Chapter 3: The Incident

"Guys, guys! Tingnan niyo sina Trevor at Illyana oh, ang cute!" Natatawang wika ng dalagang si Velma, habang tinuturo ang may bandang kinauupuan nina Trevor at Illyana, dahil dito'y parehong napatingin nalamang din mula roon ang mga katabing sina Missy at Nate.

And all they saw was nothing new as usual. Hanggang ngayon ay tahimik pa rin iyong dalawa. Siguro ang nagpapaingay lang mula sa isle nila ay iyong katabi nilang babaeng walang humpay sa kadadaldal, at ang alaga nitong kambing.

Bahagyang napahinga naman ng malalim si Missy.
"If only Trevor isn't acting like a big old jerk whenever Illyana's around, I'm pretty sure they'd make a really great couple," aniya pa, na ikinasang-ayon naman ni Velma.

"You said it, girl! At tsaka, ang perfect lang kasi talaga nilang tingnan eh, no? Para silang iyong mostly na mga nakikita natin sa mga romantic-comedy movies na couple, like, iyong shy girl at troublemaker guy na bagay na bagay sa isa't-isa! Alam niyo 'yon?" Monologong wikang muli ni Velma.

Napatawa nalamang naman ng mahina rito si Nate.
"If only those two can hear you girls now, sa tingin ko hindi nila magugustuhang shini-ship niyo na pala sila," aniya pa.

"What's the deal with Trevor ba kasi? Ba't ayaw na ayaw niya kay Illyana?" Missy asks, Nate.

"Yeah, Nate! Diba masyado naman kayong close ni Trevor pareho ni Duncan? For once in your lives ba, eh natanong niyo siya kung bakit parang may issue siya kay Illyana?" Tanong naman ni Velma.

Napahinga naman ng malalim dito si Nate.
"It's not anything like that," aniya.
"Trevor doesn't entirely hate Illyana. Wala rin siyang kahit na anong issue rito," wika pa nito.

"So? Then what? Eh ba't parang, never ko pa silang nakitang nag-usap na dalawa? Si Trevor, panay reklamo lang siya sa tuwing may mga lakad tayo at nahuhuli sa pagdating si Illyana, even though she's actually still not late naman," Wikang muli ni Missy.

"In Illyana's part, I'm pretty sure na, dahil ito sa pagiging masyadong mahiyain niya," muling sagot ni Nate. "Kay Trevor naman, I'm sorry pero, siya lang talaga ang makakasagot niyan," aniya pa.

"Oooh, so you do know the reason kung bakit ang meanie umakto ni Trevor kay Illyana," says Velma.

"Yup! But I'm never tell you!" Nangingiting sabi pang muli ni Nate, ngunit dahil dito'y mas kinulit lamang siya nina Missy at Velma.

+++

Halos magdadalawang oras na yata simula no'ng magsimulang lumipad mula sa himpapawid ang flight 616.

At sa dalawang oras na iyon ay kanina pa nagpipigil si Illyana sa nararamdaman niya.

Ang kagustuhan niyang makaihi...

Kanina niya pa talaga gustong-gustong pumunta sa may toilet room, ngunit hindi niya magawa, dahil naiilang siyang dumaan mula sa kinauupuan ni Trevor.

Sa sobrang pagkamahiyain niya rin kasi'y ito ang napapala niya.

Ngunit talagang hindi niya na kaya, kaya nama'y sa mga oras na iyon ay napagpasyahan niyang isantabi nalamang muna ang lahat ng hiyang kanyang nararamdaman, and had the courage to finally stood up.

Ngunit bahagya siyang natigilan nang makitang nakaunat pala ang mga binti ni Trevor, blocking her way.

Nailang muna siya sa susunod niyang gagawin, ngunit tinatagan niya nalamang ang kanyang sarili't sinubukang kausapin si Trevor, na ngayo'y nakapikit pa rin ang mga mata, but they both know he's not actually sleeping. Just pretending.

"Uhh... T--Trev? D--Dadaan sana ako eh, pupunta lang akong CR," aniya, but Trevor did not make any kind of responses.

"T--Trev?" Muling pagsubok ni Illyana na kausapin ito, ngunit wala pa rin talaga.

Dahil dito'y napahinga nalang ng malalim ang dalaga't sinubukan nalamang na lumakbay mula sa mga binti ni Trevor upang makadaan siya, dahil hindi niya na talaga kayang maghintay pa.

But just as she was about to step right through, bigla nalamang gumalaw si Trevor, spooking off Illyana! Dahilan upang mawalan siya ng balanse at umaksyong matutumba na sana.

Bahagya siyang napasigaw, ngunit mabuti nalamang ay kaagad siyang nasalo no'ng nasa may kabilang row sitting arrangements lamang na si Duncan, kaya nama'y hindi humagalpak mula sa sahig ng eroplano ang dalaga.

Nakita iyon ng ilang mga flight attendant, kaya nama'y dal-dali ring nagsilapitan mula sa dalaga iyong iba.

Trevor saw what happened, at nagpigil pa ito sa kanyang tawa, ngunit muli lamang siyang bumalik sa pagtutulogtulugan no'ng makalapit na kay Illyana iyong iba pang mga flight attendant.

"Woah, Ills, ayos ka lang ba?" May halong pag-aalalang tanong ni Duncan kay Illyana.

"Anong nangyari?" Tanong ng concerned na si Yuna.

Ngunit agad lamang silang nginitian ni Illyana, sabay na muling tuwid na napatayo, na para bang wala lang nangyari. "A--Ayos lang ako. W--Wala po 'yon," tanging sinabi ni Illyana.

"Are you sure you're okay, miss?" Brittany asks, bagay na ikinatango-tango lamang naman agad ni Illyana.

"O--Opo! No worries! N--Na-outbalanced lang po talaga ako kasi, k--kahina ko pa po gustong pumunta sa CR eh," aniya pa. "S--Salamat po sa pagiging concern niyo p--pero, if you'll e--excuse me, pupunta lang po akong CR," dugtong niya pa, at pagkatapos ay dali-dali na ngang nagpunta sa may toilet room.

Dahil dito nama'y nagsibalikan na rin mula sa kani-kanilang pwesto iyong tatlong flight attendant na sumubok na tumulong kanina.

Napahinga naman ng malalim dito si Duncan, sabay na napailing-iling, at tiningnan ng bored na look ang hanggang ngayo'y nagtutulog-tulugan pa rin si Trevor.

"You did that on purpose," bored na wika ni Duncan kay Trevor, dahil alam niyang sinadyang nitong gulatin si Illyana upang ito'y mapatid.

Ngunit gaya nga ng patuloy na ginagawa niya kanina ay nagtulog-tulugan pa rin si Trevor.

Napairap nalamang si Duncan ng dahil dito.

Taylor on the other hand wasn't aware of the sudden commotion, dahil masyadong napakalakas ang volume ng suot-suot niyang earphones ngayon, at may pasayaw-sayaw pa ang dalaga.

+++

Nang makalapit naman mula sa toilet room si Illyana, ay bubuksan niya na sana ito..

Ngunit natigilan siya sa gulat nang bigla nalamang itong magbukas, at lumabas mula sa loob ang isang lalake't-babaeng panay ang hingal, na wari bang pareho itong hinabol ng kung anong bagay.

Magugulo pa ang mga buhok nito, at halos hindi na maayos ang mga suot-suot na damit.

The only difference it, wari ba'y parehong nag-enjoy iyong dalawa sa kung ano mang "humabol" sa kanila.

Naghalikan pa ang mga ito, dahilan upang naiilang na kaagad na mapaiwas ng mga tingin niya si Illyana.

"Oh, babe, that was fantastic!" Nangingiting wika no'ng babae.

"No, you were fantastic!" Sabi naman no'ng lalake.

Aaminin ni Illyana, they're both good looking, it's only natural na hindi sila makakapag pigil sa isa't-isa, pero atleast naman sana nilulugar nila.

"Oh, hi, girly! Mag-C-CR ka?" The girl asks, bagay upang ikatango naman ni Illyana. "O--Opo sana eh," sagot niya pa.

"Then go ahead! Pasensya lang, at medyo nagkalat. May tigre kasing nakawala," wika pa nitong muli, sabay na napatawa nanaman ng malakas.

“Tigreng paulit-ulit mo namang hinuli-huli, babe,” may pilyong pagkakasabi pa ni Duncan.

Matapos iyon ay pareho na ngang umalis mula roon ang magkasintahan, upang muli nang bumalik mula sa kanilang respective seats.

Dahil dito'y napahinga nalamang ng malalim si Illyana, sabay na napa-iling-iling pa at kaagad na ngang pumasok mula sa loob ng toilet room.

+++

"Mga teh! Grabe 'tong batch ng mga passengers ngayon ah? Ang daming mga pogi!" Pabulong na chika ni Rory sa mga kaibigan at kapwa niya flight attendant na sina Yuno, Elaine at Brittany.

"Haay naku, bakla! Ikalma mo nga yang harot mo! Alam naman nating lahat dito na hanggang tingin ka lang talaga!" Sabi sa kanya ni Brittany.
"Pero ano, sino type mo?"

"Oh kitams? Eh ikaw din pala!" Dahil dito'y parehong nagtawanan nalamang iyong dalawa, habang sina Yuno at Elaine naman ay napapangiti nalamang dahil sa parang mga highschool-girls na inaasal no'ng dalawa, habang kasalukuyan silang nakaupo sa may flight attendant seats.

Pare-pareho naman silang bahagyang natigilan at nagulat nang bigla nalamang magkaroon ng may pagkamalakas na turbulence ang kanilang aircraft.

"Woah, lakas no'n ah?" Says Brittany.

"I better check on the passengers," sabi naman ni Elaine, "Panigurado akong marami ang nagulat no'n dahil sa nangyaring turbulence, lalo na 'yong mga newbie palamang sa pagsakay," aniya pa, at dumeretso na nga sa pag alis.

+++

Mula sa loob ng CR naman ay makikita ang dalagang si Illyana na ngayo'y mariin nang nakahawak mula sa kanyang noo. Bahagya kasing nabangga ang ulo niya sa may salamin no'ng umuyog bigla ang aircraft.

Mabuti nalamang talaga't tapos na siyang umihi, at ngayo'y naghuhugas na ng kamay, dahil paniguradong hindi niya ikakatuwa kung sa pag-ihi niya biglang nag turbulence.

+++

"Sir? Sir, kumalma lang ho kayo, okay? Normal lang ho talaga iyong nangyari. Minsan po talaga nagkakaroon ng ganitong klaseng turbulence. Basta, huminga lang po kayo ng malalim," pilit na pagpapakalma ni Elaine roon sa isa sa mga pasahero ng flight na matandang lalake, kasi mahahalatang ina-asthma na ito dahil sa biglaang nangyari.

"Ma'am, dala niyo ho ba 'yong inhaler niya?" Tanong niya naman doon sa asawa no'ng matanda, na mahahalatang mas bata rito.

"Y--You see, t--that's the thing, naiwan kasi siguro namin," may halong pag-aalalang sagot naman no'ng asawa nito. Dahil dito'y napahinga nalamang ng malalim si Elaine.

"Then we're gonna have to improvise. Basta subukan niyo lamang hong pakalmahin ang asawa niyo, okay?" Aning muli ni Elaine.

Bagay upang kaagad na ikatango-tango naman no'ng asawa.

Pansamantalang aalis naman muna sana si Elaine upang icheck ang mga health tools nila kung mayroon ba roong stock ng mga inhaler na hindi pa nagagamit, ngunit hindi pa man tuluyang nakakaalis mula roon si Elaine, ay bigla nalamang siyang hinawakan ng mahigpik mula sa kanyang kamay no'ng matandang lalake, dahilan upang may halong pagkagulat siyang muling mapatingin dito.

"M--Mamamatay ba tayo?" Biglaang itinanong no'ng matanda, na sadyang nagpatigil naman kay Elaine. Ilang segundo muna siyang halos hindi makapagsalita dahil sa iniwika nito, ngunit nang makabalik muli sa sarili niyang huwesyon ay bahagya niya nalamang na nginitian iyong matanda.

"No sir," aniya, "We're all gonna be alright," dugtong niya pa.

"Is everything okay?" mayamaya nama'y nagsilapitan na mula sa kanila ang iba pang mga flight attendants na sina Yuno upang asikasuhin naman iyong iba pang mga pasahero, dahil dito'y sinabihan nalamang agad sila ni Elaine na sila na muna ang mag-asikaso kay tatay, at kukuha lang daw siya ng maaaring makatulong upang tumigil ang asthma nito...

+++

"Excuse me, miss? Miss! I need an assist here!" Patuloy na tawag no'ng businessman na si Markus Narcismo, ngunit napamura nalamang ito nang hanggang ngayo'y wala pa ring may nakakapansin sa kanya.

Nakita naman ang pagmamaktol niyang iyon no'ng nasa may kalapit niya lamang na dalagang si Wanda, dahilan upang mapairap nalamang ito sa inis.

Hindi niya na rin nakakayanan ang ingay na naririnig mula sa buong plane nang dahil lamang sa turbulence, kaya nama'y napagpasyahan nalamang ni Wanda na tumayo, at magtungo papuntang toilet room.

Nang makarating siya rito'y siya naman ang paglabas ni Illyana.

Nagkatinginan pa sila, ngunit dahil hindi naman nila kilala ang isa't-isa'y dumeretso lamang sila sa mga pupuntahan nila. For Wanda, it was to enter the toilet room, habang dahan-dahan namang nagtungo si Illyana mula sa upuan niya.

Uyog pa rin nang uyog iyong eroplanong kanilang sinasakyan, na wari ba'y parang sunod-sunod na lumilindol, kaya nama'y dahan-dahan lamang sa paglalakad niya si Illyana, dahil baka mawalan nanaman siya ng balanse kapag bilisan niya.

+++

Mula sa may isle 7, row 2 naman kung saan kasalukuyang nakaupo sina Nora at ang mag-lolang Lelandra at Cody, ay mahahalatang muli nanamang nakakaramdam ng kaunting takot ang inang OFW na si Nora, dahil sa sunod-sunod na mga turbulence. Although, alam niya naman talagang normal lang ito, she still couldn't help herself but to be spooked, dahilan upang mayamaya'y mapalapit sa kanila ang flight attendant na si Brittany.

"Ayos lang ho ba kayo, ma'am?" Brittany asks.

"Uhh... S--Sa tingin ko hindi," agarang sagot naman ni Nora.

Nagpatuloy lamang ang pag-uusap nila, sinusubukang pakalmahin ni Brittany si Nora, kagaya nalamang ng ginagawa no'ng iba pang mga flight attendant sa ibang mga pasahero ng flight 616.

Mula sa may pinaka gilid naman, ay patuloy lamang sa paglalaro ng mga laruan niya si Cody, hanggang sa mayamaya'y parang may kung ano siyang napapansin mula sa labas ng bintana ng eroplano. May kung anong bagay ang biglaang nahahagilap ng peripheral vision ng kanyang mga mata.

Kaya nama'y dahan-dahan siyang napapatingin mula roon.

Mula sa isa sa mga wing ng mismong plane ay parang may kung anong nilalang na naroroon.

At nang tuluyan na ngang mapadapo ang mga mata ni Cody rito'y nagulantang siya sa sunod niyang biglaang nakita.

There was some kind of bat-like monster, clinging through one of its wing! Sinigawan nito ang batang si Cody, at dahil dito'y kitang-kita mismo ng bata ang mga nakakatakot at matutulis na mga ngipin noong halimaw.

Napasigaw nalamang bigla si Cody dahil sa sobrang takot at pagkagulat, sabay na mahigpit pang napayakap mula sa kanyang lola.

Dahil sa nangyari'y agad namang napabaling mula sa kanila iyong atensyon no'ng iba.

"L--Lola! Lola!" Cody cries, bagay upang ikataka naman iyon ng lubusan ni Lelandra.

"Oh, Cody, apo? Bakit?" Takang natanong nalamang bigla ni Lelandra.

"M--May halimaw! M--May halimaw po!" Aniya pa.

Dahil dito nama'y nagkatinginan nalamang sa isa't-isa sina Nora at Brittany.

"Saan, apo?" Muling tanong ni Lelandra.

"Uhh, ma'am? Is this his first flight din po ba?" Tanong ni Brittany sa matanda, na agad namang ikinailing ni Lelandra.

+++

Nang ilang dipa nalang sana si Illyana mula sa kanyang kinauupuan, nagulantang ang lahat nang bigla nalamang muling nagkaroon ng napakalakas na turbulence ang aircraft, dahilan upang pare-parehong bahagyang mapatapon at matumba ang lahat ng mga taong nakatayo no'ng mga sandaling iyon. Kasapi na rito ang lahat ng mga flight attendants, si Wanda na bahagyang naumpog pa ang ulo mula sa masikip na kwarto ng toilet room, at si Illyana na napaumod ang mukha mula sa sahig dahil sa nangyari.

Pare-parehong nakita iyon nina Duncan, Jackson at Trevor, dahilan upang dali-daling magsitayuan ang mga ito upang subukang tulungan si Illyana.

Una namang nakalapit sa kanya ay ang binatang si Trevor, na dali-dali siyang binuhat.

Bahagyang nawalan ng malay si Illyana dahil sa nangyari.
"I--Illyana! Hoy, Illyana gumising ka!"

"Shoot! Ayos lang ba siya?" Tanong ng concerned citizen lamang na si Jackson, pagkalapit niya sa kanila.

"Help! We need an assistance here!" Tawag ni Duncan sa mga flight attendant.

"She fell-flat on her face!" Naiwika naman ni Morganna, na ngayo'y mahigpit ang yakap sa alaga niyang kambing, dahil kamuntikan na rin itong humiwalay sa kanya kanina dahil sa nangyari.

Mayamaya'y agad namang lumapit mula sa kanila ang ilan sa mga flight attendants, isa na rito si Rory.

Tatayo na rin naman sana mula sa kinauupuan niya si Taylor nang mapansing, kaibigan niya pala iyong narinig niyang bigla nalamang lumagapak mula sa may likuran niya kanina,
"W--What the heck happened?" Ngunit pinigilan siya no'ng isa sa mga flight attendant at pinabalik siya mula sa kanyang sariling upuan, dahil baka mangyari nanaman iyong biglaang pag-ayog.

Maging iyong ibang gustong tumulong kanina kay Illyana na sina Jackson at Duncan ay kaagad ding pinabalik mula sa kanilang mga kinauupuan.

Tinulungan naman ni Trevor na maipabalik mula sa upuan niya si Illyana, at agad na kinabit ang mga seatbelts nito. After that, Rory checked her pulses at diniinan niya rin ang ulo nito.

"Nakita niyo ho ba kung ano'ng nangyari?" Tanong ni Rory kay Trevor.

"Eh ano pa nga ba? Sa lakas ng turbulence, malamang sa malamang lumagapak 'yong mukha niya sa sahig!" Masungit na nasagot ni Trevor, dahilan upang bahagyang mapadiin nalamang mula sa kanyang sariling dibdib si Rory sa gulat.

Mayamaya nama'y unti-unti nang muling nagkakamalay si Illyana.
At purong pangingirot mula sa kanyang buong katawan agad ang kanyang nararamdaman dahil sa pangyayari.

"A--Aray..."
Nasambit bigla ni Illyana...

"Uhh... Miss? Look at me, ilan 'to?" Rory tried getting her attention by asking her how many fingers he's having.

Nahihilong napatingin mula roon si Illyana.
"Uhh... Th--Three?"

+++

"What the heck? Anong nangyayari ro'n?" Takang naitanong ni Velma, nang mapansing parang may komosyon yatang nangyayari mula sa may likurang bahagi ng aircraft.

"Sa tingin ko may babae yatang naumpog mula sa sahig," sagot naman sa kanila ng nasa may kalapit lamang na si Meadow... "I'm really hoping it's not Wanda though," bulong niya pa sa kanyang sarili.

Mas ipinokus naman ni Missy ang kanyang mga tingin doon sa taong kasalukuyang pinagkakaguluhan ng iba. Kung hindi kasi siya nagkakamali, mula sa area na 'yon naroroon ang apat sa kanilang mga kaibigan.

At nang makilala niya nga kung sino iyon ay bigla nalamang nanlaki ang kanyang mga mata, sabay na napatakip pa mula sa bibig niya.
"Shoot! It's Illyana!" Aniya, dahilan upang parehong magulat nalamang din dito sina Velma at Nathan.

+++

"A--Ayos lang ba siya?" Nag-aalalang natanong nalamang ni Taylor, habang nakaharap kay Duncan, dahil hindi niya makita nang maayos kung ano na nga ba ang nangyayari mula sa likuran niya.

Duncan then mouthed, "She's fine," to Taylor, dahilan upang mapabuntong hininga nalamang ang dalaga't mapadiin mula sa kanyang dibdib.
"Oh, thank goodness."

+++

Sa kalagitnaan naman ng nangyayaring komosyon ay hanggang ngayo'y hindi pa rin humihiwalay niya sa pagkakayakap mula sa kanyang lola si Cody. At kahit anong gawin niya'y hindi niya pa rin makayanang muling mapalingon mula sa labas ng bintana.

Lelandra kept on telling him there's nothing there though. Maging si Nora na kahit na kinakabahan pa rin sa buong flight ay tumutulong na rin mapakalma lamang si Cody.

+++

"E--Excuse me, miss? Kailangan niyo ba ng tulong?" Tanong naman ni Percival doon sa dumaan mula sa kanilang flight stewardess na si Elaine.
Dahil kasi sa mga biglaang nangyayari'y parang nagui-guilty siyang nakaupo lamang siya.
He wants to help.

"N--No sir, everything's gonna be alright, please remain seated," tanging isinagot lamang sa kanya ni Elaine, at pagkatapos ay umalis na rin agad upang tulungan sana iyong iba pang mga pasahero.

But Percival still insisted.
Tinanggal niya na ang seatbelt na kumokonekta sa kanya roon sa upuan, at tatayo na sana, ngunit natigilan lamang siya nang bigla siyang hawakan mula sa kamay nong katabi niyang batang si Sophia.

"M--Manong Percy... N--Natatakot po ako, please po, wag ho kayong umalis," halos paiyak nang wika noong bata, dahilan upang hindi nalamang ipagpatuloy ni Percival ang kanyang pag-alis.

"Shhh, it's okay, andito lang ako," wika nalamang ni Percival, at hinawakan din ang kamay ni Sophia.

+++

Mula sa kinauupuan niya naman ay bigla nalamang nabitawan ni Meadow ang hawak-hawak niyang stylus pen, at napunta ito mula sa may gitna.
"Shoot!"

As both a writer and an artist, he considers the pen as his lucky charm, kaya nama'y hindi ito pwedeng mawala sa kanya.
"Uhh... A--Ate? Pwede ho bang paki..."
Hindi siya narinig no'ng dumaang flight attendant, kaya nama'y napahinga nalamang ng malalim si Meadow.

Mayamaya'y napagpasyahan niyang kunin nalamang iyon ng sarili niya, kaya dali-dali niyang tinanggal ang kanyang seatbelt at agad na napatayo upang kunin ang kanyang lucky pen.

+++

"Pe--Pero lola! May halimaw ho talaga! Nakita ko!" Pilit na ginigiit pa rin ng batang si Cody, kahit na kanina pa siya kinukombinsi nina Lelandra at Nora na wala naman talaga.

"It was probably just a seagull, little one, wala ka dapat ipag-alala. Tingnan mo oh! There's nothing there!" Aning muli ni Lelandra, still trying to cheer her grandson up.

"S--Sigurado ho ba kayo, lola?" Tanong naman ni Cody, bagay na ikinangiti lamang ni Lelandra bilang sagot.

Dahil dito nama'y nagkaroon na ng kaunting tapang ang bata upang muli ngang mapatingin mula sa may labas ng aircraft.

Dahan-dahan siyang muling napapalingon mula sa katabi niyang bintana, upang dumungaw mula sa labas.

At kagaya nga ng sinabi ng kanyang lola, wala ngang siyang kahit na anong ibang nakita mula roon kundi ang left wing lamang no'ng eroplano. No monsters, nothing.

Dahil dito'y napangiti nalamang si Cody, dahil tama nga ang lola niya.

Ngunit makalipas lamang ang ilang segundo, ay bigla nalamang nawala ang mga ngiting bago palamang na kumukurba mula sa kanyang mukha, nang dahil sa sunod na biglaan niyang nakita...

Bigla nalamang nagliyab iyong jet engine no'ng eroplano, bagay na sadya namang nagpagimbal kay Cody.

"Uhh... L--Lola??" Cody tried reaching out her lola, ang hindi alam ni Cody ay maging ito'y nanlalaki na rin ang mga mata dahil maging siya'y hindi na rin makapaniwala sa biglaang nangyari.

"Y--Yes apo, n--nakikita ko rin... N--nakikita ko rin..." Sabi ng ngayo'y nababalutan na rin ng takot at nerbyos na si Lelandra.

"Shit!! Nasusunog ang jet engine ng eroplano!!" Sigaw ng isa sa mga pasahero ng aircraft, dahilan upang mas mabalutan lamang ng takot at pagpapanik ang buong aircraft.

Dahil dito'y muling kaagad na napabalik naman mula sa sarili niyang kinauupuan niya si Meadow...

+++

Dahil sa nangyayari'y sunod-sunod nalamang na biglaang umuyog-uyog ang sinasakyan nila, dahilan upang mas umigting lamang ang pagpapanik at takot na ngayo'y bumabalot na mula sa buong aircraft.

"A--Ate! Anong nangyayari!?"
Kinakabahang at natatakot na ring natanong ni Raine sa ate niya. Mahahalatang masyado nang mahigpit ang kapit niya sa mga kamay nito...

"H--Hindi ko rin alam, Raine! B--But just don't let go of my hand, okay?" Ani ni Diana, sinusubukan pa ring maging matatag, kahit na mahahalatang nababalutan na rin ng takot.

+++

"Everyone! B--Back to your positions, now!" Wika ni Elaine sa kanyang mga kapwa flight attendant, dahil sa sobrang lakas ng nangyayaring mga turbulence ay pati ito'y magiging delikado na para sa kanila.

Dahil dito nama'y kaagad nilang sinunod ang sinabi ng parang tumatayong lider na rin nilang si Elaine. Yuno, Rory, Brittany and the others managed to went straight to their positions upang magsiupuan na rin at subukang iligtas ang mga sarili nila sa pagsi-seatbelt.

Balak sanang pumunta ni Elaine mula sa cockpit, upang i-check at kausapin kung ano nang nangyayari sa mga piloto nila, ngunit habang papunta mula roon ay natigilan siya nang bigla nalamang may humawak sa kanyang mga kamay.

Gulat siyang napatingin kung sino iyon, at ito ay ang parehong matandang lalakeng unang sinubukan niyang tulungan kanina...

"S--Sinabi mo kaninang magiging okay lang ang lahat... Ng--Ngayon, s--sagutin mo ko! Hindi pa rin ba tayo mamamatay!?" Mahahalatang nahihirapan nang pagkakasabi noong matanda.

Ngunit bago pa man iyon tuluyang masagot ni Elaine ay bigla nalamang niyang napansing nagkaroon ng butas ang fuselage sa may isle 9. Ang lokasyon kung saan nakaupo mismo iyong matandang lalake't ang asawa nito, at kung saan rin siya nakatayo...

Nakita rin iyon ng kapwa niya flight attendant na si Yuno, at wala siyang ibang nagawa kundi ang isigaw nalamang ang pangalan nito...
"ELAINE!" She screamed.

But before Elaine could even make any kind of reaction, sa isang iglap ay bigla nalamang lumaki ang butas no'ng fuselage, hanggang sa bigla nalamang natanggal ang mismong metal na balat nito!

At dahil sa sobrang lakas at bilis ng mga pangyayari'y bigla nalamang nitong nahigop papalabas si Elaine, kasama na rin iyong iba pang mga taong nakaupo mula sa 1st rows, isle 9 hanggang sa isle 13, killing all of them instantly.

Dahil naman sa nangyari'y mas nangibabaw lamang ang mga sigaw, takot, pangingimbal at pagpapanik mula sa loob ng aircraft.

Wala nang ibang maririnig pa kundi ang mga palahaw ng mga ito...

+++

"Shit! We're all gonna die!!" Velma cried, screaming...

+++

"Ate!! Ate!!" Wala nang humpay sa pagpapanik niya si Raine, lalo na no'ng bigla nalamang unti-unting maputol ang strap ng kanyang seatbelt dahil sa sobrang lakas ng impact ng mga nangyayari.

Dahil dito'y mas hinawakan lamang ng mahigpit ni Diana ang kamay ng kanyang kapatid, hindi lang ito mabitawan.
"Kumapit ka lang!" She screamed.

Ngunit dahil sa sobrang lakas talaga ng air currents ay hindi na nakayanan pa ni Diana na hawakan ng mahigpit si Raine, at bigla niya nalamang itong nabitawan.

Dahil dito'y pareho nalamang silang napasigaw habang hinihigop no'ng hangin palabas si Raine.

Ngunit dahil naman sa mabilisang kilos na ginawa ni Jackson, ay nagawa niyang mahawakan si Raine, upang hindi ito tuluyang lumipad mula sa kawalan..

"Hold on!" Says, Jackson, trying to get ahold of Raine, not letting him go...

+++

Mula sa may isle 14 ay makikita namang halos hindi na mapigilan pa ni Illyana ang hindi mapasigaw dahil sa mga biglaang pangyayari...

Dahil din sa napakamaraming emosyong nararamdaman ay hindi na namalayan pa ni Illyana na mahigpit na pala ang hawak niya sa kamay ni Trevor.

Morganna on the other hand was doing the same. Screaming. Masyado ring mahigpit ang hawak niya roon sa alaga niyang kambing, na ngayo'y wala na ring humpay sa kakahuni, dahil maging ito'y naghi-hysterical na rin sa mga nangyayari.

Mula sa may CR naman ay makikitang mahigpit na ring yumayakap sa isa sa mga metal na naroroon ang nag-C-CR lang sanang si Wanda, ngunit makikitang napakaraming pasa na mula sa kanyang katawan ang kanyang natamo, dahil paminsan-minsan ay napapabitaw siya sa mga nahahawakan niya, at nauumpog ang kanyang buong katawan sa masikip at matigas na mga bahagi no'ng CR.

+++

Patuloy lamang na nangyayari ang mga eksenang 'yon, habang nawawalan na ng control ang mga piloto sa minamaneho nilang aircraft!

"Mayday, mayday!! Can anybody hear me!! Flight 616 is going down! I repeat! Flight 616 is going down!!" Sunod-sunod na ibinubulyaw no'ng mismong piloto, habang patuloy pa rin ang pagsubok na makontrol iyong eroplano, ngunit hindi na talaga ito sumusunod pa.

+++

Sa kalagitnaan ng mga nangyayari'y mas trumiple lamang ang mga nararamdaman no'ng mga pasahero nang bigla nalamang magsimulang mahati mula sa gitna ang buong katawan nito...

Hanggang sa mayamaya't tuluyan na nga iyong nagkahiwalay...

The airplane was cut in half, and everyone boarding on the head section from isle 1 to 12 crashed on an island, habang pasirkong tumilapon naman iyong tail section nito.

At makikitang tanging si Taylor nalamang ang nananatili mula sa isle 13, at dahil dito'y mas lumakas lamang ang mga sigaw niya.

"Taylor!! Kumapit ka lang!!" Sigaw ni Illyana sa kaibigan, at pareho sila ni Trevor na pilit hinahawakan ang upuan ni Taylor, upang hindi ito tumilapon, ngunit sa bawat pag-sirko ay mas nagkakaroon lamang ng damage ang sahig kung saan nakapako ang kanyang kinauupuan.

"I can't!!" Nagpapanik niyang sigaw, at sa isang iglap lamang ay bigla nalang tuluyang humiwalay si Taylor mula sa may tail section at tumilapon mula sa kung saang parte ng isla...

Habang iyong tail section naman ay bigla nalamang nag-crash sa may parte ng kadagatang malapit lamang din no'ng isla.

At nang mangyari ito'y doon lamang nagsitahimikan ang lahat, habang makikitang unti-unti pang lumulubog iyong buntot na bahagi noong eroplano....






T o B e C o n t i n u e d . . . . . .









+++







Chapter Characters:
(In order of appearance:)

+++

Velma Asuncion (status unknown)
Missy McTaggert (status unknown)
Nate Gladwin (status unknown)
Illyana Santos (status unknown)
Trevor Pryde (status unknown)
Duncan Hanes (status unknown)
Yuna Nakajima (status unknown)
Brittany Locsin (status unknown)
Chontelle Cruz (status unknown)
Delroy Dula (status unknown)
Rory Pinto (status unknown)
Elaine Sanchez (death)
Old Man (first appearance, death)
Old Man's Wife (first appearance, death)
Markus Narcismo (status unknown)
Wanda Addams (status unknown)
Nora Cajustin (status unknown)
Lelandra Perez (status unknown)
Cody Perez (status unknown)
The Bat Creature (first appearance)
Jackson Hedalgo (status unknown)
Morganna Thompson (status unknown)
Ffleuderlyn the Goat (status unknown)
Meadow Melo (status unknown)
Percival Holmes (status unknown)
Sophia Adante (status unknown)
Raine Arkanghel (status unknown)
Diana Arkanghel (status unknown)
The Pilot (status unknown)

+++

Others:
(No speaking lines)

Vienna Buenavista (status unknown)
Walter Lim (status unknown)
Stanley Lim (status unknown)
Major Gatdula (status unknown)
Other unknown passengers (statuses unknown)
Other 21 unknown passengers from ilse 7 to 13 (apparent deaths)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top