Day 07

Nang imulat ko ang mga mata ko ay bumungad agad sa akin ang gwapong mukha este nakangiting mukha ni Red.

"Good morning, sunshine." His lips twisted.

"Morning..." I rubbed my eyes and covered my face with my palm.

Baka makita niya ang mga muta ko! Nakakahiya kapag nagkataon. Ayaw kong magkaroon ng bad impression sa manliligaw ko.

"Don't be shy, you're still so pretty after waking up in the morning," pambobola niya. Kung may contest lang siguro sa pambobola, ay nanalo na siya.

Inilapit niya lalo ang mukha niya sa akin dahilan para mas lalo akong mahiya. Hindi pa nga ako naghihilamos eh.

"Ano ba!" singhal ko.

Kainis kasi naman, e! Agad akong tumayo at pumunta sa likod para maghilamos at mag-mumog. Buti siya ang fresh niya kahit bagong gising. Tapos ako, mukha na siguro akong manang.

Ano ba kasi nagustuhan niya sa mukhang 'to?

"Wala bang dumaan na mga bangka ulit kanina?" tanong ko.

He shook his head.

Palagi kasing siya ang nauunang gumising. He's a morning person and I'm not. Kahit ano talagang pilit ko na gumising ng maaga ay palagi akong nabibigo. Lagi akong tinatanghali, na siyang dahilan para kainisan ako lalo ni Auntie Jamara.

Pero dito sa islang ito, wala si Auntie kaya kahit anong oras ako magising ay okay lang. I love living here, parang ayaw ko na tuloy bumalik at dito na lang manirahan.

"I wanna live here forever," sambit ko at mukhang narinig niya.

"Me too!" sabi niya na ikinagulat ko. I thought he's gonna oppose and say that I should face my problems when we go back.

"Don't you miss your father?" taka kong tanong.

Napaka-selfish ko naman kung ayain ko siyang manirahan na lang dito. May naiwan siyang buhay sa lungsod, at ako naman ay wala. Hindi porket may gusto siya sa akin ay gagawin niya na rin lahat ng bagay na ginagawa ko.

"He's already dead," he whispered and looked down. I was surprised at what he said. Hindi ko inakalang hindi na niya kasama ang tatay niya.

"What? I thought... I'm sorry, sorry," mataman kong sabi at nag-iwas ng tingin. Ngayon ko lang na-realize na iyon pala ang dahilan kung bakit ko siya nakitang umiiyak sa sementeryo noong ibabalik ko sana iyong payong.

"Don't be! Like you, I also lived alone.
Wala akong matakbuhan na kamag-anak at nag-iisa akong anak. Last week lang namatay si papa."

"I'm sorry for your loss. Bago lang pala. You told me that he has a heart disease, iyon ba ang dahilan?"

He nodded. I saw his eyes saddened. Sana hindi ko na lang pala binaggit ang topic na iyon. I knew his pain because we're at the same boat and I don't want him to feel that. Gusto ko maging masaya siya.

"Hindi mo ba naisip minsan na hanapin ang mama mo? Siya na lang ang meron ka," I shifted our topic.

Natahimik siya at bumuntong hininga. "Ayoko, kung talagang mahal niya ako ay matagal na niya akong pinuntahan. I don't consider her being my mother, dahil hindi naman siya naging ina sa akin," malungkot niyang sambit.

"Pero pagbali-baliktarin mo man ang mundo, she's still your mother."

"Nahihirapan na talaga ako kasi alam kong buhay nga siya pero hindi ko naman ramdam ang pagmamahal niya."

I just nodded. I will respect his decision if that's what he wants. Ayoko siyang pangunahan dahil buhay niya iyon.

"Halika! Tama na nga ang drama!" Hinila niya ang kamay ko at itinayo. Tumakbo kami malapit sa dalampasigan at itinulak niya ako sa dagat.

"Ano ba, Red! Mababasa ako!" sigaw ko ngunit tumawa lang siya. Heto na naman ang mga pang-aasar niya sa akin.

"You look so cute when you're mad." His lips twitched. "Kaya lagi kitang gustong asarin, e."

My face heated. I pursed my lips to avoid smiling.

Namilog ang mata niya nang umiwas ako ng tingin. "Wait! Are you blushing? Do I have an effect to you now?" He almost laughed.

"Ah? Anong effect?" Nagmaang-maaangan ako. I looked away ang remained silent.

Bago siya nagsalita ay binasa ko na siya ng tubig dahilan para magulat siya. I laughed at his reaction. Pumunta ako sa medyo malalim na parte ng dagat at nagpahabol sa kanya.

Before he catched me, winisikan ko ulit siya ng tubig. Akala ko ay hindi siya babawi pero halos napatalon ako nang mas malakas ang pag-wisik niya sa akin.

We laughed together as we enjoyed each other's company. Happiness was evident in our eyes. We continued playing on the ocean like little kids not thinking about anything else, just the two of us.

"Baka magkasakit na tayo! Kanina pa tayo nakababad sa tubig," nag-aalala kong sabi.

He pulled me closer to his chest. "I love you so much, Cora..." Mapupungay ang mga mata niya. "You make me crazy each and every day," he added.

I was lost for words. He really loves me? I can see it in his eyes. My chest hammered.

"If you want to live here forever then I am willing to be with you. This place is like a paradise for me, an escape to the reality that both of us wanted. Ipinapangako ko sa 'yo na pasasayahin kita araw-araw."

I can't help but smile. "Paano ang pag-aaral natin?" Humawak ako sa braso niya at unti-unti iyong hinaplos.

He kissed my forehead which made my heart pound a bit. Bakit ganoon ang nararamdaman ko? Parang gustong-gusto ko pero may halong pagkakaba.

"I don't know. We are stuck here on this island so we have no choice."

He gently caressed my cheeks and moved his head closer to mine for a kiss. I closed my eyes and felt his lips pressed against mine.

Why do I suddenly felt butterflies in my stomach? I feel like, I badly want to kiss him more.

"Red..." mahina kong tawag ng pangalan niya.

He stopped and looked away.

"I-I'm s-sorry... Nadala lang ako." Tumingin siya sa baba. "Hindi dapat kita hinahalikan ng ganoon," paliwanag niya. Naramdaman ko ang pagkabalisa niya matapos akong halikan. Dumistansiya siya at nanatiling nakayuko.

Hindi ako makasagot at tumitig lang sa kanya. Aaminin kong nagustuhan ko rin ang halik na iyon, but a part of me is saying that he shouldn't kiss me. Ilang araw ko pa lang siyang nakikilala. Imposible naman kasi na mahal ko na siya kaagad.

Nakakainis! Nalilito na ako sa mga nararamdaman ko.

"Halika, bumalik na tayo..." sabi ko at tinalikuran siya. I have to think first. This is the first time a man liked me. Wala pa akong karanasan at walang mag-aadvice sa akin. Kaya kailangan kapag nagdesisyon ako ay iyong hindi ko na pagsisisihan sa huli.

Red... just give me more time. I am still learning how to love you and for me, it's not easy as I think. Sana hintayin at respetuhin mo ang magiging desisyon ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top