Day 09

"Mornin'..." he greeted me. I was walking in the kitchen towards him.

"Morning! Dapat ako ang gumagawa niyan, e. Gawain ng babae 'yan," I said in amusement when I saw him preparing for our breakfast.

"Ako na, ayokong mai-stress ka, kaya kita pinagsisilbihan."

"I am not a damsel in distress Red, I don't need you to serve me," mariin kong tugon.

He looked at me and smiled. "Just let me do this, I wanna spoil you." Hinaplos niya ang buhok ko habang titig na titig aa akin.

I can't help smiling. "Parte ba 'yan ng panliligaw mo?" I asked the obvious. Kahit alam ko na ang sagot, may parte sa akin na gustong marinig iyon mula sa kanya.

"Yes..." he spoke.

We ate breakfast as usual. Like before, I washed the dishes. Red tried to stop me but I always insist. Gusto kong may pagka-abalahan dahil sa ganitong paraan na nga lang ako nalilibang.

"May pupuntahan tayo, Cora," bungad ni Red nang makalabas ako.

Sa kamay niya ay may panyo at nagulat ako nang ginawa niya itong piring. Naramdaman kong inilahad niya ang kamay niya sa akin bilang gabay.

"Ano nanamang kalokohan ito, Red?" I asked in curiousity.

"Cora, this is not a prank. Just wait and see." I heard him chuckle a bit.

I pursed my lips as he guided me to walk. He's always careful every time there's a stone in my way or anything else. Sinasabi niya rin kung may pababa na daan at kung ilan ang dapat na hakbang ang gagawin ko.

"Dahan-dahan, baka madapa ka. Ayokong magkaroon ka ng galos dahil sa akin..."

"Surprise ba ito?" I said excitedly.

Hindi ko siya narinig magsalita. Baka surprise nga. I giggled in happiness. Ano kaya ito? After walking for minutes, he stopped. I can hear some water flowing from somewhere. May sapa ba rito?

"Stay right there. And don't take off your blindfold unless I ask you to, okay?" he said.

Tumango lang ako. Naramdaman kong umalis siya sa harap ko.

"Uy! Saan ka pupunta?" aligaga kong tanong. Kinabahan ako nang ma-realize na wala siya sa tabi ko.

"Tanggalin mo na!" he shouted from a far.

I slowly untied the handkerchief covering my eyes. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at ganoon na lang ang paghanga ko sa lugar na kinatatayuan ko.

"Wow..." I was amazed by the beautiful waterfalls in front of me. Napakataas nito at bumubuhos mula sa tuktok nito ang sari-saring tubig na bumabagsak sa ibaba.

Hindi ko rin mapigilan ang pag-awang ng aking labi dahil sa mga magagandang puno na kulay berde. Mayroon ring arko na puno ng bulaklak habang si Red naman ay nasa dulo ng nagkalat na petals.

"Ang ganda-ganda rito, Red..." Inilibot ko pa ang paningin sa buong paligid. Ito ba ang pinagka-abalahan niya kahapon kaya siya ginabi?

He looked at me with his gentle eyes and grinned.

Do not fear

Dry your tears

I will be right here by your side

Let us face the world together, do not hide.

I blinked thrice. I didn't expect that he'd sing in front of me. Napakaganda ng boses niya. Natakpan ko ang bibig ko para hindi niya makita ang ngiti ko.

My mind is filled by you

My life isn't complete without you

And I can't ever ask for more

Ever ask for more

My heart raced like crazy. Is this song an original composition? Ang sarap sa pandinig na kinakanta niya iyon sa harap ko. Dahil ngayon ko lang narinig ang song na ito, sigurado akong siya ang nagsulat nito.

You mean so much to me

You are everything I see

Like an echo in woods

I was repeatedly allured

By your beauty

By your personality

I slowly walked towards him following the path of the petals scattered at the ground. Hindi maalis sa aking mukha ang ngiti. Kahit wala siyang gitara o ano pa man na instrumento, para akong nanonood ng concert sa ganda ng tinig niya.

You mean so much to me

You are everything I see

Like an echo in woods

I was repeatedly allured

By your beauty

By your personality

His soft voice serenading my ears felt so warm and comfortable. I was smiling like an idiot until he sang the last chorus. Nakarating ako sa harap niya matapos ang kanta.

"Cora Eliana Laurel..." he stated my name.

I raised my brows and chuckled. "What?"

"Will you be my girlfriend?" naka-ngiti niyang tanong.

Napakurap ako at nakagat ang pang-ibabang labi. I don't know what to say. I can't define what I am feeling right now and I am not yet sure.

I shook my head and looked down.

"Cora? What do you mean by that?" I can hear his voice shaking.

I gathered up my courage to look up to him straight in the eyes. Parang ayokong nakikita siyang nasasaktan ng ganito.

"I'm not yet ready, Red... kasi..." hindi ko maituloy ang sasabihin ko.

"Hindi ba sapat iyong mga ginawa ko para sa 'yo? Hindi mo ba nagustuhan itong supresa ko sa 'yo? Come on, Cora, tell me. I will do anything for you." I saw a tear fell from his eyes.

No Red! Don't cry, please...

"Sandali lang kita nakilala tapos–" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil pinangunahan niya agad ako.

"Iyon lang?! Pinatunayan ko naman sa 'yo na deserving ako diba?" His bloodshot eyes met mine.

Hindi ko na rin napigilan ang pagluha. Kumuyom ang kamao ko at pumikit ng mariin.

Think, Cora! You need to make a decision now!

Bumuntong hininga siya at narinig kong may itinapon siya sa may gilid. Doon ko nakita ang isang bouquet ng bulaklak. Mas magara iyon kaysa sa ibinigay niya sa akin noong una.

"Red, let me explain..." I tried to hold his hand but he didn't let me. He clenched his jaw and looked from afar.

"Ano iyong mga pinapakita mong motibo sa akin? Huh! Iyong pagngiti mo sa tuwing sinasabihan kitang 'mahal kita'. Iyong pag-aalala mo sa akin kagabi na inakala mong patay na ako? Ano ang lahat ng iyon, Cora?!" his voice thundered.

Napalunok ako ng ilang beses, nangangapa ng salita. Bakit naman kasi biglaan niya akong tinatanong ng mga ganito. This is my first time experiencing this and I don't know what to do.

"Na-appreciate ko lahat ng iyon, Red."

Hindi ako nagtigil sa pag-iyak at patuloy na pinupunasan ang mga luha. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. I feel like he doesn't deserve a girl like me.

"Cora, alam kong meron, e..." he was begging.

I sobbed. I heard him cursed when I remained silent and crying. Why am I hurting so bad?

"It's better if we just go back. Let's talk some other time when I'm not mad at you."

"Let's go," pag-aya niya.

Bumalik kami sa kubo nang walang kibuan. I wanted to talk to him so bad pero hindi ako sigurado sa mga nararamdaman ko.

"Red..." I called his name when we reached home.

"Next time, Cora," mariin niyang sabi. Alam kong pinipigilan niya lang magalit sa akin dahil iniintindi rin nito ang nararamdaman ko.

"Mahal na rin yata kita, Red..." I whispered to myself. Mga salitang nais kong iparating sa kanya, matapos mapagtanto ang maraming bagay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top