lang, wag na wag kang aalis, okay?” Wika ni Duncan doon sa bata, at pagkatapos, kagaya ni Major ay dali-dali ring bumalik mula sa dagat upang subukang tulungan ang dalawang kaibigang sina Trevor at Illyana...
+++
“Raine... Raine! Gumising ka!”
Patuloy na pilit na pagpapagising ni Jackson sa walang malay na binatang si Raine, bagay upang unti-unti namang naimumulat na no'ng binata ang kanyang mga mata.
“Jackson! Dude, nasisiraan ka na ba ng bait?!” Sigaw ni Walt kay Jackson, nang sa wakas ay makaabot na ang mga ito sa kanya.
“Papatayin mo ba ang sarili mo?!” Sigaw naman ng kasintahang si Vienna.
Mula sa likuran naman nila'y mabilis na lumalangoy papalit sa kanilang dereksyon ang magkasama pa ring sina Trevor at Illyana...
Makikita mula sa kanila ang pagiging mas balisa na, dahil alam no'ng dalawang sila na ngayon ang tinatarget no'ng halimaw mula sa dagat, na makikita ngang nakabuntot na sa kanila.
“Tabi!!” Sigaw ni Trevor sa grupo nina Jackson, dahilan naman upang pare-parehong mapalingon ang mga ito mula sa dereksyon nila Trevor at Illyana, at dahil naman dito'y pare-parehong nanlaki ang kani-kanilang mga mata nang makitang nasa likuran na no'ng dalawa iyong sea serpent, creeping out from the waters!
“Mga p*tangina! Madadamay pa tayo! Lumihis kayo!!” Sigaw ng nagpapanik nang si Stan kina Trevor, ngunit pilit lamang ding sumisigaw pabalik sa kanila iyong binata, na sila raw itong mga nakaharang sa kanilang dinaraanan...
Mayamaya lamang ay iniahon noong sea serpent iyong ulo niya mula sa tubig, nang makitang nasa iisang lugar na iyong mga taong gusto niyang sunod na paglaruan at kainin...
It opened its mouth and released another loud shrieking sound, na halos magpabingi na sa kanilang pitong naroroon, and all they could do was scream in pain and bewilderment, trying their best to atleast cover their ears for the last time...
Nang tumigil na sa pagsigaw nito iyong sea serpent ay isa-isa muna nitong tiningnan iyong kanyang mga bibiktimahin, na wari ba'y minememorya nito ang kanilang bawat mukha...
At nang sana'y susunggaban na no'ng sea serpent ang mga kabataan ay natigilan naman ito nang bigla nalamang sumulpot mula sa kanyang harapan si Major, na may hawak-hawak pang baril, at walang ano-ano'y sunod-sunod na dali-dali niya itong ipinaputok doon sa harapan no'ng sea serpent.
It did not caused much damage to the monster's blue skin covered in metal-like gills as protective shield, except when one bullet suddenly went through—piercing one of its eyes...
Dahil dito'y muling napasigaw ng napakalakas iyong sea serpent, ngunit sa mga oras na iyon, ito'y sumisigaw na dahil sa sobrang sakit na kanyang naramdaman sa tumama sa kanyang matang isang bala.
The monster hovered in pain and went under the sea, still suffering because of what happened...
Dahil naman dito'y agad na inagaw ni Major at no'ng mga kasamahan niya ang tsansa upang makatakas na sila mula roon...
“L--Langoy! Bilis! Hangga't may pag-asa pa tayo!” Sigaw niya sa mga ito, dahilan upang kaagad naman iyong sundin noong iba...
Habang sila'y lumalangoy naman ay nakasalamuha nila mula sa harapan ang babaeng si Jonesy, na panay ang iyak habang mahigpit na niyayakap pa rin mula sa ibabaw ng karagatan ang kanyang wala nang buhay at putol na ang katawang asawa na si David...
Dahil dito'y kaagad siyang agarang hinawakan mula sa braso ni Major, at palangoy na kinaladkat papaalis ng dagat, kahit na pilit itong nagpupumiglas...”
“Si David! Wag nating iwan si David!” She cries.
“Wala na ang asawa mo!” Sigaw pa ni Major dito, dahilan upang walang ibang magawa nalamang si Jonesy kundi ang iwanan ang wala nang buhay na asawa...
+++
Matagumpay naman silang nakaahon mula sa karagatan.
At nang sa wakas ay maramdaman na ng kanilang mga paa ang preskong buhangin ng pangpang, ay pare-parehong napahiga at napadapa ang mga ito mula roon dahil na rin sa sobrang pagod nang kanilang nilangoy, at sa napaka-intense na mga pangyayaring kanilang naramdaman kanina, makatakas lamang mula roon sa nagwawalang halimaw ng karagatan...
Dali-dali pang parehong inalalayang makaupo mula sa buhangin ni Duncan ang mga kaibigang sina Trevor at Illyana, at inakbayan ang mga ito, sabay na nagpasalamat sa Diyos dahil walang may masamang nangyari sa kanilang tatlo...
But despite everything... The rest of the surviving passengers just couldn't help but to feel horrified about the sudden occurrences.
Maraming bagay ang bigla nalamang nangyari sa kanila, sa loob lamang ng isang araw.
A lot of people died... From the crash, from drowning... And to whatever it was that just suddenly attacked them out of nowhere!
They've all went through a lot, in just a span of ONE day.
“Meeeheeeh!!” Even Ffleuderlyn the goat, miraculously made it to the shore, at pagkatapos ay parang isang stuffed animal na napahiga nalamang dahil sa sobrang pagod mula rin sa buhangin.
Si Charlotte, iyong batang babaeng iniligtas kanina ni Duncan ay napatingin nalamang sa kanya...
+++
“T*ngina ka! Bro, nasisiraan ka na ba talaga ng bait, ha?! Nang dahil sa'yo, kamuntikan na tayong lahat na mamukbang no'ng halimaw na 'yon!!” Galit na biglaang isinigaw ng binatang si Walt sa kaibigan nitong si Jackson, bagay na lubusang ikinataka naman no'ng binata.
“Dude, sinubukan ko lang magligtas ng buhay!” Giit naman ni Jackson, bagay upang bahagyang mailang naman dito ang tinulungan niyang si Raine, dahil pakiramdam niya'y siya pa yata ang magiging dahilan upang mag-away iyong dalawa...
“At ano? Mas importante pa ang buhay niya kesa sa mga buhay namin? Kami tong mga kaibigan mo, tapos bigla mo nalang kaming iniwan para lang dito sa hindi mo naman kakilala?!” Muling sigaw ni Walt sa binata.
“Kilala ko siya,” muling seryoso at kalmadong sagot ni Jackson kay Walt. “And even if I didn't know him, ililigtas ko pa rin siya, dahil iyon ang nararapat!”
Dahil dito'y bahagyang sarkastikong napangisi nalamang naman si Walter,
“Oh, talaga? At sa'n mo naman siya nakilala? Sa isang gay bar? Cause he looks like someone who'd suck another man's d—”
Hindi pa man tuluyang natatapos ni Walt ang kanyang mga sinasabi'y nagulat silang lahat nang bigla nalamang siyang sinuntok mula sa mukha ni Jackson. Dahil dito'y bahagyang natili nalamang iyong ibang mga babaeng naroroon.
Trevor on the other hand rolled his eyes and just shook his head in annoyance.
“Mga papansin,” aniya pa.
“Ang tabas ng dila mo ah? Ano ba talagang gusto mong palabasin ngayon, ha!?” Sigaw pa ni Jackson kay Walt.
Susugod na rin sana pabalik kay Jackson si Walter upang bigyan din ito ng isang napakalakas na suntok, ngunit dali-dali lamang siyang inawat ng kapatid na si Stanley, at ng binatang si Duncan na gusto lamang tumulong. Mula sa side ni Jackson naman ay pilit na pumipigil sa kanya si Vienna at ang flight attendant na si Brittany...
“At ba't parang naging defensive ka yata? Bakit? Totoo ba?" Tanging nasigaw nalamang pabalik ni Walt.
“Ano ba?! Pwede ba itigil niyo na muna 'to?!” Sigaw naman ni Vienna.
“Kamuntikan na nga tayong mamatay lahat, and some other people really DID die! At ngayon, heto kayo't gustong magbasagan ng mukha?!” Dugtong niya pa.
“T--Tama ang kaibigan niyo,” Pagsang-ayon naman ni Brittany, “Ang tanging kailangan nalamang muna nating gawin ngayon ay ang magsama-sama't magtulungan! Hi--Hindi natin alam kung nasa'n na tayo, at kung may naghahanap na ba sa'tin ngayon,” aniya pa.
“Isang sikat na airline ang sinakyan nating eroplano,” ani ni Major, na ngayo'y sinusubukang hinisan ang ginamit niyang baril kanina, dahil nabasa ito ng dagat.
Bagay upang lubusang ikataka naman ito ni Illyana, at nakakunot ang noong nakatitig lamang doon sa baril...
“Kaya panigurado akong sasabog agad ang balita sa kung ano na ang biglaang nangyari sa flight 616 na sinakyan natin,” aniya pa.
“S--So, for sure marami agad ang susubok na humanap sa'tin diba? D--Diba?” Tanong naman ng dalagang si Selena, isa sa mga nakaligtas na pasahero ng eroplano.
Napahinga naman ng malalim dito si Major, “Iyon ay kung mahanap agad ng radar nila ang binagsakan ng eroplano natin,” aniya pa.
“M--May isang tanong lang ako...”
Isang nasa mid-40's niyang edad na lalakeng nakasuot ng suit & tie at eyeglasses na si Malvoy ang biglang nagtaas ng kanyang isang kamay, dahilan upang agad na mapatingin sa kanya iyong iba...
“H--Hindi... I--I mean... A--Actually, marami akong gustong itanong,” aniya pa.
“K--Kagaya nalamang ng... A--Ano ang nangyari sa sinasakyan nating eroplano, nasaang parte na ba tayo ng mundo... A--At... ANONG KLASENG NILALABANG BA IYONG UMATAKE SA'TIN KANINA?!” Sunod-sunod na naging tanong niya pa.
“Isa iyong megalodon! I swear to God!” Sabi naman ni Stan.
“Megalodon's appearance actually resembles that of a shark,” kalmadong sagot naman nu Duncan.
“So?” Muling ani ni Stan.
“So hindi 'yon isang megalodon. Seriously, hindi mo pa ba napapanood 'yong The Meg?” Sabat naman ni Vienna.
“Isa iyong Leviathan,” seryosong iniwika naman ng dalagang si Wanda.
“Levia... What now?” Takang natanong ni Vienna.
“The sea serpent, Leviathan... The demon of envy... often depicted as a massive, serpentine creature with scales covering its body, sharp teeth, and formidable strength. Nagmula sila sa mga various mythologies at folklore, they lurk underneath the shadows of the sea, its monstrous form poised to strike. With jaws that shatter ships and eyes that pierce the soul. It's the embodiment of fear itself, a relentless predator of the deep that leaves only terror in its wake,” monologong pagkukwento pa ni Wanda, na deretso lamang na nakatitig sa ngayo'y nababalutan na ng mga mumunting pulang karagatan, dahil sa mga dugong nagmumula sa mga bangkay ng mga nasawing tao, dahil sa kagagawan noong leviathan.
“And what attacked us today was just a baby,” aniya pa, bagay upang ikagulat naman ito no'ng ibang naroroon.
“Teka, ano?!” Gulat na bulyaw ni Walt.
“Baby? Sa laki niyang 'yon baby palamang siya?! So sinasabi mo bang may mas malaki pa sa kanya?!”
“We'll never know,” aning muli ni Wanda.
“Masyadong mabilis ang mga pangyayari...” wika naman ng dalagang madre na si Althea, na mahigpit pa ang hawak sa dala-dala niyang rosaryo. “Sa puntong... H--Halos parang hindi na nagbibigay linaw pa ang lahat,” aniya pa.
“S--So... A--Ano na ho ba ang gagawin natin ngayon?” Tanong naman ng dalagang si Illyana...
Ngunit mayamaya lamang ay natigilan ang kanilang mga pag-uusap-usap nang may isa sa kanilang bigla nalamang nagtatakbo pabalik mula sa karagatan, bagay na ikinagulat no'ng iba.
“Da--David... S--Si David... Kailangan kong iligtas si David!” Sunod-sunod na parang nawawala na sa kanyang sariling iniwiwika ni Jonesy, habang patungo sa dagat, ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakalayo'y agad na siyang pinigilan ni Major...
“Babae! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!” Seryosong giit nito...
“Si... Si David!” Muling pag-iyak ni Jonesy.
“Hindi mo pa rin ba naiintindihan? Wala na ang asawa mo! Patay na siya! Kinain na siya no'ng halimaw na unatake sa'tin kanina! At kung gusto mo pang mabuhay, lumayo ka sa kadagatan!” Muling sigaw pa ni Major doon sa babae, dahilan upang mapaluhod nalamang ito at umiyak.
Dahil dito nama'y lumapit na rin sa kanila si Brittany at parehong inalalayan paalis mula roon si Jonesy, at pabalik sa may pangpang.
Habang sinusundan naman ng mga tingin ni Walt iyong iyak lamang ng iyak na babae ay bahagya siyang muling napalingon mula sa malawak na karagatan...
Kahit saan niya man ilinga ang mga mata niya mula roon ay wala siyang ibang makita kundi ang mga wala nang buhay at halos magkalasog-lasog nang mga katawan ng tao...
They did managed to escape. But at what cost?
Alot of lives was still taken...
Mayamaya lamang ay may naramdaman namang isang bagay mula sa may paanan niya si Walt, dahilan upang kaagad siyang mapatingin mula roon...
At bahagya siyang nangilabot nang dahil sa kanyang nakita...
Pugot na ulo ng isang babae ang bigla nalamang inanod mula sa may pangpang no'ng kadagatan...
Dahil dito'y bahagya nalamang siyang mahinang natawa...
Hindi dahil sa nakakaramdam siya ng saya, kundi takot. Purong takot... Dahil sa isang bagay na bigla niya nalamang napagtanto...
Alam niya na kung ano ang mga nangyayari...
Alam niya na kung nasaan sila...
At alam niya na rin kung bakit ito nangyari sa kanila...
Napansin naman ito no'ng iba niyang mga kasama, dahilan upang mapatingin ang mga ito sa kanya...
“Walt? Bro? Bakit?” May halong pagtataka at pag-aalalang natanong nalamang ng kakambal niya si Stan...
Ngunit nagpatuloy lamang sa pagtawa niya si Walt, hanggang sa unti-unti nga iyong lumalakas, dahilan upang maagaw niya na ang pansin no'ng lahat...
“Katapusan na...” Biglang nasabi ni Walt...
“H--Hoy, Walter, ano bang pinagsasasabi mo riyan??” Takang naitanong naman ni Vienna...
Dahan-dahan namang humarap sa kanila si Walt...
Doon lamang nila napansing rumaragasa na pala ang mga luha niya mula sa kanyang mukha. Turns out, he was crying all along.
“Hindi niyo ba nakikita?” He asks. “Katapusan na. Katapusan na nating lahat! Walang may magliligtas satin dito! Mamamatay tayong lahat sa mismong isla na ito!” Muling bulyaw pa ni Walt, na wari ba'y para nang nasisiraan ng kanyang sariling bait.
“A--Ano bang ibig mong sabihin?!” Takot na napatanong nalamang sa kanya si Ashley.
Dahil naman dito'y sinubukan nalamang siyang lapitan ng kaibigang si Jackson, upang sana'y pakalmahin ito...
“Bro, kumalma ka lang, magiging ayos lang ang laha—”
Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakalapit ay bigla nalamang siya nitong itinulak palayo, sabay na napaatras sa kanila si Walter.
“Wag mo akong hawakan! Wag na wag niyo akong hahawakan! Kasalanan niyo 'to! H--Hindi ko naman talaga ginusto 'to eh!” Sunod-sunod na mga iniwikang muli ni Walt...
“Kid, you're not making any sense,” Seryosong saad ni Major.
“Kasalanan niyo 'tong lahat... KARAPAT DAPAT KAYONG MASUNOG SA IMPIYERNOOO!!!——”
Sa isang idlap lamang ay bigla nalamang nagulantang ang lahat nang muling sumulpot mula sa mismong likuran ni Walter iyong leviathan, at walang ano-ano'y bigla nalamang sinunggaban nang hindi niya alam iyong binata, sabay na initsa mula sa ere, at kinain na para lamang itong manok.
Dahil dito'y muli nanamang nabalutan ng takot at iba't-ibang klaseng mga sigaw ang mga taong naroroon.
This caused everyone to ran straight into the island and away from the shore, maliban nalamang sa kakambal mismo ni Walter na si Stanley, na mahahalatang gulat na gulat pa rin sa biglaang nangyari.
“H--Hindi!! W--Walter! Walter!!” Makikitang gusto niya pang lumapit mula roon sa halimaw, ngunit dali-dali lamang siyang hinugot pabalik at paalis mula roon nina Vienna at Jackson, habang ang lider naman nilang si Major ay muli lamang na pinaputukan ng baril iyong leviathan, dahilan upang muli itong bumalik sa kadagatan nang dahil sa takot na matamaan nanaman ng bala.
At matapos iyon ay sumunod na rin siya roon sa iba...
Just as everyone thought they were already safe from the shores of the sea, Walter's death proved them to be wrong...
Lalo na't talagang nagsisimula palamang ang lahat para sa kanilang mga nabubuhay pa...
Dahil mas marami pa silang mga kababalaghang makikita...
T o B e Co n t i n u e d . . . . . . .
+++
Characters
(In order of appearance)
Illyana Santos
Trevor Pryde
Duncan Hanes
Charlotte Espuerza (first appearance)
Major Gatdula
Rory Pinto (no lines)
Morganna Thompson (death)
Stanley Lim
Walter Lim (death)
Brittany Locsin
Vienna Buenavista
Wanda Addams
Jackson Hedalgo
Jonesy Alonzo (first appearance)
David Alonzo (first appearance, death)
Ffleuderlyn the Goat
The Leviathan (first appearance)
Raine Arkanghel (no lines)
Several Unnamed Passengers (deaths)
Selena Geronimo (first appearance)
Malvoy Navarro (first appearance)
Sister Althea Curtis (first appearance)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top