Kabanata 14
Malcolm's Point of View:
"Hindi pa rin natin mahanap."
I sighed and put down all the documents that I've been reading. Nakabalik na kami sa Manila at hanggang ngayon ay hinahanap pa rin namin si Adelaide. Wala kaming ideya kung nasaan s'ya dahil ayon kay Alisha, wala rin s'yang ideya ngunit alam niya ang bahay ni Adelaide. We want to go there but then again, naisip kong maraming bantay ang nandoon. Maraming mga tauhan ang mga Caliber at kung papasukin namin 'yon, maglalakad pa lang kami, patay na agad kami.
"Ano na ang plano mo?" tanong ni Althea.
"Pupuntahan ko ang bahay ni Andrius para kunin si Adelaide," mariin kong sagot.
"Are you really sure about this?" tanong ni Kane.
Tumango ako at tinignan ang mga pictures ng bahay ni Andrius. Malaki nga 'yon at may malaking pader, mukhang mahirap pasukin ngunit kaya ko, para kay Adelaide. Huminga ako nang malalim at nagsalita.
"Pupunta ako. Kung hindi kayo sasama, ako na lang mag-isa."
Kinagabihan ay naghanda agad ako. Hindi ko sinabi kila mommy na ganito ang ginagawa ko dahil ang alam lang nila, puro investigations at paghuli sa mga masasamang tao ang ginagawa ko. They didn't know about Adelaide and what we were on the Island. Hindi niya alam na hinahabol ko si Adelaide. Gusto kong makuha ulit si Adelaide.
"Malcolm."
Natigilan ako nang marinig ang pamilyar na boses. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at napasinghap nang makita si lolo kasama si daddy. Napakurap ako at napatayo at magalang na yumukod sa kanilang dalawa.
"W-what are you doing here?" gulat na tanong ko.
Lolo looked at me and walked towards the sofa. Sabay ko silang pinagmasdan at napalunok nang makita si daddy na tinitignan ang mga libro sa shelves.
"I got the news that you're finding Adelaide." Gulat akong napatingin kay lolo. "You didn't know her, I guess?"
"What do you mean?" sagot ko. Tinignan ko si daddy na kalmadong umupo sa sofa katabi si lolo na nakangisi.
"She's Salvador and she's the lost daughter of Adalynn. Marasigan ang surname niya dahil 'yon ang apelyido ni Adalynn sa pagkadalaga. Nawala si Adelaide dahil sa pinagpalit ni Aya ang dalawa. Ang anak ngayon na nasa puder ni Adalynn ay ang anak ni Aya habang si Adelaide naman ay nasa puder ni Aya," paliwanag ni lolo.
Gulat akong napatingin sa kanila at hindi makapaniwala sa naririnig ko.
"Inggit at selos ang dahilan kung bakit ginawa 'yon ni Aya. Akala niya tinatanggalan s'ya ng karapatan sa ari-arian nila ngunit dahil 'yun ang utos ni Abel, ang ina nila Adalynn at Aya," sabi naman ni daddy. "Kaya nagawa ni Aya 'yon dahil hindi s'ya ang pinili ng asawa ni Adalynn ngayon bilang asawa nito. The rest is history."
"How did you know about this?" naguguluhan na tanong ko.
Lolo smiled. "Matagal na naming kilala si Adalynn at nang malaman namin na nahanap mo o nakita si Adelaide. We gather some informations about her and Adalynn wants to know more about that girl named Adelaide. Kawawa ang batang 'yon kaya naman mabuting hanapin mo na si Adelaide. Nagtawag na rin kami ng ilang tauhan papunta sa bahay na 'yon."
I smiled. "Thank you, lolo."
Sumakay ako sa kotse at agad na pumunta sa mansion na sinasabi ni Alisha. Nang makarating doon ay agad kong kinuha ang baril ko at mabilis na lumabas sa kotse kasama ang kaibigan ko. I looked at the mansion and it's pretty big like what Alisha described. Tinignan ko ang mga tauhan namin at agad akong tumango sa kanilang lahat.
"Secure the place. Papasok ako sa loob," malamig na sabi ko.
"Yes, sir."
The large gate's surrounding wall is tall. Without climbing the big tree around the home, we would not have been able to enter. To get to the tree branch, I climbed up to the roof of my car on the nose. At the top of the tree, I lifted my body and turned to face the ground. Many folks were present, some of them were quietly observing the area around Andrius' home.
"Shoot them," sabi ko.
May mga kasama kaming sniper kaya naman isa-isang tumumba ang mga tao na nasa ibaba. Ngumisi ako at agad na bumaba ng tahimik sa mataas na pader. Napahiga ako sa bermuda grass at napadaing dahil sumakit ang likod ko. Tahimik akong naglakad papunta sa pinto at nakitang naka-unlocked 'yon. I slowly walked and searched for Adelaide ngunit hindi ko s'ya makita sa kahit saan.
"Second floor," sabi ni Althea.
Pumunta kami sa kusina at halatang walang tao dito. Nagtataka kong tinignan ang isang pinto at nang buksan ko 'yon ay may nahulog na isang tao na nakalagay sa trash bag.
"Kunin mo!" singhal ko. "Bilis!"
We entered the second floor and inspected each room we could. In one of those, Adelaide was nowhere to be seen, but I discovered some garments, and the other room was locked. I could smell Adelaide's perfume as soon as I moved toward the blood red room. I walked in and took a quick glance around the space. I noticed some of her clothing and belongings in her bed. I could only see the white bedsheet and one cabinet, and the bedsheet was neat.
"Wala s'ya dito," mahinang sabi ko kay Althea.
"Kung wala s'ya dito sa tingin ko ay nakatunog sila. Nakaalis na sila nung papunta na tayo," sagot niya.
"Baka nandito pa…baka tinatago lang si Adelaide. May huling kwarto sa dulo ng hallway at malakas ang kutob kong nandoon si Adelaide," mariin at galit kong sagot.
"Then let's see."
Lumabas kami sa kwarto at agad na tinignan ang black door sa dulo ng hallway. Dahan-dahan kong hinawakan ang baril ko at marahan na naglalakad papunta sa dulo ng hallway. Kasama ko ang mga tauhan ko at ang iba sa kanila ay nasa ibaba para magbantay kung sakali man na dumating si Andrius. I hold the door and swiss it, it was unlocked. Malakas ang kutob kong nandito si Adelaide.
I hope so.
"In the count of three…1…" mahinang sabi ko. "2…3!"
Malakas kong binuksan ang pinto at ang bumungad sa amin ay malakas na putok ng mga baril. Napadaing ako nang tamaan ako sa tagiliran at braso. Hinila ako ni Althea papunta sa gilid at nanlaki ang mga mata ko nang makitang may tama sa iba't ibang parte ng katawan ang mga kasama ko.
"Fuck," bulong ko at hinawakan ang tagiliran ko dahil sa daplis gawa ng bala ng baril. I looked at Althea who was shot on her shoulder. "Are you okay?"
"Y-yes…" bulong niya. "Ang mga kasama natin, Malcolm. Lintek talaga!"
Napatingin kami sa kwarto at nakita ang isang laruan na sasakyan. Sa taas nito ay isang radio speaker kaya naman kinuha ko 'yon at pinakinggan.
"Peek a boo!" Nagtagis ang panga ko nang marinig ang boses ni Andrius. "The time is tickling, Officer Malcolm."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top