Chapter 2: The Flight

“Attention! We are now inviting all passengers of Flight 616 to begin boarding. Please proceed to gate number three, for immediate entrance. Again, we are now inviting all passengers of Flight 616 to begin boarding. Please proceed to gate number three, for immediate entrance. And do not forget to have your boarding pass and identification cards ready, thank you!”

Pagkarinig na pagkarinig noon sa naging announcement ng mga taong sasakay sa flight 616, ay kaagad na silang nagsipaghandaang lahat, upang pumasok na nga mula sa loob ng sasakyan nilang eroplano.

Agarang nagsibitbitan na ng kanilang mga kagamitan ang grupo nina Taylor.
Pati na rin ang mag lolang Cody at Lelandra.

Pilit ding inaalalayan ni Diana ang kapatid niyang si Raine, upang sila'y magtungo na rin sa loob ng airline.

At mula sa may gilid ng may waiting area, ay sinenyasan na rin ni Major ang kanyang mga kasamahan.

+++

Mula sa may entrance ng airport naman ay may kadarating lamang na taong sasakay rin sa flight 616 papuntang Hawaii.

Ang batang babaeng nagngangalang, Sophia. 10 years old palamang ito, at mahahalatang wala siyang ibang kasama kundi ang sarili niya lamang.

Bago pumasok mula sa loob ay napalingon muna ang bata sa labas ng airport.

Maigi muna siyang napatitig sa estraktura ng lugar na ito, at pagkatapos ay napahinga ng malalim, sabay na may ibinulong pa sa kanyang sarili...
“Paalam po, inay,” wika ng dalagita sa sarili, at matapos iyon ay pumasok na nga siya mula sa loob ng airport.

+++

“Good afternoon! Welcome aboard!” Abot langit na nakangiting bati ng dalagang flight stewardess na si Yuna, mula sa mga nagsisipasukang pasahero ng flight 616.

“Please enjoy your stay!” Wika naman no'ng katabi niyang si Brittany, isa ring stewardess.

“Th--Thank you!” Sagot ng dalagang si Illyana sa mga ito, nang grupo na nila ang pumapasok mula sa loob ng flight.

Yuna nodded in response, at dumeretso na mula sa loob sina Illyana.

Pare-pareho namang nagkatinginan iyong apat na flight attendant na naroroon, nang may mga ngiti pa ring naka plastar mula sa kanilang mga labi.

“That was the first time someone said thank you today,” bulong ni Yuna.

“Siguro napakabait niyang bata,” wika naman no'ng gay stewardess na si Rory.

“At napakaganda pa!” ani ni Brittany.

+++

“Uh-oh, looks like magkakahiwa-hiwalay pala yata tayo ng mga seat numbers!” Naiwika ni Missy nang mapansin niyang nasa may malayong parte pala siya ng flight dapat na umupo.

“Huh? Bakit? Ano ba ang seat number mo?” Tanong ni Taylor

Agad namang ipinakita ni Missy ang hawak-hawak niyang seat number card sa kanyang mga kaibigan.

“3B,” aniya pa.

“Oh, eh magkatabi lang pala tayo! 3A ako! Next to the window!” Sabi naman ni Velma.

“And I'm 14C,” sabat naman ni Duncan.

“Hoy gagi! Ba't ang lalayo niyo?” Says Taylor.

“Bakit, Tey? Anong seat number ka ba?” Velma asks.

Taylor sighs in response,
“13D,” sagot niya, “How 'bout you, Nate?” Tanong niya naman sa kasintahang si Nate.

Napatingin naman ito mula sa seat number card niya, at siya naman ngayon ang bahagyang napahinga ng malalim dahil dito.
“4C,” sagot niya.

“Eyy, Nate, Missy! Magkakatabi pala tayo!” Aning muli ni Velma, at itinaas pa ang dalawang mga kamay sa harapan nina Nate at Missy upang makipag-high five sa mga ito. Nakangiting naki-high five naman rito si Nate, habang may bored na mukha namang rumesponde rin dito si Missy, mahahalatang medyo nanlulumo ang dalaga, dahil hindi niya makakatabi sa pag-upo ang bestfriend niyang si Taylor.

“I thought for sure magkakatabi tayong pito, or atleast naman magkakalapit lang. Ang lalayo pala ng mga agwat niyo!” Says Missy.
“Illyana, sweetie, ano'ng seat number mo?”

“Uhh... 14E,” sagot ni Illyana.

“Oh? Just behind my seat number then! Finally! Atleast may isa sa inyong malapit na malapit lang sa'kin!” Natutuwang sabi ni Taylor, nang malamang sa may bahagyang likuran niya pala uupo si Illyana.

Agad namang napaakbay si Duncan sa katabi niyang si Trevor na kanina pa tahimik, “Akalain mo nga naman, magkatabi pala kayo ni Trevor, Yana oh!” anito.

“H--Huh?”

“14E ka, diba?” He asks, which Illyana nodded in response.
“Mah boy Trevor's 14D. I think ito na talaga ang sign ni lord upang maging mag-close na kayo,” natatawang sabi pa ni Duncan, at dahil dito'y pasikretong napasiko nalamang sa kanya si Missy, “Duncan!”

“Uh-oh... Ngayon palang nararamdaman ko na ang walang katapusang awkwardness na mangyayari sa kanila mamaya sa buong flight,” pabulong na sabi ni Velma sa katabing si Missy.

“Girl, you said it, they're both not really a big fan of one another,” sabi naman nito.

Pabalang na itinabing naman ni Trevor ang kamay ni Duncan paalis sa balikat ni Trevor, na mahahalatang hanggang ngayon ay may masungit pa ring pagmumukha.
“Whatever. It's not my choice,” aniya pa, at nagtungo na sa kanyang uupuan.

“Psh! Ang sungit-sungit pa rin talaga kahit kailan!” Pabulong na wikang muli ni Velma.

“Yaan niyo na. Ganyan naman talaga palagi yan eh,” sabi naman ni Nate.

“Ahem! Excuse me... but, do you mind?”
Mula sa may likuran nina Duncan at Nate ay may isang lalake ang bigla nalang sumita sa kanila, dahilan upang pare-pareho silang mapalingon mula roon. “This is a plane, not some kind of amusement park. People wants to get into their seats, and you kids are in the way,” seryoso ngunit mahahalatang naiinis na iniwika nitong muli sa magkakaibigan.

Doon lamang nila napansing halos sila na pala ang umuukupa sa daraanan mula sa loob ng flight, dahilan upang dali-dali nalamang na magsipuntahan mula sa kani-kanilang mga naka-assigned na upuan ang mga magkakaibigan.

“W--We're sorry about that, sir,” tanging sinabi nalamang ni Taylor, ngunit umirap at sabay na napailing-iling lamang dito iyong lalakeng, sa unang tingin mo palamang ay kaagad mo nang malalamang ito'y may pagka isang-rich businessman. Pormahan niya palang kasi ay malakas na ang datingan eh, and he's probably around his 30s. Abala rin ito sa pakikipag-usap sa kung sino man mula sa kanyang cellphone, habang hinahanap ang kanyang sariling seat number.

“Yes, Sharon, I'm already onboard. If you can't convince them to stay put until the time I arrive, then I'm telling you, you're fired! Maliwanag ba tayo?” Iyon ang mga sunod-sunod na pinagsasabi no'ng lalakeng businessman, sa kausap niyang babae mula sa kanyang cellphone. Mahahalatang kanina pa ito nabubwisit dahil sa tono palamang ng pananalitang ibinibigay niya.

+++

“Welcome aboard! Please enjoy your stay!” Patuloy na pagbati ng dalagang si Yuno, sa mga nagsisipasukan pa ring mga pasahero ng flight 616.

“Welcome aboard, sir! Please enjoy your—”
Bahagya naman siyang natigilan nang bigla nalamang siyang hawakan mula sa kanyang kamay no'ng isa sa mga pasaherong pumapasok sa plane, bagay na bahagyang ikataka ni Yuno. At dahan-dahan pa nitong hinalikan ang kanyang kamay, sabay binigyan pa siya ng kindat.

“With you around, I'm most definitely gonna be enjoying my stay,” wika no'ng lalake, na may mga ngiting nakakaloko pang nakaplastar mula sa kanyang mga labi.

It was Stan, one of the twins.

Ngunit dahil sa ginawa niya'y hindi alam ni Yuno kung ano ang kanyang i-re-react. Brittany and Rory on the other hand, her co-stewardees couldn't help but to laugh in secrecy, dahil sa nakikita nilang nagiging reaksyon ni Yuno.

Dahil naman sa nangyari'y pabalang na itinulak papasok nalamang ni Vienna si Stan, na nagsanhi upang kamuntikan pa itong mapaumod mula sa sahig ng airplane.
“Pagpasensyahan mo na tong kaibigan ko, miss. Medyo may sira kasi sa pag-iisip,” natatawang sabi pa nito, dahilan upang naiilang na mapatawa nalamang din si Yuno. Matapos iyon ay pumasok na rin mula sa loob si Vienna, habang nakasunod naman sa kanya sina Walt, Jackson at Major.

“Uy, ang pogi no'n oh!” Pabulong na sabi ni Rory, sabay turo pa kay Jackson nang mapadaan ito mula sa kanila, dahilan upang kaagad lamang siyang bahagyang siniko ni Brittany.

“Shut it!” ani pa nito.

+++

“Walang hiya! Ba't ka naman nanunulak!” Reklamo ni Stanley sa kaibigan.

“You were in the way! Plus, wag ka ngang assumero! Sa ganda niyang 'yon? Anong ini-expect mo, kikindatan ka rin niya pabalik, gano'n?” May pagkamataray na ani naman na wika nalamang ni Vienna, na mas nagpainis lamang kay Stan.

“Wala kasing basagan ng trip! Alam mo, ikaw, ang yabang-yabang mo eh, porket jinowa ka bigla ni Jackson!”

+++

“Remember, stick to the plan,” bulong ni Major kay Jackson, at pagkatapos ay nagtungo na mula sa kanyang uupuan.

Napahinga nalamang ng malalim dito si Jackson, at kaagad nang inilagay mula sa may overhead bin ang ilan sa kanyang mga kagamitan.
“I should have stayed at home,” bulong pa ng binata sa sarili, at uupo na sana mula sa kanyang upuan, but something caught his attention.

Or rather— someone...

It's the boy he bumped into earlier today. Kasama nito ang sa palagay niya'y ate no'ng binata, habang abala rin ang mga ito sa paglalagay ng mga gamit nila mula sa may overhead bin, or also commonly known as luggage stowage compartments.

Mahahalatang medyo nagbabangayan iyong magkapatid, dahil gustong tulungan ni Raine si Diana sa pag-aayos ng kanilang mga gamit sa may bin, but Diana kept on insisting. At dahil nga ito sa kalagayan ni Raine.

Dahil dito'y napahinga nalamang ng malalim si Raine, at walang ibang nagawa kundi ang sundin nalamang ang kapatid at umupo nalang sa kanilang uupuan. Ngunit bago tuluyang umupo ay napatingin muna si Raine mula sa likurang bahagi ng flight, at nakita ang isang pamilyar na mukha.

Iyong binatang may badboy-look na nakabungguan niya kanina. Si Jackson...
Nakatingin din ito sa kanya, at nang mapansin iyon ni Jackson ay nginitian siya nito, sabay na kinindatan pa.

Dahil dito'y naiilang na napangiti nalamang din doon sa binata si Raine, sabay na napatango pa ng isang beses. At matapos no'n ay pareho na silang nagsiupuan sa kanilang mga flight seats.

“Sino 'yon, kakilala mo?” Diana asks, dahil nakita nitong nginitian ng kapatid niya iyong binatang nasa may bandang malayong likurang bahagi ng flight.

Kaagad namang napailing-iling si Raine bilang sagot.
“Uhh... N--No one. Just a random guy na nakabungguan ko kanina no'ng papunta ako sa CR. I fell down and he helped me,” pagkukwento ni Raine.

“Ahh,” Diana says in response. “Must be a nice kid,” aniya pa. “And cute too, don't you think?”

Dahil sa naging huling tanong naman ni Diana, ay bahagya lamang na napaiwas ng mga tingin niya si Raine, habang mahahalatang may bahagyang namumulang mukha.

Bagay upang bahagyang ikangiti nalamang ng kanyang kapatid.

+++

Habang papunta naman sa mga uupuan nila sina Stanley, Walter at Vienna ay may biglaang napansin si Stan mula sa isa sa mga pasahero ng flight 616...

Napako ang mga mata niya roon sa lalakeng abala lamang sa pagbabasa ng isang diyaryo. Ay parehong nanlaki ang mga mata't napanganga siya nang kaagad niya ngang makilala kung sino iyong lalake.

Pagkaupong-pagkaupo niya ay kaagad niyang pinagkukulbit ang mga katabing sina Walt at Vienna, bagay na pareho namang ikainis no'ng dalawa.

“Dude, ano nanaman ba?” Reklamo ni Walter.

“I swear to god, if its another stewardess, I'm gonna punch you in the face! Stop simping so hard, bro!” Naiinis at bored na sabi naman ni Vienna.

“Guys, guys... Nakikilala niyo ba 'yong lalakeng 'yon?” Pabulong na tanong niya sa mga ito, sabay na kaagad pang itinuro iyong lalakeng nakita niya kanina.

Dahil dito nama'y parehong agad na napatingin sa itinuturo niya sina Walt at Vienna.

“The heck are you talking about, man?” Naiilang na wika ni Walt, na hanggang ngayo'y naiinis pa rin sa sariling kapatid.

“Ah, so ngayon sa mga gwapo ka naman sumi-simp kasi ayaw kang patulan no'ng mga chix? For crying out loud,Stan! Get a life!” Bored na sabi namang muli ni Vienna.

“Ano ba kayo? Hindi! Di niyo ba nakikilala ang itinuturo ko? Dudes! It's Holmes! —Percival freakin' Holmes is in this flight!” Pagpoprotekta ni Stan sa ipinupunto niya.

“Percival... Who?” Vienna asks, mahahalata kasing hindi niya ito nakikilala, maging si Walter.

“Percival Holmes! Isa sa mga sikat at magaling na pulis ng Pilipinas! Saang kweba ba kayo nagtatago't hindi niyo siya nakikilala?” Muling sabi ni Stan, bagay na parehong ikinagulat naman noong dalawa.

“W--Wait... Did you just say... Pulis?” Muling tanong ni Vienna.

“Did I stutter?” Answers Stan.
“So... Sinong magsasabi kay Major na ngayon palang, flop na ang mga plano natin?”

+++

"Ladies and gentlemen, this is your captain speaking. We are now ready for departure. So please, fasten your seatbelts, stow your tray tables, and ensure all carry-on items are securely stored. Thank you for flying with us today, I hope you all have a great-nice trip!”
Iyon ang narinig na anunsyo ng lahat, na ang ibig sabihin lamang ay handa nang lumipad ang kanilang sasakyang flight.

+++

“Uh, excuse me, miss... May kahit anong candy lang ba kayo riyan?”

Tanong ng pulis-slash-agent na si Percival Holmes, doon sa isa sa mga stewardess ng flight 616 na si Elaine, na kasalukuyang nagtutulak ng isang airline service trolley, na puno ng mga iba't-ibang pagkain at drinks.

“Ahh, yes, sir! Ano ho bang klase ang gusto niyo?” She asks.

“Kahit ano, basta hindi lang iyong gaanong matamis,” sagot ni Percival.
Dahil dito nama'y binigyan siya ng 10 pieces Snow bear candy no'ng stewardess lady, matapos iyon ay nagpatuloy na ito upang ma-assesahan naman iyong iba pang mga pasahero.

Percival unwrapped one of the candies and put it straight into his mouth, at pagkatapos ay kaagad niyang binulsa iyong iba.

Napatingin naman siya roon sa katabi niyang bata, na ngayo'y may blangkong ekspresyong nakatingin na rin sa kanya, habang akap-akap pa ang stuffed animal niyang Pokémon na si Oddish. And it was the little girl, Sophia.

Dahil dito'y naglabas ng isa pang candy si Percival, at inialok ito roon sa bata.

“Gusto mo?” He asks.

Hesitanteng umiling-iling naman si Sophia bilang sagot.

“Ang sabi ho sa'kin ni inay, huwag daw po akong tumanggap ng kahit na anong bagay sa isang estranghero,” seryoso at magalang nitong wika, bagay upang ikangiti naman ito no'ng ahente.

“Well, she's not wrong,” aniya.
“Parati mong pakakatandaan yang sinabi ng inay mo, okay?” wika pa nito, dahilan upang mapangiti't mapatango-tango nalamang si Sophia bilang sagot.

“Tama! Oddish odd!” Biglaang pagsasalita no'ng stuff toy ni Sophia na si Oddish, bagay na bahagyang ikagulat ni Percival.

“Jesus Christ!— nagsasalita yan?” Gulat na natanong nalamang ni Percival.

“Siya ho si Oddish. AI toy companion ko ho,” sagot naman ni Sophia, sabay na ipinakilala pa iyong AI stuffed animal friend niya.

“Nice to meet you, sir! Oddish, reporting for duty!” Wika naman nito, na sumaludo pa, gamit ang stuffed hair nitong hugis dahon...

“Ano ho ba ang pangalan niyo, sir?” Tanong naman ng bata kay Percival, in which, he answered quickly.

“Uhh... The name's Percival, little princess. But you may just call me, Percy for shor—”
Hindi pa man tuluyang natatapos ni Percival ang kanyang sinasabi'y bahagya siyang nasurpresa nang kunin no'ng bata iyong candy mula sa kamay niya.

“Ikinagagalak ko po kayong makilala, manong Percy, ako po si Sophia. At ngayong magkakilala na tayo, akin nalang po 'tong candy, maraming salamat po!” Nangingiting wika pa ni Sophia, dahilan upang bahagyang mapatawa nalamang dito si Percival.

“Gusto ko yang humor mo ah!” Aniya.
“Pero, sa tingin ko, mas ayos yata kung kuya nalang ang itawag mo sa'kin. Ang lakas maka-lolo no'ng manong eh. Mag tu-twenty six palang naman ako,” aniya pa, na ikinatawa nalamang din ni Sophia.

“Nope! Manong, manong, manong, manong!” Paulit-ulit pa nitong sinabi, trying to be comedic, bagay na ginaya naman no'ng stuffed pokémon niyang si Oddish. Wala namang ibang nagawa pa si Percival kundi ang mapatawa nalamang din dahil sa bata.

+++

Mula sa may row 14 naman, tahimik lamang na nakaupo mula roon ang dalagang si Illyana.

Wala siyang ibang magawa, dahil wala naman din siyang makausap.

Nasa unahan niya lamang si Taylor, ngunit mahahalatang abala ito sa pagsi-selfie-selfie, lalo na't ninanakaw niya ang mga sandaling hindi pa lumilipad ang flight nila, dahil paniguradong mayamaya'y kakailanganin na nilang ipasok sa airplane mode ang kani-kanilang mga cellphone, at hindi na sila makakapag post pa ng mga content sa social media dahil dito.

Sa may kabilang side naman ng row nila ay naroroon nakaupo si Duncan, ngunit kagaya ni Taylor ay abala lang din ito sa kanyang sariling ginagawa, ang gumuhit ng mga random skyscrapers. Ito kasi ang mga hilig na gawin ng binata, lalo na kapag bored siya't walang may makausap.

Habang ang katabi naman ni Illyana na si Trevor, ay nananatili lamang na nakapikit ang mga mata, habang deretsong nakasandig sa kinauupuan nito. And all Illyana could do & feel at this moment is to be a little uncomfortable and shy around him. Lalo na't hindi talaga sila masyadong close sa isa't-isa. Sa dinami-rami ba naman kasi ng pwede niyang makatabi, si Trevor pa.

Pakiramdam niya nga'y ayaw sa kanya ni Trevor eh. Isang bagay na hanggang ngayon ay ikinapagtataka pa rin ni Illyana.

Everyone is nice to her, and Trevor is good friends with everyone. But for some reason, Trevor never approached her.

Minsan napapaisip nalamang si Illyana, na marahil ay dahil ito sa kadahilanang laki siya sa hirap, at magkaiba ang daloy ng buhay nila.

O di kaya naman ay dahil ito sa napakamahiyain, napakamahinhin at napakalampahin niyang mga galaw at kilos.

O di kaya nama'y pareho.

Either way, it still makes her a little sad, thinking one of the people she's always with might never really like her.

+++

Mayamaya'y may isang babae ang lumapit sa kanila't may itinanong

“Excuse me, darlings, are you 14D and 14E?” aniya, dahilan upang parehong mapatingin sa kanya sina Illyana at Trevor.

Pareho rin silang napakunot sa kanilang mga noo ng makita iyong karga-kargang hayop noong dalaga.

Isang kambing.

But Trevor just completely ignored them after that, and went back to sleep.

Dahil dito, kahit na sobrang mahiyain, ay si Illyana nalamang ang sumagot doon sa babae.

“U--Uhh... O--Opo,” sagot ni Illyana rito.

“Kung gano'n, is that empty seat the 14F?” Muling tanong no'ng babaeng may weird na british accent, bagay upang muling ikatango ni Illyana.

Dahil dito nama'y napabuntong hininga nalamang sa tuwa si Morganna.
“Oh, finally! Next to the window! Some piece and quiet,” Aning muli ni Morganna, at nakidaan sa may harapan nina Trevor at Illyana, upang siya'y makaupo na rin sa kanyang sariling upuan.

Nang mapatapat mula kay Illyana si Morganna'y pareho silang nagkaharap mula sa mukha no'ng alaga nitong kambing na si Ffleuderlyn.

Meeeeheeeeh!!” Malakas na hinuni pa nito, dahilan upang magulat dito si Illyana. Maging ang hindi matibagtibag na tahimik lamang na si Trevor ay bagya ring napa-fidget sa gulat ng lakas ng boses no'ng kambing.

“Pot—” Nagpigil nalamang ng inis rito si Trevor, “Some piece and quiet, huh?” Inis pa nitong bulong sa sarili.

Habang si Illyana nama'y parang halos matutunaw na yata sa kinauupuan niya.

Kanina pa siya naiilang dahil sa masyadong katahimikang ibinibigay sa kanya ni Trevor, ngunit ngayon naman ay halos hindi niya na alam kung anong isasagot niya sa mga sunod-sunod na ikinukwento sa kanya no'ng madaldal na babaeng si Morganna. Plus, isama pa iyong nakakatakot na alaga nitong kambing, na pakiramdam pa ni Illyana'y maaari siyang kagatin ano mang oras.

Clearly, this isn't one of her best days...

+++

Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na ngang mag-take-off mula sa ere iyong sinasakyan nilang eroplano.

Mula sa may aisle 7D, ay makikita ang babaeng tahimik lamang na nakaupong si Nora. She was startled, no'ng nagsimula nang kumilos iyong eroplano, bagay upang mahigpit siyang mapahawak mula sa may gilid ng kanyang upuan, at sabay na agarang napadasal.

Napansin naman iyon ng katabi niyang si Lelandra...

“First time?” Tanong no'ng matanda kay Nora.

Dahil dito'y napatango-tango naman ang babae bilang sagot.

Lelandra smiles.
“Ahh, ayos lang yan. Everything's gonna be okay. Masasanay ka rin mayamaya,” aning muli ni Lelandra.

Napangiti nalamang din dito si Nora, kahit na mahahalatang medyo kinakabahan pa rin dahil sa patuloy na pag uyog ng buong flight.
“S--Sana nga po,” aniya pa.

“Hija, kung hindi mo mamasamain ang pagtanong kong ito sa iyo, pupunta ka sa Hawaii hindi para magbalasyon, diba?” Muling tanong ni Lelandra.

Umiling-iling naman si Nora bilang sagot.
“Hindi ho eh, isa ho akong OFW,” anito.
“Unang beses ko pong gagawin 'to. Para sa mag-ama ko,” aniya pa, bagay na ikinatango at ikinangiti nalamang ni Lelandra

“You're a strong willed-woman, at nirerespeto ko iyon,” wika nito. “Ang pangalan ko nga pala ay Lelandra,” pagpapakilala niya pa sa kanyang sarili.

“Uhh... Nora po,” sagot naman nito.

“Ito naman si Cody,” turo naman ni Lelandra sa katabi niyang apo, na kasalukuyan ay abala sa paglalaro sa mga dala niyang laruan. May pa-sound effects pa itong ginagawa at voice over, habang binabangga sa isa't-isa ang mga action figures nina Captain America at Iron Man.

“You're going down, Captain America! For the last time! Booogsh! —Not on my watch, Iron Man! Pew! Pew!” The little boy continued his imaginative self storytelling, bagay upang bahagyang mahumaling sa kanya si Nora, dahilan upang pareho nalamang din silang mapatawa ni Lelandra.

“Ang precious niya,” ani ni Nora.

“Manang-mana sa'kin,” sabi naman ni Lelandra. “Alam mo kasi, ganyan din ako no'ng bata pa ako eh,” dugtong niya pa, kaya nama'y mas napatawa lamang dito si Nora.

Dahil sa ginagawang paglibang naman ni Lelandra kay Nora, ay mahahalatang parang nasa normal state niya na ngayon ang babae, at hindi na balisa dahil sa patuloy na paggalaw ng eroplano.

+++

“So, isa ka rin palang writer?"
Mula sa may Isle 32D naman ay makikita ang magkatabing teenagers na sina Meadow at Wanda.

At sa unang tingin palamang ay mahahalata mo nang, the two are complete opposite of each other.

Meadow is the type of guy whose just too nerdy, wears some really round eyeglasses, and a closed-neck blue polo shirt, habang si Wanda naman ay iyong tipo ng babaeng, mula ulo hanggang paa ay agad mong mahuhulaang, isa itong dark-color-worshipper. Or in other words, a goth.

Sa naging tanong ni Meadow, ay bahagya lamang siyang tinitigan ni Wanda, for atleast about six seconds before making a response.
“Yup,” tipid nitong sabi.

“So, uhh... If you don't mind me asking, anong klaseng mga stories ba ang sinusulat mo?” Muling tanong ni Meadow.

“Death... Gore... Blood... Dark... Agonizing screams... Deathdefying nightmares... Cursed dolls... Infinite void... Creepy crawlers... I could go on all day,” Wanda responded in a very slow manner, bagay upang mga tatlong segundo munang hindi makaimik si Meadow.

“W--Wow! So... Horror writer ka pala! A--Ako naman, I kinda prefer writing fantasy novels, science fiction and super hero flicks. Medyo may influence rin kasi sa Marvel at DC eh. Cause, y'know! I'm actually a big-big fun of those!” Monologong kuwento ni Meadow.

Ngunit tanging “uh-huh,” lamang ang iniresponde rito ni Wanda.

“S--So anyway, isa ka rin ba sa mga writers na inimbitahan para maging parte sa isang contest somewhere in Hawaii? I--I mean, I bet you are, right?! Like, why else would you be inside a plane to Hawaii if you aren't! Cause that's just so....”
Hindi naman naipagpatuloy pa ni Meadow ang kanyang mga sinasabi nang makita niyang naglabas ng earphones mula sa bulsa niya si Wanda, at ipinalsak ito mula sa kanyang tenga.

Isang sign na nagpapahiwatig na, ayaw nitong makipag-usap o makinig manlang sa mga pinagsasasabi niya, bagay upang bahagyang manlumo nalamang si Meadow, sabay na napahinga ng malalim.
“And that's probably why I can't get myself a single friend,” bulong pa ni Meadow sa sarili.

And for a brief moment ay napatingin siya mula roon sa parte ng plane kung saan nakaupo ang magkakaibigang sina Missy, Velma at Nate.

And he couldn't help but to feel a little bit jealous, lalo na dahil mahahalatang nag-eenjoy ang mga ito't mahinang napapatawa-tawa pa habang nag-uusap-usap.

“Glad some people are enjoying their trip," Meadow said in a very bored and sarcastic tone.

Little does he know, wala naman talagang music iyong mga earphones ni Wanda, although, talagang aaminin niyang ipinalsak niya iyon mula sa kanyang tenga upang tumigil sa pakikipag-usap niya si Meadow. And that's not because he hates talking with him, talagang pagod lang siya ngayong araw kaya ayaw niyang makipag-usap kahit kanino...

+++

Mayamaya nama'y may isang pasahero ang tumayo mula sa kanyang kinauupuan at kaagad na nagtungo mula sa may CR ng eroplano...

Pagkapasok no'ng estranghero ay agad niyang kinuha ang kanyang cellphone, at may pasikretong tinawagan.

Agad naman itong sumagot sa kanya.

“Oh, ano? Any updates?” The man behind the line spoke first.

“Everything's all under control na, sir,” sagot no'ng estranghero rito.

Andyan na ba lahat ng mga tao natin?”  Muling tanong no'ng mama mula sa likod ng linya, dahil dito'y napangisi nalamang ang estranghero.

“Bawat isa sa kanila'y nasa loob na ng eroplano, sir. The businessman, the doctor, the heir, the mother, the writers, the gangsters, the agent, the politicians' kids, the horny social-media couple, even that rich influencer lady with her annoying goat. They're all ready for take off,” nangingising wika pa nito, na para bang isang kontrabida mula sa isang telenovela na may pinaplanong hindi maganda.

“Good. No casualties?” Muling tanong no'ng mama.

“Probably just one. Siya lang ang nakita ko ritong hindi kasama sa listahan,” the stranger answers.

“I need a name,” he foreasks.

“Illyana Santos. Base sa naging obserbasyon ko kanina, kasama siya no'ng anim na anak ng mga politicians. She looks harmless, ang tanging koneksyon niya lang talaga sa mga nasa lista ay ang kaibigan siya no'ng anim na kabataan. Sucks to be her tho.”

Dahil dito nama'y narinig no'ng estrangherong bahagyang napahinga ng malalim iyong tinatawag niyang sir mula sa kabilang linya.
“That's fine,” he says. “I'm sure na pag mangyari na ang eksenang pinakahihintay natin, wala namang makakaalala sa kanya, kagaya nalamang sa mangyayari sa lahat ng mga taong naririyan sa flight na yan. Ika nga nila, the more people on board, the merrier it goes around...” Wika pa noong lalake, at pagkatapos ay napatawa na parang demonyo.

Dahil dito naman ay napangisi nalamang din iyong estranghero, at mahina ring napapatawa kagaya sa amo niya.

“The merrier indeed...”
Bulong pa nito sa sarili...

+++

T o B e C o n t i n u e d . . . . .

+++

Chapter Characters:
(In order of Appearance)

+

The Announcer (first appearance, voice only)
Taylor Preston
Nate Gladwin
Missy McTaggert
Duncan Hanes
Velma Asuncion
Trevor Pryde
Illyana Santos
Lelandra Perez
Cody Perez
Diana Arkanghel
Raine Arkanghel
Major Gatdula
Jackson Hedalgo
Vienna Buenavista
Cassandro Lim
Amandro Lim
Sophia Adante (first appearance)
Yuna Nakajima (first appearance)
Brittany Locsin (first appearance)
Rory Pinto (first appearance)
Elaine Sanchez / Cart Lady (first appearance not named)
Markus Narcismo / The Businessman (first appearance, not named)
Sharon (first appearance, no lines, phone call only)
The Captain (first appearance, voice only)
Percival Holmes (first appearance)
Oddish (first appearance)
Morganna Thompson
Ffleuderlyn the Goat
Nora Cajustin (first appearance)
Meadow Melo (first appearance)
Wanda Addams (first appearance)
The Stranger (first depiction)
The Boss (first appearance, phone call only)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top