Kabanata 8
Malcolm's Point of View:
Buong hapon akong nakatulala at nakatingin sa dagat. She left me without a word and she doesn't want to see me because her friend told me. I don't know what's happening and I'm confused. Nabigla ba s'ya? Hindi niya ba nagustuhan ang ginawa namin? Nagbago ba ang isip niya? If she only knew that I love it so much and I'm willing to do that again and again with her. The moment I stole her virginity that's what I realized that I should have been taking care of her.
"Ayaw pa rin lumabas. Why did you fuck a virgin woman, Malcolm?" iritadong tanong ni Zev.
"I don't know that she's a virgin!" iritadong sagot ko.
"She's married too," seryosong sabi ni Kane. He sipped on his wine. "Paano kung malaman ng asawa niya ang nangyari sa inyo? In the eyes of everyone—"
"Aagawin ko s'ya," malamig na sagot ko.
Gulat silang napatingin sa akin at nabitawan pa ni Althea ang chips na hawak niya. Hindi sila makapaniwalang napatingin sa akin, maski ako. I want her mine. I know we've been seeing each other days ago but damn, I can't lose her. Ako ang nakauna sa kanya at ako rin ang magiging huli niya.
"That is cheating. Kilala sa buong bansa ang pamilya mo, Malcolm. Maaari na masira ang apelyido niyo kapag nalaman nilang pumatol ka sa may asawa. Your family is always taking care of the reputation and marriage. Hindi kailanman matatanggap ng pamilya mo kung sakali man na pinakasalan o naging girlfriend mo ang may asawa na. It's a sin, Malcolm. Always remember that," seryosong sambit ni Zeraphine.
I frustratedly combed my hair. "I know. But I want to talk to her."
Umiling si Zev. "Sabi ni Alisha, ayaw raw ni Adelaide. Tsaka nga pala, nagt-trabaho dito si Adelaide bilang waitress."
Kumunot ang noo ko dahil ang alam ko, wala s'yang trabaho. Natigilan lang ako nang makita si Adelaide sa isang restaurant na kung saan may hawak s'yang mop. Why is she working? Wala na ba s'yang pera? Pinagmamasdan ko s'yang nakangiti na bumati sa customer ng restaurant. She led their way to the nearest seat and took all their orders bago s'ya pumunta sa counter.
"See? Hindi mo pa lubos na kilala ang babaeng 'yan, Malcolm. Ilang araw mo pa lang nakikita at 'wag mong sabihin na gagayahin mo na naman ang nangyari noon? You lose your fianceè," malamig na sagot ni Zeraphine.
"Shut up," mariin na sagot ko sa kanya. "Walang kinalaman dito ang nakaraan ko."
"Sinasabi ko lang. You never allow us to enter your world—your darkest world and secret," sagot niya.
"Dahil hindi kailangan. Labas kayo sa nakaraan ko at sa kung ano man ang naging trahedya noon."
I watched her all day. I let her work and enjoy this island. Babalik na rin ako sa trabaho dahil may kailangan akong gawin ngunit I refuse our commander. Hindi ako uuwi ng hindi ko kasama si Adelaide and I know it sounds crazy but I'm willing to learn her past, her family, and her useless husband. Gusto kong malaman ang lahat ng tungkol sa kanya nang sa ganun ay makatulong ako.
"Adelaide," tawag ko at marahan s'yang hinawakan sa braso.
"M-Malcolm," sagot niya. "Anong ginagawa mo dito?"
Tinignan ko s'ya na pagod ang mga matang nakatingin sa akin. Huminga ako ng malalim at dahan-dahan na binitawan ang maliit niyang braso.
"Bakit mo ako iniiwasan?" malamig na tanong ko.
"Hindi kita iniiwasan, ginagawa ko lang ang tama," kalmado ang sagot niya.
I chuckled sarcastically. "After what happened to us? Ginawa mo ang tama? Really?"
She looked at me angrily and I was too to her. Hindi ko s'ya maintindihan at kahit anong sabihin niya, hindi ko iintindihin dahil naiinis ako sa kanya.
"May asawa ako at hindi maganda kung sasama ako sa lalaki habang suot ang singsing ko. Ang nangyari sa atin…kalimutan mo na 'yon. Ganun naman ang mga lalaki—"
"Hindi ako sila, Adelaide. Iba ako sa kanila at anong sinasabi mong kalimutan ko? I took your virginity! I was your first!" iritadong sagot ko.
Hindi s'ya makasagot at umiwas lang ng tingin sa akin. I was mad, yes. I was really mad at her for leaving me when I was sleeping. I was mad at her for not explaining things.
"Because this is cheating…pinagtaksilan ko ang asawa ko, Malcolm. Naisip ko na mali ito at hindi tama," mahinang sabi niya. "Hindi kailanman magiging tama ang magkaroon ka ng relasyon sa katulad ko. Sinisira mo ang pangalan mo…ang reputation mo at maging ang pamilya mo."
"Fuck that reputation," mariin na bulong ko. "Paano ako makakaalis kung alam ko sa sarili ko na paninindigan kita. You hear me? When I lost your virginity I told myself that I will take care of you."
Umiling s'ya. "Masisira lang ang buhay mo sa akin. Mapapahamak ka lang. Please, umalis ka na. Marami pa akong gagawin."
I looked at her and sighed. I'm not the type of person that I will please someone. Maybe she's right? Maybe we're cheating or maybe I was hoping that I will move on by entertaining girls. She looked at me and grabbed her things and walked towards the door.
"Iligtas mo ang sarili mo, Malcolm. I'm sorry," mahinang sabi niya at agad na lumabas ng restaurant.
Kinabukasan ay nagising lang ako ng kumatok si Althea. She's a police officer and a married one. Punong-puno ng alak ang kwarto ko at magulo rin ang kusina dahil sa dami kong binasag na gamit.
"Come on! Anong nangyari?" tanong niya at nakangiwi akong pinagmasdan.
"Nothing. Why are you here?" tanong ko at inayos ang buhok ko.
She sighed. "You need to get back to work. Kailangan nating pag-usapan ang tungkol sa mafia boss na nandito sa Pilipinas. We have led to his transactions."
Gulat akong napatingin sa kanya. She rolled her eyes and left me. Huminga ako ng malalim at tinignan ang oras, tanghali na pala. I immediately walked towards the bathroom and bathed myself. I immediately wore cargo shorts, white t-shirts, and a flannel jacket. Inayos ko ang buhok ko at agad na sinuot ang rimless glasses ko bago ako lumabas ng kwarto.
"Pinapatawag tayo ni commander. May kailangan at importanteng pag-uusapan and it will take 5 days bago ulit tayo makabalik dito sa Isla," sabi ni Althea.
"Bakit ngayon pa?" inis kong tanong.
"You knew him. Kapag importante ang sasabihin, nambi bigla na lang ng announcement. Magpaalam ka na kay Adelaide," nakangising sabi niya.
Speaking of Adelaide. I saw her again but this time, she's doing her art outside the restaurant kasama ang kaibigan niya. Maglakad sana ako ngunit ngumiti na lang ako at umiling.
"Let's go. We're in a hurry." I looked at her and smiled bitterly. "Hindi ko na kailangan magpaalam."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top