Wakas
Natawa ako nang makitang nakatulala sila Mayumi, Karina, Nathaniel, at Elora nang matapos kong ikwento ang nangyari sa akin. Kung paano ko nagawang mabilis ang divorce papers namin ni Andrius at kung paano namatay si Tita Aya dahil sa pag baril ko. Ngumisi ako at napailing na lang sa kanilang reaksyon, ngunit napansin kong inabot na kami ng umaga dahil wala ng apoy ang bonfire na nasa gitna.
"Grabe ang nangyari sa 'yo, Adelaide. Hindi ako makapaniwala," sabi ni Karina.
"Maging ako ay ganun rin. Akalain mong napunta ka lang dito sa Isla, nagkaroon ka na ng asawa na sundalo," sabi naman ni Elora.
Tumawa ako at napatingin sa paligid. "Si Maria kaya? Ano kaya ang kwento niya?"
Lahat kami ay natahimik at napalunok dahil lumakas ang hangin. Natawa ako nang mauna pang tumayo si Mayumi kasama si Nathaniel. I chuckled and stood up dahil narinig ko na ang yate na sinasakyan nila Mama Adalynn at Papa George.
"Tara, kumain na lang tayo. Nandito na rin kayo e," nakangiting sabi ko.
"T-tara na. Ginutom ako sa kwento ni Adelaide," nakangising sabi ni Nathaniel.
Being a mother, wife, and painter was a bit challenging for me. I used to be a student at the same time, I'm taking care of my family and Malcolm. Naging mahirap para sa akin ang makabalik ng pag-aaral dahil sa edad ko ngunit hindi ako hinayaan ni Malcolm. He makes sure that I'm safe and I'm peacefully studying about my course. He's always patient with me dahil madalas ay hindi ko s'ya kinakausap at madalas pa na abala kaming dalawa.
I got pregnant when I was in fourth year college. It was unexpected ngunit naalala ko na walang araw na hindi namin ginawa ni Malcolm ang bagay na 'yon. I got pregnant with my twins named Mateo and Melissa at si Tita Shane na rin ang nag-asikaso sa akin hanggang sa manganak ako.
"Tita!" masayang sigaw ko nang makita ang mommy ni Malcolm.
"Dear, how are you? It's been a long time. Wala pa bang kasunod ang kambal?" tanong niya.
"Pinagmamadali mo naman ang anak ko, Shane," natatawang sabi ni Mama Adalynn.
Natawa ako at napailing sa dalawang matanda na nasa harap ko. They want me to give birth again and this time, lalaki naman daw. I wasn't sure of that because Malcolm was too busy and I don't want to be a burden to him. Naalala ko lang nung nagbubuntis ako ay halos hindi na s'ya pumasok. Muntik pa s'yang mag-resign bilang spy police dahil sa iba't ibang bansa na s'ya naka-assign.
"Hindi ako sigurado tita, gusto ko lang muna mag-focus sa kambal. Malay mo..." nakangising sabi ko sa dalawa.
"Oh my God! Hija, don't be so funny today baka magulat kami ay dumuwal ka dyan habang kumakain tayo," nagbabanta ang boses ni Tita Shane.
Tumawa ako at agad silang inasikaso pagkatapos ng mahabang usapan. Nakarating na rin si Malcolm galing sa trabaho. Kaagad na tumakbo ang kambal sa kanya. He kissed my forehead and I smiled at him dahil kahit ilang taon na ang dumaan, mas lalo lang s'yang naging magandang lalaki.
"Are you okay?" nagtatakang tanong ni Malcolm.
"O-oo naman, bakit hindi?" natatawang sabi ko. Hinawakan ko ang pisngi niya. "Pogi mo."
Naubo s'ya at muntik ng mabitawan ang dalawang kambal. Natawa ako at agad na dumiretso sa malaking table kasama ang pamilya ko, pamilya ni Malcolm, mga kaibigan, at higit sa lahat si Alisha. I smiled and gave them food dahil isa lang ang katulong namin dito sa bahay.
"Hindi na ba kayo lilipat sa Maynila?" tanong ni Mama Adalynn.
"Adelaide loves it here, mama," sabi ni Malcolm.
"Ngunit mas magiging madali ang trabaho mo kung nandoon ka, anak. Your daddy needs your help because your grandfather is weak, for now. You need to take care of him," sabi ni Mama Shane.
Natahimik ako at napatango. Tama nga naman sila dahil mas magiging madali kay Malcolm ang trabaho kung nandoon kami sa Maynila. Mag-aaral na rin ang kambal at kahit gusto ko dito, hindi pwede dahil darating ang araw na magiging estudyante na ang mga anak ko.
"Uh, we will get a house there," sabi ni Malcolm at hinawakan ang kamay ko, napansin niya ang pananahimik ko.
"Your dad gave you a house there and all you have to do is renovate it," sabi ni Mama Shane. She looked at her husband who was quiet.
Pagkatapos naming kumain ay ang katulong na namin ang nag-asikaso. Pagkatapos kong bigyan ng laruan ang mga bata ay marahan akong naglakad papunta sa dagat. Huminto ako sa gitna kung saan naabutan ng alon ang mga paa ko. I crossed my arms above my chest and looked at the calm sea in front of me.
"Babe, you okay?"
Naramdaman ko ang marahan na yakap sa likod galing kay Malcolm. Napapikit ako at agad na sumandal sa dibdib niya habang nakalagay ang ulo sa kanyang balikat. He was holding my stomach and caressing it like there was a baby.
"Tama si Mama Shane…kailangan na nating lumipat sa Maynila. Ayaw ko namang mahirapan ka," kalmadong sabi ko.
"It's fine with me. If you want to stay here…I'll go with you—"
Umiling ako at hinaplos ang wedding ring namin.
"Mag-aaral na ang mga bata at may mga trabaho ako sa Maynila. Mahihirapan tayong umuwi dito dahil malayo ang byahe. Desisyon ko ang lumipat dito ngunit naisip ko na mas mahihirapan tayo dahil estudyante na ang mga anak natin," paliwanag ko.
He kissed my neck and my shoulder. Ngumisi ako at hinaplos ang mga daliri niya.
"I'll accept your choice, whatever it may be. There is a house there that I want you to decorate for however long you like. You should be more comfortable, please."
I smiled.
I learned something from Isla Haraya. I became aware that I spent the entire day surrounded by serene water. The serene water observes how I struggle to survive, how I let off my rage and pain, and how at peace I am when I am here.
Isla Haraya is different.
Isla Haraya can heal and give you happiness.
Isla Haraya makes me believe that I will find the love that I deserve.
Isla Haraya was magical and powerful to every one person and that makes the island unique.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top