Day 10
I never regretted living here with Red. Ever since my parents died, no one made me happy like this. He was the first one to make my life colorful as ever.
Sinadya ko talagang maagang gumising para masabi ko na sa kanya ang totoo kong nararamdaman. I had some realizations yesterday and I am already sure that I love him.
Noong nagalit siya sa akin, doon ko napagtanto na mahalaga siya sa akin, na ayaw ko siyang kamuhian ako. Dahil kapag nangyari iyon, natatakot akong aayawan niya ako.
Kanina ay nakita ko siyang nasa dagat at naghahanap ng isdang mahuhuli. Mamaya kapag nasa hapag ay sasabihin ko sa kanya. Sasagutin ko na siya at magiging first ever boyfriend ko.
Humagikgik ako dahil sa naisip. Sobrang excited akong lumabas para salubungin siya ngunit laking gulat ko nang hindi si Red ang bumungad sa akin. Halos manginig ang kalamnan ko sa nakita. Totoo ba ito? O nagha-hallucinate lang ako?
"D-daddy..." mahinang sambit ko at bumaling sa kasama niya. "M-mommy..."
"We missed you, anak." My mother smiled at me. They were both wearing white.
"W-why... w-what are you doing here? I... thought y-you were already dead?" naguguluhan kong tanong.
"Ikaw lang din ang makakasagot sa tanong mo anak," sagot sa akin ni daddy.
Huh? I am so confused. Paano sila nakarating dito? Am I seeing ghosts? But, why all of the sudden?
"Gumising ka na, anak." My mother cried. Lumapit silang dalawa sa akin at niyakap ako ng mahigpit. What does she mean by that?
"Harapin mo ang mga problema mo, basta palagi mong tatandaan na lagi ka naming binabantayan ng Mommy mo," my dad spoke.
"Sa luma nating bahay, may vault sa gilid ng pintuan sa likod. May nakaharang vase doon at hanapin mo 'yon, anak. Ang password ay ang birthday mo," banayad na sabi ni mommy. Tumingin siya sa akin gamit ang kaniyang malulungkot na mata.
"Pero iba na ang may-ari ng bahay na 'yon dahil binenta ko para may... i-ipamburol ako sa i-inyo." My voice was shaking but I still manage to tell that what truly happened.
"Ask the new owner. Sabihin mong may titingnan ka lang at baka pumayag 'yon," si dad ang nagsabi ng solusyon.
Hindi ko alam kung ilang taon na ang nakalipas simula noong nayakap ko sila ng ganito. Bumuhos ang luha ko at napahagulgol sa kanila.
"Hindi na kinaya ni Red, anak..." My mother cried.
What is really happening? Kinakabahan ako! Matagal na silang patay pero bakit sila nandito? Bakit nila kilala si Red? Inilibot ko ang mga mata ko, hinahanap kung nasaan siya.
"Bakit niyo kilala si Red?" Kumunot ang noo ko, nagtataka sa kung ano ang nangyayari. Buhay sila? O imagination ko lang ang lahat ng ito?
Dulot siguro ng pagka-miss ko sa kanila ay kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko. I wish I am not crazy.
But then, my heart is beating so fast while waiting for their answers.
"Mahal mo ba siya?" Mommy asked.
I paused for a bit and held my hands together. I remembered what happened to me on this island with him. All I can say is that, he made me feel the best experience of being in love.
"I love him so much..." I can't help but to tear-up.
"Red is a good man. I like him for you, nakita ko rin na mahal na mahal ka niya at nirerespeto bilang babae," Dad said and patted my head.
"Tell me what's going on..." Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa but I didn't get an answer. They just stared at each other and smiled. I was getting nervous as time passes.
"Kailangan na naming magpaalam sa ngayon, Cora Eliana," si daddy.
They both kissed me in the cheeks before turning their bodies and walking away from me.
"Sandali!" Sinubukan kong habulin sila pero nanindig ang mga balahibo ko nang bigla silang maglaho.
Napahawak na lang ako sa aking labi at umiyak nang umiyak dahil wala na ulit sila. Hindi ko man lang nasabi na mahal na mahal at miss ko na sila.
"Mommy... Daddy..." tawag ko sa kanila pero wala akong napala. They are really gone.
Si Red!
I quickly stood up and wiped my tears. I need to find him immediately. Baka kung ano nang nangyari sa kanya dahil sa sinasabi ng parents ko.
"Red," tawag ko sa pangalan niya at tumingin sa paligid. "Nasaan ka na? May importante akong sasabihin sa'yo," pagpapatuloy ko.
"Red..." pag-uulit ko.
Bumalik ako sa kubo at hinanap siya ngunit wala akong nakita ni anino niya. I need to be patient. Baka isa na naman ito sa mga pranks niya sa akin. I know that Red will never leave me, he promised.
Nagtatampo lang siguro iyon dahil sa away namin kahapon. Babawi ako sa kaniya, ipaparamdam ko ang pagmamahal na ipinaramdam niya sa akin.
"Red!"
Pumunta ako sa kakahuyan, baka nandito siya at nagmumuni-muni lang. Ngunit nabigo ako nang halos nalibot ko na ang buong lugar ay wala siya. Saan ba iyon nagpunta?
Sumasakit na ang paa ko dahil kanina pa ako naglalakad para hanapin siya. Kaya naman umupo muna ako sa damuhan para magpahinga ng kaunti. Alam kong nandito lang ang lalaking iyon. Saan naman siya pupunta dahil na-trap nga kami rito 'di ba?
My eyes widened when I remembered something.
Sa waterfalls!
Agad akong tumayo at hindi na pinansin ang pamamaga ng mga paa ko. Lakad-takbo ang ginawa ko para marating iyon. Buti na lang at naalala ko kung saan ang daan dahil baka nawala na ako.
"Red!" sigaw ko ng pangalan niya nang marinig ko ang agos ng tubig. I'm sure he's here. I smirked at the thought.
Sumilip muna ako para sana gulatin siya at ipahayag ang totoo kong nararamdaman. I smiled widely when I walked closer to the falls. But I was shocked when I saw that there was no one here. Tanging mga puno, maliliit na insekto, at tubig lang ang nakita ko. I scanned the whole place but... I failed to see him here.
"Red! Ano ba? Tama na nga iyang mga pranks mo! Hindi nakakatuwa!"
No one answered. All I can hear are the crickets and the flow of water coming from above.
"Red..." I started shedding tears.
"Please... magpakita ka naman sa akin, oh! I have to tell you something important!"
"Mahal kita!" I yelled.
Nanlambot ang mga tuhod ko nang walang natanggap na sagot. Napa-upo ako sa malalaking bato at hinilamos ang muka. Nakagat ko ang labi ko at pilit pinipigilan ang hagulgol.
"Cora..."
I heard a voice calling my name. I thought it was Red but it was a woman's voice.
"Cora..."
Luminga-linga ako sa paligid pero walang tao kundi ako lang. My heart started pounding like crazy. I don't know what's happening.
"Cora..."
Nagsimula nang sumakit ang ulo ko. I was getting dizzy as the woman's voice kept playing on my head. Para itong sirang plaka na paulit-ulit ang mga sinasabi.
"Cora..."
Napahawak na lang ako sa ulo ko nang naramdaman kong sumasakit ito hanggang sa binalot ako ng kadiliman.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top