Kabanata 5

Adelaide's Point of View:

"Hoy, Adelaide Marasigan sino 'yung pogi na kasama mo kagabi at ngayon ka lang nakauwi huh?"

Nagising ako sa ingay ng bibig ni Alisha. It was 6am and yet she was here in my cabin to scold me for being late. Anong oras na rin ako nakauwi dahil tinuruan ko pa si Malcolm na mag pinta. It was fun being with him because I can get to know him more and to teach him how to paint. It was nice seeing na may mabait pa pala na lalaki. Marami akong na-encounter ng katulad ni Andrius ngunit iba si Malcolm. 

He is a gentleman. Soft spoken person. Genuine. 

"Gumising ka na nga dyan! May sasabihin ako. Alam mo ba hinahanap ka na ng asawa mo!"

Bumangon ako bigla habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya. Nakapamaywang s'ya sa harapan ko habang nakasuot ng bikini. 

"Ano?" gulat na tanong ko. 

"Nalaman ko lang 'to sa isang friend ko and according to her inisa-isa niya ang mga kaibigan ko to find you," sabi niya sa kalmadong boses. 

"Alisha… kailangan ko ng umuwi! Ayaw kong mapahamak ang mga kaibigan mo. Please, umuwi—"

"Calm down okay? Sinabi ko na nasa Paris ako with some of my model friends. Hindi na rin s'ya nagtanong pero alam kong pinapahanap niya na ako sa mga tauhan niya," nakangising sagot niya. 

Napalunok ako dahil alam ko kung gaano kadelikado si Andrius. After all he's a mafia boss from Italy. Maaari na isang tawag niya lang sa mga tauhan niya ay hahanapin niya na kami sa iba't ibang lugar. Kinakabahan ako at ang bilis ng tibok ng puso ko. Panay ang paglunok ko. 

"Adelaide, tago ang lugar na ito. Ang Isla Haraya ay isang private property at kasalukuyan na namamahala dito ay ang isang Hernandez. Hindi ka mahahanap ng asawa mo dahil hindi nila alam ang lugar na 'to," mahinahon na sabi niya. She smiled and held my shoulder. 

"Natatakot ako…" mahinang sabi ko. "Delikado si Andrius at nakilala kita dahil sa kanya. Isang tawag niya lang sa mga tauhan niya ay pareho tayong malalagot."

She chuckled. "Hindi niya ako mahahanap. Tinawagan ko ang daddy ko to block every information on me. Habang nandito ako, na kaibigan mo, hinding-hindi ka niya masasaktan ulit."

Laman ng isip ko ang mga sinabi kanina ni Alisha. Naglakad-lakad ako sa buhanginan habang nag-iisip ng paraan para makatakas kay Andrius. Months are enough but I'm also worried about my family. Sila Tita Aya, Tito Brandon, at ang mga pinsan ko. Kung hindi ako magpapakita sa kanya ay ang pamilya ko naman ang malalagot sa kanya. 

"Watch out!"

Nanlaki ang mata ko nang tumama ako sa matigas na bagay dahilan para mapapikit ako. Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko at napasinghap nang malapit na ako sa dibdib ng isang lalaki. I slowly looked at it and I was stunned to see Malcolm seriously looking at me. Ngayon ko lang naramdaman na hawak niya ang braso ko. 

"Sorry…" mahinang sabi ko. Nahihiya dahil hindi ko nakita ang dinadaanan ko. 

"Are you okay?" nag-aalala na tanong niya at pinagmasdan ako. 

Umayos ako nang tayo at inayos ang buhok ko. Kaagad akong lumayo at marahan na tumango sa kanya. Hindi ako makapag isip ng maayos dahil sa mga sinabi ni Alisha tungkol kay Andrius. 

"You're spacing out while you're walking. Kung hindi ko pa nakita ang speedboat na ilalagay dito ay baka tinamaan ka," sabi niya sa seryosong boses. 

Tinignan ko naman ang sinasabi niya at tama nga s'ya dahil may speed boat sa tabi ni Malcolm. Napalunok ako at napatingin sa kanya at napatitig sa mukha niya. He has low faded brown hair, almond black eyes, narrow pointed nose, high cheekbone, and thin lips. Ang katawan niya ay halatang laging nasa gym. He's bulkier than Andrius. May necklace rin s'ya at isang maliit na hikaw sa kanan niyang tainga. 

"Adelaide?" Napa kurap ako at tumawa nang kaunti. "You're staring at my face for a minute."

"Huh? S-Sorry," natatawang sabi ko. 

He shook his head. "Gusto mo bang sumakay sa jet ski?"

Tinignan ko s'ya at ang jet ski na nasa gilid niya katabi ng speed boat. Napalunok ako dahil natatakot ako sumakay sa ganyan at mukhang napansin ni Malcolm kaya hinawakan niya ang kamay ko. I looked at our hands while we were walking towards the jet ski. 

"I'll be the one who will drive, don't worry," nakangising sabi niya. 

"Hindi ba delikado 'yan?" tanong ko habang pinagmamasdan s'yang inaayos ang jet ski. 

"Nope. I've been riding it for years and I must say that I really enjoy it," sagot niya. He looked at me and smiled. "Shall we?"

I didn't even think twice at agad hinawakan ang kamay niya. There's electricity I felt when our palm touched each other. Bumilis rin ang tibok ng puso ko kaya naman kinagat ko ang loob ng pisngi ko. Sumakay ako sa jet ski at nasa harapan naman s'ya. 

"Ready?" tanong niya at sinilip ako. "Humawak ka sa baywang ko."

"R-Ready," sabi ko at dahan-dahan na hinawakan ang damit niya. 

"Adelaide, I said hold my waist not on my clothes," seryosong sabi niya. 

Biglang umaandar ang jet ski kaya naman wala akong nagawa kundi ang yumakap sa baywang niya. Naramdaman kong natigilan s'ya ngunit napapikit ako dahil mabilis ang takbo ng jet ski. Unti-unti ay dinilat ko ang mga mata ko at namangha nang makita ang malaking bahay kubo sa gitna ng dagat. Gusto kong makapunta doon at gusto kong makita ang maliit na bathtub na nasa labas nun. 

"Ang ganda doon!" sigaw ko dahil hindi niya ako naririnig sa lakas ng alon. 

"Where?" tanong niya. 

Tinuro ko ang bahay kubo na nasa gitna. Tumango s'ya at agad na niliko ang jet ski kaya napahawak ako sa kanya. Huminto ang jet ski sa malaking bahay kubo. 

"Gusto mo dito?" marahan na tanong niya. 

Tumango ako. 

"Okay," nakangiting sagot niya. "Wait let me assist you before you go."

Nilapit niya ang jet ski at agad s'yang umakyat kaya naiwan ako sa jet ski. Napalunok ako ng hawakan niya ang magkabilang baywang ko para i-angat ako papunta sa floor. I chuckled nervously when I went upstairs. Namangha ako sa ganda ng bahay kubo na ito. Malaki ang loob niya at kumpleto sa gamit ng kusina, malaki ang kama sa gitna, may TV, at dimmed lights ang bawat paligid. 

"Ang ganda dito," nakangiting sambit ko habang pinagmamasdan ang loob. 

"It's my first time here. Maganda nga," sagot niya. "Do you want to stay here?"

Tinignan ko s'ya na nakasandal at nakatayo sa railings habang nakatingin sa akin. I nodded my head and smiled at him dahil gusto ko dito. 

"Okay. I'll rent it. Wait," aniya at bigla na lang pumunta sa telephone na nakalagay sa loob. "Hello ma'am, I will rent this nipa hut for 7 days… Thank you, yes. Good morning."

Ngumiti ako at ganun rin s'ya. Lumabas kami at umupo sa maliit na dining table at maliit na upuan. Sabay naming pinagmasdan ang dagat na tahimik. 

"Is it okay with you if ako ang kasama mo?" tanong niya. "I mean, I'm a man and we both met earlier."

"Wala namang problema." Mas okay na rin ito na kasama ko ang ibang lalaki. That way, I can't think of Andrius. Napalunok ako at tumango. "It is okay with me."

He smiled. "We will both enjoy this. Don't worry."

I will enjoy this with you. I smiled and looked away. I need to get rid of Andrius Caliber.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top