Day 05
I was sleeping peacefully when Red came shouting that I should wake up already. I rubbed my eyes and got up from bed.
"What?" matamlay kong sabi. Gusto ko pang matulog. Ano ba kasi nanaman ang problema nitong lalaking 'to?
"Nakakita ako ng isang bangka kanina na palaot-laot doon!" aligaga niyang bulyaw habang nakaturo sa dagat.
Matagal bago ko na-realize ang sinabi niya.
"Ano?!"
"Halika bilis!" Hinila niya ako patayo at tumakbo kami papalapit sa dagat.
When we reached the shore, Red wasn't lying. There was really a boat but I think it is too far away from us. We started jumping and shouting for help.
"Tulong!"
"Tulungan ninyo kami!"
"Help us!"
"We are stuck here! Tulong!"
Halos mawalan kami ng boses kakasigaw pero nabigo kami dahil mas lalong lumayo ang bangka. I swallowed hard ang tried yelling until I ran out of breath.
"Hey! Come back here!"
"Bumalik kayo rito! Tulungan niyo kami!"
Pero napaos na kami lahat lahat ay mas lalong hindi lumapit sa amin ang bangka hanggang sa hindi na namin sila nakita.
Napahilamos ng mukha si Red habang nakatulala lang ako sa kawalan. Tuloy ay napaupo kami sa dalampasigan at malayong tinanaw ang natatanging pag-asang unti-unting nawala.
I cheered him up. "Huwag kang mag-alala, baka bukas o makalawa ay bumalik ulit iyon dito." I smiled.
He looked at me with his sad eyes. "You think?"
I just nodded and stood up. Inabot ko ang kamay niya at pilit itinayo. Kunot noo niya akong tiningnan.
"Halika, maghanap na tayo ng agahan. Idaan nalang natin sa pagkain 'yan!" Ngumiti ako na siyang ikinatawa niya.
Isa sa aming dalawa ang dapat maging positibo palagi dahil walang mangyayaring maganda kung pareho kaming negative mag-isip.
He smiled back. "Let's go."
Nagsilbing agahan namin ang hinog na mangga at bangus na nahuli ni Red kani-kanina lang.
"So ganito pala ang feeling na tumira sa isla. Walang gadgets, walang tv, at pati pagkain ay nakukuha lang sa gilid," naka-ngiti niyang saad.
I nodded. "Feeling ko tuloy, tayong dalawa sina Eva at Adan."
Nangunot siya ng noo dahil sa sinabi ko bagaman kalaunan ay natawa lang din siya.
"Baka ikaw si Adan?" tukso niya sa akin. Mukha ba akong lalaki?
"Bakit naman ako si Adan? E 'di ikaw si Eva? Bakla ka 'no?" Ibinalik ko ang pang-aasar sa kan'ya.
"What did you say?" His brows creased.
Tumawa lang ako. Syempre joke lang iyon. Gusto ko lang siyang inisin katulad ng ginagawa ni parati sa akin. Ang sarap niyang asarin minsan kasi nakakatawa mga reaksyon niya.
"Bakla!" I shouted at his face.
Ngunit wala siyang reaction at tumitig lang sa akin. His sharp eyes met mine. I gulped and turned around but before I walked away, he caught my hand and pulled me closer to him. My heart raced when he kissed me on the lips.
Humiwalay din siya kaagad ngunit ang mga mukha namin ay sobrang lapit sa isa't-isa. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa biglaan niyang ginawa.
"I am not gay," mariin niyang giit.
I was lost for words when he kissed me again. Oh my God! As in, Oh my God talaga! That was my first kiss!
"W-what... w-why?" Halos hindi ko siya matitigan sa mata.
"I will not take that back," he said in a sexy voice then walked away.
Iniwan niya akong nakatunganga lang dito. Bwisit! He stole my first kiss just because I said that he's gay? Hindi iyon makatarungan!
"Hoy! Bumalik ka rito!" I shouted.
"Humanda ka sa akin, Red!"
Tumakbo ako sa gawi niya at hinila ang kanyang damit.
"Hindi ka magsisisi?" galit kong paghihimutok pero umiling lang siya.
Napa-awang ang labi ko dahil doon. Inuubos talaga ng lalaking 'to ang pasensiya ko. "Why did you do that?" I asked.
He eyed me. I thought he's gonna answer my question but he didn't say a word. Nagpatuloy lang siya sa pag-iipon ng mga kahoy para gawing bonfire mamaya.
"Hindi ka talaga sasagot?"
"Let's talk later." Iyon lang ang sinabi niya at tinalikuran ulit ako.
"Bakit mamaya pa? Ano ba 'yan?!" pagdadabog ko.
Dumating ang paglubog ng araw at hindi pa rin niya ako pinapansin. Parang ginawa niya rin sa akin ang hindi ko pagpansin sa kaniya noon. Bakit ba kasi hinalikan niya ako? It's impossible that he'd do that just because he wanted to. Hindi kaya...
"May gusto ka ba sa akin?" I suddenly asked out of the blue.
Natigilan siya at hinarap ako. He looked at me in the eyes without breaking our eye contact for a few seconds.
"Yes..." he said which made my eyes widened.
I laughed so hard. "Hindi ba ay kahapon lang ay sinabi mo sa akin sa friends tayo? Tapos ngayon..." Hindi ko masabi.
"Seryoso ka ba? Or this is just one of your pranks again? Umayos ka Red ha! Sinasabi ko sa 'yo." Naningkit ang mga mata ko.
"I like you, Cora, at baka mahal na rin kita. When I first saw you, my heart raced like crazy," he whispered.
"H-huh..." Napakurap ako. Bumilis ang paghinga ko pati ang tibok ng puso ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang ang sarap sa pakiramdam na malamang may gusto siya sa akin.
Still! Baka prank lang ito! Tapos sa huli ako lang rin ang masasaktan.
Wait!
Bakit ako masasaktan? E, wala naman akong gusto sa kanya diba? Oo! Wala! Wala! Wala!
"Matagal na kitang gusto..." masinsinan niyang sabi. I saw his eyes twinkle in adoration. Napalunok ako ng paulit-ulit. Ano ang sasabihin ko?
"Ah–"
"Don't!" Inilagay niya ang hintuturo sa mga labi ko. "Let me talk first," pagpapatuloy niya.
Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Ewan, bakit sobrang kinakabahan ako. This is the first time a man confessed his feelings to me.
"The first time I set my eyes on you, I already got a crush on you. Ikinagalit iyon ni Jiara at..."
"What!? So you're saying na ako iyong tinutukoy mo na..."
"Yes." He nodded.
"Nagustuhan ko ang maaamo mong mukha, ang mahinhin mong personalidad, palagi kang ngumingiti, at ang malinis mong kalooban." He smiled.
Mahinhin ba ako? Parang hindi naman. At iyong malinis na kalooban? Siguro nasabi niya lang iyon dahil hindi ako lumalaban sa mga nang-aasar sa akin.
"I liked everything about you." He sighed.
"You are so kind that you didn't even think of taking revenge for the people who hurt you."
A tear fell from my eyes. My Dad told me when I was young, that revenge is bad. Na kapag ikaw ay maghihiganti, lalabas na ikaw ang tunay na mahina.
"I wanna court you..." Our faces are just a few inches away from each other. "With or without your permission." His lips rose.
My heart pounded like crazy. I bit my lower lip and smiled a bit. The heck! Why am I smiling?! Pinilit kong pigilan ang ngiti at tiningnan ang mapupungay niyang mata.
"I... don't k-know what to say," mahina kong sambit.
He let out a chuckle, patted my head, and held my hand."It's alright. Matulog na tayo."
"Hoy! Hindi porket pinayagan kitang ligawan ako ay gumaganyan ka na." sabi ko at inagaw ang kamay mula sa pagkahawak niya.
He smiled sweetly. "So pinapayagan mo na ako? Really?"
Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi naman sa ganoon! Pero a-ano uhm..."
Uh! Nakakainis bakit nauutal ako at hindi makatingin sa kanya? Nahihiya ako! Aligaga akong nangagapa ng salitang pwede kong sabihin sa kanya.
"Goodnight!" sabi ko at tinalikuran siya para humiga na.
I heard him laugh. "Goodnight too, sweet dreams..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top