Kabanata 15

Adelaide's Point of View:

Hinawakan ko ang bibig ko nang makita si Malcolm sa screen ng cellphone ni Andrius. Napailing ako nang makitang may tama ng baril si Malcolm. Tinignan ko si Andrius na nakangiti habang pinapanood ang nangyari sa bahay niya kanina lang. 

"Bakit mo ginawa 'yon?" umiiyak na tanong ko. 

"I did what I wanted," he simply said. 

Napailing ako. "Paano mo nakakayanan na mandamay ng mga taong wala namang ginagawa sa 'yo!"

Napasinghap ako nang hawakan niya ang magkabilang panga ko gamit ang isang kamay niya. Mariin s'yang tumingin at agad akong nakaramdamn ng takot dahil sa ginawa niya. Pakiramdam ko ay anuman oras ay papatayin niya ako, naghihintay lang s'ya ng tamang pagkakataon para gawin ang bagay na 'yon.

"I did what I desired. You have no right to say that in front of me because in the first place…your family did something wrong to me!" sigaw niya. "Your family…destroyed my company—my dad's company. They destroyed that piece by piece that caused my daddy's death." 

Wala akong nasagot sa kanya. Wala akong alam tungkol doon dahil hindi ko naman kilala ang mga sinasabi niya. Sinabi niyang isa akong Salvador ngunit hindi ko naman kilala ang mga taong tinutukoy niya. I was with Mother Elly when I was young and one thing that I remembered is the embroidered handkerchief. Palagi kong dala 'yon dahil sabi sa akin ni Mother Elly, babalik daw ang nanay ko para kunin ako at 'yung panyo ang tanging palatandaan na anak niya ako. 

"That's why I married you because I want to take my revenge. I want you to suffer! I want you to be killed by me. I want you to die!" sigaw ni Malcolm sa akin. 

"That's not what I want to do with my life, Andrius. You don't have to take revenge using me…I don't know what—"

"Shut up!" sigaw niya. Isang malakas na sampal gamit ang likod ng palad niya ang natanggap ko. 

Nanginig ang labi ko at hindi na nagsalita dahil sa nagbabadya kong mga luha. Umaandar ang kotse papunta sa isa sa mga ari-arian niya. Katapat non ay isang malaking lupain na napapaligiran ng mga matataas na puno. Hindi ko alam kung saan ito ngunit nakikita kong malapit ito sa gubat na may mataas na bangin. I was nervous by this time because I know for sure that Alisha will come to me. I don't want to be burden to anyone because I know what burden means. 

"We're here, Don Andrius," sabi ni Rex. Tinignan niya ako at si Andrius. 

"Secure the place. I know they will come here. Let's give them a show," nakangiting sambit ni Andrius. 

Binuksan ang pinto ng kotse at agad niya akong hinila. Mabilis akong sumunod kahit pa masakit ang buo kong katawan dahil sa ginawa niya, dala na rin ng hindi pa ako kumakain. Pumasok kami sa isang malaking bahay at kumpara sa mansion, mas marami ang tao dito. I was praying that Malcolm will bring a team or they will bring battalion soldiers to come here. Kung nalaman ko nang mas maaga na isa s'yang pulis, nagsabi na sana ako kaagad. 

"I want to tell you a story, Adelaide," nakangising sabi ni Malcolm. 

Tinuro niya ang upuan at kusa akong umupo doon, sa likod ko ay ang dalawa niyang tauhan. I sat there and looked at him, sipping on his wine glass. 

"Adalynn Marasigan has a husband named Rogelio. They married each other and made you—that's why you're here. I knew that you're with your auntie because of your Uncle Brandon, who was my right hand for the transaction," nakangising sabi niya. "Adalynn Marasigan was your mother. She raised you but…"

"Anong sinasabi mo? Don't lie to me," mariin na sagot ko. 

He chuckled. "Adalynn raised you well. Braver than ever like her mother. Did you know that I was the one who killed your father? Rogelio destroyed my father and I gave that to him—I killed him."

Hindi ako nagsalita ngunit ang puso ko ay naninikip dahil sa mga sinasabi niya. Pinatay niya ang papa ko? Nagsasabi ba s'ya ng totoo?

"Rogelio killed by me and that's the last time I feel satisfaction because I took revenge on the Salvador. I want to kill your mother too but she's too intelligent because she gave you to the orphanage too early," natatawang sabi niya. 

He's evil. 

"So I knew that Adalynn flew away to Germany and surprisingly, she married a navy man who is your step father! I wouldn't have a chance to kill your mother because she was protected by that bitch," galit na sabi niya. "So…if I can't kill the mother…I will kill the daughter. Thanks to Aya and Brandon for keeping you alive and breathing."

"Wala kang puso!" sigaw ko habang nanginginig ang buo kong katawan. "Napaka walang hiya mo, Andrius! Paano mo nagagawa ang mga bagay na 'to? Did you even think your family's reaction huh?"

Tumawa s'ya nang malakas habang ako ay halos sakalin na s'ya dahil nagagawa niya pang tumawa. Naninikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan s'yang natatawang nakatingin sa akin. Hindi ko mapapatawad ang ginawa niya! Pinatay niya ang tatay ko na hindi ko man lang nakilala sa matagal na panahon. 

"You're making me cry, Adelaide," natatawang sabi niya. "Of course…I knew their reaction. They're happy! They're happy in heaven. I know they're proud of me because I finally took a revenge."

Dahan-dahan akong umiling. "They will never be happy because of you, Andrius. They will never be glad to see you killing someone—innocent one."

Galit niya akong tinignan at agad s'yang tumayo para salubungin ako. Galit na galit ang mga mata niyang nakatingin sa akin habang hawak ako sa leeg. Galit ko s'yang tinignan dahil hindi ko makita ang dahilan kung bakit niya 'to ginagawa. 

"I don't need your opinion," mariin na sabi niya bago ako bitawan. "I don't need that! I need to kill you. Yes, I will kill you so you can be with your father."

"Anong gagawin mo?" natataranta na tanong ko. 

Tinatali nila ang mga kamay at paa ko. Nanlaki ang mga mata ko nang hilain nila ako at pinalakad papunta sa labas. Nanlaki pa lalo ang mga mata ko nang makita ang hinuhukay nila sa gitna ng patag na lupain sa labas. 

"A-anong gagawin niyo?" kinakabahan na tanong ko. 

"You want to know your father right? You will be with him, Adelaide. Thank me later," nakangiting sabi niya. He looked seriously at his people. "Go, put her in her beautiful coffin."

"Andrius!" sigaw ko habang binubuhat nila ako. "No! A-andrius—Bitawan niyo ako!"

Nanginginig ang buo kong katawan nang ilapag nila ako sa kabaong. Nanlaki ang mga mata ko at huli ko na lang nakita ay ang mukha ni Andrius. 

He smiled. "I will pray for you."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top